You are on page 1of 5

4th QUARTER SUMMATIVE TEST

ARALING PANLIPUNAN 10
MELC BASED

A. Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. Sagutin ang mga
sumusunod ng pasalita. Huwag ng isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa
isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.

2. Ang __________ ay ang prinsipyo ng pagkamamamayan na sinusunod ng Pilipinas na kung saan ang
pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
A. Jus Sanguinis C. Tradisyonal
B. Jus Soli o Loci D. Moderno

3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987
ng Pilipinas?
A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.

B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.


C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging
Pilipino.

4. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for
your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

5. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin

D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

6. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa
kanilang paligid?
A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at
hamong panlipunan

D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga
mamamayan sa bansa
7. Tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang
isang ______________, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
A. mangungupahan C. Maninirahan
B. Citizen D. Citizenship

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga katangiang taglay ng Isang aktibong mamamayan na
Nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko?
A. Nauunawaan nila ang kanilang karapatan at hindi nahihiya na ipahayag o ipaglaban ang mga ito
B. Ang mga taong ito ay sumusunod sa mga batas at patakaran dahil batid nila ang mga ito.
C. Pinapahalagahan ng mga aktibong mamamayan ang pagkapantay-pantay, dignidad, at kalayaan.
D. Hinihimok ang karamihan na tumaliwas sa isinasaad ng saligang batas kung kinakailangan para sa
ikabubuti ng karamihan.

9. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili
lamang. Tayong lahat ay maypananagutan sa isa’t isa. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya.”
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas na bansa na kaniyang
kinabibilangan.
C. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng
bansa ang kaunlaran.
D. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may
pagtutulungan.

10. Ano ang tungkulin ng mamamayan para sa pagbabago ng lipunan?


A. Protektahan ang pamilya
B. Makilahok sa politikal na usapin ng pamahalaan
C. Ipalaganap ang katiwalian na ginagawa ng pamahalaan.
D. Makilahok at maging aktibo sa mga usapin na may kinalaman sa pamamahala ng
pamahalaan para sa kaunlaran ng bansa

11. Uri ng pakikilahok na kung saan ang mamamayan ay tumatalima sa kanyang mga responsibilidad sa
komunidad na kinabibilangan.
A. Personally Responsible C. Justice-Oriented Oriented
B. Participatory Governance D. Participatory Citizen

12. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang participatory citizen maliban sa ____________ .
A. Isinasantabi ang kaalaman sa mga ahensiya ng pamahalaan at tungkulin ng mga ito.

B. alam ang mga estratehiya upang makahikayat ng iba pang mamamayan upang makiisa sa mga
gawain ng komunidad
C. aktibong miyembro ng mga organisasyong pansibiko o nakikilahok sa mga gawain para sa
pagpapabuti ng komunidad
D. namumuno o nag-oorganisa ng mga gawain na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan,
nagsusulong ng pagunlad ng pamumuhay, o kaya ay pangangalaga sa kalikasan
13. Ang ________ay mga uri ng mamamayan na malalim ang pagsusuri sa mga sanhi ng kasalukuyang
kalagayan ng lipunan.
A. Personally Responsible C. Justice-Oriented Citizen
B. Participatory Governance D. Participatory Citizen

14. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang aktibong mamamayan maliban sa _______________.
A. May kakayahang mamuno at gumawa ng desisyon
B. Kinikilala bilang tagapaghatid ng pagbabago
C. Iniaasa sa pamahalaan ang gagawing desisyon.
D. May kaalaman sa mga napapanahong isyu

15.Sa anong bahagi ng saligang batas ng Pilipinas nakapaloob ang pagturing sa isang mamamayan bilang
isang Pilipino?
A. Article III Bill of Rights C. Article V Suffrage
B. Article IV Citizenship D. Article I National Territorry

B. Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
ANALOHIYA.

1. Karapatang taglay ng tao na hindi pinagkaloob ng estado: Natural Rights;


Karapatang Pinagkaloob ng Estado: _________________Constitutional Rights
2. Karapatang Politikal: Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi sa
pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan;
Karapatang Panlipunan: ___________________Mga indibidwal o kolektibong karapatan na natitiyak sa
maayos na pamumuhay na pamayanan.
3. Listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao: Bill of Rights;
Binansagang International Magna Carta for all Mankind: __________________Universal Declaration of
Human Rights o UDHR
4. Nagdudulot ng stress at trauma: Sikolohikal;
Nagdudulot ng sugat, impeksyon at paghina ng pangangatawan: ________________Pisikal
5. Karapatang Sosyoekonomiko: karapatan na sisiguro sa katiwasayan
Karapatan ng Akusado: __________________mga Karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibiduwal
na inakusahan sa anumang krimen.

PAGKILALA. Tukuyin kung ano ang uri ng karapatan.

_________________ 6. Ang pagpili ng mahusay na lider sa lokal na pamahalaan sa eleksyon.


_________________ 7. Maaaring magbiyahe ang sinuman saan mang dako ng bansa at maging sa labas ng
bansa.
_________________ 8. Nakasaad dito na ginagarantiya ng ating bansa ang magkaroon ng mahusay at
matiwasay na pamumuhay.
_________________ 9. Ang isang tao ay mananatiling inosente hangga’t hindi siya napatutunayan nagkasala.
_________________ 10. Ang ating mga kapatid na katutubo ay may karapatan na panatilihin ang kanilang
kultura.
Mga Sagot:
6.KARAPATANG POLITIKAL
7.NATURAL RIGHTS
8.KARAPATANG SOSYO-EKONOMIKO
9.KARAPATAN NG AKUSADO
10.NATURAL RIGHTS

C. Iguhit ang star ( ) sa patlang kung ang pahayag ay karapatan at lagyan ng ekis (X) kung hindi.
_______1. Magbayad ng buwis ayon sa kinikita.
_______2. Makipagtulungan sa mga may kapangyarihan.
_______3. Makipagkasundo sa anumang kontrata.
_______4. Iligtas ang buhay at sarili sa illegal na pagkapiit.
_______5. Mabigyan ng lunas kung may sakit.
_______6. Makapaglakbay o manirahan sa ibang bansa.
_______7. Magkaroon ng sariling pananampalataya.
_______8. Ipagtanggol ang sarili sa anumang karahasan.
_______9. Sundin ang mga batas ng Pilipinas.
_______10. Makapasok sa paaralan.
_______11. Mabigyan ng pagkain at damit.
_______12. Masabi o amisulat ang mga ideya.
_______13. Maging isang mamamayang Pilipino.
_______14. Mailigtas sa pananakit ang kapwa.
_______15. Panatilihing malinis ang kapaligiran.
Mga sagot:
1. star
2. X
3. X
4. X
5. star
6. star
7. star
8. star
9. star
10. star
11. star
12. star
13. star
14. star
15. star

Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung maituturing ito na paglabag sa karapatan.


___1. Pananakit ___6. Pagpilit magbayad ng buwis
___2. Pananakot ___7. Pag-iwas sa mahihirap
___3. Panunukso at bullying ___8. Pagsira ng gamit ng iba
___4. Pamimilit sumapi sa grupo ___9. Pagmumura
___5. Pagbukas at pagbasa ng sulat ng iba ___10. Paghipo sa mga bahagi ng katawan.
D. Ipaliwanag ang iyong mga sagot. (4 puntos bawat isang tanong)
1. Ano ang magiging bunga kung ang lahat ng Pilipino ay nagmamahal sa bansa?
2. Paano makakatulong sa kaunlaran ng bansa ang pagsunod sa mga batas at mga may kapangyarihan?
3. Ano ang mahalagang papel ng civil society sa kaunlaran ng lipunan?
4. Bakit kailangang tangkilikin ang produktong Pilipino?
5. Paano ka bilang isang mag-aaral makalalahok sa mga gawaing pamayanan?

E. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.


1. participatory governance-
2. elitist democracy-
3. social capital-
4. Local Government Code of 1991-
5. Functional partnerships-
Mga sagot:

1. Participatory governance – Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan


para maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng pansibikong
pakikilahok kung saan
ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga
solusyon sa suliranin ng bayan.
2. Elitist Democracy-kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno.
3. Social Capital -ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan,civil society at mga mamamayan, na isang
mahalagang elemento sa isang
demokrasiya at mabuting pamamahala.
4. Local goverment code of 1991- isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamamahala (
Blair, 2012).
5. Functional partnership-– Walang monopolyo ang lokal na pamahalaan lalo na ang mga opisyal nito sa
pagbuo ng mga programa para sa mamamayan ng lungsod. Kaya naman isinangkot ang mga NGO at PO
para sa mas produktibong serbisyo sa mga Nagueño.

F. Sa iyong sagutang papel magsulat ng sariling repleksyon sa mga natutunan mo sa modyul na ito. Simulan
ang pangungusap sa mga katagang:

“Masaya akong ipi-Flex sa inyo ang natutunan ko sa Araling ito na patungkol sa…”

Inihanda ni:

Gng. Belinda Marjorie L. Pelayo


AP Teacher
Panipuan High School
City of San Fernando, Pampanga

You might also like