You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I.Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang

a.Natutukoy ang ibat-ibang bahagi ng pamahalaan


b.Napapahalagahan ang bawat proyekto ng pamahalaan
c.Naibibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan

II.Paksang Aralin

a.mga bahaging ginagampanan ng ating pamahalaan ating pahalagahan

b.Araling Panlipunan ikatlong markahan modyul 8

III.Kagamitang Panturo

Mga larawang,Power point presentation,tv,mga larawan galing sa internet


Larawan 1.https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fjayryanga.wordpress.com%2F2012%2F08%2F09%2Fibat-ibang-mukha-
ng-pagtulong-sa-panahon-ng-kalamidad

Larawan2.https://www.google.com/url?sa&url=https%3A%2F%2Fwww.philstar.com%2Fheadlines
%2F2022%2F12%2F23%2F2232676%2Fgfis-back-pambansang-pabahay-program

Larawan 3.https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.bomboradyo.com%2Fpagtulong-sa-mga-batang-may-kapansanan-
isinagawa-ng-pamahalaang-panlalawigan-ng-cotabato-sa-pakikipagtulungan-ng-tebow-cure-hospital

Energizer Video https://www.youtube.com/watch?v=25rJnX_Hrrw&pp=ygUVQVAgU09ORyBXSVRIIE1PVkVNRU5U

IV.Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


a.Panimulang Gawain
bago tayo magsimula sa ating aralin tumayo ang lahat at
tayo ay manalangin carmela, maari mo bang pangunahan an Opo teacher,
gating panalangin
“Panginoon maraming salamat sa lahat ng mga biyayang
ipinakaloob mosa amin. Bigyan mo po kami ng karunungan
Panginoon upangmaunawaan at maintindihan namin ang mga
ituturo ng aming mgaguro.Patnubayan mo kaming lahat ang
aming mga kaklase at guro. Itoang aming samot dalangin namin
sa pangalan ng ating Panginoong Hesukristo. Amen.”

 Pagbati
Magandang araw mga bata. Magandang araw din po aming guro,

 Energizer
Manatili kayong nakatayo at tayo ay await at
sasayaw handa na baa ng lahat ? Opo teacher!

(AP SONG)

At ngayon mukhang handa na kayo sa ating


aralin kaya’t Maari na kayong umupo,
Maraming salamat po aming guro
 Pag-uulat ng mga batang dumalo sa klase
Ngayon naman magtatala ako ng mga liban sa
klase,
Sa hanay na ito may liban ba ? Wala po,

Sa kabilang hanay naman may lumiban ba ?


Wla din po,

Mahusay!

b.Balik Aral
ngayon naman mga bata,naalala niyo pa ba ang ating
napag aralan kahapon ? Opo

mag taas ng kamay ang gusting sumagot,? “Nagtaas ng kamay ang mga bata”.

sige joseph ano ang ating napag aralan kahapon ?


Kapangyarihan at tungkulin ng tatlong sangay sa pamahalaan
po.
mahusay,joseph

Sino sa inyo ang makakapagbigay ng tatlong sanghay na ating


napag aralan kahapon ? “Nagtaas ng kamay ang mga bata”

Sige joshua,
Tagapagbatas,Tagapagpaganap,Tagapaghukom

Mahusay, maraming salamat sa inyong mga sagot,

c.Pagganyak
may inihanda akung mga puzzle para sa inyo magtatawag
ako ng tatlong mag aaral upang bumuo nito.

At ngayon naman
ano ang nakikita
ninyo sa unang
larawan ?

Mahusay, sa pangalawang larawan naman ?


Pagtulong po sa biktima ng mga kalamidad

Oo,tama mahusay ang iyong sagot pani, Maraming bahay po teacher,na binibigay ng pamahalaan sa mga
mahihirap,

Sa pangatlong larawan naman ano ang nakikita ninyo?

Oo tama ang iyong sagot cristine,pagbibigay o pagtulong sa Pag bibigay po ng wheelchair sa mga may sakit teacher,
mga taong may kapansanan

Ang mga larawan na eyan ay mga halimbawa lamang ng ating


pag-aaralan ngayong araw, kaya makinig kayong lahat upang
mas lalo natin itong maunawaan,

d.Paglalahad
sinisikap ng ating pamahalaan na matugunan ang mga Opo,
pangangailangan ng mamamayan kaya naman may mga
proyekto at programang itinatag upang makapamuhay ng
maayos,mapayapa at maunlad.
kaya ngayon ito ay ating pag aralan

una dito ay ang paglilingkod sa mga bata at matatanda ang


pamahalaan ay may programa at serbisyo para sa
pangangailangan at paglilingkod sa mga bata,kabataan at
matatanda
kabilang dito ang DSWD

sino sa inyo ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng


DSWD ?

sige analyn, “Nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral”

Department of social welfare and development po,


oo tama ito ay pangunahing ahensya ng pamahalaan na
naatasang manguna sa mga programa ukol dito
At meron namang katuwang ang DSWD. ito ay ang kagawaran
ng hustisya ito ay ang DOJ o Department of justice.At ang CHR
o commission on human right. Ito naman ang naatasan sa mga
karapatang pantao

Ano naman ang mga halimbawa ng karapatang pantao ?

Sige Lissete, “Nagtaas ng kamay ang mga mag aaral”

Mahusay, sino pa makakabigay ng karapatang pantao,


Sige jameer,
Karapatang makapag aral po

Mahusay tama lahat ang inyong mga sagot at marami pang Karapatang mabuhay po,
ibang karapatan,

Ayon sa Batas Republika Bilang 7610, binibigyan ng


natatanging proteksyon ang mga bata laban sa pang-aabuso,
pagsasamantala at diskriminasyon. Kasama sa mga tinutulungan
ng pamahalaan ang mga bata at kabataang inabuso, inulila, mga
batang lansangan at mga batang nasa biktima ng digmaan at
mapanganib na sitwasyon. Inaasahan ang DSWD na
pansamantalang kumupkop sa mga batang nasa nasabing mga
sitwasyon.

Bukod sa mga bata at kabataan, tinutulungan din ng “nakikinig ang mga studyante”
pamahalaan ang mga matatandang inulila at walang
kumukupkop na kamag-anak. Sila ay pinatutuloy sa isang
pasilidad ng pamahalaan, ang DSWD Haven for the Elderly o
dating Golden Acres. Bukod dito, binibigyan din ng
dalawampung
porsyento (20%) na pribilehiyong diskwento ang mga
nakatatanda
at may kapansanan sa pagkain, gamot, pamasahe sa
pampublikong sasakyan ayon na rin sa Batas Republika Bilang
7432.

Anong batas republika ang nag bibigay proteksyon sa mga


kabataang naaabuso ?
Mahusay, anong batas republika naman ang nag bibigay ng Batas Republika Bilang 7610
dalawampung porsyento para sa mga taong may kapansanan,at
nakakatanda ?

Mahusay ngayon naman ang susunod natin na pag uusapan ay Batas Republika Bilang 7432.
ang pabahay.

Pabahay
Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan
ang mga mamamayang maliliit ang kita sa tulong ng
Pangangasiwa ng Pambansang Pabahay (National Housing
Authority o NHA) na direktang inatasan ng pamahalaan sa mga
proyektong ito.
Katuwang nito ang Government Service Insurance System
(GSIS), Social Security System (SSS) at Pagtutulungan sa
Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at Gobyerno (PAG- “nakikinig ang mga mag-aaral”
IBIG)
na magpautang para sa pangangailangan sa pabahay.

Nakikinig pa ba ang lahat ?


Opo,
Kung ganon ano anong ahensya ng pamahalaan ang inatasan
para sa proyektong pabahay ?
Magtaas ng kamay ang gustong sumagot.

Sige anna ano ano ito ? NHA “national housing government”

GSIS “government service insurance system”

SSS “social security system”

PAG_IBIG “pagtutulungan sa
Mahusay, at nakinig talaga kayo sa ating aralin ngayon, kinabukasan:ikaw,bangko,industriya at gobyerno”
Ang pangatlo naman natin tatalakayin ay ang,

Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad


Nakararanas ang Pilipinas ng iba’t ibang likas at di-likas na
kalamidad tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol, at pagputok ng
bulkan. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
paghahanda at pagtugon sa mga biktima ng kalamidad.
Sinisiguro
ng ating pamahalaan na maging handa ang isang komunidad
upang maiwasan o mapababa ang pinsala sa buhay at mga
ariarian ng mga mamamayan. Maraming ibat ibang ahensya na
pamahalaan ang maaring mag bigay agad ng tulong kapag may “nakikinig ang mga mag-aaral”
sakuna kabilang dito ang mga sumusunod.

NDRRMC (Disaster Risk Reduction)


MMDA (Metro Manila Development Authority)
PAG-ASA (Philippine atmospheric geophysical and
astronomical services administration)
DepEd (Department of education)
DOH (Department of Health)
DND (Department od national defense)

Naintindihan ba ?

At ngayon naman magpatuloy tayo ang pang apat natin na aralin Opo,
ay,
Transportasyon at Komunikasyon
Pinauunlad din ng pamahalaan ang transportasyon at
komunikasyon sa iba-ibang dako ng bansa upang maging
mabilis
ang pagluwas ng mga produkto. Nagpagawa ng mga daan, tulay,
underpass, overpass, skyway, daang bakal, at tunnel na
naguugnay sa mga lalawigan at hiwa-hiwalay na pulo ng ating
bansa.
Pinalawak din ang mga kalsada o nautical highway

pangangasiwa ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang


Bayan (Department of Public Works and Highways o
DPWH).
Upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mga
mamamayan habang naglalakbay, sinisiguro ng pamahalaang
nakarehistro ang mga sasakyan. Pinangangasiwaan ito ng
Tanggapan ng Transportasyong-Lupa o Land Transportation
Office (LTO) .
Nakikinig ba ?
Opo,
Ano-ano ang mga nangangasiwa para proyekto ng pamahalaan
sa transportasyon at komunikasyon ?
“nagtaasa ng kamay ang mga mag-aaral”
Gener, ano ang iyong sagot ?
Department of Public Works and Highways o DPWH) at
Tama. Maraming salamat sa iyong sagot, at ngayon magpatuloy Land Transportation Office (LTO) po.
tayo,

Malinis at Maayos na Pagkain

Sinusubaybayan ng pamahalaan ang presyo at kalidad ng mga


bilihin sa ilalim ng pangangalaga ng Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya ng Pilipinas (Department of Trade and Industry o
DTI).
Nakasalalay sa pamahalaan ang kalidad ng mga pagkain sa
tulong ng National Food Authority (NFA). Maging ang
kalidad ng “nakikinig ang mga mag-aaral”
gamot ay kailangang dumaan sa masusing pag-aaral ng Bureau
of Foods and Drugs (BFAD) upang masigurong ligtas ito sa
kalusugan ng mga mamamayan.

Ano ang taga subaybay sa presyo at kalidad ng mga bilihin ?

Magaling jillian. Department of Trade and Industry o DTI po.

Ano naman ang tawag sa taga bantay ng kalidad ng gamot


upang masigurong ligtas ito ?

Mahusay at nakinig talaga kayo, Ngayon magpatuloy tayo Bureau of Foods and Drugs (BFAD) po.

Pagtulong sa mga may Kapansanan


Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan at protektahan ang
mga may kapansanan. Magsagawa ng mga programa, maghatid
ng serbisyo at magpapatupad ng mga batas upang matiyak ang
proteksiyon sa mga sibil at politikal na mga karapatan ng taong
may kapansanan (persons with disabilities, PWDs).

Analyn maari mo bang basahin ang republika act.no.7277

Ang Republic Act No. 7277 kilala sa tawag


na Magna Carta for Disabled Persons ay nagtatalaga sa mga Opo teacher.
ahensya, korporasyon ng pamahalaan na magreserba ng hindi
bababa sa isang porsyento (1%) ng lahat ng mga posisyon para
sa mga PWD.

Ano republic act no. Ang nag bibigay ng 1% sa lahat ng PWD.

Sige sandra. “nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral”

Tama!
At ngayon magpatuloy tayo. Ito po Ang Republic Act No. 7277.

Ang Batas Pambansa Blg. 344 o Accessibility Law ay


nagbibigay pribilehiyo na magtalaga ang mga komersyal at
establisyemento ng pamahalaan ng express lane para sa may
kapansanan, tulong pang-edukasyon upang makapag-aral sila
mula elementarya hanggang kolehiyo, pati na rin ang
bokasyonal
o teknikal na edukasyon sa parehong pampubliko at pribadong
paaralan at pinoprotektahan rin sila ng pamahalaan laban sa
berbal o di-berbal na pang-aalipusta at paninirang-puri.

Ang Republic Act 6759 o White Cane Act ay nagtataguyod na


protektahan ang pisikal, moral, at panlipunang kagalingan ng
lahat ng mga taong may kapansanan sa paningin at itanim ang
kamalayan ng publiko sa kalagayan ng bulag. Itinataguyod nito
ang pagkilala at pagtanggap ng "puting tungkod" bilang isang
simbolo ng kanilang kadaliang kumilos at Kalayaan at
magsilbing
paalala sa publiko na pangalagaan at bigyan ng angkop na
paggalang ang mga mahihinang tao sa ating lipunan.

Naintindihan ba ?
At ngayon mag tatanong ako mag taas lamang ng kamay ang
gustong sumagot. Opo.

Ano nga ba ang batas pambansa blg.344 ?

Sige robi. “Accessibility Law apo ito po ay nagbibigay pribilehiyo na


magtalaga ang mga komersyal at establisyemento ng
pamahalaan ng express lane para sa may
Kapansanan,”
Ano naman ang gustong iparating ng republik act 6759 ?

“White Cane Act po ito po ay nagtataguyod na


protektahan ang pisikal, moral, at panlipunang kagalingan ng
lahat ng mga taong may kapansanan sa paningin at itanim ang
Tama, maraming salamat at nakinig kayo sa ating talakayan. kamalayan ng publiko sa kalagayan ng bulag”

e.Paglalahat

ano anong proyekto ng pamahalaan ang ating napag aralan


ngayon ?
1. Paglilingkod sa mga bata at matatanda
2. Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad
3. Pabahay
4. Pagtulong sa mga may kapansanan
5. Malinis at maayos na pagkain
6. Transportasyon at komunikasyon

gaano ba kahalaga ang mga proyekto na ito ?


f.Paglalapat “maaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral”
Gumawa ng isang bukas na liham para sa mga kamag-aral,
kamag-anak o mga tao sa pamayanan. Ilahad ang gampanin ng
pamahalaan at paano ito pahahalagahan. Maaaring gamitin ang
gabay sa ibaba. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel
Ipabasa ang iyong liham sa iyong magulang at hayaang bigyan
ngpuntos ayon sa sumusunod na rubrik.

Rubriks sa paggawa ng lihamPuntos


Mensahe na nais iparating ng liham 3 2 1
Kaayusan ng nabuong liham 3 2 1
Kabuuan ng natapos na gawain 3 2 1

g.Pagtataya

PANUTO: Hanapin ang mga sumusunod na salita o lipon ng


mga salitang maaring mabuo.
Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang
ang tamang sagot. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

1. Aling gampanin ng pamahalaan ang pinangangalagaan ng


National Housing Authority (NHA)?
________________________________
2. Aling gampanin ng pamahalaan sumasakop upang mapabilis
ang pagluwas ng mga produkto mula sa malalayong bayan?
_______________________________________________
3. Ang pagbibigay ng 20% diskwento sa mga senior citizen ay
sakop ng paglilingkod na ito.
___________________________________
4. Ang pagtatalaga ng express lane sa mga may kapansanan ay
sagot sa paglilingkod na ito ng pamahalaan.
_______________________
5. Aling gampanin ng pamahalaan ang tinutugunan ng abiso
mula sa PAGASA?

V.Takdang aralin

PANUTO: Kulayan ang bituin ng dilaw ( ) kung ang pahayag


ay nagpapahalaga sa gampanin ng pamahalaan at pula
( )naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

1.Pagtangkilik sa serbisyo ng mga masahistang bulag.

2.Pagtatag ng scholarship program sa mga batang lansangan.

3.Pagbibigay tulong pinansiyal sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

4. Pagbutas ng upuan ng mga pampublikong sasakyan.

5 . Pagbebenta ng mga expired na tsokolate

You might also like