You are on page 1of 15

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 9
ANG PAPEL NG LIPUNAN SA TAO

MR. JEFFREY V. OLIVAR


ESP Subject Teacher
1

Deskripsiyon ng Kurso

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang magtagumpay ang


kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All that is necessary for the triumph of
evil is that good men do nothing)? Kung minsan, hindi naman sinasadya ng mga tao na wala silang
gawin. Kung minsan, hindi lamang nila alam kung ano ang papel nila at kung paano sila
makatutulong. Kung minsan, akala nila ay may iba nang gagawa. Sa takot na makagulo pa,
lumalayo na lamang sila sa eksena.
Sa Modyul 1 ipinakita ang tunay na dahilan kung bakit may lipunan at pangangailangan sa
pakikipaglipunan. Sa loob ng lipunan ay may ugnayang umiiral sa aspektong pampolitika. . May mga
gawing kailangan bigyang-linaw upang hindi maging hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Kung pagpapatakbo ng lipunan ang pag-uusapan, sino nga ba ang dapat manguna dito?
Ano ba ang inaasahan sa iyo bilang mabuting mamamayan? Ano ba ang inaasahan ng taumbayan
sa pamahalaan?
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano
matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura at
pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa?
Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano makakamit ng lipunan ang
kabutihang panlahat? Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging iyong nararapat na
gampanan? Simulan na natin, ngayon na!

Tungkol sa Modyul
Magandang Buhay!
Ang Modyul na ito ay may 4 na aralin. Ang bawat aralin ay may mga sumusunod na bahagi.

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Paunang Pagtataya
Pagtuklas
Paglinang
Pagpapalalim
Paglilipat
Pangwakas na pagtataya

Para mas lalong maunawaan ang Mondyul na ito, narito ang mga dapat mong gawin.

1. Simulan sa mabuting pagbabasa upang maunawaan ang araling ito.


2. Gawin ang mga gawain ng may pagsisikap.
3. Ipaliwanag ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng pagsasagot sa bawat gawain.
4. Maibahagi ang mga magagandang asal at gawi na iyong natutunan sa iyong kapwa.
5. Tapusin ang bawat gawain upang malaman ang iyong mga naunawaan sa aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
2

LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG


Aralin 2
PAGKAKAISA

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa Nakapagtataya o nakapaghuhusga ang mag-
kung bakit may lipunang pulitikal at ang aaral kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang case study.

Mga kasanayang pampagkatuto

 Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
 Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan, o
lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
 Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na
makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at
pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang
ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng
pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang
kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).
 Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa
ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa

PANALANGIN NG MAG-AARAL
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang kami
ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay
sa buhay na ito. Amen.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
3

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik nito sa iyong kuwaderno.
1. Saan inihambing ang isang pamayanan?

a) Pamilya
b) Organisasyon
c) Barkadahan
d) Magkasintahan

2. Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito.

a) Mula sa mamamayan patungo sa namumuno


b) Mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c) Sabay
d) Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan

3. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.

a) Mga Batas
b) Mamamayan
c) Kabataan
d) Pinuno

4. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay…

a) Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan


b) Angking talino at kakayahan
c) Pagkapanalo sa halalan
d) Kakayahang gumawa ng batas

5. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa
tao lagpas sa kulay ng balat.

a) Ninoy Aquino
b) Malala Yuosafzai
c) Martin Luther King
d) Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan

6. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang…

a) mamamayan
b) pangulo
c) pangulo at mamamayan
d) halal ng bayan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
4

7. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng


pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito

a) Lipunang Pulitikal
b) Pamayanan
c) Komunidad
d) Pamilya

8. ncsiucquiceuibveiuvbui

a) a
b) b
c) c
d) d

9. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, maliban sa…

a) pagsasapribado ng mga gasolinahan


b) pagsisingil ng buwis
c) pagbibigay daan sa Public Bidding
d) pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

10. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity, maliban sa…

a) sama-samang pagtakbo para sa kalikasan


b) pagkakaroon ng kaalitan
c) bayanihan at kapit-bahayan
d) pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
5

PAGTUKLAS
Simulan natin

Gawain 1
Panuto: Sagutan ang mga hinihinging impormasyon batay sa bialng 1 hanggang 2 sa ibaba

lakas
katarungan
sistemang legal
estado
RESOLUSYON NG HIDWAAN
paggawa ng
desisyon
kalayaan
pantay na proteksyon
TUNGKULIN
serbisyong publiko
konstitusyon
k arapatan
PAGKAMAMAMAAN pagsasabatas

1. Mayroong labinlimang salita na nasa kahon sa itaas. Pumili ng lima sa mga salita mula rito at
sikaping magbigay ng paliwanag sa mga mapipiling salita. Maaaring isa hanggang dalawang
pangungusap lamang ang paliwanag. Ibatay ang paliwanag sa iyong sariling pagdanas ng
konseptong na nasa kahon.

Kalayaan-ang kalayaan ay isang mahalagang karapatan sa tao. kung meron ka nito walang gagapos o pipigil
1. ___________________________________________________________________
sa iyong layunin at kung ikaw ay may kalayaan pwede mong gawin lahat ng gusto mo ng walang nakakapigil
___________________________________________________________________
na kahit sinong tao sa iyo.

2. Karapatan-Pag kakaroon ng karapatan gawin ang bagay na iyong ninanais na hindi nakaka pinsala sa ibang
___________________________________________________________________
tao.
___________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
6

2. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Saan maiuugnay ang mga salitang nasa kahon?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

b. Nagkaroon ka na ba ng karanasang tungkol sa mga konseptong ito? Sa paanong paraan?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

c. Ano ang mga salitang hindi pamilyar para sa iyo?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

PAGLINANG
Gawain 2
Panuto: Suriin ang bawat larawan at ibigay ang iyong sariling pakahulugan sa bawat isa. Isulat ang
kasagutan sa loob ng bawat kahon sa ibaba.

1. 2.

3.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
7

Unang larawan

Ikalawang larawan

Ikarlong larawan

Gawain 3
Panuto: Basahin ang isang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
May isang bus na bumibiyahe galing Baguio patungong Maynila. Ito ay naglalaman ng
humigi’t kumulang na apatnapung pasahero. Mayroon silang iisang tunguhin: ang makarating sa
Maynila. May iisa silang paraan upang makarating sa paroroonan – ang bus. Sila ay may ugnayang
ginagawa tulad ng simpleng kuwentuhan tuwing hihinto ang bus para sa pagtugon sa mga
pangunahing pangangailangan ng bawat pasahero. May mga batas silang sinusunod upang huwag
mapahamak habang naglalakbay at alituntunin katulad ng dapat ay may tiket ka upang makasakay.
Nagbab ayad ang lahat para sa gastusin ng sasakyan at sweldo ng drayber at kondoktor.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at talakayin sa isang pangkat.

1. Ano-ano ang mga katangiang nakikita sa sitwasyon na hawig sa isang lipunan?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Mula sa mga katangiang ito, maari bang ituring na isang lipunang pampolitika ang sitwasyong ito?
Pangatwiranan.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
8

Gawain 4
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sabihin kung ano ang iyong saloobin.

Mga Sitwasyon Saloobin

1. Madalas na nagaganap ang mga karahasan


sa inyong lugar. May sinasaktan may
ninanakawan at pinapatay. Natatakot na ang
iyong pamilya at mga kapitbahay sa mga
nangyayaring krimen. Ang sabi ng inyong
kapitan ay panahon na para kayo ay
magkaisa.

2. Ang iyong nanay at tatay ay kapwa


empleyado. Araw-araw ay umaalis sila at
naiiwan kayong magkakapatid sa bahay.
Ang sabi ng iyong ate kailangan kayong
magkanya-kanya. Halimbawa kung
naguguton ka, maghanda ka ng sarili mong
pagkain at linisin ang pinagkainan mo.

3. Palibhasa liblib ang inyong lugar walang


pinagkakaabalahan ang iyong mga kabaryo
kundi magsugal at maginuman. Para sa
kanila ito ang paraan upang palipasin ang
kanilang oras.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
9

PAGPAPALALIM
PampolitikaLipunang

Habang lumalaki ang mga grupo, nagiging mas mahirap na pakinggan ang lahat at
panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pasensiyahan. Kung ang magkakabarkada ay
nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-bahay sa pakiramdaman at delikadesa, sa
isang lipunan, nangangailangan na ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasya at
pagpapatakbo. Sa dami ng interes na kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-
ibang pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang
iisang kultura ang mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at nagbabanggaang kultura ang umiiral na
pare-parehong nagnanasa ng pagyabong. Ito ang kinakaharap ng lipunan: paano siya makagagawa
at magiging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito? Paano magiging isa pa rin ang
direksyon ng bayan sa dami ng mga tinig at lugar na gustong tunguhan ng mga tao?
Hindi madali ang sagot sa mga tanong na ito. Isang pagsisikap na abutin at tuparin ang
makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan. Pampolitika ang tawag sa paraan ng
pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay malayang magkaroon ng
maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang
pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito. Tungkulin ng pamahalaan na isatitik sa batas ang
mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan. Magtatatag ang pamahalaan ng mga
estruktura na maninigurong nakakamit ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan. Mag-
iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at
pagbibigay-serbisyo. Sa ugnayang pangmundo, ang pamahalaan ang mukha ng estado sa
internasyonal na larangan. Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang
soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging
produktibo ng lipunan.
Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga
pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino. Hindi
panghihimasukan ng mga lider ng pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang
kanilang sarili. Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng
pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga
mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa: “May kailangan kang
gawing hindi mo kayang gawing mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya
ko. Ako naman ay may kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa
abot ng makakaya mo”. Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
10

Gawain 4
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan
sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pakikipagbukluran sa loob ng lipunan?


Upang magkaroon ng matiwasay na lipunan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang makita ang pagpapatakbo sa lipunan bilang kapwa-pananagutan ng pinuno at


mamamayan?
Para may maganda at maayos na pamumuhay sa lipunan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit may mga taong ayaw makilahok sa lipunan? Ano ang dapat na atitud sa lipunan?
Ang lipunan ay binubuo ng mga pamilya kung saan bawat isa ay may tuntunin sa lipunan., ngunit
___________________________________________________________________________
datapwat' sapul may mga taong ayaw makilahok sa lipunan na dapat ay iwasan. Kinakailangan ng
___________________________________________________________________________
lipunan ang pagtutulungan bawat myembro nito upang umunlad ang isang lipunan. atitud dapat ay
___________________________________________________________________________
makatulungin, dahil sa bawat tulong na maibibigay mo malaki na ang naiambag mo sa iyong
lipunan
4. Bakit mahalaga kahit na ang maliit na tinig?
___________________________________________________________________________
Mahalaga pa rin ito maliit man o malaki ang iyong tinig ang importante ay masabi mi ang mga
iyong ipinaglalaban upang hindi ka manipusluyahin.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Bakit hindi dapat tumigil sa pakikilahok sa pagpapatakbo ng estado kahit na marumi at magulo
ang Lipunang Pampolitika?
Sapagkat gusto nating iparinig ang ating mga boses sa pamamagitan ng pakilahok sa mga
___________________________________________________________________________
kaganapan,dahil nais nating ang bansang ito ay maging patas sa lahat yung walang pinipiling
___________________________________________________________________________
kinakampihan na sinuman,nais nating maging pantay tayo sa batas walang pinapaboran kahit
___________________________________________________________________________
mahirap o mayaman ka man.Kaya kahit sa simpleng Boses natin gusto natin ipadama o iparinig sa
kanila na kung ano ang ating mga hinanakit na kailangan din natin ang kanilang mga matinong
serbisyo.Dahil naniniwala ako na hindi uunlad ang isang bansa kung meron parin taong sakim at
korap sa lipunang ito.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
11

PAGLILIPAT
Gawain 5
Panuto: Gumawa ng isang Poster tungkol sa “Pagkakaisa”. Gawing batayan ang larawan sa ibaba.

Gawain 6
Panuto:
1. Panoorin ang GMA News TV Special na “Bayan Ko”. Maaari itong mapanood sa youtube sa mga
sumusunod na url:
Kabanata 1: http://www.youtube.com/watch?v=u-a3qSXv4hg
Kabanata 2: http://www.youtube.com/watch?v=DCAiZClTPlg
Kabanata 3: http://www.youtube.com/watch?v=5UUY1RFVunA
Kabanata 4: http://www.youtube.com/watch?v=p1e7mna_2j8
Kabanata 5: http://www.youtube.com/watch?v=aw0IrE6IJdg
Kabanata 6: http://www.youtube.com/watch?v=cBDG3V-LaxI

2. Itala sa iyong ang mga kapansin-pansin na eksena sa bawat kabanata na nagpapakita ng pag-
iiral o pag-labag sa Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Nagkaroon ba ng pagkakataon na tunay mong nasaksihan ang ilan sa mga eksenang nakita
sa dokumentaryo? Ibahagi ang iyong karanasan.
___________________________________________________________________________
Opo nagkaroon po ito dahil ang bayan Ko mahal Ko dito ako nagmula dto ako lumaki dto ako
nasanay at dito Ko rin minahal ang sailing bayan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
12

b. Ano sa mga eksenang iyong napanood ang kayang magawa ng isang kabataang katulad mo?
Ang isang maging matuligin na bata at sa kapwa tao
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

c. Nagawa mo na ba ang alinman sa mga eksenang iyong napanood sa dokumentaryo? Ibahagi


ang karanasan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

d. Alin sa mga napanood ang mahalagang masimulan mo nang gawin? Ibahagi at ipaliwanag.
Ang Kaya Kong gawin ay maging mabuting anak at mabuting istudyante dahil gusto Kong tulungan Ang
___________________________________________________________________________
sarili ko na matupad Ang pangarap koito Ang Kaya Kong gawin na mahalang nasimulan kona
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
e. Paano matiwasay na iiral ang isang lipunan?
___________________________________________________________________________
Kung naaayon ang pamumuno sa ikabubuti ng mga kumakatawan sa lipunan at
kung nabibigyang-pansin ang mungkahing bunga ng mga makakatuwirang
___________________________________________________________________________
pagpapasiya kasama ang mamamayan.
___________________________________________________________________________

f. Paano matitiyak na mananaig ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Gawain 7
Panuto:
Pagnilayan ang mga sumusunod at isulat ang iyong mga kasagutan maaari mong isulat ang iyong
mga kasagutan sa bawat patlang.

1. Ano na ang nagawa mo para sa bayan?

Ang maging mabuti na mamayan

2. Ano ang inaasahan mo sa pamahalaan?

Na mabigyan ng trabaho ang mga walang


trabaho dahil sa Covid 19 at Maging
maunlad ang ating bayan patinarin pag
tulong sa mga nangangailangan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
13

3. Magbigay ng mga pagkakataong kailangan ng tiwala ng pamahalaan.

Kapag may mga kalamidad

4. Magbigay ng mga pagkakataong kailangang bawiin ang tiwala sa pamahalaan. Ipaliwanag kung
bakit kinakailangan ang ganitong mga pagkilos sa mga nasabing pagkakataon.

Kapag hindi nila nagagawa ang mga responsibilidad


nila dahil maraming umaasa na laging magbibigay ng
sapat na tulong ang pamahalaan pero hindi ito
naibibigay ng pamahalaan kaya nawawala ang tiwala
ng mga mamamayan

Gawain 8
Panuto:
1. Gumawa ng isang liham na magpapakita ng kagustuhan na maabot ang kabutihang panlahat sa
pamamagitan ng maliit ngunit epektibong kakayahan na magmumula sa iyo.

Kamusta na!
Naisakatuparan mo ba ng maayos ang mga Gawain sa modyul na ito?
Kung Oo binabati kita!
Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na modyul.
Kung hindi pa, balikan ang mga gawaing di pa natapos. Katangian ng
isang mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong
o paggabay mula sakanyang kamag-aral o guro.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
14

Kamusta na!
Naisakatuparan mo ba ng maayos ang mga Gawain sa modyul na ito?
Kung Oo binabati kita!
Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na modyul.
Kung hindi pa, balikan ang mga gawaing di pa natapos. Katangian ng isang
mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong o paggabay
mula sakanyang kamag-aral o guro.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

You might also like