You are on page 1of 20

MAHALAGANG TANONG:

“ Ano ang mabuting


ekonomiya? Para saan ang
ekonomiya? ”
ALAMIN:
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo
ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at
pag-unawa:
1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting
ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.1)
2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang
ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.2)
3. Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat –
walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad
kundi sa pag-unlad ng lahat (EsP9PL-If-3.3)
4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang
baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal (EsP9PL-If-3.4)
MAX SCHELER
“Bahagi ng pagiging tao ng
tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at
kahinaan. Nasa hulma ng
ating katawan ang kakayahan
nating maging isang sino”
MAX SCHELER
Dahil na rin sa hindi
pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi
ng yaman ng bayan.
Sto. tomas de aquino
Prinsipyo ng Proportio
Ang angkop na
pagkakaloob ng ayon sa
pangangailangan ng tao.
“HANAPBUHAY”
Ang hinahanap ng gumagawa
ay ang kaniyang buhay. Hindi
siya nagpapakapagod lamang
para sa pera kundi para ito
sa buhay na hinahanap niya.
Ang mga gamit sa paligid at yamang
pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na
palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga
ito upang umayon sa mga layunin ng tao.
Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala
ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa.
Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng
kayamanan ang tunay na kayamanan.
Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa
kaniya ang kaniyang ikayayaman.
Lipunang Pang-ekonomiya
EKONOMIYA
ang pinagmulan ng salitang
“Ekonomiya” ay ang mga Griyegong
salita na “oikos” (bahay) at
“nomos” (pamamahala).
Lipunang Pang-ekonomiya
➔ Ang ekonomiya ay tulad lamang
din ng pamamahala sa bahay.
➔ Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas
malakihang pagtingin, ay ang mga
pagkilos na masiguro na ang bawat
bahay ay magiging tahanan.
Lipunang Pang-ekonomiya
➔ Pinapangunahan ito ng estado na
nangunguna sa pangangasiwa at patas
na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
➔ Ang bawat mahusay na
paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos
na nagpapangyari sa kolektibong
pag-unlad ng bansa.
Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya
1. Maunlad na bansa
2. Pantay-pantay sa paggamit ng likas na yaman
3. Maraming oportunidad at trabaho para sa
mamayan
4. Natutugunan at nasusuportahan ang
pangangailangan ng bawat mamayan.
5. Pantay- pantay na karapatan at prebilehiyo
6. Balanseng populasyon at pinagkukunang yaman
7. Mabilis ang transportasyon at komunikasyon
8. Malago ang industriya
9. May pagkakaisa at pagtutulungan ang lahat ng
mamayan
Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng
mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya.
Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang
bansa—isang tunay na tahanan kung saan
maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang
mahanap ang kanilang mga buhay.
REACH ME VIA:
Email: beniceantonette.mocas@depedqc.ph

https://www.facebook.com/teeacherB

Contact Hours:
Monday-Friday
(7AM-5PM)
Have a nice day!

You might also like