You are on page 1of 3

4a’s Lesson Plan in Araling Panlipunan

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa sanhi at epekto ng mga isyung pampulitikal sa pagpapanatili
ng katatagan ng pamahalaan at maayos na ugnayan ng mga bansa sa daigdig.

Pamantayang Pagganap

Ang mga mag-aaral ay: nakapagpapanukala ng mga paraan na nagpapakita ng aktibong pakikilahok sa
mga isyung pampulitikal na nararanasan sa pamayanan at sa bansa

Learning Competency:

Nasusuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na


pamahalaan

I. Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakakapagpaliwanang ng konsepto ng political dynasty.

b. Nasusuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na


pamahalaan sa pamamagitan ng pagpresenta ng podcast.

c. Nakakagawa ng mungkahing solusyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng political dynasty sa


pamamagitan ng paggawa comic strip.

II. Paksang Aralin:

Paksa: Political Dynasty

Sanggunian: Aklat sa Araling Panlipunan 10

Materyales: Laptop, Projector, Libro, Printed Picture, Marker

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng Liban
3. Balik-aral
b. Pagganyak

Ang bawat mag-aaral ay bibigyan ng isang sagutang papel at susuriin ang karikatura na nasa
papel at sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.

Pamprosesong tanong:

1. Ano nga ba ang mensaheng ipinapahiwatig ng politikal cartoon?


2. Umiiral ba ang mga ganitong Sistema sa inyong lugar?
3. Sa iyong palagay, dapat pa ba silang patuloy na ihalal sa kanilang posisyon? Bakit?

C. Aktibiti
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang podcast na may discussion o talakayan sa
mga sanhi at epekto ng political dynasty sa pagpapanatili ng malinis at matatag na
pamahalaan. Ang mag-aaral ay pipili ng kanilang pair o isang kasama na mag talakay
nito. Gagamit ng site na https://anchor.fm/ ang mga mag-aaral na kung saan
makakagawa sila ng madaling podcast at madaling ma access ng mga kapwa nila
magaaral. Ang podcast ay hindi dapat lalagpas sa 20 minuto at ang nilalaman ng
podcast ay ang nasabing sanhi at epekto ng political dynasty sa pagpapanatili ng
malinis at matatag na pamahalaan. Pagkatapos nilang gumawa ng podcast ay ilalagay
nila ang link ng kanilang output sa klase sa google docs.

https://docs.google.com/document/d/1rI5e69tcGPtJz88kO5MQngqUBd5 7LXdzJAJNuQ
G-SY/edit

Nilalaman – 30, Oral na pagtatanghal at kalinawan – 20, Pagkamalikhain at


Pagkaorihinal -20.
Kabuuan – 60 points.
D. Analysis
Pamprosesong tanong:
1. Ano nga ba ang Politikal dynasty at paano ito nag ugat sa kasaysayang ng
ating bansa?
2. Paano nga ba nagkakaroon ng Politikal dynasty sa isang bansa kung may
limitasyon ng termino ng panunungkulang sa bansa?
3. Sa iyong palagay, mapipigilan pa ba ang pagkakaroon ng Politikal dynasty sa
bansa? Paano?

E. Abstraksyon
Pagkatapos ang maikling pagbalik tanaw at pag-alam sa kanilang mga nalalaman
tungkol sa panibagong aralin, sisimulan nang ibahagi ang aralin sa isang talakayan at
diskurso at ito ay bibigyang linaw at malalimang pag-unawa ng konsepto. Upang mas
malaman ang sanhi at epekto ng political dynasty sa bansa.
F. Aplikasyon
Ang guro ay hahatiin ang klase sa limang grupo. Gagawa ang bawat grupo ng comic strip sa
Pixton na website na nagpapakita ng kanilang mensahe tungkol sa paglutas ng political
dynasty sa bansa. Ang nilalaman ng comic strip ay isang pahinang graphic arts na may
nakatatawang drawing ng mga tauhan at may salitaan upang ipakita mga isyung pampulitikal
sa lipunan. Maaari nilang gawing basehan sa nilalaman ng kanilang comic strip ang mga
pamprosesong tanong:

1. Paano nag-ugat sa kasaysayan ng ating bansa ang mga political dynasty?


2. Paano napananatili ng mga pamilyang politiko sa Pilipinas ang kapangyarihan sa kabila ng
limitasyon sa termino ng panunungkulan?
3. Bakit hindi pa rin naipapasa ang Anti-Political Dynasty Law?
4. Sa iyong palagay, mapipigil ba ang pagkakaroon ng political dynasty sa Pilipinas? Paano?

IV. Pagtataya
Ang Gawain sa bahagi ng Aplikasyon ay magsisilbing pagsusulit gamit ang sumusunod na
pamantayan.

Pamantayan: Nilalaman- 30, Organisasyon – 20, Kaayusan at Kagandahan – 20

Kabuuan: 70 puntos

V. Takdang Aralin
• Magsaliksik ng positibo at negatibong epekto ng political dynasty para sa oral na
resitasyon sa susunod na pagkikita.

You might also like