You are on page 1of 3

SAN ILDEFONSO COLLEGE

M.H. Del Pilar St. Tanay, Rizal, Philippines, 1980


(02)86543278 | www.sictanay.edu.ph | info@sictanay.edu.ph
“San Ildefonso College envisions itself as a faith community to be
globally competitive, academically excellent, certified and accredited”

IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan:_______________________________________ Iskor: ___________________________


Baitang at Pagkat:___________________Guro:_Mr. Aaron Sibaot Munar Petsa: ___________
I. MARAMING PAGPIPILIIN
Bilugan ang titik ng tamang sagot. (15 PTS)

1) Ano ang kahulugan ng salitang griyego na “politikos”?


a. “Komunidad”
b. “Para sa o Para ng “
c. “Polisiya”
d. “Tao”

2) Anong baghagi ng 1987 Konstitusyon ang nagbabawal sa “political dynasty sa ating bansa?
a. Artikulo III Seksyon 3
b. Artikulo II, Sekyon 26
c. Artikulo I, Seksyon 15
d. Artikulo IV, Sekyon 10

3) Alin sa mga sumusunod na mga yugto ng kasaysayan ng Pilipinas nagsimula ang dinastiyang
politikal?
a. Panahon ng Espanol
b. Panahon ng Hapon
c. Panahon ng mga Amerikano
d. Panahon ng Sinaunang Katutubo

4) Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagnanakaw ng pondo o kaban ng bayan ng isang
tao or organisyasyong may hawak na kapangyarihan upang makuha ang pansariling
benepisyo?
a. Dinastiyang Politikal
b. Katiwalian
c. Migrasyon
d. Pangingikil

5) Ang Presidential Commission on Good Governance of PCGG ay itinatag ng dating Pangulo


Corazon C. Aquino. Alin sa mga sumusunod ang layunin nito?
a. Bawiin ang mga nakaw na yaman ng mga Aquino.
b. Bawiin ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos
c. Bawiin ang mga PDAF scam
d. Lahat ng nabanggit

6) Ano ang mga isyung hindi kanais nais o hindi magagandang nangyayari sa loob ng isang
gobyerno ng isang bansa?
a. Isyung Ekonomiko
b. Isyung Pampolitika
c. Isyung Pangkalusugan
d. Isyung Pangkapayapaan

Deus Super Omnia


SAN ILDEFONSO COLLEGE
M.H. Del Pilar St. Tanay, Rizal, Philippines, 1980
(02)86543278 | www.sictanay.edu.ph | info@sictanay.edu.ph
“San Ildefonso College envisions itself as a faith community to be
globally competitive, academically excellent, certified and accredited”

7) Ang Pilipinas ay isang bansa matatagpuan sa timog-silangang Asya. Ang unang Konstitusyon
ng bansang ito ay itinatag noong 1987 at hanggang sa kasalukuyan ay batayan parin ng
polisiya at batas ng mga nasasakupan. Ano ang sistema ng pamahalaan na mayroon ang
Pilipinas?
I. Republika
II. Federalismo
III. Monarkiya
IV. Pampanguluhan/Presidensiyal
a. I at III
b. II at III
c. I at IV
d. II at IV

8) Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkamit o pag sasanay ng mga posisyon sa
pamamahala o organisadong kontrol sa isang pamayanan ng tao at estado?
a. Simbahan
b. Pamahalaan
c. Politika
d. Lahat ng nabanggit

9) Ito ay isang non-profitable, non-government organization na itinatag sa Germany noong 1993.


Layunin ng organisasyon na ito na sugpuin ang korapsyon sa bawat bansa sa daigdig sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng pananaliksik at paglilista mula sa pinakang korap at hindi
korap na bansa. Ano ang organisasyon ito?
a. International Economy Index
b. Transparency International
c. UNESCO o United Nations, Scientific, Education, and Cultural Organization
d. World Health Organization

10) Sa kasaysayan ng dinastiyang political sa Pilipinas. Tinalakay dito na ang Raja o Lakan ay
namamana batay sa dugo at tradisyon ang kapangyarihan. Saang panahon ito naganap?
a. Panahon ng Espanol
b. Panahon ng Hapon
c. Panahon ng mga Amerikano
d. Panahon ng Sinaunang Katutubo

11) Ang mga sumusunod ay mga negatibong epekto ng dinastiyang politikal MALIBAN sa:
a. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang tao na maglingkod sa bayan.
b. Maaring isang pamilya lamang ang magpatuloy na mamuno sa iisang lugar.
c. Pagsasalin ng termino at pagpapatuloy sa proseso ng mga naiwang proyekto.
d. Pang-aabuso sa kapangyarihan ng politika.

12) Ano ang sangay ng pamahalaan sa Pilipinas, tungkuling magpatupad ng mga batas sa
bansang nasasakupan?
a. Ehekutibo/Executive
b. Hedikatura/Judicial
c. Lehislatibo/Legistlative
d. Parlyamentaryo/Parliamentary

Deus Super Omnia


SAN ILDEFONSO COLLEGE
M.H. Del Pilar St. Tanay, Rizal, Philippines, 1980
(02)86543278 | www.sictanay.edu.ph | info@sictanay.edu.ph
“San Ildefonso College envisions itself as a faith community to be
globally competitive, academically excellent, certified and accredited”

13) Ano ang sangay ng pamahalaan sa Pilipinas, na may tungkuling gumawa ng mga batas para
sa ikasasaayos at ikatitiwasay ng bansang nasasakupan?
a. Ehekutibo/Executive
b. Hedikatura/Judicial
c. Lehislatibo/Legistlative
d. Parlyamentaryo/Parliamentary

14) Ano ang sangay ng pamahalaan sa Pilipinas, na may tungkuling husgahan at maging tagausig
ng mga batas sa bansang nasasakupan?
a. Ehekutibo/Executive
b. Hedikatura/Judicial
c. Lehislatibo/Legistlative
d. Parlyamentaryo/Parliamentary

15) A mga sumusunod ang mga angkan o pamilyang parte ng dinastiyal politikal na umiiral sa
bansang Pilipinas MALIBAN sa:
a. Aquino
b. Ejercito-Estrada
c. Hontiveros
d. Marcos

II. SANAYSAY (15 PTS)


Isulat ang iyong mga sagot sa isang malinis na papel.
16 - 20. Bilang isang mag-aaral ano ang maari mong maging hakbang at pagsasanay upang
makatulong sa pagsugpo ng katiwalian sa pamahalaan sa Pilipinas. Ipaliwanag.

21 - 25. Sa dalawang isyung pampolitika, masasabi moba na may kaugnayan ang dinastiyang
politikal at katiwalian sa pamahalaan? Ano ang manipestasyon ng dalawang ito kapag sabay na
nagyayari sa bansa?

26 - 30. Bakit mahalagang maunawaan mo ang mga isyung pampolitika sa ating bansa?

Narito ang Kriterya sa pagbibigay ng iskor:

KOMPLETO AT MAAYOS ANG SAGOT - 5 Puntos


DI KOMPLETO at KULANG ANG IMPORMASYON - 3 Puntos

Sing to the LORD a new song; sing to the LORD, all the earth.
Sing to the LORD, bless his name; proclaim his salvation day after day.
- Psalm 96: 1-2

Deus Super Omnia

You might also like