You are on page 1of 10

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools


SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H
E
K
A
S BAKIT MAHALAGA ANG
I PAMAHALAAN

6 Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
GRADE VI

BAKIT MAHALAGA ANG PAMAHALAAN

ALAMIN MO

Pag-aralan ang mga larawan.


• Ano ang ipinakikita ng mga larawan?
• Sa iyong palagay, sino ang nagkakaloob ng mga ito sa taong bayan?

Sa pag-aaral ng araling ito matututuhan mo ang mga sumusunod:


• Kahalagahan ng pamahalaan
• Mga iba’t-ibang paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan sa mga
mamamayan at sa ating bayan.

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Lagyan ng tsek (  ) ang pangungusap na nagsasaad ng tungkol sa


pamahalaan at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong notebook.

_____ A, Namamahala at tumutugon sa pangangailangan ng


mamamayan.
_____ B. Nagpapagawa ng mga kalsada at tulay upang makarating sa
liblib na pook.
_____ C. Pinaglilingkuran lamang ang mga malalapit na kaibigan at mga
kamag-anak.
_____ D. Nagpapatupad ng mga tuntunin at patakaran para sa
kapayapaan at katahimikan ng bansa
_____ E. May mga pinuno na gumaganap ng iba’t-ibang tungkulin.

PAG-ARALAN MO

Pag-aralan ang mga sinasabi ng mga bata.

1.
Maraming serbisyo ang
pamahalaan sa atin. Libreng
edukasyon, libreng pagpapagamot
sa ospital pampubliko. May bahay
ampunan para sa mga batang
ulila, matatanda at mahihirap.

2. May mga batas na ipinatutupad


upang mapangalagaan ang
kapayapaan at kaayusan ng
bansa. May pabahay na mura ang
halaga

2
3.
Kung ikaw ay may kaso, may
manananggol na ibinibigay kung
wala kang pambayad. May mga
proyekto rin ang pamahalaan sa
pagpapaunlad ng pamumuhay.
Halimbawa kooperatiba, pagtuturo
ng makabagong teknolohiya sa
pagsasaka at pangingisda.

4.
May inilunsad ding iba pang
programa tulad “Linis Ganda”
para sa kalinisan ng kapaligiran,
“Bantay Bata” para matulungan at
mapangalagaan ang kapakanan
ng mga batang biktima ng
karahasan, at mga “street children”

Batay sa nabasa mo sa salitaan, mahalaga ba ang pamahalaan?


Anu-ano ang mga paglilingkod ng pamahalaan na nabanggit sa bawat dayalogo?
Ano kaya ang mangyayari sa isang bansa kung walang pamahalaan?

Basahin.

Kailangan natin ang pamahalaan upang mapangalagaan ang


kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. Mahalaga na may
tagapamahala sa bansa upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran
ng sambayanan. Hindi magiging maayos at tahimik ang kapaligiran
kung walang tagapamahala.

Maraming pangangailangan ang mamamayan upang mabuhay


nang matiwasay. Kailangan niyang maging malusog at malakas.
Upang maging masagana at kapaki-pakinabang sa lipunan kailangan
din niya ng maunlad na edukasyon at mabuting kalagayang
pangkalusugan. Kasama na rito ang mga benepisyo na murang
pabahay. Ang mga ito at iba pang pangangailangan ng tao ay
ibinibigay ng pamahalaan.

3
PAGSANAYAN MO

Balikan mo ang larawan sa pahina _______.

Itala mo ang mga paglilingkod ng pamahalaang ipinakita sa larawan.


Isulat ang sagot sa iyong notebook.

PAMAHALAAN

4
,

TANDAAN MO

• Mahalaga ang pamahalaan sa pangangalaga ng kapakanan at kaligtasan


ng mga mamamayan.

• Ang pamahalaan ay isa sa tumutugon sa pangangailangan ng mga


mamamayan.

• May iba’t-ibang paglilingkod na isinasagawa ang pamahalaan para sa


mamamayan.

ISAPUSO MO

Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pamahalaan.


Lagyan ng tsek ( ) ang S kung sang-ayon at ekis ( X ) ang DS kung hindi sang-
ayon. Isulat ang iyong sagot sa notebook.

Mahalaga ang pamahalaan sa: S DS

1. pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng bansa.


2. pag-unlad at pagsulong ng pamumuhay.
3. pagbibigay ng tulong sa mga kakilala.
4. pagtupad sa mga ipinangako sa panahon ng halalan
na hindi isinasaalang-alang ang pangunahing
pangangailangan
5. Pagbibigay ng iba’t-ibang paglilingkod sa mga
mamamayan.

5
GAWIN MO

Maayos at malinis
na kapaligiran

?
Libreng edukasyon
Tulong material at
pera dulot ng sunog
Anu-anong mga baha o bagyo
paglilingkod ng
pamahalaan na
Libreng pagpapa- tinatamasa ng
gamot inyong mag-
anak?

Proteksyon laban
Tahimik at payapang sa panganib
pamayanan

Piliin sa bilog ang paglilingkod na tinatamasa ng inyong mag-anak. Isulat


kung paano mo ito natamo sa iyong notebook.

6
PAGTATAYA

Piliin ang mga pangungusap na nagpapahayag kung bakit ang


pamahalaan ay mahalaga. Isulat ang titik ng tamang sagot sa loob ng mga lobo.

A. Nagbibigay ng libreng pagpapagamot sa mga maysakit na


nangangailangan.

B. Nagbibigay ng mga bigas, damit, de lata at iba pang pantulong sa


biktima ng kalamidad.

C. Nangangalaga ng mga “drug lords”.

D. Pinapayaman ang mga pinuno ng pamahalaan.

E. Pinapanatili ang pambansang kaligtasan sa anumang panganib.

F. Pinapangalagaan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

G. May Hukbong Pandagat na nagpapatrulya sa karagatan.

7
PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

1. Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga ginagawa ng pamahalaan


para sa mamamayan.

2. Gumupit ng mga larawan tungkol sa mga paglilingkod na ibinibigay ng


pamahalaan. Sumulat ng ilang pangungusap tungkol dito.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like