You are on page 1of 5

Tambangan

School: Elementary School Grade Level: Two


ROBIN Z. Learning Araling
Teacher: POSTRADO Area: Panlipunan
DAILY LESSON
LOG Teaching Dates Week 6/ March 22,
and Time : 2023 Quarter: THREE

Week 2
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang kahalagahan ng


mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa pagsulong ng mga
pangunahing hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng
mga kasapi ng sariling komunidad
B. Pamantayang Pangganap Ang mag-aaral ay… nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa
pagsulong ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa
komunidad tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga
kasapi ng sariling komunidad
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting pinuno. (AP2PSK- IIIa-1)
(Isulat ang code sa bawat
kasanayan)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa
K – 12 CG ph. 53 ng 240, MELC CG ph. 31
Pagtuturo
2. Mga pahina Kagamitang ng Mag LM ph. 1-9 Aralin 6.2 Paglilingkod sa komunidad
–aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
LRDMS
B. Iba pang Kagamitan sa Pagtuturo Mga larawan ng naglilingkod sa komunidad, PPT
IV.PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa nakaraang aralin o Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (✓) kung ang
pasimula sa bagong aralin isinasaad ng pangungusap ay tungkulin ng pamahalaan at ekis (
x ) naman kung hindi.

_______1. Ang barangay health center ay nagbibigay ng libreng


bakuna sa mga batang may edad na limang taong gulang
pababa.
______2. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga nawalan ng
trabaho dahil sa pandemya.
______3. Ang lokal na pamahalaan ang nagpapagawa ng mga
daan at tulay sa bawat barangay.
______4. Pinipili ng pamahalaan ang tinutulungan sa panahon
ng pandemya.
______5. Mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang mga
batas laban sa sakit na COVID-19.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Panuto: Hanapin sa crossword puzzle ang mga katangian ng isang
(Motivation) mabuting pinuno. Isulat ang mga salitang nahanap sa iyong sagutang
papel.
C. Pag- uugnay ng mga halimbawa Panuto:Basahin ang isang usapan sa ibaba tungkol sa pagpili ng
sa bagong aralin (Presentation) kanilang magiging pinuno sa isang komunidad.
Sagutin ang mga tanong:

1.Tungkol saan ang usapan na inyong nabasa?


2. Ano-ano ang mga sinasabi dito tungkol sa pamumuno?
3.Anong mga kabutihan ang nais nila sa isang pinuno?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang hugis puso ( ) kung ang
at paglalahad ng bagong kasanayan pangungusap ay nagpapakita ng isang mabuting katangian ng pinuno
No. 1 (Modeling) at parisukat ( ) kung hindi.

_______1. Ginagamit nang wasto ni Kapitan Tomas ang pondo sa


iba’t ibang programa ng barangay.
_______2. Maayos na ipinatutupad ang mga batas at programa
lalong-lalo na sa panahon ng pandemya.
__ _____3. Pinipili ng lider ang bibigyan ng tulong sa panahon ng
pandemya.
________4. Sariling interes ng lider ang nasusunod sa bawat
pagpapasya.
___ _____5. Ipinatutupad nang maayos sa buong komunidad ang
wastong pagtatapon ng basura.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto Panuto: Basahin ang bawat. Sabihin ang salitang mabuti kung
at paglalahad ng bagong kasanayan ito ay tungkol sa kabutihang pamumuno at hindi-mabuti naman
No. 2. (Guided Practice) kung hindi.

1. Ang isang pinuno ay tumutulong sa mga


nangangailangan.
2. Pinapayuhan ng kapitan ang mga tao sa kanilang
barangay na laging magsuot ng face mask.
3. Itinatabi muna ng pinuno ang mga relief goods bago
ipamigay sa kanyang mga kamag-anak.
4. Hindi ipinatutupad ng mga namumuno sa pamayanan
ang health protocol.
5. Ang pagbibigay ng tulong ay para sa lahat ng
nangangailangan.

F. Paglinang sa kabihasnan Pangkatang gawain:

Unang Pangkat
Panuto: Sagutin ang tanong. Sabihin sa harap ng klase ang
sagot.

1.Ano – ano ang katangian ng isang mabuting pamumuno?

Pangalawang Pangkat
Panuto: Sagutinang tanong. Sabihin sa harap ng klase ang
sagot.

1.Ano-ano ang katangian ng hindi mabuting pamumuno?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw Panuto: Basahin ang isang sitwasyon at sagutin ang tanong.
araw na buhay (Application/Valuing)
Ikaw ay nahalal o ibinoto ng iyong mga kaklase bilang pangulo
ng klase na mamumuno sa loob ng silid-aralan. Bilang isang
pinuno, anong mga kabutihan ang iyong ipakikita sa iyong mga
kaklase?
H. Paglalahat ng Aralin Magbigay ng isang mabuting halimbawa ng isang pinuno?
( Generalization)

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong na tumutukoy sa


katangian ng isang mabuting pinuno. Isulat ang titik ng wastong sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Sa panahon ng pandemya, walang pinipili ang kapitan, ang lahat ay


naabutan ng tulong mahirap man o mayaman. Anong katangian ang
ipinapakita sa pangungusap?
A. maka-Diyos
B. makakalikasan
C. mapagkakatiwalaan
D. walang kinikilingan

2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na mapagkakatiwalaan ang


isang pinuno?
A. Hindi ginagawa ang kanyang mga tungkulin.
B. Matapat na ginagastos ng pinuno ang badyet.
C. Hindi isinasagawa ang mga proyekto ng barangay.
D. Hindi ipinamimigay ang tulong sa mga kabarangay.
3. Ipinapatupad ni Kapitan ang paghihiwalay ng mga nabubulok at di-
nabubulok na basura. Anong katangian ang ipinapakita ng pinuno?
A. mabait
B. masayahin
C. makakalikasan
D. maka-Diyos

4. Alin ang nagpapakita ng magandang katangian ng isang pinuno?


A. hindi kinakalinga ang mahihirap sa lipunan
B. hindi tumutupad sa kaniyang mga pangako
C. walang pakialam sa mga taong nasasakupan
D. tumutulong sa mga tao sa panahong may pandemya

5. Alin sa sumusunod ang katangiang HINDI dapat taglayin ng isang


pinuno?
A. makatao
B. makasarili
C. maka-Diyos
D. makakalikasan
J. Karagdagang gawain para sa .
takdang aralin( Assignment)
V. Mga Tala
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng ____ mula sa _____ na mga mag-aaral ang nakakuha ng 80% pataas
80% sa pagtataya. ____ sa mga ito ang nakakuha ng 79% pababa

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ___ng mga mag-aaral ang nangangailangan ng karagdagang gawin upang mapaunlad
ng iba pang gawain para sa remediation. pa ang kanilang pagkatuto ng tinalakay na aralin.

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin. ___Oo ___Hindi
____bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na ___ bilang ng mag-aaral ang nangangailangan ng patuloy na dagdag pagsasanay
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo Mga Istratehiyang nakatulong ng lubos sa pag-unawa sa aralin
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? pangkatang gawain
Paggamit ng video presentation .
Bakit ito nakatulong?
Sapat ang kagamitang panturo
Nakahihimok sila na makibahagi sa mga gawain.
Worksheet
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like