BANGHAY ARALIN
ARALING PANLIPUNAN 10
Novemar James Alvin M. Mendez
I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 minuto, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Maipaliwanag ang konsepto ng Dinastiyang Politikal
2. Masuri ang epekto ng Dinastiyang Politikal sa pagpapanatili ng malinis at matatag
na pamahalaan
3. Makagagawa ng mungkahing solusyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng
Dinastiyang Politikal.
II. NILALAMAN
1. Paksa: Dinastiyang Politikal
2. Sanggunian: SIGLO,
[Link]
3. Kagamitan: Cartolina, Marker, Powerpoint Presentation, Pictures, Activity
Sheets
4. Pagpapahalaga: Nalilinang ang kamalayan ng mga isyung politikal ng bansa
III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
A. Pagdadasal
B. Pagbati
C. Pagtatala ng Pagliban
D. Balik-aral
Ano ang epekto ng suliraning teritoryal at hangganan (territorial
and border conflicts) sa aspketong panlipunan, pampulitika,
pangkabuhayan, at pangkapayapaan ng mga mamamayan.
Panlipunan
- Nagiging sanhi upang lumipat ng ibang bansa
- Apektado ang buhay at pamumuhay ng mga tao sa lipunan
Pang-ekonomiya
- ang mga negosyante at mamumuhunan ay atubili ring magtayo ng
negosyo sa apektadong lugar
Pampolitika
- Ginagamit ang ideolohiyang pampolitika ng mga lider upang
paigtingin ang tensiyon ng lumilikha
-Nabubuo rin ang mga alyansa ng mga nation-state na may
parehong interes at ideolohiya
Pangkapayapaan
-nagbubunga ng sigalot sa mga magkakaibang lahi
2. Panlinang na gawain
A. Pagganyak
Kilalanin ang mga sumusunod na tao o grupo sa pamamagitan ng mga
larawan na ipapakita at tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang
kanilang masasabi tungkol sa mga larawang nakita
B. Pagtatalakay
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang nalalaman at
ang unang pumapasok sa kanilang isipan kapag narinig o nabasa
nila ang mga salitang POLITICAL DYNASTY o DINASTIYANG
POLITIKAL.
- Sistema kung saan ang kapangyarihang politikal at pampublikong
yaman (public resources) ay kontrolado ng iilang pamilya; kung
saan ang mga miyembro ay hali-halili sa paghawak ng puwesto sa
pamahalaan.
- Tumutukoy sa mga pulitikong nagmula sa iisang pamilya o
angkan at sabay-sabay na nanunungkulan sa iba’t- ibang lebel ng
sistemang pulitikal ng bansa.
Saan ba nanggaling ang konseptong Political Dynasty?
- Japan, China, Spain at United Kingdom
- Feudal at Monarchial System – Hari ng UK, Emperor ng
Mongolia, China and Japan, Pharoah ng Egypt.
- Philippines – Early Filipinos – Raja, Datu o Sultan
- Spanish Colonization – Mestizos/Illustrados/Middle Class
Ano ang mga batas na nagbabawal sa Dinastiyang Politikal?
-Ayon sa Artikulo II, Seksiyon 26 ng 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas, “The State shall guarantee equal access to opportunities
for public service and prohibit political dynasties as may defined
by law.”
- Sen. Miriam Defensor Santiago – Anti Political Dynasty Act of
the Constitution.
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga dahilan kung
bakit mayroong Dinastiyang Politikal
- Kawalan ng batas ng pumipigil rito
- Karangalan at kapangyarihang kaakibat ng pagiging isang lider
- Ang mga pabor na nanggagaling sa mga tao tulad ng suporta
- Kayamanan na kaakibat ng pagiging makapangyarihan
- Dugong Politiko ang nananalaytay (It runs in the family)
- Kakapusan o kawalan ng sapat na kaalaman ng mga taong bayan
o botante
- Ang kahinaan ng sistemang politikal ng isang bansa
Mga paraan sa pagtatag ng Dinastiyang Politikal
Kilalanin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng mga larawan na
ipapakita.
- Pera (Money)
- Makinarya
- Movies/Media
- Marriage/Alliances
C. Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa anim na grupo. Ibigay sa bawat grupo ang kanilang
gawain at hayaan silang pumili ng kani-kanilang pinuno.
Kapag nakapili na, ibigay sa bawat grupo ang kanilang paksa sa
pamamagitan ng palabunutan
Ibigay ang panuto: Gamit ang napiling paksa ng bawat grupo gumawa
ng pagtatanghal (role play) na nagpapakita ng epekto ng pagkakaroon
ng mga Dinastiyang Politikal. Pumili ng isang kagrupo na
magpapaliwanag kung ano ang inyong naitanghal.
Mayroon lamang 5 minuto upang maghanda, 2 minuto naman upang
itanghal ang paksa na napili at isang minuto upang ipaliwanag kung
ano ang naitanghal
Unang Ugat ng Graft and Corruption
Grupo
Ikalawang Nepotismo o paglalagay sa puwesto ng isang kapamilya
Grupo o kaanak na kulang o walang kaalaman, kasanayan at
karanasan
Ikatlong Nakapagpahina sa ating demokratikong sistema kung
Grupo saan lahat ay may karapatang humawak ng puwesto at
magsilbi sa pamahalaan
Ikaapat na Kawalan ng kakayahang akademiko ng ibang nasa
Grupo puwesto
Ikalimang Tagal ng panunungkulan o paghawak ng puwesto
Grupo
Ikaanim na Pagtaas ng lebel ng kahirapan dahil ginagamit o
Grupo nagagamit ng mga politico ang perang nakalaan para sa
mga nasasakupan
Pamantayan sa Pagmamarka
Pakikipagtulungan ng Koponan 5pts
Pagtatanghal 5pts
Pagkamalikhain 5 pts
Kabuuan 15pts
3. Pangwakas na Gawain
A. Paglalahat
Ang pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal ay nagsimula pa noong
unang panahon. Ito ay sistema ng pamumuno kung saan ang
kapangyarihan politikal at yaman ng isang lugar ay kontrolado ng
iilang pamilya o mga kamag-anak nito. Sa pagdaan ng panahon ang
pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal ay nag dulot ng negatibong
epekto sa isang lugar at sa mamamayan nito. Ito ay nagdudulot ng
kahirapan dahil sa korupsyon at ganid sa kapangyarihan. Dahil rin sa
kakulangan ng batas na nagbabawal sa Dinastiyang Politikal hanggang
ngayon laganap parin ito sa iba’t-ibang bansa na siyang sanhi kung ng
mahinang pag-unlad ng isang bansa katulad ng Pilipinas.
B. Pagpapahalaga
Bilang isang kabataang Pilipino at isang botante sa hinaharap, ano ang
iyong magagawa o mungkahi upang solusyon upang maiwasan at
mapahinto ang Dinastiyang Politikal sa bansa?
IV. EBALWASYON
I. Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi wasto.
1. Ang Dinastiyang Politikal ay sistema kung saan ang kapangyarihang
politikal at pampublikong yaman (public resources) ay kontrolado ng
iilang pamilya
2. Ang pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal sa Pilipinas ay
nakatutulong sa pag unlad nito.
3. Indios ang tawag sa mga mayayamang pamilya sa panahon ng mga
Kastila
4. Nepotismo o paglalagay sa puwesto ng isang kapamilya o kaanak na
kulang o walang kaalaman, kasanayan at karanasan
5. Ang Artikulo II, Seksiyon 26 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay
ang batas na nagbabawal sa pagkakaroon ng Dinastiyang Politikal sa
ating bansa
II. Itala ang hinihingi ng mga sumusunod
1. Mga paraan sa pagtatag ng Dinastiyang Politikal sa isang bansa
a.
b.
c.
d.
2. 6 na Epekto ng Dinastiyang Politikal
a.
b.
c.
d.
e.
f.
MGA SAGOT:
I. TAMA O MALI
1. TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA
II. IDENTIFICATION
1. Paraan sa pagtatag ng Dinastiyang Politikal sa isang bansa
a. PERA (MONEY)
b. MAKINARYA (MACHINERY
c. MEDIA/MOVIES
d. MARRIAGE
6. 6 na Epekto ng Dinastiyang Politikal
a. Graft and Corruption
b. Nepotismo
c. Nakapagpahina sa ating demokratikong sistema
d. Kawalan ng kakayahang akademiko ng ibang nasa
puwesto.
e. Tagal ng panunungkulan o paghawak ng puwesto
f. Pagtaas ng lebel ng kahirapan
V. TAKDANG ARALIN
Sa isang buong papel, sagutin ang mga katanungan:
1. Ano ang graft and corruption?
2. Ano ang epekto ng graft ang corruption sa lipunan at sa mga mamamayan?