You are on page 1of 1

Pres. Carlos P.

Garcia Technical-Vocational School of Fisheries and Arts


Puerto San Pedro, Bien Unido, Bohol
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
UNANG MARKAHAN
Quarter 1 Week 7 Day 2 Activity No. 7
Competency : Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kanikaniyang papel na
ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat EsP9PL-Ig-4.1
Objective : Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kanikaniyang papel na
ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat
Topic : Lipunang Sibil
Materials : Copyright: For Classroom use ONLY DepED owned materials
Reference : Edukasyon sa Pagpapakatao 9. Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Concept Notes
Lipunang Sibil
Hindi ikaw ang gumawa ng uniporme mo, ng bag, ng tsinelas. Hindi ikaw ang gumawa ng kalsadang
nilalakaran mo, ng tulay na tinatawid mo, ng tower na naghahatid ng text mo. Tingnan mo ang loob ng iyong
bag. Alin-alin sa mga nariyan ang ginawa mo mismo? Tingnan mo ang loob ng silid-aralan. Alin-alin sa mga iyan
ang kaya mong gawin? Hindi mo kayang bilangin ang mga taong kumilos upang magkaroon ka ng mga kailangan
mo. Kailangan mong pasalamatan ang napakaraming tao, at kailangan mo ring sabihin sa kanila, “Paki lang.”
Sasabihin mo halimbawa sa karpintero, “Pakiayos lang po ang bubong namin,” o sa tubero, “Pakiayos lang po
ang banyo namin.” Gayundin sa pamahalaan. Gumagawa at nagpapatupad ito ng mga batas, upang matiyak
nito na matutugunan ang mga pangangailangan natin sa lipunan. Tinitingnan nito kung natutupad ang mga
batas na ito, at pinarurusahan ang lalabag na nakahahadlang sa pagtatamasa natin ng ating mga
pangangailangan. May mga batas tungkol sa pagkain, tungkol sa tubig, sa hangin, sa lupa, sa pag-aaral, sa
paghahanapbuhay, sa lahat halos ng bahagi ng ating buhay. Iisa ang layunin ng mga batas na ito: upang tayo ay
mapabuti, upang makamit ng lahat ang makabubuti sa isa’t isa.
Magkagayon man, sa maraming pagkakataon ay nagkukulang ang pamahalaan sa layuning ito.
Halimbawa, hindi tayo makakain nang sapat, sapagkat mabilis ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin, at mabagal
naman ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito. Hindi dahil
nagkulang ang planetang ito sa pagkakaloob ng ating mga pangangailangan, kundi dahil ang mga
pangangailangan ng nakararami ay iniimbak ng iilan lamang.
Dahil kapos ang kakayahan ng pamahalaan upang ang katiwaliang ito ay mabigyang-lunas, at lahat tayo ay
nabibigatan sa kalakarang ito, napakarami rin ng kailangan nating katuwangin sa pagtugon dito, at sabihang,
“Paki lang.” May mga nag-organisa ng kani-kanilang sarili upang ipahayag ang pagkasuklam sa ganitong
sistema. Isang musikerong nagngangalang Ito Rapadas ang nagpasimuno sa Facebook ng ideyang maramihang
pagpapahayag ng pagkadismaya, at ikinalat ng isa pang nagngangalang Peachy Bretaña ang ideya. Sa
pagpapalitan ng mga mensahe ng mga gumagamit ng Facebook, nabuo ang planong Million People March.
Inendorso ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Facebook account nito ang plano, na ginanap sa
Luneta noong Agosto 26, 2013, Araw ng mga Bayani. Sinabayan ito ng ganoon ding aktibidad sa labing-isa pang
mga lunsod sa buong bansa. Nasundan pa ito noong Oktubre 4, 2013 sa Makati, at tinitiyak ng mga nag-
organisa na magtutuloy-tuloy pa ang ganitong mga pagkilos hanggang hindi naibabasura ang sistema ng pork
barrel.
Ang ganitong kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa ang
tinatawag nating lipunang sibil. Hindi ito isinusulong ng mga politiko na ang interes lamang ay ang pananatili sa
kapangyarihan. Hindi rin ito isinusulong ng mga negosyante na ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. Sa
halip, ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan
na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business). Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon
na sila mismo ang nagtataguyod, kung kayâ nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development)
na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Noong 1994, halimbawa,
inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi at Sulu ang Consultation on Peace and
Justice. Matapos ang konsultasyon, nabuo ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ). Layunin ng adbokasiyang ito
na palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo. Nagdaraos ito
ng mga pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang
Kristiyano at Muslim. Matapos ang dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at AFP/PNP sa Zamboanga noong
Setyembre 2013, idinaos ng PAZ ang “Forum on Rehabilitation and Reconciliation” nang sumunod na buwan.
Ikabubuti ng lahat ang muling pagbuo ng mga nawasak na tahanan, ang muling pagbangon ng nalugmok na
kabuhayan, at higit sa lahat, ang muling pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.

PAGSASANAY: Ipaliwanag ng mabuti.


1. Sa panahon ng pandemiya, paano napupunán ng karaniwang mga mamamayan ang pagkukulang ng
pamahalaan sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat?

You might also like