You are on page 1of 3

Name of Teacher: Merlina Narredo Sali Date: March 28, 2023

Grade Level: Grade 2 Time: ________


Quarter and Week: Quarter 3 week 7

Lesson Plan in ARPAN 2

I- Objective

Sa pagtatapos ng 50 seguntong talakayan, ang ikalawang baitang ay inaasahan na;

a. Naiisa-isa ang mga katangian ng isang mabuting pinuno


b. Napapahalagahan ang mga mabuting katangiang dapat taglayin ng isang mabuting
pinuno.
c. Nasasagot nang wasto ang mga ibinigay na mga gawain.

II- Subject Matter


Naiisa-isa ang mga Katangian ng Mabuting Pinuno
References: ARPAN 2 CG (AP2PSK- IIIa-1)
ArPan module, Quarter 3, week 6
Materials: Pictures, Visual aids,

Subject integration: ESP2 (EsP2PPP- IIIi– 13)


Values Integration: Understanding, appreciation
III- Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Magandang umaga mga bata bago tayo magsimula sa ating aralin, tayo ay
sasayaw muna.

B. Balik – Aral
Bilang isang bata, ano ba ng kahalagahan ng mga lider ng ating komunidad?

C. Pagganyak

Tukuyin ang larawan.

D. Pagmomodelo (I do)

 Maaaring mamuno ang isang tao kung siya ang nakakuha ng pinakamataas na
bilang ng boto mula sa taong-bayan sa halalan.
 Ang isang pinuno ay kinikilala sa kanyang mabuting paglilingkod sa kanyang
nasasakupan kasama ang kanyang mga kasapi.

E. Ginabayang Pagsasanay (We do)

Panuto: Kopyahin sa iyong papel o kwaderno ang puso na nagpapakita sa mga katangian
ng isang mabuting lider.

F. Malayang Pagsasanay (You do)

Panuto: isulat sa patlang ang tsek (/) kung ang pahayag ay tama, at ekis (x) naman
kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

______1. Ang pagpili sa isang mabuting pinuno ng komunidad ay tungkulin ng


bawat mamamayan.

______2. Ang pagkakaroon ng mabuting pinuno ay may masamang epekto sa


komunidad.

______3. Ang bawat mamamayan 18 pababa ay maaaring bumoto sa halalan.

______4. Ang mga pinuno ng komunidada ay dapat responsible, masipag, at


mapagkatiwalaan.

______5. Ang mga pinuno ng komunidad ay may malaking tungkulin sa


pagpapaunlad ng kanilang komunidad.

G. Paglalahat

 Ang mga katangian ng isang pinuno ay matulungin sa kapwa mabait, may sapat na
kaalaman, maaasahan, mapagbigay mapagkumbaba, masunurin sa batas, matapat sa
tungkulin at higit sa lahat may pananalig sa Dios. Ang mga katangiang ito ng isang
pinuno ay kailangan para sa ikauunlad ng bayan.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat ang letrang N kung ang isang namumuno ay nagpapakita

ng magandang katangian. Isulat ang letrang WN kung hindi ito

nagpapakita ng magandang katangian. Isulat sa papel o kwaderno ang

iyong sagot.

_____1. Nagbibigay ng pagkain sa kanyang mga nasasakupan.


_____2. Nagkalat ang mga basura sa kanilang barangay.

_____3. Nagsigawan ang mga tawo sa barangay.

_____4. Pinangungunahan ng aming Kapitan ang pagsasanay para sa

programa ng barangay.

V- Takdang Aralin

Magtala ng limang katangian ng isang mabuting pinuno sa isang komunidad.

Prepared by:

Merlina Narredo Sali

Checked by:

Annie France A. Juaton


T-III/ Cooperating Teacher

You might also like