You are on page 1of 4

ESP REVIEWER

1. Ang tao ay binubuo ng ispirirtwal at materyal na kalikasan ayon sa pilosopiya

ni Santo Tomas de Aquino. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang

kakayahan ng tao.

2. Ang pangkalaamang pakultad (knowing faculty) ay dahil sa kaniyang panloob at panlabas na pandama

at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatwiran.

3. Samantalang ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) ay dahil sa emosyon at dahil sa kilosloob.

4. Ang pandama, pagkagusto at pagkilos ay ang mga kakayahan na

nagkakapareho sa hayop at tao ayon kay Edward Brenan.

5. Ang kakayahang maghusga ay ang kakayahang mangatwiran.

6. Malayang kilos loob, bukod sa damdamin at emosyon upang magnais o

umayaw.

7. Ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t

nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.

8. Ang tunguhin ng isip ay ang pag-unawa sa katotohanan.

9. Ang pagmamahal ay maipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na siyang pinagmulan


ng tunay na kaligayan na

hinahanap ng tao sa kaniyang sarili.

10. Dahil sa kamalayan at kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga bagay

na umiiral, nabibigyang-kahulugan ng isip ang isang sitwasyon.


1. Ang kamangmangan ay kawalan ng kaalaman sa isang bagay.

2. Ang uri ng pagninilay upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o

masama; at paghatol na ang isang gawain ay tama o mali, mabuti o

masama.

3. pinagnilayan natin ang ating paghatol upang matuto sa karanasan.

Kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na

pinagtitibay ang ating moralidad.

4. Dapat alam ng tao ang kahalagahan ng likas na batas moral bilang batayan sa

pagkakaroon ng mabuting konsensiya.

5. Ito ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang situwasiyon. Ito ay ang

pag-aaral ng sitwasiyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na

sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya.

6. Tungkulin ng mga magulang na bigyan ng edukasyon ang kaniyang mga anak at

paghubog ng mga anak sa pagpapahalaga.

7. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin

ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

8. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang ng kaotohanan.

9. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang

kaniyang buhay.

10. Ang paghusga nang tama ng tao sa isang bagay na buong katapatan na

pinaniniwalaan na tama ay hindi maituturing na pagkakamali.

1. Ang tao ay may pananagutan sa kahinatnan ng kanyang kilos.

2. Ano man ang piniling kilos ng tao, wala siyang kalayaang piliin ang

kahihinatnan nito.
3. Ang tunay na kalayaan ay iniugnay sa pakultad ng tao – isip at kilos- loob at

sa pagpapakatao ng tao.

4. Ang itinuturing na kakambal ng kalayaan ay responsibilidad.

5. Analohiya: Mataas na Halaga: pagmamahal: mababang halaga: Pagkamakasarili

6. Ang tinutukoy na kawalan ng hadlang ay aspektong kalayaan mula sa.

7. May kakayahan ang isip ng tao na maghusga, mangatwiran, magsuri at

matuklasan ang katotohanan.

8. Ang kalayaan para sa tumugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasiyon.

9. Kapag ang kapritso ay inuuna ng tao, mahihirapan siyang maging malaya mula

sa pansariling hadlang.

Dignidad

Ito ay galing sa salitang Latin na “dignitas” mula sa “dignus”, na ang ibig sabihin ay

karapat-dapat. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao

sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, ano man

ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad.

Batayan ng Dignidad ng Tao

1. Ang tao ay bukod-tangi dahil hindi siya nauulit sa kasaysayan.

2. Ang tao ay may isip at kalooban at ang pagkakawangis niya sa Diyos.

Ayon kay Patrick Lee, may obligasyon ang tao batay sa dignidad. Una, igalang ang

sariling buhay at buhay ng kapuwa. Pangalawa, isaalang-alang ang kapakanan ng

kapuwa bago kumilos. Pangatlo, pakitunguhan ang kapuwa ayon sa nais na gawin

nilang pakikitungo sa iyo.

Kahirapan
Ito ay nangangahulugang may kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan

ng tao tulad ng pagkain, pananamit at tahanan. Tumutukoy ito sa kalagayan ng tao

na walang halaga ang mga pag-aaring materyal o salapi tulad ng nasa larawan ng

pamilyang nakatira sa kariton.

Ayon kay Karl Marx, ang ugat ng kahirapan ay ang pag-iral ng pansariling interes

sa loob ng pagkatao na mag-ipon ng mga bagay upang matugunan ang pansariling

pangangailangan at kagustuhan na humahantong sa Kapitalismo.

Ayon naman kay Pope Francis, ang kahirapan ay hindi sanhi ang malaking bilang

ng pamilya kundi sa maling sistema ng ekonomiya na mas higit na pinapahalagahan

ang pera kaysa sa dignidad ng tao.

Ayon sa United Nations, ang kahirapan ang pagtanggi sa mga pagpipilian at

oportunidad na isang paglabag sa dignidad na pantao. Ito ay nangangahulugang

kawalan ng basikong kapasidad na epektibong makilahok sa lipunan.

You might also like