You are on page 1of 9

University of San Jose-Recoletos

ELEMENTARY DEPARTMENT
Basak-Pardo, Cebu City

LEARNING DESIGN IN ARALING PANLIPUNAN 2 3.4

VITAL LESSON FEATURES & INFORMATION


Title of the Lesson Pamumuno at Paglilingkod sa Komunidad

VEFP Anchor Excellence: Professionalism

JEEPGY Focus Engaged, Informed & Responsible Citizenship:


Maling pamumuno sa isang komunidad

21st Century Skill Integration Critical Thinking, Communication and Creativity

Main Resource/s
Lunday 2 pahina 188 – 193

DESIRED OUTCOMES OF LEARNING


Established Goal:
Sa pamamagitan ng makabuluhang mga gawain sa modyular na paraan, ang lahat ng
mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang konsepto ng pamamahala at
pamahalaan at ang tungkulin ng mga namumuno nito sa komunidad.

Specific Objectives from the Goal (DepEd MELCs/Competencies):

LEARNING TO KNOW Natutukoy ang paraan sa pagpili ng pinuno sa


komunidad;

LEARNING TO DO Naibabahagi ang iba pang tungkulin ng mga pinuno sa


komunidad; at

LEARNING TO FEEL & Nasasabi ang tamang paraan sa pamumuno ng isang


LIVE TOGETHER komunidad.

Assessment: RUS – Pag-alala sa mga mahahalagang impormasyon

AAS – Pagbibigay ng mga katangian ng mga pinuno

ECS – Pagkilatis sa katumpakan ng mga pahayag

Performance Task and Pagsulat ng isang liham pasasalamat sa paboritong


Criteria: pinuno ng iyong komunidad
Pamantayan:
Nilalaman= 15
Linaw ng Pagkakasulat=5
Kalinisan= 5
Kabuuan ------- 25 puntos

LEARNING PROCESS
Pagganyak

Panuto: Tingnan nang mabuti ang larawan sa ibaba, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan at isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?

Magbigay ng dalawang sagot.

__________________________________

__________________________________

__________________________________

2. Magbigay ng dalawang halimbawa na

kanilang ginagawa sa larawan. ________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

3. Dapat bang magbigay ng tulong ang mga tao sa mga mamamayan ng kanilang

lugar? Bakit?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Pagtatalakay

Maraming tao at pamilya ang naninirahan sa isang komunidad. Lahat sila ay may
iba’t ibang pangangailangan. Ang tagumpay ng pamumuno sa isang komunidad ay
nakasalalay sa talino at kahusayan ng pinuno nito sa pamamahala. Kailangang
marunong siyang makiisa at makisalamuha sa bawat naninirahan dito. Mahalagang
maunawaan ng bawat isa ang konsepto ng pinuno at pamumuno, tungkulin ng mga
pinuno sa komunidad at ang kahalagahan ng kanilang pamumuno.

Ang barangay ang pangunahing samahan na namumuno sa komunidad. Dito unang


lumalapit ang mga tao para sa kanilang mga pangangailangan. Ang pamumuno ay
pambihirang karapatan at mahalagang katungkulan. Ang pinuno ang nangunguna at
nangangasiwa sa gawaing itinakda ng isang pangkat, samahan o kalipunan ng mga
tao.

Pinipili ang mga pinuno ng barangay sa pamamagitan ng halalan. Ibinoboto ng mga


tao ang mga kandidato na gusto nilang maging pinuno. Ang kaunlaran at katahimikan
ng isang komunidad ay nakabatay sa uri ng pinuno. Kinakailangang magpakita siya ng
magandang halimbawa na maaaring tularan. Matiwasay o masalimuot man ang mga
nangyayari sa komunidad, ito ay nakasalalay sa uri ng pamamahala ng isang punino.

Narito ang ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno:


• responsable
• may disiplina sa sarili
• naninindigan sa katotohanan
• huwaran at modelo ng mabuting gawa
• walang kinikilingan sa pagpapatupad ng batas
• inuuna ang kapakanan ng mga tao sa komundad
• mapagpakumbaba, matapat, at may pagpapahalaga sa mga karaniwang tao

Sa pahina 190-193 ng Lunday 2 na aklat ay makikita at malalaman mo ang tungkulin


ng isang pinuno, larawan ng mabuti at hindi mabuting pinuno. Dapat nating tandaan na
maging maayos ang komunidad kung mabuti ang pinuno. Naibibigay ang mga
pangangailangan ng mga tao kung nagagawa ang kanyang tungkulin.
Paglalapat

A. Panuto: Sagutin ang Ebidensiya ng Natutuhan A. Kaalaman sa pahina 194 ng


inyong Lunday 2 na aklat. Isulat ang iyong mga sagot sa ibaba.

1. _____________

2. _____________
3. _____________

4. _____________

5. _____________

B. Panuto: Sagutin ang Ebidensiya ng Natutuhan B. Kasanayan sa pahina 194-


195 ng inyong Lunday 2 na aklat. Isulat ang iyong mga sagot sa ibaba.

a) ___________________

b) ___________________

c) ___________________

d) ___________________

e) ___________________

C. Panuto: Sagutin ang Ebidensiya ng Natutuhan C. Bigay-Kahulugan bilang 2


sa pahina 197 ng inyong Lunday 2 na aklat. Isulat ang iyong sagot sa ibaba.

Mungkahi Dahilan

1. 1.

2. 2.

MINI TASK:

Mula sa iyong natutunan tungkol sa tamang pamumuno sa isang komunidad,


gumawa ng isang liham pasasalamat sa paborito mong pinuno ng komunidad bilang
pagpapahalaga sa kaniyang nagawa. Gamiting halimbawa ang nasa ibaba at bigyang-
pansin ang pamantayan sa paggawa ng liham.
Mahal kong __________________________________,

Nais ko pong magpasalamat sa inyong nagawa para sa ating


komunidad tulad ng: __________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Bilang pagpapahalaga po sa inyo, ipinapangako ko po na _________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Nagmamahal,

____________________________________

Pagtataya
Pagsusulit Blg. 3.4

A. (RUS) Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang tsek (/) kung
tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (x) naman kung hindi. (5 puntos)

1. Ang pinuno ang nangunguna sa pagpapaunlad ng komunidad. ___________

2. Walang magandang naidudulot ang pagkakaroon ng pinuno. ___________

3. Nagiging maunlad ang komunidad kung ang pinuno ay naglilingkod nang

maayos at tama. ___________

4. Ang pag-unlad ng isang komunidad ay hindi lamang nakasalalay sa

namumuno rito, kundi maging sa mga taong naninirahan dito. ___________


5. Umuunlad ang isang komunidad kahit walang ginagawa ang namumuno.

___________

B. (RUS) Panuto: Kompletuhin ang pangungusap gamit ang mga ginulong titik na

nasa ibaba ng pangungusap at isulat ito sa patlang. (5 puntos)

1. Ang kapitan ng barangay ay maaasahan, mabuti at may _________________

sa sarili. d i p i a i n s l

2. Ang mga pulis ay walang pinapanigan sa pagpapatupad ng _______________


a t b s a

3. Ang tanod sa aming barangay ay huwaran at mabuting __________________

sa iba. m h l i a a w b a

4. Ang pinunong _______________________ ay maaasahan ng bawat kasapi ng

komunidad.
r p s e n a s o e b l

5. Ang aming kapitan ay palaging inuuna ang ______________________ ng mga

taong kanyang pinaglilingkuran.

p k a n a a k n a

C. (AAS) Panuto: Gamit ang web organizer sa ibaba, isulat ang iba pang mga
katangian ng mabuting pinuno ng komunidad. (6 puntos)
Mga Katangian
ng Mabuting
Pinuno

D. ECS Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang tama sa patlang
kung ito ay nagpapakita ng tamang pamumuno ng isang pinuno sa
komunidad at mali naman kung hindi.

1. Ang mabuting pinuno ay naglilingkod nang kusa at hindi naghihintay ng ano

mang kapalit. ___________________

2. Hindi isinasaalang-alang ng namumuno ang damdamin ng mga mamamayan

na kaniyang nasasakupan. ___________________

3. Malaki ang bahaging ginagampanan ng isang pinuno sa pagpapabuti ng

pamumuhay sa komunidad. ___________________

4. Kailangan ang pagtutulungan ng pinuno at mga kasapi ng pangkat upang

magtagumpay sa kanilang layunin. ___________________

5. Kung hindi maayos ang pamumuno, maaaring magkawatak-watak ang mga tao

sa isang komunidad. ___________________


6. Inaalam ng pinuno ang kalagayan ng mga kabataan. ___________________

7. Nagpapakain lamang ang pinuno ng mga tao kapag malapit na ang halalan.

___________________

8. Laging handang tumulong ang pinuno sa mga nasasakupan.

___________________

9. Inuuna ng pinuno ang pansariling kapakanan. ___________________

10. Sinisiguro ng pinuno ang katahimikan ng komunidad. ___________________

Buod ng Aralin

• Mahalaga ang isang pinuno para sa kaayusan, kaligtasan, katahimikan at


kaunlaran ng isang komunidad.
• Dapat taglayin ng isang pinuno ang katangian ng pagiging maka-Diyos,
makatao, makabansa, makakalikasan at iba pa.
• Kailangan ang pakikipagtulungan ng mamamayan upang maging
matagumpay ang mga proyekto ng isang komunidad, organisasyon o
samahan.
• Ang pamumuno at paglilingkod ng pinuno sa komunidad ay may epekto sa
pamumuhay ng mga tao. May maganda at hindi magandang epekto sa
pamumuhay ng mga tao ang uri ng paglilingkod.

REFERENCES/OTHER RESOURCES

https://www.youtube.com/watch?v=am_3R1KDCZ8
https://www.slideshare.net/edithahonradez/2-ap-lm-tag-u3

PUPIL’S LEARNING LOG

Punan ng sariling sagot ang pahayag para ito ay mabuo.

Kapag ako ang nagging pinuno, ang gagawin ko ay

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

REMARKS FROM THE PARENT/GUARDIANS

You might also like