You are on page 1of 4

DAILY School Gawaran Elementary School Grade Level Two

LEARNING Teacher Janice P. Felix Week 5


PLAN Date February 29, 2024, Thursday Quarter Third

ARALING PANLIPUNAN
10:20-11:00

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod:
 Natatalakay ang konsepto ng pamamahala at pamahalaan.
 Naipapaliwanag ang mga tungkulin ng pamahalaan sa komunidad.
 Napapahalagahan ang mga namumuno sa pamahalaan.

II. PAKSANG ARALIN: Ang mga namamahala sa aming komunidad


Sanggunian: PIVOT 4A Modyul ph.22-25, PIVOT MELC ph.31, AP2psk-IIIa-1, ph. 18, LM.ph., TG-
ph.
Kagamitan: powerpoint presentation, larawan
Pagsasanib:
Within Curriculum:
Natutukoy ang mga bumubuo sa komunidad (istrukturang pampamahalaan).
AP2KOM-la-1
Across Curriculum:
FILIPINO: Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t isa ang
mga salita. F2PU-Id-f3.1

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Pagsasanay
Basahin natin ang mga sumusunod:
Ang isang mabuting pinuno ay hindi lamang taong nag-uutos kung ano ang gagawin,
kundi marunong ring mamuno sa pamamagitan ng pag gawa para sa kanyang mga
sinasakupan. Ang isang mabuting pinuno ay nakapag bibigay ng gabay para sa ikabubuti ng
kaniyang nasasakupan.
3. Balik-aral
Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ito ay mali. Isulat
ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

_____ 1. Ang mabuting pinuno ay naglilingkod nang maayos at may pagkukusa.


_____ 2. Ang mga konsehal ang namamahala sa lungsod.
_____3. Ang punong tanggapan ng mga pinuno ng local na pamahalaan ay ang munisipyo.
_____4.Ang mayor ay tungkulin niyang ipatupad ang mga batas upang mapanatili ang kapayapaan
at kaayusan sa kaniyang nasasakupan.
_____5. Sampung konsehal ng bayan ang kailangang ihalal.

4. Pagganyak
Within Curriculum:
Natutukoy ang mga bumubuo sa komunidad (istrukturang pampamahalaan). AP2KOM-la-1
Ano kaya ang nasa larawan?
Napuntahan nyo na bayan?
Sino kaya ang makikita natin sa loob ng Malacañang Palace?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad at Pagtatalakay (I do)


Mahalagang malaman natin kung sino-sino ang mga namumuno sa ating komunidad at gayon
na rin ang mga tungkulin na kanilang ginagampanan. Sa aralin na ito, matututuhan mo ang ibig
sabihin ng salitang pinuno at namumuno. Mapag-aaralan mo rin ang kahalagahan ng pamahalaan.

Ang Pilipinas ay isang bansa ana kung saan naninirihan ang mga Pilipino.Ito ang ikawalong
pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labintatlong pinakamataong bansa sa daigdig.
Pinamumunuan ito ng Pangulo o Presidente kasama na ang Bise-Presidente at 24 senador.

 Gampanan ang tungkulin ng pangulo sakaling mabakante ang posisyon


 Maaaring maging miyembro ng Gabinete ng pangulo nang hindi na kailangan ang kumpirmasyon ng
Komisyon sa Pagtatalaga
 Maglingkod bilang isang miyembro ng komiteng tagapagpaganap sa Konseho ng Pambansang
Seguridad

2. Ginabayang Pagsasanay (We do)


Across Curriculum:
FILIPINO: Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t isa ang
mga salita. F2PU-Id-f3.1
Panuto: Isulat sa paraang kabit-kabit ang pangalan ng pinuno na iniidolo mo sainyong
komunidad.Sumulat ng dalawang pangungusap na naglalarawan sa kaniya.

Paglalahat

Ang pamumuno ay isang mahalagang katungkulan. Ang pinuno ng bawat komunidad ang nagsisilbing
daan sa kaayusan at pag-unlad ng komunidad na kanyang nasasakupan.
3. Malayang Pagsasanay (You do)

Sa loob ng Ven Diagram isulat ang pagkakatulad at kaibahan ng pangulo at


ikalawang pangulo ng ating bansa.

Vice-Presidente
President
Pagkakatulad

IV. PAGTATAYA
Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ito ay mali. Isulat
ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

_____ 1. Ang mabuting pinuno ay naglilingkod nang maayos at may pagkukusa.


_____ 2. Ang mga Presidente ang siyang namumuno sa bansa.
_____3. Ang punong tanggapan president ay ang barangay hall.
_____4.Tungkulin ng mga senador ang gumwa ng mga batas.
_____5. Ang Bise Preseidente lamang ang maaring sumalo sa posisyon ng Presidente.

IV. TAKDANG-ARALIN
Pag-aralan ang iba pang namumuno sainyong komunidad.

Item No. of Pupils


5
4
3
2
1
0
Total %

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng aking punongguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Prepared by: Checked by: Noted:

JANICE P. FELIX MARITES S. INOVERO BENITA R. BORROMEO Ed


Teacher I Master Teacher I Principal IV

You might also like