You are on page 1of 1

Pres. Carlos P.

Garcia Technical-Vocational School of Fisheries and Arts


Puerto San Pedro, Bien Unido, Bohol

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN
Quarter 2 Week 2 Day 1 Activity No. 2
Competency : Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan
kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain,
gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat
ng tao
Objective : Naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
Topic : Tungkulin at Karapatan
Materials :
Reference :

Concept Notes. Basahing Mabuti.


Tungkulin at Karapatan
Nailahad sa iyo ang mga karapatan, tungkulin at mga paglabag sa karapatan sa nakaraang linggo. Mas
makabubuting balikan mo kung ano nga ba ang kahulugan ng pagpapakatao. Ang muling balikan ang
pagkatao ng tao, alinsunod din sa angking karapatan at tungkulin sa lipunan, ay magbibigay-daan sa pag-
unawa sa kung ano ang kaugnayan nito sa kalayaan at katwiran. Ang tao bilang tao ay may kalayaan at
may katwiran. Nilalabag din ang dalawang ito sa tuwing nilalabag ang karapatang pantao.

Likas sa tao ang maging malaya. May mga karanasan ang tao na hindi naman niya pinili; sa halip,
ang mga ito ay kaloob sa kanya. Tulad ng pagluwal sa tao sa mundo at magkaroon ng ama, ina, kapatid at
mapabilang sa lipunan. Hindi pinili ng isang sanggol ang kanyang magiging magulang; sa halip, ay naroon
na kaagad ang kanyang ina. Dito sa aspektong ito lalabas ang kakayahan niya na mapangalagaan ang
karapatan niya bilang tao. Ngunit hindi ito nangangahulagan na wala na siyang kalayaan para sa iba pang
aspekto ng buhay. At sa puntong ito, uusbong ang kakayahan ng tao na makapangatwiran. Ang katwiran
ang magbubukas sa isang malayang pagpili kung ano ang makabubuti sa kanya.

Malaki ang bahagi ng mga Banal na Nilalang sa usapin ng karapatang pantao at sa kaakibat na
tungkulin sa lipunan. Ang mga Banal na Nilalang ang nagpataw sa bawat nilikha ng kalayaan at katwiran.
Naisaad sa aklat na pinamagatang “Pagpapahalagang Moral: Mga Unang Hakbang” ni Dr. Rainier Ibana,
“sa konteksto ng Maykapal, higit na nagiging mahalagang ipagtanggol ang mga karapatang pantao dahil
hindi lamang nababatay sa sangkatauhan ang kalayaan at katwiran, isinasalamin ng tao ang kabanalan.”

Ang kalayaan at katwiran ay nakaugat sa puso ng tao kaya naman kailangang ito ay palaguin at
linangin upang magkaroon ng saysay ang karapatang pantao. Kung bakit may paglabag sa mga ito ay
dahil na rin sa kalayaan at katwiran.

Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa


mga tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang pantao.
Ngunit tandaan na may mga batas na kinakailangang
sundin sa lipunan.

You might also like