You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10
Mga Isyu At Hamon Sa Pagkamamamayan
Ikaapat Na Markahan - Unang Linggo

Aurora M. Castillo
Anabel B. Sincero
Manunulat

Mark Joseph C. Fernandez


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Editor at Layout

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Isang mapayapa at mabiyayang araw sa ating lahat. Sa linggong ito, sama-
sama at sabay-sabay nating tahakin ang panibagong landas ng kaalaman.
Kailangan lamang natin ang bukas na isip at malawak na pang-unawa upang
lubusan nating makuha ang mga karunungang makatutulong sa pag-unlad ng ating
kaisipan at ng ating pagkatao.
Handa na ba kayo? Sabay-sabay nating tuklasin ang mga kaalamang
inihanda sa inyo sa module na ito na nakapaloob sa Quarter4 MELCs #1 na
naglalayong maipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan
Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin 1 – Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan
❖ Ligal na Konsepto ng Pagkamamamayan
Inaasahan ko na sa pagtatapos ng ating aralin ay nahubog sa iyo ang mga
sumusunod na kasanayan.
A. Nahuhubog ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagkama-
mamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa
pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa, at
may pagkakaisa.
B. Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.
C. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan
D. Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan

I. Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.
_______________ 1. Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng
kababaihan at kabataan.
_______________ 2. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga
POs para tumulong sa mga nangangailangan.
_______________ 3. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng pamahalaan.
_______________ 4. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng
mga miyembro nito.
_______________ 5. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa
ng mga grassroots organization.
_______________ 6. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para
makamit ang kaunlaran ng mga lokal na pamahalaan.
_______________ 7. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok
sa mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga
boluntaryong organisasyon.
_______________ 8. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo.
_______________ 9. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor
ng akademiya.

2
_______________ 10. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na
ginagampanan ng mga NGO at PO.

II. Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.


11. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino
ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng
Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang
Saligang-Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
tamang gulang.

12. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang


Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino. D. Si
Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at
piniling maging Pilipino.

13. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang


Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan
niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.

14. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang


pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag
mayroong digmaan.

15. “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for
your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag niPangulong John
F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang
karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya
at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa
pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at
1.
pamantayan sa pagkamamamayan.

3
Natatandaan nyo pa ba ang ating nagdaang aralin? Subukan nating
balikan ang paksang ating tinalakay noong nagdaan linggo sa pamamagitan ng
pagsusulat ng mga ito sa loob ng mga bubble thoughts. Ipahayag dito ang inyong
saobin batay sa nakikita sa larawan.

Pamilyar ka ba sa mga nakikita mo sa larawan? Subukin mong piliin sa


kahon sa ibaba ang kanilang pamosong linya na nag iwan sa atin ng mga butil ng
karunungan. Matukoy mo kaya. Halika at subukan natin.

4
Ang mga kilalang taong nakikita natin sa larawan ay nagpakita ng
kanilang pagmamahal at pag mamalasakit sa kanilang bansa sa kanilang kapwa at
mga kababayan. Ipinakita nilang sila ay tunay na mamamayan ng kanilang bayang
sinilangan. Paano nga ba maipakikita ang pagiging tunay na mamamayan ng sariling
bayan? Ng ating sariling bayan? Sapat na ba na ikaw ay isinilang lamang sa lupain
ng iyong magulang. Ito ang ating aalamin sa modyul na ito.Halina at tunghayan
natin ang ating unang modyul sa huling bahagi ng ating panuruang taon.

Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan (Citizenship)

Paksa: Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o


katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring
iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang
umusbong ang konsepto ng pagkamamamayan o citizen.
Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag
na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan
at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa
kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may
kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles,
hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado.
Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng
paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring
politiko, administrador, husgado, at sundalo.. Sa paglipas ng maraming panahon,
ay nagdaan sa maraming pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging
citizen.

Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na


kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark
Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan
bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas,
inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga
mamamayan nito. Dito rin makikitakung sino ang mga maituturing na citizen ng
isang estado at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen.

Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa


ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng
tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na
mamamayan ng Pilipinas.

5
ARTIKULO IV

PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON-1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:

(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng


saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;

(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at

(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEKSIYON-2: Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng


Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.
Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan
3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.

SEKSIYON-3: Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling


matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSIYON-4: Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang
kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEKSIYON-5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

(Sanggunian: Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang


Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August)

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang


indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon
sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.) Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
2.) Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag
maydigmaan, at
3.) Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan
➢ Jus sanguinis
- Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan
ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa
Pilipinas.
➢ Jus soli o jus loci
- Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

6
Naunawaan mo ba ang ating paksang tinalakay? Subukin natin kung ito
ay lubusan mon ang naunawan. Isulat sa bawat patlang sa tapat ng unang hanay
kung bakit ka maituturing na isang Pilipino. Sa ikalawang hanay naman ay ang mga
Tungkulin mo kung ikaw ay isang tunay na Pilipino.

7
Panuto: Isulat sa hugis bilog ang mga batayan ng pagiging mamamayang Filipino,
sa hugis puso naman, isulat kung paano maipakikita ang pagpapahalaga
sa iyong pagiging Filipino samantalang sa hugis kamay, isusulat ang iyong
magagawa bilang isang Filipino.

8
I. Panuto: Isulat ang hinihinging sagot sa bawat bilang.

A. Mga itinuturing na citizen sa lungsod ng Greece


1) ________________________________
2) ________________________________
3) ________________________________
4) ________________________________

B. Batay sa Artikulo IV Seksyon 1 ng ating Konstitusyon,sino ang


maituturing na mamamayan ng Pilipinas?
5) _______________________________
6) _______________________________
7) _______________________________
8) ______________________________
_

C. Dahilan kung paano maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang


indibiduwal.
9) _________________________________
10) _________________________________
11) _________________________________

II. Panuto: Isulat kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI.
12. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na kinabibilangan ng mga
kababaihan at kalalakihan.
13. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang ay tinatawag
na Jus sanguinis.
14. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling
matamo.
______________ 15. Si Pericles ay isang orador mula sa Gresya.

9
SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsubok Pagsubok
Unang Unang

Sanggunian
• https://www.pinterest.ph/pin/420031102722800858/
• https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinclipart.com%2
Fpindetail%2FxTRbwJ_filipino-identity-pinoy-png-
clipart%2F&psig=AOvVaw35hjzMl6_64_DTyLVC8zVY&ust=1610973287364000&sou
rce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMjDjrfUpO4CFQAAAAAdAAAAABAD

10

You might also like