You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
NOVALICHES HIGH SCHOOL
Lakandula St. T.S. Cruz Subdivision, Novaliches, Quezon City

SANAYANG GAWAIN
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN AT SIBILISASYON

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.


(Q2W1)

AP7KSA-IIb-1.3

TIYAK NA LAYUNIN: Nakapaghahambing sa katangian ng Kabihasnan sa Sibilisasyon.

Panimula (Susing Konsepto)

Sa payak na kahulugan, ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Naiisip
nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang
matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng
isang tribo, Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa
pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing
intelektwal, pamahalaan, at kakayahang makapagtanggol ng sarili. Dagdag pa, kapag ang isang
tao nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi nating nagiging bihasa siya o nagiging
magaling. Katulad ng nangyari sa Sinaunang Asyano, nanirahan sila sa mga ilog at lambak,
Nalinang nila ang pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka dahil sa
kapaligiran ng kanilang permanenteng tirahan. Dahil kinasananayan na nila ang pangingisda at
pagsasaka ay nagsilbing na pang araw-araw nilang hanapbuhay. Dahil dito, nabuo ang
konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na pamumuhay na nakasanayan o nakagawian.

Samantala, ang sibilisasyon ay halaw sa salitang Latin na civitas na nangangahulugang


lungsod. Ito ay isang uri ng estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar na kung saan
mayroon historikal at kultural na pagkakaisa. Ang sibilisasyon ay tumutukoy din sa mga
ibinahagi o itinuro sa bansang sinakop nito kabilang dito ang buong sistemang pamumuhay,
pag-iisip at pagkilos ng mga tau sa isang lugar. Samakatuwid, ang sibilisasyon ay masalimuot
na pamumuhay sa lungsod. Kabilang sa mga pinakamatatndang sibilisasyon sa Asya ay ang
ang Sumer, Indus at Shang na umusbong sa mga lambak-ilog. Ang pagkakaroon ng
sibiliasasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan,

Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng
kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kanyang pamumuhay gamit ang
lakas at talino nito na magdudulot ng pag-unlad sa kaniyang pagkatao,
GAWAIN 1: Petal
Web
Gamit ang Petal Web, isa-isahin at suriin ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng
kabihasnan. Pagkatapos guhitan ng tangkay at mga dahon at ilagay rito ang iyong sariling
kahulugan ng kabihahasnan.
GAWAIN 2: W Technique

Gamit ang W Technique, paghambingin ang kabihasnan at sibilisasyon. Gamitin ang gabay sa
ibaba.
GAWAIN 3: Tukla-Saysayan
Magbalik tanaw sa nakaraan, ilagay ang iyong sarili na kau ay nabuhay sa sinaunang panahon.
Gamit ang inyong imahinasyon at pagkamalikhain, gumuhit ng ng iba pang bagay o gamit na
maari mong malikha mula rito. Pagkatapos gumuhit, ipaliwanag ang kahalagayan ng inyong
natuklasan sa pag-unlad ng kabihasnan at sibilisasyon.

Rubriks sa Pagpupuntos

Talahanayan ng pag grado ng nasabing actibidad na ito. Sa pamamagitan nito ay


maipapakita ang criteria ng grading maaaring makuha ng bata.

5 4 3 2 1
Naakma ang Akma ngunit Bahagyang naakma Mayroong Walang kaugnayan
paliwanag at sagot may kaibahan. ang isinagot ngunit kaugnayan ngunit at malinaw na hindi
ng bata sa (4) malinaw na hindi walang importansya nakinig at nag – aral
katanungan. (5) gaanong sa leksyon. (2) ang bata. (1)
naintindihan ang
panuto. (3)

Mga Sanggunian

Pasco, Asher et. Al . Gabay sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan: UBD Secondary Curriculum
________________. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Modyul

Susi sa Pagwawasto

Ang mga mga kasagutan ay maaaring magkakaiba-iba

Inihanda ni:

Bb. Maria Lourdes B. Mercado


Guro, Araling Asyano
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.

You might also like