You are on page 1of 3

IMMACULATE CONCEPTION ACADEMY OF BULAN, INC.

(Formerly Immaculate Conception Learning Center, Inc.)


ICS Sitio Pawa, Lajong, Bulan, Sorsogon

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
KWARTER
MODYUL 7-8

I. PANIMULA

P agtutulungan at malasakit sa kapakanan ng lahat ang nararapat pairalin sa tuwina ng lipunang sibil,
media, at simbahan. Daan ito sa pagkamit ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pagunlad, at
pagkakapantay-pantay.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na ginagampanan ng mga
ito upang makamit ang kabutihang panlahat

III. ARALIN

A ng mga samahan o organisasyon na may layuning itaguyod ang mga ispesipikong interes o
kagustuhan ng mga mamamayan tulad ng pagkakaroon ng mapayapa at malinis na halalan,
pangangalaga sa mga hayop sa kagubatan at pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng karapatan
ng walang kinikikingang kasarian, ay tinatawag na lipunang sibil. Kakaiba ito at bukod sa pamahalaan at
maging sa sektor ng negosyo.

Ang mga samahan sa lipunang sibil ay kadalasang Non Government Organizations (NGOs). Ang
katawagang ito ang pagkakakilanlan na sila ay hindi bahagi ng anumang ahensiya ng pamahalaan. Tinawag din
silang cause-oriented groups dahil sa mga adbokasiya nila at mga adhikaing itinatguyod at ipinaglalaban.
Bakit kailangan ang lipunang sibil? Sapagkat sila ang katuwang ng pamahalaan sa pagtiyak kung may
mga nakaligtaan o hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ang pamahalaan. Ang mga samahan at
organisasyong ito ang magpapaalaala sa pamunuan at maging sa mamamayan ng nararapat gawin upang
masigurong naitataguyod ang katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag unlad (economic viability),
pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay-pantay ng kababaihan
at kalalakihan (gender equality), at espirituwalidad.

Ang media at may mahalagang impormasyon at balita. Nakasalalay sa kanilang mga ibinabalita ang
magiging kamalayan at kaalaman ng publiko. Nagiging tagapagdaloy rin sila sa maagang paghahatid ng mga
kalatas at babala mula sa iba’t ibang ahensiya na pamahalaan lalo na kung panahon ng kalamidad tulad ng
bagyo, bah, lindol, at iba pa.

Ang simbahan sa pangkahalatan, anuman ang denominasyng kinaaaniban, ay may pangunahing


tungkulin na ituro at gabayan ang kanilang mga tagasunod sa paglinang ng mga moral at espirituwal na
pagpapahalaga ba magtataguyod ng paggalang sa buhay at dignidad ng tao. Tulad ng media, pananagutan rin
nilang bigyan ng ipormasyon ang tao ngunit sa aspektp lamang kung paano magiging isang mabuting nilalang
ang isang tao at kung paano niya mamahalin at paglilinkuran ang Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kapuwa.
Edukasyon sa Pagpapakatao Lipunang Sibil Tungo sa Mabuting Buhay Natin Pahina 1 ng 2

9 a algAlgebraic
Katarungang
Panlipunan: Gawin
mo sa iba ang nais
mong gawin nila sa
Pakikilahok ng iyo
mamamayan Pangangalaga sa
Kapaligiran

Halimbawa: Aral ng
Kristiyanismo
Pag-unlad Kapayapaan

Pagkakapantay-
Espirituwalidad
pantay

IV. GAWAIN

Sa tulong ng graphic organizer, ipaliwanag kung paano naitataguyod ng lipunang sibil, mga relihiyon, at media ang mga
panlipunang pagpapahalaga.

MGA PANLIPUNANG PAGPAPAHALAGA

LIPUNANG SIBIL

MEDIA

SIMBAHAN

“Nagiging dakila ang mga taong malinis ang adhika at may hanggad na maglingkod sa kapuwa.”

Edukasyon sa Pagpapakatao Lipunang Sibil Tungo sa Mabuting Buhay Natin Pahina 1 ng 2

You might also like