You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

Name: Cornito, Christel Joy N. Course, Yr. & Sec: BEED III-1
Date Submitted: March 13, 2023 CT: Ferdinand Calvo Jr.

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa
lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran
ng bansa;
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at
Gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common
good); at
C. Kasanayang Pampagkatuto
Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan.
(AP4PAB-IIIa-1)

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang 95%
na antas ng kasanayan sa sumusunod na mga layunin;
a. nakagugunita ng mga datos, mga kaisipan at paglalahat na nauugnay sa
kahulugan at kahalagahan ng pambansang pamahalaan;
b. nakapagmamasid ng mahigpit kung ano at paano ang takbo ng pambansang
pamahalaan; at
c. nakagagawa ng sariling pagpapakahulugan at kahalagahan ng pambansang
pamahalaan batay sa nagawang pagmamasid sa pamamagitan ng dula.

II. Paksang Aralin


A. Aralin: Kahulugan at Kahalagahan ng Pambansang Pamayanan
B. Sanggunian: Pilipinas: Bansang Papaunlad 5 pp 107-119
Curriculum Guide in AP
C. Kagamitan: PowerPoint Presentation

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Pagbati
Panalangin
Pag-aayos ng silid aralan
Pagtala ng lumiban

A. PANIMULANG GAWAIN

BALIK-ARAL
Bago tayo dumako sa ating panibagong
aralin, balikan muna natin ang ating
napag-aralan kahapon.

Ano nga ulit ang ating tinalakay


kahapon?
Ang ating tinalakay kahapon ay tungkol
sa pamanang pook.
Magaling! Ang ating tinalakay kahapon
ay tungkol sa pamanang pook.

Ano nga ulit ang mga halimbawa ng


pamanang pook ng Pilipinas?
Banaue Rice Terraces, Vigan, San
Agustin Church, Paoay Church.

Magaling! Bakit nga ulit mahalaga na


malaman natin ang mga pamanang pook
sa ating bansa?
Upang mas maalagaan natin ang mga
ito, at patuloy na ipakilala sa mga kapwa
Pilipino at sa susunod na henerasyon.

Tama! Bigyan nga natin ng limang


bagsak ang ating mga sarili dahil may
natutunan tayo sa ating paksa kahapon.

PAGGANYAK
Ngayon naman ay mayroon ako ditong
mga larawan. Sa pamamagitan ng nga
larawang ito, tutukuyin niyu kung ano
ang pinkaunang letra upang makabuo
ng panibagong salita. Maliwanag po ba?
Opo ma’am

P ayong
Ano ang nabuong panibagong salita?
Pakibasa lahat.

PAMAHALAAN
Magaling!

B. PANLINANG NA GAWAIN

PAGLALAHAD
Ngayong araw na ito, ang ating
panibagong aralin ay tungkol sa
Kahulugan ang Kahalagahan ng
Pambansang Pamayanan. Handa na
bang making at matuto?

Opo ma’am
PAGMOMODELO
Ano nga ba ang pamahalaan? Pakibasa
nga Diane.

Ang pamahalaan ay isang Samahan o


organisadong politikal na itinataguyod
ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng
Tama! Lahat ng bansa ay may sariling isang sibilisadong lipunan.
pamahalaan malayang bansa man ito o
estado. Ito ay organisasyon na may
kapangyarihang gumawa at magpatupad
ng batas sa isang nasasakupang
teritoryo. Ito rin ay may kakayahan na
magbigay ng mga pangangailangan ng
mga mamamayanng nasasakupang
teritoryo.
Ang pamahalaan ay mula sa salitang
pamae na ang ibig sabihin ay
pananagutan o responsabilidad.
Nagmula rin ito sa salitang Latin na
gubernaculums na ang literal na
kahulugan ay timon. Sa pangkalahatan,
ito ay nangangahulugang
kapangyarihang namamahala.
Paghahambing:
Ang timon ay may kapangyarihang
gumabay sa bangka o barko tungo sa
tamang direksiyon.
Ang gobyerno o pamahalaan ay may
kapangyarihang mamahala sa estado o
bansa patungo sa direksiyong naisin.

Kahalagahan ng Pamahalaan:
1. Nananagot o may responsabilidad sa
bansa o estado.
2. Namamahala sa estado.
3. Nagbubuklod sa mga tao.
4. Nagpapatupad ng mga batas
5. Nagpapatibay ng mga batas.
6. Humahatol nang makatuwiran sa mga
kaso o usapin.
7. Nagtataguyod ng kabutihan.
8. Naglilingkod at nangangalaga sa
bansa.

GINABAYANG PAGSASANAY
Ngayon ay papangkatin ko kayo sa tatlo.
Ang bahaging ito ay unang pangkat, ang
panig na ito ay ikalawang pangkat, at at
bahaging ito ay pangatlong pangkat.
Narito ang mga dapat tandaan kapag
may pangkatang gawain.

Mga dapat gawin kapag may pangkatang


gawain:
1. Huwag maingay.
2. Makipag-tulungan sa mga kagrupo.
3. Humanda sa paglalahad sa klase.

Ngayon, gumawa ng isang bilog at


tandaan ang mga dapat gawin kapag
may pangkatang gawain.

Makinig ng mabuti kung ano ang


gagawin. Gumawa ng sariling
kahalagahan ng pamahalaan sa ating
bansa. Isulat ito sa isang katolina na
may dalawa hanggang tatlong
pangungusap at ilahad ito sa klase.
Maliwanag po ba?

Sige, bibigyan ko lang kayo ng walong Opo ma’am


minuto upang matapos ang gawain.
Maari ng magsimula.

Tapos na ba ang lahat?

Sige, unang pangkat ilahad ang inyong


ginawa.
Magaling! Bigyan natin sila ng limang
bagsak.

Ikalawang pangkat, pumunta na sa


harapan para ipakita ang inyong ginawa.

Magaling! Bigyang natin ng limang


bagsak ang ikalawang grupo.

Ikatlong pangkat, kayo naman.

Mahusay! Bigyan din natin sila ng


limang bagsak.

Magaling mga bata! Wala na ba kayong


katanungan tungkol sa ating paksa?

Malinaw na ba sa inyo?

PAGLALAHAT
Ano nga ulit ang pamahalaan? Joanna. Opo ma’am

Ang pamahalaan ay isang Samahan o


organisadong politikal na itinataguyod
ng mga grupo ng tao na naglalayong
Magaling! Bigyan natin ng limang bagsak magtatag ng kaayusan at magpanatili ng
si Joanna. isang sibilisadong lipunan.

Pakiulit nga ang sagot ni Joanna, (limang bagsak)


Michael.

Ang pamahalaan ay isang Samahan o


organisadong politikal na itinataguyod
ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng
Magaling! Bigyan din natin ng limang isang sibilisadong lipunan.
bagsak si Michael.

Magbigay ng tatlong kahalagahan ng (limang bagsak)


pamahaalaan.

1. namamahala sa estado
Magaling! Tama. 2. nagbibigay ng pangangailangan sa
mga mamamayang nasasakupan.
Ano ang pagkakatulad ng salitang timon 3. nagpapatupad ng batas.
at pamahalaan?

Magaling!

PAGLALAPAT Direksiyon
Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat.
Ang unang pangkat ay isusulat ang
kahulugan ng pamahalaan at ag
ikalawang pangkat naman ay isusulat
ang mga kahalagahan ng pamahalaan.
At sa bawat pangkat, sa pinakadulo ng
papel ay paghambingin ang salitang
timon at pamahalaan. Naintindihan po
ba?

Opo ma’am
IV. PAGTATAYA
Kumuha ng kalahating piraso ng papel
at sagutan ang tanong.

1. Ano ang salitang nagmula sa salitang


pamae at may kahulugang pananagutan
o responsabilidad?
2. Sino ang kasalukuyang namumuno sa
bansang Pilipinas?
3. Ano ang may kapangyarihang
gumawa at magpatupad ng batas sa
isang nasasakupang teritoryo?
4. Ano ang pagkakatulad ng mga
salitang timon at pamahalaan?
5. Ito ay isang organisasyon na may
kapangyarihang gumawa at magpatupad
ng batas sa teritoryong kaniyang
nasasakupan.
6. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa
bansa?
a. dahil ito ay pinakamahalagang
element ng estado.
b. dahil ito lamang ang kumikilos upang
maging maayos ang lipunan.
c. dahil ito ay nagpapatupad ng mga
programa para sa mamamayan.
d. dahil ito ay tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga mamamayan.
7. Paano nagkakaroon ng silbi o halaga
ang pamahalaan sa mga mamamayan?
a. kung nangangalaga ito sa mga likas
na yaman.
b. kung inihahalal ng mga tao ang lider.
c. kung ito ay naglilingkod o
nangangalaga sa bansa.
d. kung ito ay nakikipag ugnayan sa
ibang bansa.
8. Bakit mahalaga na sentralisado ang
pambansang pamahalaan?
a. may tungkulin
b. may Karapatan
c. may pagkakaisa
d. may kakayahan
9. Paano nasasabing demokratiko ang
isang bansa?
a. kung ang mga mamamayan ay
malayang pumili ng lider
b. kung ito ay nasa impluwensiya ng
mga Amerikano
c. kung ang pamumuhay rito ay
masagana at maayos
d. kung Malaya itong nakikipag-ugnayan
sa ibang bansa
10. Magbigay ng tatlong kahalagahan ng
pamayanan. (5pts)

V. TAKDANG-ARALIN
Ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?
Isulat ang mga kahulugan nito.

You might also like