You are on page 1of 6

GRADE 4 SCHOOL EGIDO-FERNANDEZ ELEMENTARY SCHOOL GRADE LEVEL GRADE 4

DAILY LESSON LOG TEACHER MELANIE E. VILLANUEVA SUBJECT AP 4


WEEK 7 DATE AND TIME Feb. 29 ,2019 QUARTER Fourth
J= 8:50-9:30, V= 2:40-3:20

Thursday
I. LAYUNIN
A.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
kanyang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mga mag-aaral ay nakikihalahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansaat pagsasabuhay ng
kanyang karapatan.
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Naipapaliwanag kung paano itinataguyod ng mga mamamayan ang
kaunlaran ng bansa
II. NILALAMAN Paksa: Pagtataguyod ng mamamayan sa Pambansang
Kaunlaran
III. KAGAMITANG PANTURO Sanggunian: K to 12 – AP4
Patnubay ng Guro sa AP pah. 166-169
Kagamitan ng Mag-aaral pah. 321- 326
Kagamitan: larawan, sitwasyon, manila paper
Pagpapahalaga: Ang pagtutulungan ng susi ng kaunlaran.

IV. PAMAMARAAN
A. PAUNANG GAWAIN Balitaan
Pag-usapan ang ginagawang pagpapalawak ng kalsada /tulay sa ating
pamayanan.
Bakit kailangang luwagan o lawakan ang mga kalye at tulay sa ating pamayanan?
(Tanggapin ang lahat ng sagot ng mag-aaral)
Balik-aral
Kanino dapat nagsisimula ang mga gawaing pansibiko gaya ng
pagtutulungan?
Ano ang mangyayari kung ang bawat isa ay nagtutulungan?
(uunlad ang pamumuhay)

Pagganyak
Tingnan ang mga larawan. Alin sa palagay mo ang
nagpapakita ng kaunlaran? Ituro pataas ang hinlalaki kung Ito ay nagpapakita ng
kaunlaran at ituro pababa kung hindi.
 Nakakalbong kalikasan
 Nagkalat na kabataan sa ilalim ng tulay
 Naglalakihang gusali
 Naggagandahang tulay at parke
 Masasaya at malulusog na kabataan
 Nag-aaral na mga kabataan, magandang pasilidad ng paaralan
 Mayabong na kalikasan
 Mga pangkat etniko na nag-aaral sa kani-kanilang komunidad
 Nakangiting mga pahinante o manggagawa
 Nagkakamayan na mga pinuno ng bansa

B. GAWAIN Pangkatang Gawain


C. PAGTATALAKAY 1. Ano ang mga katangian ng isang maunlad na bansa? (Pangkat1)
2. Ano ano ang mga serbisyong panlipunan para sa mamamayan na nakakatulong
sa pagunlad ng isang bansa? (Pangkat2)
3. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa? (Pangkat3/4)
4. Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mamamayan sa pag-unlad ng
bansa?
5. Magbigay pa ng mga paraan ng pagtatatguyod ng kaunlaran ng bansa?
D. PAGLALAHAT Kinakailangan mapaunlad ng mamamayan ang kanyang sarili upang maging
kapakipakinabang na bahagi ng lipunan. Kailangang linangin ang sariling
katalinuhan at kakayanan, maging produktibo,sumunod sa batas, bantayan ang
katiwalian sa pamahalaan,pangalagaan ang kalikasan at ingatan ang mga
pampublikong gamit at lugar sa ating bayan
E. PAGLALAPAT Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pag-unlad ng iyong bansa.
Isulat ito sa istrip na papel. Idikit ito sa galamay ng octopus na makikita sa pisara.
(Paalala: pippiliin ng guro ang mga strip na papel na ididikit sa octopus base sa
mga sagot ng bata
F. PAGTATAYA Panuto: Sipiin ang mga pangungusap. Bilugan ang mga pangungusap na
nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang bansa.

1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umalis ng bansa upang


manilbihan sa ibang bansa.
2. Marami ang bilang ng hindi nakakabasa at nakakasulat.
3. Ang mga labinglimang taong gulang na kabataan pababa ay
pinagtratrabaho.
4. Masaya nag nakakaraming mamamayan na nanunungkulan sa
pamahalaan.
` S. apat at makatwiran ang kinikita ng mga tao
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Checked by:

JOHN PAUL C. SADIA


Principal I
GRADE 4 SCHOOL EGIDO-FERNANDEZ ELEMENTARY SCHOOL GRADE LEVEL GRADE 4
DAILY LESSON LOG TEACHER MELANIE E. VILLANUEVA SUBJECT AP 4
WEEK 5 DATE AND TIME Feb. 14 2019 QUARTER Fourth
J= 8:50-9:30, V= 2:40-3:20

Thursday
I. LAYUNIN
A.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
kanyang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mga mag-aaral ay nakikihalahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansaat pagsasabuhay ng
kanyang karapatan.
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Naibibigay ang kahulugan ng kagalingang pansibiko
II. NILALAMAN Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko
Sanggunian: Learner’s Material pp. 362-367
CG AP4KPB-IVd-e-4
Kagamitan: Graphic Organizer, activity card
Pagpapahalaga: Pagtulong sa kapwa
III. KAGAMITANG PANTURO
IV. PAMAMARAAN
A. PAUNANG GAWAIN 1 Balitaan

1. Paglalahad

Gawain 1- Panonood ng Video Clip


• Ipanood ang video clip ng “ Bayanihan para sa Kapayapaan” ni Sarah
Geronimo. https://www.youtube.com/watch?v=ymp2awpy9VM
• Itanong pagkatapos mapanood ang video:
a. Tungkol saan ang inyong napanood?
b. Tukuyin ang mga usapin o pangyayaring inyong napanood na nagpapakita
ng pagmamalasakit at pagtutulungan sa kapuwa.
B. GAWAIN Gawain 2- Pangkatang Gawain
C. PAGTATALAKAY • Ano ang kagalingang pansibiko?
• Bakit ito mahalaga sa isang lipunan?
• Ano ang maaaring idulot nito sa ating bansa?
• Ano ang kaugnayan ng pakikipag-kapuwa tao sa gawaing pansibiko?
• Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamalasakit mo sa
iyong kapuwa?
D. PAGLALAHAT Ano ang kagalingang pansibiko?
E. PAGLALAPAT Bilang isang mag-aaral anong kagalingan pansibiko ang maaari mong
maipakita o magawa para sa iyong kamagaral at sa ibang tao.
F. PAGTATAYA Bilugan ang bilang kung ang pahayag ay may kinalaman sa kagalingang
pansibiko.

1. Pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.


2. Pag-aaral nang mabuti.
3. Pamimigay ng mga regalo sa mga batang may kapansanan.
4. Pagtitinda ng mga laruan.
5. Pagpapakain sa mga batang kulang sa timbang.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Checked by:

JOHN PAUL C. SADIA


Principal I

GRADE 4 SCHOOL EGIDO-FERNANDEZ ELEMENTARY SCHOOL GRADE LEVEL GRADE 4


DAILY LESSON LOG TEACHER MELANIE E. VILLANUEVA SUBJECT AP 4
WEEK 5 DATE AND TIME SEPT. 12, 2018, QUARTER SECOND
J= 8:50-9:30, V= 2:40-3:20

WEDNSEDAY
I. LAYUNIN
A.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga
oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa likas kayang pag-unlad.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay at gawaing pangkabuhayan
na nakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa.
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Nasasabi ang kahulugan at kahalagahan ng likas kayang pag unlad o sustainable development.
K to 12 – AP4LKE – IIe - 6

II. NILALAMAN Likas Kayang Pagunlad


III. KAGAMITANG PANTURO Yunit 2, Aralin 11,LM,pp.171-176,
IV. PAMAMARAAN
A. PAUNANG GAWAIN Balitaan/Balik-aral
agbalik aralan ang mga hamon at oportunidad sa Mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
B. GAWAIN Hatiin ang klase apat na pangkat
B. PAGTATALAKAY Ipaliwanag ang Gawain C. sa LM, p. 174
C. PAGLALAHAT Hikayatin ang mga bata na bumuo ng suliranin tungkol sa paksa.
Ipabasa ang Alamin Mo sa pahina 171-172 at talakayin ito.
D. PAGLALAPAT Balikan ang layunin ng aralin.Itanong sa mga bata kung natamo ba ang layunin ng aralin.Hikayatin
silang sumulat o magbigay ng pangungusap tungkol sa natutunan nila.
E. PAGTATAYA Pasagutan ang Natutuhan ko I p. 175-176.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Checked by:

JOHN PAUL C. SADIA


Principal I
GRADE 4 SCHOOL EGIDO-FERNANDEZ ELEMENTARY SCHOOL GRADE LEVEL GRADE 4
DAILY LESSON LOG TEACHER MELANIE E. VILLANUEVA SUBJECT AP 4
WEEK 5 DATE AND TIME SEPT. 13, 2018, QUARTER SECOND
J= 8:50-9:30, V= 2:40-3:20

Thursday
I.LAYUNIN
A.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga
oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa likas kayang pag-unlad.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay at gawaing pangkabuhayan
na nakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa.
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Nakakalalahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at nagsusulong ng likas kayang pag
unlad ng mga likas yaman ng bansa.
K to 12 – AP4LKE – IIe - 6

II. NILALAMAN Likas Kayang Pagunlad


III. KAGAMITANG PANTURO Yunit 2, Aralin 11,LM,pp.171-176
IV. PAMAMARAAN
A. PAUNANG GAWAIN Pagbalik aralan ang mga hamon at oportunidad sa Mga gawaing pangkabuhayan ng bansa.
B. GAWAIN Pangkatang Gawain
pagawa ang Gawain A sa pangkat 1-2 at ang Gawain B sa pangkat 3-4.

C. PAGTATALAKAY Ano-anong gawain ang inyong lalahukan na lumilinang sa pangangalaga at


pagsulong ng likas kayang pag-unlad ng mga likas na yaman ng bansa.
D. PAGLALAHAT Bakit kaialangan nating lumahok sa mga ito.
E. PAGLALAPAT May maitutulong ba ito sa atin? Paano?
F. PAGTATAYA Pasagutan ang Natutuhan ko II p. 176.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Checked by:

JOHN PAUL C. SADIA


Principal I

You might also like