You are on page 1of 11

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY


Plaridel St., Centro,Mandaue City

LIPUNANG POLITIKAL, PRINSIPYO NG


SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG
PAGKAKAISA (Part 2)
Unang Markahan
Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9

SELF-LEARNING KIT
1
PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito sa Edukasyon sa Pagpapakatao


(EsP) ay inihanda para sa mga mag-aaral sa Grade 9. Layunin nito
na higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang araling
napapaloob dito upang mailapat sa totoong buhay ang mga
natutunang pagpapahalaga. Ang mga gawain na naka paloob
dito ay makatutulong upang mapadali at lalong maintindihan ang
buod ng aralin.

Nahahati ang Self Learning Kit na ito sa tatlong bahagi:

I. Ano ang Nangyayari?- dito makikita ang mga unang


gawain kagaya ng paunang pagtataya (pre-test).
II. Ano ang Dapat Malaman?- dito makikita ang
pagtatalakay sa aralin.
III. Ano ang Natutunan?- sa parteng ito ay malalaman natin
ang lebel ng pagkatuto ng mag-aaral. May mga tanong
o pasulit na kailangang sagutin.

Huwag hayaang mabasa o mapunit ang SLK na ito. Ingatan at


gamitin ng wasto ito.

2
Layunin:

1. Naipaliliwanag kung bakit hawig sa barkadahan ang lipunan


2. Napapahalagahan ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo
ng Pagkakaisa ( Solidarity)sa loob ng lipunan

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES


1. Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan
bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o
organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapanatili ang
pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamyanan o pangkat na
nasa mababang antas at maisaalang-alang ang dignidad ng
bawat kasapi ng pamyanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na
mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-
angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa
pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa)
2. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng
Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilabag sa pamilya, paaralan,
pamayanan (baranggay), at lipunan.

3
I. ANO ANG NAGYAYARI?

Sa unang parte ng ating aralin natutunan natin kung ano ang ibig sabihin ng
Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa. Alam ko na marami kayong
natutunan sa nakaraan nating aralin.

Gawain 1:
Sumulat ng isang pangyayari na inyong nakikita sa inyong pamilya,
paaralan, at barangay na nagpapakita ng pag-iral o paglabag sa Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa. Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat sa
isang kalahating papel

Pag-iral Paglabag
Subsidiarity Pagkakaisa Subsidiarity Pagkakaisa
(Solidarity) (Solidarity)
Pamilya Hal. Binilhan ng Hal.
mga gamit Si kuya ay
pangeskwela lumabas ng
ang mga anak bahay
pagkatapos
kumain kahit na
siya ay naatasang
maghugas ng
pinagkainan.
Paaralan
Baranggay

Gawain 2:
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap: Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon.

Mayor Gobernador Kapitan


DILG Pangulo Kalihim

1. ____ ang tawag sa isang lider ng bansa.


2. ____ ang tawag sa lider ng isang probinsiya.
3. Tinatawag na ______ ang isang lider ng lungsod.
4. Ang nangungulo sa isang baranggay ay tinatawag na______.
5. Ang ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa lokal na pamahalaan ay
tinatawag na______.

4
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa.
Ang lipunang politikal ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan-ang
pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan.

Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-
aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyekto para sa kanyang sarili. Ito ay proyekto
para sa kaniyang pinamumunuan.

Ang Pananagutan ng mga Pinuno:

“Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod
naman ay ang marami.”

Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa iyo. Hindi
nabubuo ang marami kung wala ang iilan. Si Martin Luther King ay isang tinig
lamang ng mga African-American na sumisigaw ng pagkilala lagpas sa kulay ng
balat. Si Malala Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan para sa
karapatan ng kababaihan sa makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka
sa kaniyang buhay.

Ang bayan ay pinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang namumuno ay

hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan.


Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Utang na loob nila sa
taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

Kapuwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada,


walang sinuman ang nangunguna. “ Totoo, may mas bibo at may hindi aktibo,
ngunit kapuwa silang nag-uugnayan sa loob ng barkada.

“Boss” ng bayan ang pinuno- magtitiwala ang bayan sa


pangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at dakila
ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat.
“Boss” naman ng pinuno ang taumbayan- walang gagawin
ang pinuno kundi ingatan payabungin, at paunlarin ang mga
karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Sa unang
talumpati ng Pangulong Benigno Aquino Jr. pagkatapos niyang manumpa

5
bilang pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang taumbayan) ang boss ko!
Hudyat ito ng pagbabago sa pagtingin sa pamahalaan bilang nasa itaas at
ang mamamayan ang nasa ibaba. Inilagay ang mamamayan sa pedestal; ang
pangulo ang maglilingkod sa kanila.

Sa Lipunang Pampolitika ang ideya ay mabigyang parayoridad at


pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad
ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad
ng bawat isa. Ang Lipunang Politikal ay proseso ng paghahanap sa kabutihang
panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad
ang layunin nito. Ang tunay na boss ay ang kabutihang panlahat- ang pag-
iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng
lipunan.

Bakit “boss” ng pinuno ang taong bayan?

6
III. ANO ANG NATUTUNAN?

Gawain1:
Ngayon tayahin natin kung ano ang inyong natutunan sa ating aralin. Sagutin ang
mga sumusunod na tanong at isulat sa kalahating papel ang inyong sagot.

A.
1. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at
pagkakaisa sa loob ng lipunan?
2. Bakit hawig sa barkadahan ang pamayanan?

B. Isulat kung sino/ano ang tinutukoy sa pangungusap. Piliin sa loob


ng kahon ang tamang sagot:

Martin Luther King Lipunang Politikal Kabutihang panlahat


Malala Yousafzai Benigno Aquino Jr.

1. Ang tunay na boss ay ang_______.


2. Ang proseso ng paghanap ng kabutihang panlahat ay tinatawag
na_______.
3. Ang tinig ng mga African-American na sumisigaw ng pagkilala sa tao
lagpas sa kulay ng balat ay si______.
4. Ang tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng kababaihan
na makapag-aral sa Pakistan ay si________.
5. Ang pangulo na nagsabi na “Kayo ang boss ko” ay si _______.

PANAPOS NA PAGTATAYA (POST-TEST)

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik lamang sa iyong sagutang papel.

1. Ang nagsasaad na tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa


nila ang makapagpapaunlad sa kanila ay tinatawag na Prinsipyo ng ________________.
A. Proportio B.Subsidiarity C.Solidarity D. pagtulon
2. Ang kinikilalang tunay na boss sa isang lipunang pampolitika na ang layunin ay
mapaunlad ang karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan ay ang __?
A. pangulo C. pinuno ng simbahan
B. mamamayan D. kabutihang panlahat

7
3. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity.
A. Pagpapaayos ng mga daan sa barangay
B.Sama-samang paglinis ng Butuanon River
C. Libreng bakuna sa mga sanggol sa barangay
D. Pagkakakaroon ng Livelihood Training sa barangay
4. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity.
A. Fun Run para sa kalikasan C.Pagkakaroon ng kaaway sa kapitbahay
B. Sumasali sa mga pulong sa barangay D. Tumutulong sa Clean-up drive ng barangay
5. Ito ay pangangailangan ng tao na makakamtan niya sa pamahalaan o organisasyon.
A. Damit B. Pagkain C. Pagmamahal D. Pangkabuhayan
6. Sa pagpili ng pinuno, kailangan tingnang mabuti na dapat siya ay may _______.
A. mayamang angkan
B. malay sa layuning communal
C. tanyag na personalidad sa masa
D. magaling sa pananalita, wala naman sa gawa
7. Ang dahilan kung bakit may lipunang politikal ay ________.
A. kailangang may boss na susundin ang mamamayan.
B. para matiyak na mayroong pera ang bawat mamamayan.
C. kailangang may mamuno sa pagsasaayos at pagpapatakbo ng isang lipunan
upang makamit ang kabutihang panlahat.
D. dapat may pamahalaan upang may tagagawa ng batas at tagakolekta ng buwis
upang matiyak ang kalayaan at kapayapaan ng mga mahihirap na mamamayan.
8. Ito ay maaring ihambing sa isang lipunan kung saan makakamit ng tao dito ang
kanyang mga pangunahing pangangailangan.
A. Pamilya B. Barkadahan C. Organisasyon D. Magkasintahan
9. Ang tawag sa prinsipyo na nagpapakita ng pagkakaisa ng mga mag-aaral sa
paglalagay ng mga palamuti sa kanilang silid para sa gaganapin na pagsisiyasat ng
mga kinauukulan ng DepEd ay ______.
A. proportio B. pagtulong C. solidarity D. subsidiarity
10. Ang mga mag-aaral ay nagtutulong-tulong sa paggawa ng katutubong kasuotan
para sa Buwan ng Wika. Ang pangungusap ay _______.
A. nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity
B. nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity
C. lumalabag sa Prinsipyo ng Solidarity
D. lumalabag ng Prinsipyo ng Subsidiarity

8
Gawain 2:
Pagninilay
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa
inyong kwaderno.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang


kaalamang pumukaw sa pagkaunawa at ang aking gagawin
akin? reyalisasyon sa bawat upang mailapat ang
konsepto at kaalamang mga pang-unawa at
ito? reyalisasyong ito sa
aking buhay?

REFERENCES:
1. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na baiting
Modyul para sa Mag-aaral-Unang Edisyon 2015, Modyul 2, pp21-33.
2. EsP 9-Modyul 2; Power Point Presentation by Arnel O. Rivera.
3. Image of the President:
https://www.bworldonline.com/nine-of-10-filipino-trust-duterte-poll/

9
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
NIMFA D. BONGO, Ed. D. CESO V
Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, PhD.


Ass. Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed. D.


Chief, Curriculum Implementation Division

Ma. ISMAELITA N. DESABILLE, Ed. D.


Education Program Supervisor (LRMDS)

MILA C. GAITAN Ed. D.


EsP Coordinator

JOSE MILO P. PENTOJO


Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VII

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed. D., CESO V


Director III
OIC-Regional Director

MARIA JESUSA C. DESPOJO, Ed. D


Chief, Regional Curriculum Implementation Division

MAURIETTA F. PONCE
LRMDS, Regional Program Supervisor

JUDITH B. ABELLANEDA, Ed. D.


Regional EsP Program Supervisor

10
SINOPSIS

Ang Self-Learning Kit na ito ay tumatalakay sa sa mga


pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang makamit
ang kabutihang panlahat. Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa
mga namumuno. Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na
hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nagunguna lamang sila
sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa kwento at
kinabukasan ng bayan. Tulad ng isang barkada walang sinuman
ang nangunguna. Totoo, may mas bibo, ngunit kapuwa silang nag-
uugnayan sa loob ng barkada.

May akda: Jose Milo P. Pentojo. Nagtapos sa West Visayas State University
(Pototan Campus) ng Bachelor of Science in Industrial Education major in
Industrial Electricity noong 1997. Kasalukuyang nagtuturo at koordineytor
sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)sa Pagsabungan
National High School sa Dibisyon ng Mandaue City.

11

You might also like