You are on page 1of 2

Pres. Carlos P.

Garcia Technical-Vocational School of Fisheries and Arts


Puerto San Pedro, Bien Unido, Bohol

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
UNANG MARKAHAN
Quarter 1 Week 5 Day 1 Activity No. 9
Competency : Nakikilala ang katangian ng isang mabuting ekonomiya EsP9PL-Ie-3.1
Objective : Naipapaliwanag ang dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao.
Topic : Lipunang Pang-ekonomiya
Materials : Copyright: For Classroom use ONLY DepED owned materials
Reference : . Edukasyon sa Pagpapakatao 9. Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Concept Notes
Lipunang Pang-ekonomiya
Pagkakapantay-pantay
Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may
nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung
titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may
nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas,
dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga
taong mahirap at mananatili sa kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.

Ang tao ay masasabi nating pantay-pantay dahil lahat tayo ay likha ng Diyos, dahil tao tayo. Sa
kabilang panig, masasabi nating hindi pantay-pantay ang mga tao dahil may mga taong mayayaman at
mahihirap. Ayon kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang
lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang sino. Ngunit,
sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Tugma ito sa tinatawag
ni Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao. Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila.
Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.
Ang Mag Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng Tao
Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa
pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa
anumang ibinigay sa kaniya ang kanyang kayamanan.

Ang pinagmulan ng salitang “Ekonomiya” ay ang mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos”
(pamamahala). Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong sapat na
budget ang namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin (kuryente, tubig,
pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay,
maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.

Ang Lipunang Pang-ekonomiya ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging
tahanan. Lumilikha sila ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital
upang mabigyan ang mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa
paghahanapbuhay. Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao
ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga
tunguhin at kakayahan. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na
siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao—pagkakataon hindi lamang makagawa,
kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

PAGSASANAY: Sagutin ang sumusunod na katanungan: Isulat sa buong papel


1. Bakit hindi naging pantay-pantay ang mga tao sa kabila ng katotohanan na tayo ay likha ng
Diyos?

2. Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang magiging pantay-pantay ang mga tao sa kabila ng
kanilang magkaibang lakas at kahinaan?

Sir Nath: 09493732219

You might also like