You are on page 1of 15

1

PALIHAN SA KONTEMPORARYONG
ISYU
(August 19-23, 2019)

LIKAS-KAYANG KAUNLARAN (SUSTAINABLE DEVELOPMENT)


 LC 20: Naipaliliwanag ang konsepto ng sustainable development (AP10IPE-Ih-20)

ailangan habang hindi naisasakripisyo ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon (pinakatanggap na kahulugan mula
y ng pamamahala sa mga likas na yaman.
awalang-bahala ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon
Mga Pakahulugan ng
SUSTAINABLE DEVELOPMENT

MGA ASPEKTO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT

EKONOMIYA
g na pamahalaan na makatutugon sa kompetisyon sa pandaigdigang ekonomiya. Nagagawang makasabay sa antas ng paglago a

PALIGIRAN PANLIPUNAN
ngangailangan
ay ng proteksyon
sa pabahay.
sa kapaligiran
Magkaroon
at napapabuti
ng mataas
angna
biodiversity.
kalidad na Naisasagawa
kapaligiran atang
maymatalinong
sapat na serbisyo
paggamitsa sa
lokal
likas
nana
antas
yaman,
upang
nabab
ma

Ikalawang Markahan Mga Sanggunian:


 Mga Kontemporaryong Isyu: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan nina Antonio, E. et.al, pp. 103-109; 118-130; at 137-152
2019-2020  Araling Panlipunan: Mga Kontemporaryong Isyu nina Bustamante, E. et.al, pp. 95-108; 117-122; 130-144; 155-162; 171-182
 Mga Kontemporaryong Isyu sa Lipunang Pilipino nina Ancheta, J.A. et. al, pp. 127-137
 Lahat ng mga ginamit na larawan ay kuha mula sa https://images.google.com.ph/
nccb’19
 LC 21: Natatalakay ang kasaysayan ng pagkabuo ng konsepto ng sustainable development (AP10IPE-Ii-21)

ANG KASAYSAYAN NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT

17th-18th Siglo
• Nag-ugat ang kaisipan ng sustainable development sa ideya ng sustainable forest management na nagsimula sa Europa sa pagtugon sa pagtaas ng
kamalayan sa pagkaaubos ng mga puno sa England dahil sa pagtotroso
• Itinaguyod ni Jean Baptiste Colbert, isang politikong Pranses, ang konsepto ng pangangalaga sa mga kagubatan upang higit na mapakinabangan ang
mga ito.
• Unang ginamit ang salitang sustainability ng mga Aleman na nagbabantay at nagsusuri sa mga kakahuyan sa Germany noong 1713.
• Isinaad ni Hans Carl von Carlowitz (Father of Sustainable Yield Forestry) sa aklat na Sylvicultura Oeconomica (unang aklat na nailathala na may konsepto ng
sustainable development) ang kahalagahan ng wastong pagtotroso at sustainability sa mga kagubatan at kakahuyan at itinuro niya ang pagpapanatili ng
balanse sa pamumutol ng mga puno at muling pagtatanim ng mga ito.
• Inilathala noong 1798 ang Essay on the Principle of Population as it Affects the Future Improvement of Society ni Thomas Robert Malthus at
itinuturing ang kanyang sanaysay na isa sa mga naunang bumalangkas ng pangangailangan sa sustainability. Ayon sa kanya, nanganganib na hindi
matustusan ang pangangailangan sa pagkain kung darami ang mga taong nangangailangan nito.

19th Siglo

• Inilathala ang aklat ni WIlliam Stanley Jevons na pinamagatang The Coal Question: An Inquiry Concerning the Progress of the Nation, and the Probable
Exhaustion of Our Coal Mines. Isinasaad sa aklat na maaaring maapektuhan ang pag-unlad ng bansang Britanya kung mauubos ang suplay ng coal nito at
babagsak ang kapangyarihan ng bansa kung mauubos ang suplay ng coal dahil higit na nakasalalay ang maraming industriya ng Britanya sa panggatong na
iyon.

1962

• Ang paglimbag sa akda ni Rachel Carson na pinamagatang Silent Spring noong 1962 ang nagbigay-pansin sa ugnayan ng pag-unlad ng ekonomiya at ang
pagkasira ng kapaligiran

1966

• Isinulat ni Kenneth E. Boulding ang isang sanaysay na pinamagatang "The Economics of the Coming Spaceship Earth" na inilahad ang pangangailangan sa
mga sistemang pangkabuhayan na makiayon sa mga ekolohikal na sistemang may limitadong pinagkukunang-yaman

1969
• itinatag ang National Environmental Policy Act (NEPA) sa US kung saan nakatuon ito sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan at sa paglikha
at pagpapanatili ng mga kondisyon kung saan makakapamuhay nang matiwasay ang lahat ng tao at matupad ang mga pang-ekonomiya at iba pang mga
pangangailangan ng kasalukuyan at susunod pang henerasyon

1970
• ipinasa sa Kongreso ni Pangulong Nixon ng US ang isang plano para sa muling pagsasaayos at pagtatatag ng US Environmental Protection Agency (EPA)
bilang isang malayang ahensiya sa sangay tagapag-paganap ng kanilang pamahalaan at sinimulan ang operasyon nito noong Disyembre 2, 1970 upang
mapabuti at mapangalagaan ang kapaligiran, sa pambansa at sa pandaigdigang antas, gayundin ang kalusugan ng tao at ng mga likas na yaman kung saan
nakasalalay ang lahat ng mga gawain ng tao

1972
• Nagkaroon ng Stockholm Meeting- isang pagpupulong ng United Nations sa Stockholm, Sweden kung saan inihain ng mga mauunlad na bansa ang
kanilang alalahanin tungkol sa mga implikasyon sa kalikasan ng pag-unlad ng mundo at gayundin ang mga papaunlad at hindi pa umuunlad na bansa ang
kanilang pangangailangang palaguin ang kanilang mga industriya
• Nabuo ang konsepto ng likas-kayang kaunlaran bilang resulta ng pagpupursiging matugunan ang pagpapaunlad ng mga bansa sa Katimugang bahagi
ng mundo at pati na rin ang pangangalaga sa likas na yaman ng mga mauunlad na bansa sa hilaga.
• Nabuo ang UN Environmental Program (UNEP) bunsod ng pulong sa Stockholm. Ang UNEP na nakabase sa Nairobi, Kenya ay ang ahensiyang sumusuri sa
mga umuusbong na isyung pangkapaligiran at pangkaunlaran sa buong mundo at nagbibigay ng mga mungkahing solusyon para sa mga isyung ito.
Kabilang sa mga programang nailunsad ng UNEP ay ang World Environment Academic Programme noong 1975 at ang World Conservation Technique
noong 1980.

1980
• ang International Union for the Conservation of Nature ay naglathala ng pangkalahatang estratehiya para sa unang pamantayan ng
sustainable development.

1982
• ang United Nations World Charter for Nature ay nagbigay ng limang prinsipyo para sa konserbasyon

1987

• ang United Nations World Commission on Environment and Development ay naglabas ng ulat na tinawag na Our Common Future o kilala bilang
Brundtland Report. Kabilang sa ulat na ito ang isa sa pinakatanggap na kahulugan ng sustainable development. Nagsimula ang konsepto ng
sustainable development mula sa Brundtland Report

1992

• inilathala ng UN Conference on Environment and Development ang Earth Charter. Ito ang nagbalangkas para sa pagtataguyod ng isang tuwid,
mapayapa, at sustainable na lipunan sa ika-21 siglo.

2012

• ang United Nations Conference on Sustainable Development na kilala rin bilang Rio+20 ay bumalangkas ng isang framework na naglalayong mapagtagpo
ang mga pangkabuhayan at pangkapaligirang layunin ng pandaigdigang komunidad. Nabuo sa pagpupulong na ito ang Sustainable Development Goals na
naglalayong makamit ang sustainable na pagbabago hanggang sa taong 2030.
(August 26-30, 2019)

 LC 22: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga gawain at desisyon ng tao sa pagbabagong


pangkapaligiran (AP10IPE-Ii-22)

KAUGNAYAN NG MGA GAWAIN AT DESISYON NG TAO SA PAGBABAGONG


PANGKAPALIGIRAN
AGRIKULTURA PAGKONSUMO NG FOSSIL FUEL PANGINGISDA
Mga Negatibong Epekto sa Kalikasan  Ito ang nagpapatakbo ng  Inaasahang aabot sa 50 milyong
Mula sa Di-Wastong Pagsasaka industriya tonelada ang pangangailangan ng
(Ayon sa World Wildlife Fund):  Ang pangunahing dulot ng daigdig sa pagkaing-dagat (Ayon
 Land conversion pagkonsumo ng fossil fuel ay ang sa World Wildlife Fund).
 Pagkawala ng likas na pagbubuga sa atmospera ng  Magiging dulot ng suliraning ito:
paninirahan ng mga hayop carbon dioxide na nagiging sanhi - Pagkaubos ng biodiversity
 Soil Erosion ng pagtaas ng temperatura ng - Pagkaubos ng mga isda sa
 Pagkaubos ng suplay ng daigdig na nagdudulot ng climate dagat
tubig change - Pagkawala ng hanapbuhay
 Isinusulong ng maraming maka- para sa mga naninirahan
 Isang pangunahing hamon sa kalikasang organisasyon at malapit sa baybayin
pagsasaka ang irigasyon. pamahalaan ang paggamit ng Isinusulong ang wastong
renewable energy at mga aquaculture, o ang artipisyal na
alternatibong pinagkukunan ng pag-aalaga at pagpapalaki ng mga
enerhiya isda sa mga artificial pond o
palatubigan

 LC 23: Nasusuri ang mga kasalukuyang hamon sa pagtamo ng sustainable development (hal.:
consumerism, energy sustainability, poverty, at health inequalities (AP10IPE-Ii-23)

MGA HAMON SA SUSTAINABLE DEVELOPMENT

• Ang consumerism ay kultura ng • Ito ang pangunahing hamon na • Dalawang Aspekto ng Sustainable
labis na pagkonsumo ng mga kinakaharap ng mundo ngayon ayon sa Energy:
materyal na bagay at serbisyo na United Nations 1. Renewable Energy - ay
hindi tunay na pangangailangan • Ang kawalan ng katarungan sa enerhiyang muling napapalitan tulad
pagkakabahagi ng yaman ng ekonomiya ng biofuels, solar power, wind power
• Nakabatay dito ang maraming ay humahantong sa pagkasira ng atbp.
sistema ng ekonomiya sa mundo, kapaligiran ayon sa International Institute
• 2. Energy Efficiency - ang pagbabawas
mahirap mapalitan ang kulturang for Sustainable Development
sa konsumo ng enerhiya nang hindi
ito lalo na dahil nakasalalay ang • Higit na naaapektuhan ang mga
isinasakripisyo ang bisa o benepisyo
mahihirap ng di-wastong pangangalaga ng
GDP ng mga bansa sa dami ng kapaligiran at kalikasan dahil higit silang ng kagamitang kumokonsumo nito.
binibiling produkto at serbisyo ng nakasalalay sa kalikasan upang mabuhay • Karamihan sa mga powerplant na
mga tao. • Ang mga Kailangang Makamit upang nagsusuplay ng elektrisidad sa mga
Mabawasan ang kahirapan sa Pilipinas lungsod at lalawigan ay gumagamit ng
• Mga Epekto nito sa Kapaligiran:
(Philippine Agenda 21): coal, na isang fossil fuel na lumilikha
• labis na paggamit ng likas na • 1. kailangang malutas ang suliranin ng ng carbon dioxide sa oras na
yaman kawalan ng trabaho makonsumo ito bilang panggatong.
• pag-aaksaya ng pagkain • 2. dapat pataasin ang kita ng mamamayan • Isinusulong ang paghikayat ng
• 3. dapat makamit ang food security o paggamit ng light emitting diodes o LED
• pagdami ng basura sapat na suplay ng pagkain sa bansa bilang alternatibo sa fluorescent at
• 4. dapat magkaroon ng inclusive growth incandescent light bulb at paggamit ng
rate habang lumalago ang ekonomiya inverter technology sa mga refrigerator
at air-conditioning system.

CONSUMERISM
NON-SUSTAINABLE
KAHIRAPAN ENERGY SOURCES
(September 2-6, 2019)

 LC 24: Napaghahambing ang iba’t ibang istratehiya at polisiya na may kaugnayan sa pagtamo ng
sustainable development na ipinatutupad sa loob at labas ng bansa (AP10IPE-Ij-24)

MGA ESTRATEHIYA AT POLISIYA TUNGO SA PAGTAMO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT


Taon nang
Mga EStratehiya
IpiNATUpad
Pagbuo sa Philippine Strategy for Sustainable Development 1991
Paglikha sa Inter-Agency Committee on Climate Change 1991
Paglikha sa Philippine Council for Sustainable Development upang sumubaybay sa 1992
pagbuo ng Philippine Agenda 21
Pagpapatupad sa Clean Air Act of 1999 (RA 8749) 1999
Pagpapatupad sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003) 2000
Paglagda sa UNFCCC noong Hunyo 1992 at ratipikasyon nito noong Nobyembre 2003 2003
Pagtatalaga sa Department of Environment and Natural Resources bilang National 2004
Authority for Clean Development Mechanism sa bisa ng Executive Order No. 320
Pagpapatupad sa Biofuels Act of 2006 (RA 9367) 2006
Pagpapatupad sa Renewable Energy Act of 2008 (RA 9513) 2008
Pagpapatupad sa Climate Change Act of 2009 (RA 9729) 2009
Paglagda sa National Framework Strategy on Climate Change 2010
Pagsasama ng climate change sa Philippine Development Plan 2011-2016 2010
Paglagda sa National Climate Change Action Plan 2011

Patunay na nakikiisa ang Pilipinas sa paglagda sa mga Pandaigdigang Kasunduan:


2015 – umayon ang Pilipinas na makibahagi sa United Nations sa pagkamit sa Sustainable Development Goals.

- lumagda ang Pilipinas sa Sendai Framework na naglalayong mapaghandaan


ang kalamidad at Paris Agreement na naglalayong matugunan ang
climate change

Philippine Strategy for Sustainable Development (PSSD)


- nabuo noong 1989 upang masubaybayan ang pagpapatupad ng Agenda 21.
- nakabuo ng estratehiya na nakatuon upang makamtan ang paglago ng ekonomiya habang
nagbibigay ng sapat na proteksyon para sa biodiversity, ecosystem, at sa kabuuang kalidad ng
kapaligiran. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Integrasyon sa paggawa ng mga desisyon
2. Pagbibigay ng tamang presyo sa mga likas na yaman
3. Pagsasaayos ng reporma sa karapatan sa pagmamay-ari
4. Pagtatatag ng sistema para sa pagbibigay ng proteksiyon sa iba’t ibang lugar
5. Rehabilitasyon sa mga nasirang ecosystem
6. Pagpapalakas sa paraan ng pamamahala sa pagkontrol ng polusyon
7. Pagsasama ng mga isyu ng populasyon at kagalingang panlipunan sa pagpaplano
8. Pagpapalago sa mga pook rural
9. Pagtataguyod ng edukasyon para sa pangangalaga ng kapaligiran
10. Pagpapalakas sa partisipasyon ng mga mamamayan sa mga gawain ng sustainable
development
(September 9-13, 2019)

 LC 1: Natutukoy ang mga dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa (AP10IPP-IIa-1)

MIGRASYON
- tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng mga indibidwal o pangkat ng mga tao mula sa isang
lugar o teritoryong politikal patungo sa panibagong lugar maging ito man ay pansamantala o
permanente.
 FILIPINO DIASPORA – ang tawag sa labor migration kung saan umaalis ng bansa ang
mga Pilipino upang makahanap ng magandang trabaho at pagkakataon sa ibang bansa at itinuturing
din sila bilang BAGONG BAYANI dahil sa kanilang malaking ambag sa ating ekonomiya.

DAHILAN NG PAG-ALIS O PAGLIPAT:


1. hanapbuhay na 4. pag-aaral o
makapagbibigay ng 3. panghihikayat
pagkuha ng mga
malaking kita na ng mga
teknikal na
inaasahang 2. paghahanap ng kapamilya o
kaalaman
maghahatid ng ligtas na tirahan kamag-anak na
partikular sa mga
masaganang matagal nang
bansang
pamumuhay naninirahan sa
industriyalisado
ibang bansa

Intercontinental migrasyon sa pagitan ng mga kontinente

paggalaw ng mga tao sa pagitan ng dalawang bansa


Intracontinental
sa loob ng isang kontinente
MGA URI NG
Interregional/International
MIGRASYON: ang paggalaw sa pagitan ng mga bansa
(external/panlabas)
Rural to Urban pinaka-karaniwang uri ng migrasyon na nagaganap
(internal/panloob) kadalasan sa loob ng mga bansa

 MIGRANTE – ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar at sila ay nauuri sa dalawa:

EMIGRANTS O IMMIGRANTS
EMIGRANTE O MIGRANTE

– ang mga taong papaalis sa isang lugar – ang mga taong patungo sa isang lugar

LC 2: Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan


(AP10IPP-IIb-2)

EPEKTO NG MIGRASYON
PANLIPUNAN
Sa lugar o bansang inalisan Sa lugar o bansang pinuntahan
Pagbaba ng bilang ng tao na mangangailangan sa Pagtaas sa pangangailangan para sa mga likas na yaman
pagkain, pabahay, espasyo, at iba pang paglilingkod o at serbisyong panlipunan dahil sa pagdami ng bilang ng
serbisyo mga tao
Paghihiwalay ng mga kasapi ng pamilya Pagkakaroon ng balakid sa wika
Pagkawala ng balanse sa estruktura ng populasyon o Integrasyon at Multiculturalism
pagkabawas sa densidad ng populasyon Pagkakaroon ng multi-ethnic na lipunan na naghihikayat
sa pagkakaroon ng kamalayan at pang-unawa sa ibang
kultura
Pagkawala sa kultura ng pagkakakilanlan
Diskriminasyon sa pagitan ng mga pangkat-etniko at
maynoridad na maaaring maging sanhi ng pagkaligalig at
sigalot sa pagitan ng magkakaibang lahi
PAMPULITIKA
Sa lugar o bansang inalisan Sa lugar o bansang pinuntahan
Paghingi ng pandaigdigang tulong Pagkakaroon ng mga batas o patakaran para sa matipid
at matalinong paglinang ng mga likas na yaman bunga ng
pagdami ng bilang ng mga tao
PANGKABUHAYAN
Sa lugar o bansang inalisan Sa lugar o bansang pinuntahan
Nababawasan ang lakas-paggawa na makakaapekto sa Pakinabang sa murang paggawa
pamumuhunan at paglago ng ekonomiya
Nababawasan ang antas ng unemployment at Natutugunan ang kakulangan sa lakas-paggawa
underemployment
Nakatutulong sa ekonomiya ng bansa ang perang Pagdepende ng ilang industriya sa migranteng lakas-
ipinapadala ng mga migranteng manggagawa paggawa
Nababawasan ang paggamit ng mga likas na yaman Kadalasan napupunta sa mga migranteng manggagawa
Ang halaga ng retirement ng mga manggagawa ay ang mga trabaho na hindi gaanong kanais-nais
pasanin ng mga bansang pinagmulan
Dala ng mga migranteng manggagawa sa kanilang
pagbalik ang mga bagong kasanayan na natutuhan mula
sa kanilang trabaho sa ibang bansa

(September 16-20, 2019)

LC 3: Natatalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts)
(AP10IPP-IIb-3)

- ay nagaganap kung may dalawa o higit pang mga bansa ang umaangkin ng isang lupain, o katawang-tubig.
- kadalasan ay may kinalaman sa kasaganaan ng likas na yaman sa pinag-aagawang teritoryo. (Hal. Spratly Islands sa
West Philippine Sea)

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

Artikulo I
Ang Pambansang Teritoryo
(National Territory)

an, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook
DALAWANG URI NG PAG- AAGAWAN NG TERITORYO

MATERYAL SIMBOLIKO

populasyon
likas na strategic
kultura kasaysayan
yaman value

Ayon sa Pandaigdigang Batas (International Law), ang pag-angkin ng isang teritoryo gamit ang puwersa o
anumang marahas na paraan ay ipinagbabawal.

DAHILAN NG 1. Suliranin ng Kakapusan


MGA
2. Estratehikong Kahalagahan
SULIRANING
TERITORYAL AT 3. Di-tiyak na mga Hangganan
HANGGANAN 4. Kultura, Kasaysayan, at mga Paniniwala

MGA PARAAN NA ISINASAGAWA NG MGA BANSA UPANG MAKUHA ANG ISANG


TERITORYO

Occupied Territory •mga teritoryo sa


•isang rehiyon na Buffer Zone
kontrolado ng isang pagitan ng dalawang
estado o pangkat na magkatunggaling
kadalasan ay estado.
gumagamit ng •ang dahilan ng
puwersang militar paglikha ng okupasyon
upang makuha ito. na ito ay upang
•ang maiwasan na
pangmatagalang makakuha ng
okupasyon sa isang pagkontrol ang
teritoryo ang paraan katunggaling bansa o
o batayan sa pag- pangkat sa teritoryong
angkin ng teritoryo pinag-aagawan.

Irredentism
- ay nagaganap kapag ang
isang bagong bansa na
humiwalay mula sa mas
malaking bansa ay hindi
naibigay ang pagkontrol sa
teritoryong naimungkahi sa
deklarasyon hinggil sa
paglaya ng bagong bansa o
estado

KAHALAGAHAN NG TERITORYAL AT PANDAIGDIGANG HANGGANAN


1. Ito ay may kaugnayan sa karapatan ng bawat estado o bansa
2. Ito ay mahalaga para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo

Artikulo I ng Montevideo Convention on the Rights and Duty of States


- ayon dito, ang pagkakaroon ng karapatan ng bawat estado ay kinikilala sa buong mundo

Mga Kwalipikasyon upang Ituring na “Person Of International Law” ang Bansa na Kinikilalang Estado:
1. Permaneneteng populasyon
2. Malinaw na Teritoryo (defined territory)
3. Pamahalaan
4. Kakayahang makipag-ugnayan sa iba pang mga estado
MGA ISYUNG PANTERITORYAL NG PILIPINAS

ISYU SA WEST PHILIPPINE SEA


Ang Pilipinas at ang iba pang mga kalapit-bansa sa Timog Silangang Asya ay naninindigan laban sa pag-angkin ng China sa
malaking bahagi ng West Philippine Sea. Ikinakatuwiran ng China na ang karapatan nito ay batay sa kasaysayan. Dahil mas malaking bansa ang
China kumpara sa mga karatig bansa nito at mas malakas ang kanilang puwersang militar, umaasa ang mas maliliit na bansang tulad ng
Pilipinas at Vietnam na tutulong ang United States at iba pang makapangyarihang bansa sa paghahanap ng mapayapang solusyon
sa suliranin.
Ilang dekada na rin ang tensyon sa West Philippine Sea ngunit higit na lumala ang sitwasyon nitong mga huling taon. Mula
2009, dinagdagan ng China ang mga patrolyang militar nito sa karagatan. May mga ulat pang binabantaan ng mga ito ang mga
barko at mga mangingisdang Pilipino at Vietnamese.
Noong 2012, muntik nang sumiklab ang isang labanan sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pag-aagawan sa Scarborough
Shoal. Nagtagumpay ang China sa pagkontrol ng nasabing teritoryo dahil sa kanilang malakas na puwersang militar. Noong gitna ng 2013,
sinubukan naman ng China na matalo ang mga puwersang militar ng Pilipinas sa Pangalawang Thomas Shoal, na napakalapit sa katubigan sa
may baybayin ng Palawan na mayaman sa hydrocarbon.
Lalong napalalakas ng China ang puwersang militar nito dahil na rin sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng kanilang bansa.
Pinagtutuunan ng higit na pansin ang pagpapalakas ng kanilang pwersang pandagat na malaki ang papel na ginagampanan sa pag-angkin
nila ng teritoryo.
Bilang tugon naman sa mga taktika ng China, ang iba pang mga estado sa Timog-Silangang Asya ay nagtutulak ng
pagkakaroon ng pagsasabatas ng Code of Conduct (CoC) sa West Philippine Sea upang matigil ang China sa kanilang pagkontrol sa lugar.
Gayundin, ang Pilipinas, Vietnam at Singapore ay bumaling sa United States upang hilingin itong magpadala ng mas maraming puwersang
militar sa Timog-Silangang Asya upang mabantayan ang pagkilos ng China.
Subalit ang mga tugong ito ay hindi sinasang-ayunan ng lahat ng mga bansa sa rehiyon. Maraming miyembrong bansa sa Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN) ang hindi tuwirang umaalma sa pagkilos ng China. Ito ay dahil sa ang China ang pinakamalaking
kasosyo sa kalakalan ng ASEAN at ito rin ang pinakamalaking ekonomiya sa Asya. Suma total, napatunayan na ng China ang bentahe nito sa
ekonomiya laban sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya.
Dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga bansa hinggil sa tensiyon sa West Philippine Sea, hindi nagtagumpay ang ASEAN sa
pagtatatag at pagpapatupad ng isang epektibo at malinaw na polisiyang lulutas sa suliranin. Hindi umusad ang mga negosasyon para sa CoC
kaya’t napilitan ang Pilipinas at ang Vietnam na humingi ng mas malaking tulong sa Japan at United States at direktang harapin ang China
hinggil sa isyu. Nakipagpulong si Pangulong Benigno Aquino III sa mga opisyal ng pamahalaan ng United States upang pag-usapan ang
bilateral na estratehikong militar na kasunduan. Ang layunin ng kasunduan ay ang pagtatatag ng semi-permanent na presensiya ng
Amerikanong militar sa Pilipinas at pagpapahiram ng United States ng kagamitang militar sa bansa.
Sa pagharap ng Pilipinas sa isyu, pinalitan ang pangalan ng South China Sea at dineklara ito bilang West Philippine Sea. Bilang
protesta sa pag-angkin ng China sa teritoryo, naghain din ang Pilipinas ng kaso sa International Tribunal Law for the Law of Seas (ITLOS). Sa
desisyong inilabas ng Permanent Court of Arbitration, The Hague, Netherlands noong Hulyo 12, 2016, pinagtibay na teritoryo ng Pilipinas ang
ilang isla at bahagi ng West Philippine Sea na inookupahan ng China.
Tumutol ang China sa desisyong ito. Hindi pa nagkakaroon ng pormal na bilateral dialogue sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ipinagbawal pa rin ng China ang pagpasok ng kahit anong banyagang sasakyang-pandagat sa mga teritoryong inaangkin nito. Naiulat ding
nagbabalak ang China na maglagay ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa West Philippine Sea, nananatili pa rin ang China
rito.
Hindi maaapektuhan ng suliranin sa West Philippine Sea ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at China ayon kay Cesar
Purisima, Kalihim sa Pnanalapi mula sa artikulo ni Michelle Remo sa Philippine Daily Inquirer noong Pebrero 20, 2014.. Sabi pa aniya ni
Purisima, patuloy pa rin ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Kahit na napakatindi ng tensyon sa West Philippine Sea noong taong 2013,
nanatiling ang China ang isa samga pinakamalaking kasosyo ng Pilipinas sa kalakalan.
LC 4: Nasusuri ang mga epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa
aspektong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan, at pangkapayapaan ng mga mamamayan (AP10IPP-IIc-4)

MGA EPEKTO NG SULIRANING TERITORYAL


Sa ASPEKTONG PANLIPUNAN
1. Maaaring magdulot ng sentimyentong makabayan lalo na kung ito ay sa pagitan ng dalawang bansa
2. Maaari itong magtanim ng galit o poot laban sa bansang kaagaw sa teritoryo
3. May mga pagkakataon na nauuwi sa dahas ang damdaming makabayan
SA ASPEKTONG PAMPULITIKA
1. Sa pandaigdigang ugnayan, mabigat ang timbang ng mga pagtatalo sa teritoryo sapagkat maaari itong makaapekto sa
kapayapaan ng isang rehiyon at makahadlang sa pag-unlad ng mga ekonomiya ng mga bansa
2. Maaaring tumibay ang ugnayan ng mga bansang sangkot sa suliraning teritoryal kung may pareho silang
kakompitensyang bansa
SA ASPEKTONG PANGKABUHAYAN
1. Maaaring higpitan ng isang bansa ang patakaran nito ukol sa pakikipagkalakalan sa nakairingan nitong bansa
2. Maaari itong maging dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan ng produktong nagmumula sa ibang bansa at pagtaas
ng presyo ng mga bilihin
SA ASPEKTONG PANGKAPAYAPAAN
1. Nagiging banta sa kapayapaan ng mga bansa sa mundo
2. Maraming buhay ng tao at mga ari-arian ang nasisira dulot ng digmaan

ANG BAGONG TERITORYO NG PILIPINAS


 Ang BENHAM RISE ay nakamit ng Pilipinas noong taong 2012, isang malawak na
teritoryo sa Philippine Sea.
 Ito ay may lawak na 13 milyong ektarya na mas malawak pa sa Luzon
 Ito ay bunga ng pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas nang pormal na maghain ito
ng claim noong 2008 upang mapasailalim ang Benham Rise sa teritoryo nito
 Pinaniniwalaang napakayaman sa iba’t ibang mineral at natural gas at isa rin itong
mayamang pangisdaan
 Inaprubahan at kinilala ng UN na bahagi ng continental shelf at teritoryo ng Pilipinas
ang Benham Rise alinsunod sa United Conventions on the Law of the Sea

(September 23-27, 2019)


LC 5: Naipaliliwanag ang konsepto ng political dynasties (AP10IPP-IIc-5)

ETYMOLOHIYA NG POLITICAL DYNASTY


POLITICS DYNASTY
- Ang ugnayan ng kapangyarihan ng tao sa - isang pamilya na namumuno sa isang lugar sa loob ng
lipunan at ng mga pagkilos o paggawa ng mahabang panahon at naipasa ang pagkapinuno sa
desisyon ninuman kanilang mga kamag-anak o kapamilya.
Dalawang Sangkap:
Kapangyarihan at Pagpili (Choice)
Politiko – tao na sumasabak sa kalakarang
politika na nagaganap sa pamahalaan

- ito ay tumutukoy sa mga pamilya na may mga katungkulan o posisyon sa pamahalaan bunga ng kanilang
pagkakahalal.
- isang penomenon kung saan nakatuon ang politikal na kapangyarihan at yaman ng publiko sa pagkontrol ng
ilang pamilya kung saan ang mga kasapi nito ay may hawak na mga nahalal na posisyon sa pamahalaan at
nanungkulan ng maraming termino (Ayon sa pagpapakahulugan ni Supreme Court Justice Antonio Carpio sa ruling ng
isang kaso noong 2011)
- nagmula o inuugnay sa isang lalawigan o lungsod ang mga kasapi ng political dynasty na namumuno sa
magkakasunod na henerasyon
DALAWANG PAMAMARAAN SA PAGKAKAROON NG POLITICAL DYNASTY:
1. Ang paghawak ng isang kasapi ng pamilya sa isang posisyon sa pamahalaan sa magkakasunod na termino
2. Ang paghawak ng ilang kasapi ng pamilya ng maraming nahalal na posisyon sa pamahalaan nang magkakasabay.

Bagama’t nakasaad sa Saligang Batas Artikulo II, Seksiyon 26 ng 1987


ang pagbabawal sa pagkakaroon ng mga political dynasty, wala pang
batas na naipasa na sisikil sa problemang ito.

Kabanata 1, Seksyon 43 ng Republic Act 7160 o ang Local


Government Code
- ang pinakamalapit na batas kung saan nabanggit ang political
dynasty ang limitasyon sa termino ng mga opisyal sa mga lokal na
pamahalaan.

LC 6: Nasusuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan
(AP10IPP-IId-6)

KASAYSAYAN NG POLITICAL DYNASTY SA PILIPINAS


daantaong kasaysayan ng ating bansa mula pa noong panahon bago ang kolonisasyon ng mga dayuhan at nagpatuloy sa pagdating ng mga Espanyol at A

ESPANYOL
Illustrado - pamilya ng mga mestizo at maykaya sa buhay na mas napapaboran at laging itinatalaga bilang Gobernadorcillo o
Alcalde
y gumamit ng kanilang impluwensya sa kanilang mga komunidad at ang pagtataguyod sa mga kamag- anak o kadugo sa larangan ng politika ay isang pan

AMERIKANO
ng unang taon ng pamumuno sa bansa, ang mga Illustrado ay sumali sa demokratikong proseso na ipinakilala sa pamamagitan ng
Philippine Bill of 1902.
sa panahong ito ang mga pangalan ng kilalang pamilya tulad ng mga Cojuangco, Lopez, Marcos, Osmeña, at Aquino na tumatak sa kaisipan o naging bukambibig ng mar

1946 - 1963
eng pamilya ang nahalal sa mga mahahalagang posisyon sa pamahalaan kung saan 584 mula sa mga kilalang pamilyang ito ang naging pampublikong opisyal kabilang dito ay ang 7 presidente
(ayon sa pag-aaral ni Dr. Dante Simbulan)

 TraPo (Traditional Politicians) – mga kauna-unahang kilalang pamilyang nasa politika


- 75% ng mga mambabatas ay miyembro nito ayon sa naitala noong ika-14 Kongreso ng Pilipinas (mula July 23, 2007
hanggang June 4, 2010)

 Senador Miriam Defensor Santiago – isinulat at inihain ang Senate Bill No. 2649 (Anti-Political Dynasty Act)
 Anti-Political Dynasty Act – ayon dito maituturing na dinastiyang politikal ang pagtakbo o pamana sa
posisyong politiko ng asawa o kamag-anak (hanggang sa ikalawang antas ng consanguinity o affinity) ng isang
kasalukuyang politiko sa parehong bayan, lungsod, o lalawigan sa kanyang asawa o kamag-anak pagkatapos ng
kanyang termino; at ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang magkakamag-anak na politiko sa iba’t ibang
posisyon sa parehong bayan, lungsod, o lalawigan.
LIMITASYON SA TERMINO NG PANUNUNGKULAN
(isinasaad sa Saligang Batas bukod sa tuwirang pagbabawal sa mga dinastiyang politikal ay ang pagtalaga ng limitasyon sa termino
o haba ng panunungkulan sa gobyerno ng mga nahalal na opisyal upang siguruhing walang opisyal na mananatili sa poder sa loob
ng mahabang panahon)

Halal na Posisyon sa Pamahalaan Haba at Hangganan ng Termino ng


Panunungkulan
2 magkasunod na 6 na taong termino =
Senador
katumbas ng 12 taon
Kongresista, Gobernador, Alkalde, at lahat 3 magkakasunod na 3 taon
ng iba pang lokal na opisyal = katumbas ng 9 na taon

MGA EPEKTO NG POLITICAL DYNASTY SA PAMAHALAAN


1. Paghina ng sistema ng checks and balances
(Nagkakaroon ng conflict of interests kung ang isang pamilya ay magiging mga pinuno ng pamahalaan, lalo na sa isang lokal
na pamahalaan dahil nawawalan ng katuturan ang sistema ng checks and balances dahil ipinagpapalagay na ipagtatanggol
ng isang kadugo ang kapwa niya kadugo kahit mali ang mga ginagawa nito)

2. Pag-abuso sa Kapangyarihan
(Dahil nawawala ang tunay na oposisyon sa politika at nawawalan ng sistema ng checks and balances, kadalasang umaabuso
sa kanilang kapangyarihan ang mga kasapi ng political dynasty)

3. Pagsulong ng interes ng kanilang social class


(Tanging interes lamang ng kanilang uri ang naisusulong sa pamahalaan at ito rin ang dahilan kung bakit hirap sa
pagpapatupad ng reporma sa lupa at ilan pang mga mahahalagang repormang panlipunan ang pamahalaan)

MGA SALIK KUNG PAANO NAPAPANATILI NG MGA KASAPI NG MGA POLITICAL DYNASTY ANG KANILANG
PANUNUNGKULAN:

1. Kayamanan ang mga Pilipinong kabilang sa mga political dynasty ay may kakayanang gumastos nang
malaki sa halalan. Isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng kanilang yaman ay ang
pagmamay-ari ng mga lupain at mga negosyong pagmamay-ari nila
2. Edukasyon mas nahahasa ang talino at kakayanang dumiskarte ng isang tao lalo na kung edukado siya.
Kalimitan sa mga kasapi nito ay mga taong nakapag-aral sa mga mahuhusay na paaralan.
Nagagamit nila ito hindi lang sa pamamahala ng nasasakupan kundi sa pagpapalawak ng
impluwensiya nila sa kanilang nasasakupan
3. Kahusayan may angking husay sa anumang larangan ang mga politiko, maging ito ay husay sa batas,
husay sa pakikipagtalastasan, husay sa pakikipagkapwa-tao, husay sa pananalita, at iba pa.
4. Katanyagan ang mga kilalang politiko ay may mga tanyag na pangalan at makinang na kasaysayan sa
pamilya. Ito ang mga karaniwang hinahangaan sa kani-kanilang mga bayan.

5. Makinarya Bumubuo ng mga naturang mga lider na siyang nagpapakilos sa mga taong
mangangampanya para sa kandidato. Sila ang tulay sa pagitan ng pamayanan at ng
kandidato upang makarating sa atensyon ng opisyal ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng kalsada, scholarship, ayuda sa maysakit atbp.
6. Midya Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng ads. Sa ganitong paraan ay malalantad nang husto at
madaling matatandaan ng mga tao
7. Pagpapakasal Isang paraan upang mapalakas at mapalawak ang saklaw ng mga political dynasty
8. Dahas Upang mapanatili ang kontrol sa kanilang mga nasasakupan. Nakikita sa mga dinastiya ang
pagsasabuhay ng kasabihang “Ang pulitikal na kapangyarihan ay sumisibol mula sa
bunganga ng baril at dulo ng kutsilyo”
9. Mito Karaniwan at marami sa mga dinastiya ay nabubuhay sa mga kuwentong-bayan na
nagbibigay sa kanila ng ilusyon ng pagiging makapangyarihan, makamandag at
mapagbigay. Importante sa kanila na makita sila ng masa bilang imahe ng isang
mapagmahal, mapagbigay at mahabaging pulitiko.
10. Pagbuo ng mga Mahalaga sa mga dinastiya na makipagkasundo at makipagkaibigan sa ibang mga dinastiya
alyansa at maging sa iba pang mga opisyal sa gobyerno
MGA DAHILAN KUNG BAKIT NANANATILI ANG MGA POLITICAL DYNASTY SA PANAHON NGAYON
Kakulangan sa mapanuring pag-iisip Limitadong pagkakataong makakalap ng impormasyon
Patronage Politics

(September 30- October 4, 2019)

LC 7: Naipaliliwanag ang konsepto, uri at pamamaraan ng graft and corruption (AP10IPP-IId-7)

 Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga sangay ng pamahalaan


 (pandarambong at korupsyon) ay suliranin ng halos lahat ng pamahalaan sa
anumang antas.
 Ito ay tumutukoy sa malawak at magkakaibang aksyon kung saan ang
katungkulan ay inaabuso para sa sariling ganansya o kalamangan.

KAHULUGAN NG GRAFT AND CORRUPTION

GRAFT CORRUPTION
Pork Barrel
Ang pondo na  Ito ay nagamit
rupsyon kung saan ang politiko kawalan ng kalinisan, integridad o prinsipyong maaaring gamitin ng para sa pagkuha
moral
amit ang kanyang awtoridad at kapangyarihan upang isulong angat katapatan
kanyang ng isangkapakanan
pansariling taong nanunungkulan (ayon sa Merriam-Webster Dictionary)
mga mambabatas ng boto at
para sa kanilang political
mga nasasakupan patronage.
na nangangailangan  Ito ay nagbigay
ng tulong na hindi ng pagkakataon
pangkaraniwang inilalarawan bilang maling
nabigyang pansin ng upang makakuha
paggamit o pag-abuso sa pampublikong posisyon para sa sariling interes o ganansya (ayon sa WB at UNDP)
pambansang ang mga
Ito ay ang pagkakaroon ng kalamangan o
pamahalaan. mambabatas ng
yaman sa pamamagitan ng di-matapat o kaduda-dudang pamamaraan
Ito ay maaaring mga suhol at
magamit sa komisyon mula
pagpapaunlad ng sa mga kontrata
Ito ay paggamit ng pampublikong katungkulan o mga munisipalidad para sa proyekto.
posisyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko para sa personal na at lungsod.
kalamangan
aisasagawa ito kung ang kaalaman o
osisyon ay magagamit para makakuha ng kalamangan para sa sariling kapakanan o interes

MGA URI NG GRAFT AND CORRUPTION (ayon sa UNDP)

BIGLAAN SISTEMATIKO
makikita sa mga bansa onagaganap
lipunan na sa
may mataas
mga bansaoomatatag
lipunan na moralidad
kung saan angatcorruption
etika ay naging bahagi na ng pag- uugali ng mga tao at n
antas

TATLONG ANTAS NG GRAFT AND CORRUPTION

Katiwalian sa malawak na sistemang politikal

Katiwalian sa pampublikong sektor na may kaugnayan sa pagtatrabaho

ya ng gobyerno na nasasangkot sa malawakang katiwalian at nagkakamal ng milyong halaga ng pera mula sa corruption dahil sa laganap na pagtanggap
IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG GRAFT AND CORRUPTION na ginagamitan ng dirty money
(ayon sa pag-aaral ni INGO WALTER, isang propesor ng economics at finance sa New York University)

1. BRIBE (Suhol)
Kabayaran sa mga opisyal na may
kapangyarihang magpasiya upang kumbinsihin
ang mga ito na gawin ang mga pagpapasya
para sa kanilang interes
2. GREASE (Padulas)
Ibinibigay sa mas mababang mga opisyal
upang hikayatin sila na gumawa ng mga
bagay sa kanilang trabaho na pabor sa mga
nagbibigay ng suhol
3. POLITICAL CONTRIBUTIONS
Bayad sa mga partidong political kaugnay ng
mga pabor o banta

PAGTANGGAP NG REGALO
 Uri ng katiwalian na hindi ginagamitan ng pera. Kabilang din dito ang mga kapakinabangan na
makukuha sa hinaharap.
 Isa sa pinakalaganap na uri ng corruption sa bansa na sinasabing nag-ugat sa kultura at pag-uugali ng
mga Pilipino, gaya ng pagtanaw ng utang na loob at pakikisama.
 Nakaaapekto sa pagpapatupad ng propesyonalismo sa trabaho
 Ipinagbabawal ng Presidential Decree 46 (1972) ang pagtanggap at pagbigay ng regalo sa mga
pampublikong opisyal at kawani.

(October 7-11, 2019)

LC 8: Natataya ang epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala at partisipasyon ng mga mamamayan sa mga
programa ng pamahalaan (AP10IPP-IIe-8)

EPEKTO ng Graft and Corruption sa Pagtitiwala at Partisipasyon ng mga


Mamamayan sa mga Programa ng Pamahalaan

Kawalan ng Hindi mabilis na Hindi Kahirapan


tiwala ng mga mamamayan sa ating pamahalaan
magandang
atpag-unlad
mga
reputasyon
opisyal
ng nito
at imahe ng bansa sa pandaigdigang organisasyon
bansa
LC 9: Nasusuri ang kaugnayan ng graft and corruption sa aspektong pangkabuhayan at panlipunan (AP10IPP-IIe-9)

UGNAYAN NG KORAPSYON SA
UGNAYAN NG GRAFT AND CORRUPTION SA
ASPEKTONG PANGKABUHAYAN
ASPEKTONG PANLIPUNAN
Nahahadlangan ang mabilis na paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng kabuhayan ng tao
Utang na Loob
ahahadlangan ang pagpasok ng mga mamumuhunang dayuhang nais magnegosyo sa bansa

Hindi maayos na pagpapatupad ng mga regulasyon at batas Pagbibigay ng Regalo at


Pagmamasama sa Pagtanggi
nang dayuhan lalo na sa larangan ng pagpapagawa ng imprastruktura dahil hindi sumailalim sa tamang bidding process ang mga proyektong ipagagawa
Mahigpit na Pagkakabuklod
ng Pamilya

Katiwalian at krimen

LC 10: Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang graft and corruption sa lipunan (AP10IPP-IIf-10)

PILIPINAS – naitalang pinakamalala sa graft and corruption sa buong Asya ayon sa mga negosyanteng banyaga o
expatriate na nailathala sa New York Times noong 2007.
ARTIKULO XI o PANANAGUTAN NG PAMPUBLIKONG OPISYAL
- nakasaad sa ating konstitusyon na ang sinumang opisyal at naglilingkod sa pamahalaan sa lahat ng pagkakataon
ay may pananagutan sa taumbayan, at sila ay inaasahan na buong kayang maglilingkod na may responsibilidad,
integridad, katapatan at kahusayan, na kikilos na may pagkamakabayan at katarungan at mangunguna sa
pamumuhay na payak.

Republic Act No. 3019 o ANTI-GRAFT AND CORRUPTION PRACTICES ACT


- nilalayon ng batas na ito na mapigilan o maiwasan ang anumang uri ng gawain na may kinalaman sa graft and
corruption ng mga opisyal ng pamahalaan at mga naglilingkod dito.

MGA MUNGKAHI UPANG MASOLUSYUNAN ANG SULIRANIN SA GRAFT AND CORRUPTION SA BANSA
1. Magbigay ng mas mataas na sahod at mas magagandang benepisyo para sa mga naglilingkod sa mga ahensiya ng
pamahalaan para hindi matuksong humingi ng lagay ang mga kawani ng pamahalaan
2. Dagdagan ang mga kawani sa mga sektor ng pamahalaan.
3. Magpasa ng batas na magtatanggal sa serbisyo sa mga napatunayang tiwaling opisyal.
4. Subukang gawing online ang lahat ng mga transaksiyon, tulad ng pagbabad sa pamamagitan ng mga online bank
account
5. Magbigay ng resibo para sa bawat transaksyon sa pamahalaan
6. Maglagay ng CCTV camera sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan
7. Pabilisan ang pagtatrabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan. Kailangang siguraduhing may makatarungang office
hours na susundin ng mga kawani ng ahensiya
8. Ganyakin ang media na maging responsable at magpasa ng batas na magsisiguro nito
9. Isaayos at gawing transparent ang sistema ng pagtatalaga sa mga posisyon sa pamahalaan
10. Panatilihing mababa ang presyo ng mga bilihin

You might also like