You are on page 1of 3

G9-SPM

3.1: ABENOJAR, MARY ANN


3.2: DELA CRUZ, JENNY Y.
3.3: DELA CRUZ, JHON PAUL P.
3.4: DELA CRUZ KYLE JOSHUA

MODYUL 3: LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

EKONOMIYA
o Ekonomiya” galing sa mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at
“nomos” (pamamahala)
o Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. May
sapat na budget ang namamahay. Kailangan itong pagkasyahin sa lahat
ng gastusin upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay,
maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang
maging tahanan ang bahay.
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
o Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga
yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng
tao. PATAS.
o Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging
tahanan.
o Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na maayos ang
pangangasiwa at patas ang pamamahagi ng yaman ng bayan.
o Sinisikap gawin ng estado na magin patas para sa nagkakaiba-ibang tao
ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili
ayon sa kani-kanilang tunguhin at kakayahan.
PAGKAKAPANTAY-PANTAY
o Pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos.
o May mga nagsasabi namang hindi pantay-pantay dahil may mga
mayayaman at may mga mahihirap.
Max Scheler: “Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino. Dahil na rin sa hindi pagkakapantay-
pantay na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.”
PRINSIPYO NG PROPORTIO
o Sto. Tomas de Aquino: “Ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao.”
o Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila.
Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.
HANAPBUHAY HINDI TRABAHO
o Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay. Hindi siya
nagpapakapagod lamang para sa pera kundi para ito sa buhay na
hinahanap nya.
o Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng kanyang pagpapagal.
Ito rin ang mga gamit nya upang matulungan siyang mahanap ang
kanyang buhay.
o Ang mga gamit at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit
na palakihin lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa
mga layunin ng tao.
NAIPAKIKILALA NG TAO ANG SARILI SA KANYANG PAGGAWA
o Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili. Hindi ang
yaman, hindi ang mga gamit na mayroon o wala siya ang humuhubog sa
tao.
o Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng
kanyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng
kayamanan ang tunay na yaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinibigay sa kanya ang kanyang ikayayaman.

Activity:
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng
bansa?
2. Ano ang maaari mong magawa o plano upang makatulong sa pag-
unlad na ito sa pamamaraang kaya mo ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng isang tao?
Quiz:
1. Ano ang ibig sabihin ng Griyegong salita na oikos at nomos?
Bahay, pamamahala
2. Ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito?
Lipunang pang ekonomiya
3. Ito ay nagsisikap ng patas para sa iba-ibang tao upang malikha nila ang
sarili ayon sa kanilang tunguhin
Estado
4. Ito ay ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng
tao
Prinsipyo ng Proportio
5. Sino ang nagsabi na bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng lakas at
kahinaan?
Max Scheler
6-10: Magbigay ng limang tiyak na hakbang kung paano maisasaayos ang
ekonomiya ng bansa.
6.
________________________________________________________________
7.
________________________________________________________________
8.
________________________________________________________________
9.
________________________________________________________________
10.
________________________________________________________________

You might also like