You are on page 1of 11

5 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 5
Sa Mabuting Gawain, Kaisa Ako!

May-akda: Ihrene Lou S. Bumanlag


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

0
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang araling ito ay naglalayong ipabatid sa iyo ang kahalagahan ng


pakikiisa sa anumang gawain. Mabibigyang-halaga mo rin ang
pagtulong at magandang pakikitungo sa iyong pamilya at ibang
tao.

Sa pagtatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa mga pagtatapos ng
gawain

Subukin

Ating alamin kung ano ang nalalaman mo sa araling ito. Masusubok rito ang
iyong pag-iisip sa pagsagot sa mga sumusunod na sitwasyon.

Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung nagpapahayag ng pagkakaisa ang mga
sumusunod na sitwasyon at ekis (X) naman kung hindi.

____1) Pakikilahok sa pangkat sa pagbuo ng konsepto para sa proyekto.


____2) Pagsalungat sa opinyon ng kagrupo dahil hindi ito pabor sa iyo.
____3) Pagtulong sa grupo sa abot ng makakaya.
____4) Paghiwalay sa pangkat sapagkat hindi ka interesado sa plano ng
inyong grupo.
____5) Pagbibigay ng iyong suhestiyon upang mapaganda ang proyekto ng
pangkat.
____6) Pagbabahagi ng kagamitang mayroon ka na kinakailangan ng iyong
pangkat.
____7) Pakikipagtalo sa kagrupo dahil tutol ka sa napagkasunduang plano ng
pangkat.
____8) Pagbabahagi ng angking talento sa kagrupo upang sila ay matuto rin.
____9) Pagwawalang-bahala sa ginagawang proyekto ng pangkat dahil pare-
pareho naman ang inyong makukuhang marka.
____10) Pagbati sa lahat ng miyembro ng pangkat pagkatapos magtagumpay
sa inyong gawain.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa Mabuting Gawain, Kaisa Ako!
Mahalaga ang pagkakaisa upang maisagawa nang matagumpay ang
isanggawain. Bawat kasaping isang pangkat o grupo ay may kanya-kanyang
bahaging dapat gampanan para sa maayos nakalalabasan ng gawain.
Basahin ang mga salawikain:
Ano man ang tibay ng abaka,
wala ring lakas kapag nag-iisa.

Magsama-sama at malakas,
Kaya matibay ang walis, magwatak-watak at
palibahasa’y nabibigkis. babagsak.

Ano ang ipinahihiwatig ng mga salawikain? Sumulat ng 3-5 pangungusap


tungkol sa mga ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Balikan

Naalala mo pa ba ang nakaraang aralin? Subukan mong sagutin ang mga tanong sa
ibaba. Isulat ang sagot sa loob mismo ng kahon ng bawat tanong o pahayag.

Ano ang natutunan mo sa Ano ang magandang dulot ng


nakaraang aralin? paggawa nang tapat?

KATAPATAN
Bakit mahalaga ang katapatan sa
anumang gawain? Magbigay ng isang sitwasyon na
nagpapakita ng pagiging matapat.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Naranasan mo na bang maging bahagi ng isang pangkatang gawain? Ano ang


iyong naramdaman habang gumagawa kasama ang pangkat? Paano mo
naipakita ang iyong pakikiisa sa paggawa?

Basahin at unawain mo ang nilalaman ng tula.

Tara Na, Magkaisa!


ni Ihrene Lou S. Bumanlag

I III
Matutunan mga kaalamang iba’t Basta’t pagkakaisa, sa tuwina’y naghahari
iba Isipan ay uunlad, kaalaman ay dadami
Sa paaralan, halina’t tayo na Tara na’t magkaisa, mag-aral nang
Mag-aral at matuto, ating mabuti.
isagawaa.
IV
II Gawaing pangkatan ay dapat
Maraming suliraning maaaring pagtulungan
harapin Bawat kasapi ay magbahagi ng
Ngunit ito’y pagsubok, kakayahan
kailangang tapusin Walang gawain ang hindi
Hindi dapat sumuko, ito ay napagtatagumpayan
lutasin Sa mahusay na pagkakaisa, gawai’ y
Pagtutulungan, iyan ang susi kayang kaya.
natin.

Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan:


1. Tungkol saan ang tula?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ayon sa tula, paanong nakatutulong sa ating pag-aaral ang pakikiisa sa


gawaing pampaaralan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano ang maaaring idulot kung magkakaisa ang lahat sa gawain?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Bakit pagtutulungan ang susi upang magtagumpay ang isang gawain?


Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Sa bahagi ng araling ito, inaasahang higit mong mapalalalim ang iyong


pagkaunawa ukol sa kahalagahan ng pakikiisa sa pagtatapos ng gawain.
Basahin at unawain mo ito.

Nakasalalay ang tagumpay ng isang proyekto sa maraming bagay. Ang


pagkakaroon ng mga kagamitang gagamitin, pagkakaroon ng magandang
plano, pagkakaroon ng mahusay na pinuno ang ilan sa mga ito. Ngunit higit
sa lahat ay ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat miyembro ng pangkat.
Ang pagkakaisa ay naipakikita sa pamamagitan ng sama-samang
pagtugon sa hinihinging gawain upang makamit ang layunin. Maliit man o
malaki ang gawain, mahalaga pa ring magtulong-tulong ang bawat kasapi.
Napagagaan ang mahirap nagawain kung paiiralin ang pagtutulungan. Bawat
kasapi ng pangkat ay may mahalagang papel na maiaambag sa
ikatatagumpay ng pangkatang gawain.
Huwag iisipin na mahina ka at walang maitutulong sa iyong
kinabibilangang pangkat. Laging gawin ang makakaya upang makabahagi sa
pangkat at maipakita ang kagustuhan na makatulong upang makamit ang
tagumpay.

Pagyamanin

Gawin mo ang malayang pagsasanay na ito upang mapagtibay mo ang iyong


pang-unawa at mga kasanayan sa paksa ng araling ito.

A. Ipaliwanag mo kung ano ang nararapat gawin sa bawat sitwasyon. Isulat


ang sagot sa patlang.
1) May isa kayong kamiyembro ng pangkat na ayaw makiisa sa pagbuo ng
inyong proyekto. Paano mo siya kukumbinsihin na makisama sa inyong
gawain?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2) Nais ng lider ninyo na mag-ambagan sa kagamitan para sa pagbuo ng


poster. Hindi lahat ay may dalang pera para makapagbigay. Ano ang
maaari ninyong gawin para matapos ang poster?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3) Malikot ang kapangkat mong si Ronnie, hindi siya nakikinig sa sinasabi
ng lider ninyo. Paano mo siya pagsasabihan na makinig sa lider upang
matuto siya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Basahin ang diyalogo. Ano ang isasagot mo sa bawat batang nagsasalita?


Isulat ang iyong sagot sa kahon.

Sa susunod na Linggo
na ang paligsahan
natin sa pagsayaw, ano
ang gagawin natin?

May pangkatang
gawain tayo bukas,
kailangang
magsaliksik tayo
tungkol sa paksang
nakatalaga sa atin.

Isaisip

Marami ka bang natutuhan sa aralin? Basahin at unawain ang dapat mong


tandaan. Pagkatapos ay sagutin mo ang tanong sa ibaba.
Tandaan Mo: Mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain. Magiging
magaan ang isang mahirap na gawain at madali itong matatapos.

Sagutin Mo:
Paano mo maipakikita ang iyong pakikiisa sa mga gawaing nakatalaga sa
inyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Ang susunod na gawain ay makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman at kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik


ng pinakatamang sagot.

1. Pagkatapos ng pangkatang gawain at presentasyon ng bawat pangkat,


binigyan kayo ng inyong guro ng pagkakataon na magbigay ng puna ukol
sa presentasyon. Marami ang nagbigay ng hindi magandang puna sa
inyong presentasyon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kung ano ang sinabi ng ibang pangkat sa aming pangkat, gayundin ang
aking sasabihin sa kanila.
B. Tatanggapin ko kung ano ang kanilang puna; hindi lang naman kami
ang may hindi maayos na presentasyon.
C. Pasasalamatan ang pangkat na nagbigay ng kanilang puna at pag-
uusapan sa pangkat kung paano mapauunlad ang mga susunod na
presentasyon.

2. Inatasan kayo ng inyong guro na ayusin ang bulletin board sa gilid ng


inyong silid-aralan. Ano ang nararapat ninyong gawin?
A. Pauwiin na ang ibang kaklase upang hindi magulo.
B. Magtulong-tulong upang matapos agad ang gawain.
C. Piliin ang gagawa at hingan na lamang ng ambag ang iba.

3. Ano kaya ang maaaring resulta ng isang gawain kung walang pagkakaisa
o pagtutulungan ang bawat kasapi ng pangkat?
A. Magiging maayos ang kalalabasan ng proyekto
B. Magiging magulo at hindi agad matatapos ang gawain
C. Mabilis na matatapos ang gawain dahil sa pagkakanya-kanya ng bawat
kasapi ng pangkat

4. Nagkakagulo ang inyong klase dahil hindi magkasundo sa gagawin


ninyong presentasyon para sa programa kaugnay ng pagdiriwang ng Araw
ng mga Guro. Ano ang dapat ninyong gawin bilang mga opisyal ng klase?
A. Kayo na lamang ang magdedesisyon para sa gawain.
B. Hahayaan na lamang ang iba ang mag-isip tungkol dito.
C. Hihingin ang suhestiyon ng klase at susundin ang kagustuhan ng mas
nakararami.

5. Nilapitan ka ng isa mong kaklase upang magpatulong sa paggawa ng


takdang-aralin sa Matematika. Naipaliwanag mo na sa kanya ang gagawin
pero hindi pa rin niya maunawaan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin ko sa kanya na sa iba na lamang magpaturo.
B. Ipaliliwanag kong muli sa kanya at magbibigay pa ako ng ibang
halimbawa.
C. Ipahihiram ko na lamang ang ginawa kong takdang-aralin sa aking
kaklase.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Basahin mo at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang


Tama kung wasto ang isinasaad ng pahayag at Mali kung hindi..

__________1. Ang pagkakaisa ay susi sa ikatatagumpay ng isang pangkat sa


pagbuo ng proyekto.

__________2. Nakabubuti ang pagsasalungatan ng mga kasapi ng pangkat


para sa magandang plano.

__________3. Hindi na kailangang sumunod sa lider ng pangkat dahil bawat


miyembro ay may sariling pag-iisip.

__________4. Umpisahan ang proyekto kahit na wala pang nabuong plano.

__________5. Kailangan ang opinyon ng bawat kasapi ng pangkat sa pagbuo


ng gawain.

__________6. Magiging madali ang pagtatapos ng gawain kung may


pagtutulungan ang bawat kasapi.

__________7. Ang kapangkat na magulo ay makatutulong upang mapabilis


ang paggawa.

__________8. Makagagawa nang maayos ang pangkat kung lahat ng kasapi


ay nakikiisa.

__________9. Tanda ng pagkakaisa ang pagsunod sa napagkasunduan ng


pangkat.

__________10.Mahalagang makinig ang bawat miyembro sa inatasang lider ng


grupo upang maiwasan ang pagtatalo.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Isagawa mo ang gawaing ito na lalo pang magpapalawak ng iyong kasanayan


sa araling ito.

Paano ninyo maipakikita ang pagtutulungan at pagkakaisa sa mga gawaing


bahay? Isulat sa unang hanay ang ngalan ng bawat kasapi ng inyong
pamilya at mga gawain naman sa ikalawang hanay.

Kasapi ng Pamilya Mga Gawain

Pagkatapos ay papirmahan mo sa iyong magulang/tagapag-alaga ang


natapos na gawain.

___________________________________
Lagda ng Magulang/Tagapag-alaga

Ngayon ay natapos mo nang matagumpay ang araling ito. Nawa ay


maisabuhay mo at maibahagi sa iba mo pang kasama sa tahanan ang
iyong mga natutuhan. Binabati kita!

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
9
5. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016.
Ylarde, Zenaida., at Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
Sanggunian
Balikan, Tuklasin, Subukin
Tayahin
Pagyamanin, Isaisip at A. √
A. Tama Karagdagang Gawain B. X
B. Mali
C. √
C. Mali
A. Ang mga sagot ng mga D. X
D. Mali
mag-aaral ay maaaring E. √
E. Tama
iba-iba. F. √
F. Tama
G. Mali G. X
H. Tama Isagawa H. √
I. Tama A. C
I. X
J. Tama B. B
J. √
C. B
D. C
E. B
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ihrene Lou S. Bumanlag


(Guro, Concepcion Integrated School – Elementary Level)
Mga Tagasuri:
Aizaleen M. Garchitorena (Principal, Malanday Elementary School)
Elena M. Santos (Principal, San Roque Elementary School)

Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva


(Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Jesus Dela Pena NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like