You are on page 1of 3

IMMACULATE CONCEPTION ACADEMY OF BULAN, INC.

(Formerly Immaculate Conception Learning Center, Inc.)


ICS Sitio Pawa, Lajong, Bulan, Sorsogon

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
KWARTER 1 (MODYUL 5-6)

)
I. INTRODUKSIYON
A
Ng lipunang ekonomiya ay tumutugon sa pangangailangang pangkabuhayan at
pangkaunlaran ng mga mamamayan at sinisigurong naihahatid ito hindi lamang sa
pantay kundi sa patas na pamamaraan. Madalas nating naririnig lalo na sa mga
pangkat na nagra-rally ang salitang pagkakapantay o equality.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nakilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya;


 Nasusuri ang maidudulot ng magandang ekonomiya.

III. ARALIN

KATANGIAN NG MABUTING EKONOMIYA


Ang pagiging pantay o equal ay nanganngahulugang kung bigyan mo ng isa si Juan ay nararapat na isa rin ang
ibigay mo kay Pedro, kay Santiago, at sa iba pa. Isang magandang aplikasyon nito ay an gating pagpili ng mga
namumuno sa ating pamahalaan. Mayaman ka man o mahirap, babae ka man o lalaki, may pinag-aralan man o
wala, pantay ang bilang ng botong ipinagkaloob sa inyo. Ito ang konsepto ng pagiging pantay o equal.

Sa pagtataguyod ng mabuting ekonomiya, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ahensiya ng


pamahalaan upang siguruhin na may maayos na plano at mga programang tutugon sa mga pangangailangang
pangkabuhayan ng mga mamamayan at magbibigay ng pantay at patas na oportunidad para sa lahat upang
umunlad. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

► NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUHOTRITY (NEDA)


Tungkulin ng Kagawarang ito na bumalangkas ng mga planong pangkaunlaran at tiyakin na ang pagpapatupad ng
mga ito ay nakatugon sa mga layunin ng pambansang kaunlaran.
► DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA)
Ang kagawaran na pangunahing nagtataguyod ng pag-unlad ng agrikultura sa bansa. Nasa ilalim ng
kagawarang ito ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na namamahala sa mga yamang-dagat.
► DEPARTMENT OF ENVIRONMENTAL AND NATURAL RESOURCES (DENR)
Ang kagawarang ito ay ang nangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa. Sinisigurong nabibigyan ng
proteksyon ang mga natural na yamang lupa, yamang tubig, mineral at ibp.
► DEPARTMENT OF FINANCE (DOF)
Ang Kagawarang ito ang nagsisilbing tagapamahala sa maayos na patakarang pampananalapi ng bansa na
sumisigurong mapopondahan ang mga mahahalagang proyektong magtataguyod ng kapakanan ng mga
mamamayanan at mapabibilis ang kaunlarang pangkabuhayan.
► BUREAU OF INTERNAL REVENUE (BIR)
Nasa ilalim ng Kagawaran ng Pananalapi ang kawanihang ito na ang pangunahing Gawain ay mangolekta ng
buwis na gagamitin sa pagpondo sa mga proyekto at programang pangkaunlaran.

ILANG KAHANGA-HANGANG KATANGIAN NG MGA PILIPINO


► KASIPAGAN
Taglay nating mga Pilipino ang kasipagan. Kung magmamasid sa pamilihan, makikita na madaling araw pa
lamang ay naghahanda na ang mga nagtitinda upang iayos ang kani-kanilang paninda.

Edukasyon sa Pagpapakatao Katangian ng Mabuting Ekonomiya Pahina 1 ng 2

9 a algAlgebraic
► MALAPIT NA UGNAYAN NG PAMILYA
Bahagi ng ating pagka-Pilipino ang malapit na ugnayan ng Pamilya. Ang pamilya ang pinagmulan ng ating lakas at
inspirasyon.
► PANANAMPALATAYA
Hindi maitatanggi ang malakas na pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos na Siyang lagging gumagabay at
handing tumulong sa lahat ng oras.

IV. GAWAIN

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit kahanga-hanga ang pagiging masipag ng mga Pilipino?


____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Bukod sa mga nabanggit, ano pa sa palagay mo ang mga katangian ng Pilipino na makatutulong sa pag-unlad?
____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Anong mga katangian ng mga Pilipino ang kailangang baguhin dahil nakahahadlang sa pagkamit ng
kaunlaran?
____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. Paano magkakaugnay ang indibidwal na pag-unlad at ang pag-unlad ng lipunang ekonomiya?
____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
5. Ano ang mahalagang tungkulin ng mga Kagawaran ng pamahalaan sa pagkamit ng kaunlaran?
____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

V. HULING PAGTATAYA

PALAWAKIN ANG KAALAMAN.


Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga sumusunod na Kagawaran. Balikan ang napag-aralan upang
maipaliwanag ito ng mahusay.

1. NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUHOTRITY (NEDA)


2. DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA)
3. DEPARTMENT OF ENVIRONMENTAL AND NATURAL RESOURCES (DENR)
4. DEPARTMENT OF FINANCE (DOF)
5. BUREAU OF INTERNAL REVENUE (BIR)

Edukasyon sa Pagpapakatao Katangian ng Mabuting Ekonomiya Pahina 2 ng 2

9
a algAlgebraic
Edukasyon sa Pagpapakatao Ang Lipunan Tungo sa Kabutihan Nating Lahat Pahina 2 ng 2

9 a algAlgebraic

You might also like