You are on page 1of 6

Isang Masusing Banghay Aralin

sa Araling Panlipunan 4

I. Layunin
Pagkatapos ng 40-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga bahaging ginagampanan ng pamahalaan

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan
B.Kagamitan: Larawan at powerpoint
C.Sanggunian: AP4-Q3-MODYUL8

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. A. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang Umaga rin guro.
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Ang mga bata ay mananalangin)

B. Balik-aral
Sa ating nakaraang aralin, tinalakay natin
ang tungkol sa ibat-ibang programa ng
pamahalaan katulad ng Pang-edukasyon.

Ano pa ang ibat-ibang programa ng


pamahaalan? Pangkalusugan
Pangkapayapaan
Pang ekonimya
Pang imprastraktura
Magaling!
C. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin, may
ipapakita akong mga larawan suriin kung
ano ang larawan na ito.

Tinutulungan ang Bata sa Lansangan


Pabahay
Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
Daanan, Tulay
Palengke
Pagtulong sa mga Taong may kapansanan

Magaling!
D. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang mga larawan na sinuri niyo ay mga
bahaging ginagampanan ng pamahalaan

2. Pagtalakay
Base sa mga larawan na inyong sinuri
kanina ay mayroon itong kaugnayan sa
ating tatalakayin ngayong araw.
Unahin natin ang Paglilingkod sa mga bata
at matatanda.
Pakibasa nga mga bata Ang pamahalaan ay may mga programa at
serbisyo para sa pangangalaga at
paglilingkod sa mga bata, kabataan at
matatanda. Ang Kagawaran ng Kagalingan
at Pagpapaunlad Panlipunan (Department
of Social Welfare and Development o
DSWD) ang pangunahing ahensya ng
pamahalaan na naatasang manguna sa mga
programa ukol dito. Katuwang ng DSWD
ang Kagawaran ng Hustisya (Department
of Justice o DOJ) at Komisyon sa
Karapatang Pantao (Commission on
Human Rights o CHR) sa pagpapatupad
ng mga serbisyo ng pamahalaan.
Pangalawa naman ay Pabahay
Nakakita na ba kayo ng mga pabahay? Opo

Ang Pamahalaan ay Sinisikap nilang


mabigyan ng disenteng tirahan ang mga
mamamayang maliliit ang kita sa tulong ng
Pangangasiwa ng Pambansang Pabahay
(National Housing Authority o NHA) na
direktang inatasan ng pamahalaan sa mga
proyektong ito.

Pangatlo naman ay Pagtulong sa mga


Biktima ng Kalamidad
Nakararanas ang Pilipinas ng iba’t ibang
likas at di-likas na kalamidad.
Mag-bigay nga ng ibat-ibang kalamidad na
nararanasan natin sa Pilipinas? Bagyo
Baha
Lindol
Sunog
Pagputok ng Bulkan
Mahusay!

Pakibasa nga mga bata kung bakit


ginagampanan ng pamhalaan ang pagtulong
sa biktima ng kalamidad. Malaki ang papel na ginagampanan ng
pamahalaan sa paghahanda at pagtugon sa
mga biktima ng kalamidad. Sinisiguro ng
ating pamahalaan na maging handa ang
isang komunidad upang maiwasan o
mapababa ang pinsala sa buhay at mga ari
arian ng mga mamamayan.
May mga ahensiyang itinatag ang
pamahalaan para sa kaligtasan ng mga
mamamayan. Pinangungunahan ito ng
National Disaster Risk Reduction and
Management Council (NDRRMC) na
nagsisilbing tagapag-ugnay ng iba’t ibang
ahensiya.
At ang pang apat ay Transportasyon at
Komunikasyon
Pinauunlad din ng pamahalaan ang
transportasyon at komunikasyon sa iba-
ibang dako ng bansa upang maging mabilis
ang pagluwas ng mga produkto. Nagpagawa
ng mga daan, tulay, underpass, overpass,
skyway, daang bakal, at tunnel na nag
uugnay sa mga lalawigan at hiwa-hiwalay
na pulo ng ating bansa.
Bakit pinaunlad ng pamahalaan ang
transportasyon at komunikasyon? Para mapabilis ang pagluwas ng produkto
at mapabilis makarating sa lugar na
pupuntahan.
Ano kayang kagawaran ang nangangasiwa
sa Transportasyon at komunikasyon? Sa pangangasiwa ng Kagawaran ng mga
(Ang mga bata ay magbabasa) Pagawain at Lansangang Bayan
(Department of Public Works and
Highways o DPWH).
Ang pang lima ay Malinis at Maayos na
Pagkain

Nagpatayo ng mga pamilihang bayan o


palengke ang pamahalaan. Dito ipinagbibili
ang mga pagkain at iba pang produkto na
kailangan ng mga mamamayan. Tinitiyak
ng mga inspektor sa mga palengkeng ito na
ang mga itinitinda rito ay maayos, malinis,
at hindi magiging sanhi ng pagkakasakit, at
may tamang halaga.
Ano kayang kagawaran ang taga subaybay
sa presyo at ang kalidad ng bilihin?
Pakibasa mga bata kung anong kagawaran
ito. Sinusubaybayan ng pamahalaan ang
presyo at kalidad ng mga bilihin sa ilalim
ng pangangalaga ng Kagawaran ng
Kalakalan at Industriya ng Pilipinas
(Department of Trade and Industry o DTI).
At Nakasalalay din sa pamahalaan ang
kalidad ng mga pagkain sa tulong ng
National Food Authority (NFA). Maging
ang kalidad ng gamot ay kailangang
dumaan sa masusing pag-aaral ng Bureau
of Foods and Drugs (BFAD) upang
masigurong ligtas ito sa kalusugan ng mga
mamamayan
At ang panghuli ay Pagtulong sa mga may
Kapansanan.
Bakit gampanin ng pamahalaan ang
pagtulong sa may kapansanan? Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan
at protektahan ang mga may kapansanan.
Magsagawa ng mga programa, maghatid
ng serbisyo at magpapatupad ng mga batas
upang matiyak ang proteksiyon sa mga
sibil at politikal na mga karapatan ng
taong may kapansanan (persons with
disabilities, PWDs).
Itinatag naman ng pamahalaan ang National
Council on Disability Affairs (NCDA)
upang bumalangkas ng mga patakaran at
makipag-ugnay sa mga gawain ng lahat ng
mga ahensiya, publiko o pribado, tungkol sa
mga isyu ng may kapansanan at alalahanin.
E. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Ngayon magkakaroon kayo ng pangkatang
Gawain kayo ay bubuo ng dalawang
pangkat. (Ang klase ay hahatian sa dalawang
pangkat)
Itaas ang Thumbs Up kung WASTO kung
ang pahayag at Thumbs down naman kung
HINDI WASTO ang pahayag.

1. Ugaliing makinig sa ulat ng PAGASA sa


mga panahong may paparating na bagyo Thumbs Up
upang makapaghanda.
2. Matutong alagaan at kupkupin ang mga
nakatatandang kasapi ng pamilya gaya ng Thumbs Up
lolo at lola.
3. Ipahabol sa aso ang mga batang Thumbs Down
lansangan.
4. Pakikipagtulungan sa lokal na Thumbs Up
pamahalaan sa mga abiso nito sa panahon
ng kalamidad. Thumbs Down
5. Itaboy ang mga may kapansanan gaya ng
pilay, bulag, bingi at iba pa.

2. Paglalahat
Base sa ating tinalakay ano ulit ang limang
bahaging Ginagampanan ng Pamahalan? Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda
Pabahay
Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
Transportasyon at Komunikasyon
Malinis at Maayos na Pagkain
Pagtulong sa mga Taong may kapansanan

Anong kagawaranang pangunahing ahensya


ng pamahalaan na naatasang manguna sa
mga programa para sa paglilingkod ng mga
bata at matatanda? DSWD
Magaling!

Sino naman ang katuwang ng DSWD para


sa akgawaran ng Hustisya sa mga bata o
matandang inaaubuso? DOJ
CHR
Ano naman ang binibigay sa mga
mamamayan na may maliit n akita o
mabigyan ng disenteng tirahan sa tulong ng
Pangangasiwa ng (National Housing
Authority o NHA) Pabahay

Anong ahensiyang naman itinatag ang


pamahalaan para sa kaligtasan ng mga
mamamayan tuwing may mga kalamidad? NDRRMC

Para naman sa Transportasyon at


Komunikasyon sino ang tagangasiwa para
mapabilis ang pagluwas ng produkto dahil
may maayos na daanan o tulay at iba pa? DPWH

Saan nakasalalay ang presyo at kalidad ng


pagkain at gamot? DTI
NFA/ BFAD
At ang panghuli Saan dapat makipag-ugnay
ang mga taong may kapansanan? (NCDA)

Mahusay mga bata!


Ang lahat ng mga sinabi niyo ay tama may
mga itinatag na proyekto, programa at
tagapangasiwa para makapamuhay tayo ng
maayos at mapayapa.

IV. Pagtataya
“WORD HUNT”
PANUTO: Hanapin ang mga sumusunod na salita o lipon ng mga salitang maaring
mabuo.

Paglilingkod sa mga bata at matatanda Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad


Pabahay Pagtulong sa mga may Kapansanan Malinis at maayos na pagkain
Transportasyon at Komunikasyon
Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

1. Aling gampanin ng pamahalaan ang pinangangalagaan ng National Housing


Authority (NHA)? ________________________________
2. Aling gampanin ng pamahalaan sumasakop upang mapabilis ang pagluwas ng mga
produkto mula sa malalayong bayan?
_______________________________________________
3. Ang pagbibigay ng 20% diskwento sa mga senior citizen ay sakop ng paglilingkod
na ito. ___________________________________
4. Ang pagtatalaga ng express lane sa mga may kapansanan ay sagot sa paglilingkod
na ito ng pamahalaan. _______________________
5. Aling gampanin ng pamahalaan ang tinutugunan ng abiso mula sa PAGASA?
____________________________________________

V. Takdang-Aralin
A. PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga gampanin ng
pamahalaan. Isulat ang T kung tama ang pahayag, at M kung mali ang pahayag sa
iyong sagutang papel.
________1. Pinababayaan ng pamahalaan ang mga batang inabuso at inabandona na
manirahan sa mga kalye.
________2. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga
mamamayan lalo na yaong maliliit ang kita.
________3. Nagbibigay ng suporta ang pamahalaan upang magkaroon ng sariling
bahay ang mga mamamayan.
________4. Sa tuwing magkakaroon ang sakuna, naglulunsad ang pamahalaan ng
serbisyo upang matulungan ang mga naapektuhan ng sitwasyon.
________5. Hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagtatakda ng presyo ng mga
bilihin sa mga pamilihan.

Inihinda ni:

Diana Faith S. Allado


Gurong nagsasanay

You might also like