You are on page 1of 13

Saint Anthony’s College

Santa Cruz, Santa Ana, Cagayan 3514 | FAS School System

LEARNING MODULE 3
======================================================================
SUBJECT: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE LEVEL/QUARTER: 9/PANGALAWANG MARKAHAN
TOPIC: KARAPATAN AT TUNGKULIN
SCHOOL YEAR: 2020-2021
SUBJECT TEACHER: KRIS KAYE E. MORENO

I. PANIMULA:
Ang kakayahan ng tao ay biyaya ng Diyos upang gamitin at mapalago ang kaniyang
pagkatao. Dahil siya ay tao at may likas na biyaya, ito ang magpapatunay na siya ay
may dignidad. Lahat ng tao ay may pantay-pantay na dignidad. Ang kakayahang ito ay
may kaakibat na tungkulin na gamitin sa pagpapalago, pagpapayaman, pagpaganda ng
sarili, kapwa, kababayang Pilipino, kapaligiran, at ng buong mundo. Paano niya ito
magagawa? Upang maisagawa ang mga ito, kailangan niyang malaman ang kaniyang
karapatan.
Siya ay may tungkuling makapaghanapbuhay upang makabili ng pagkain na sapat sa
sarili at pamilya, makabili ng damit upang maprotektahan ang sarili sa lamig at init,
makainom ng malinis na tubig, makalanghap ng sariwang hangin o maprotektahan ang
sarili at pamilya sa maruming hangin sanhi ng polusyon ng basura, usok ng sasakyan, o
iba pang kemikalng mga pabrika.
Sa kabuuan, masasabing ang bawat isa sa atinay may karapatang tinatamasa. Marami sa
mga karapatan na ito ay likas nating taglay magmula nang tayo ay mabuo sa
sinapupunan ng ating mga ina. Sabi nga sa Ingles, “From womb to womb” an gating
taglay na mga karapatan. Ngunit dapat din tandaan na kaalinsabay ng mga karapatang
ating taglay ay ang mga tungkulin na dapat din nating tupadin. Ang araling ito ang
tutulong sa iyo upang mas lalong mapayabong ang iyong kaalaman ukol sa mga
karapatan at tungkulin ng bawat isa. Kaya halina at tuklasin ang mga ito.

II. PAMANTAYAN:

PAMANTAYANG KOMPITENSI LAYUNIN


PANGNILALAMAN
 Naipamamalas ng  Natutukoy ang mga karapatan at  natutukoy ang
mag -aaral ang pag tungkulin ng tao karapatan at tungkulin
- unawa sa mga  Nasusuri ang mga paglabag sa ng tao
karapatan at karapatang pantao na umiiral sa  nasususri ang mga
tungkulin ng tao sa pamilya, paaralan, paglabag sa
lipunan baranggay/pamayanan, o karapatang pantao na
 Naipamamalas ng lipunan/bansa umiiral sa pamilya

ESP-9 SAC2020
mag -aaral ang pag  Napatutunayan na ang karapatan paaralan,
- unawa sa mga ay magkakaroon ng tunay na barangay/pamayanan,
batas na nakabatay kabuluhan kung gagampanan ng o lipunan/bansa
sa Likas na Batas tao ang kanyang tungkulin na  napatutunayan na nag
Moral (Natural kilalanin at unawain, gamit ang karapatan ay
Law). kanyang katwiran, ang magkakaroon ng
 Naipamamalas ng pagkakapantay -pantay ng tunay na kabuluhan
mag-aaral ang dignidad ng lahat ng tao kung gagampanan ng
pagunawa sa  Naisasagawa ang mga angkop na tao ang kanyang
paggawa bilang kilos upang ituwid ang mga tungkulin na kilalanin
tagapagtaguyod ng nagawa o naobserbahang at unawain, gamit ang
dignidad ng tao at paglabag sa mga karapatang - kanyang katwiran, ang
paglilingkod. pantao sa pamilya, paaralan, pagkakapantay-
baranggay/pamayanan, o pantay ng dignidad ng
lipunan/bansa lahat ng tao
 Natutukoy ang mga batas na  naisasagawa ang
nakaayon sa Likas na Batas Mora angkop na kilos upang
 Nasusuri ang mga batas na ituwid ang mga
umiiral at panukala tungkol Gawain o
 sa mga kabataan batay sa obserbasyong
pagsunod ng mga ito sa Likas na paglabag ng mga
Batas Moral karapatang pantao sa
 Nahihinuha na ang pagsunod sa pamilya, paaralan,
batas na nakabatay sa Likas na barangay/pamayanan,
Batas Moral (Natural Law), o lipunan/bansa
gumagaratiya sa pagtugon sa  naipapaliwanag ang
pangangailangan ng tao at kahalagayan ng
umaayon sa dignidad ng tao at sa paggawa ng bilang
kung ano ang hinihingi ng tamang tagapagtaguyod ng
katwiran, ay mahalaga upang dignidad ng tao at
makamit ang kabutihang panlahat paglilingkod
 Naipahahayag ang pagsangayon o  natutukoy ang mga
pagtutol sa isang umiiral na batas batas na nakaayon sa
batay sa pagtugon nito sa Likas na BatasMoral
kabutihang panlahat
 Naipaliliwanag ang kahalagahan
ng paggawa bilang
tagapagtaguyod ng dignidad ng
tao at paglilingkod
 Nakapagsusuri kung ang
paggawang nasasaksihan sa
pamilya, paaralan o
baranggay/pamayanan ay
nagtataguyod ng dignidad ng tao
at paglilingkod
 Napatutunayan na sa

ESP-9 SAC2020
pamamagitan ng paggawa,
nakapagpapamalas ang tao ng
mga pagpapahalaga na
makatutulong upang patuloy na
maiangat, bunga ng kanyang
paglilingkod, ang antas kultural at
moral ng lipunan at makamit niya
ang kaganapan ng kanyang
pagkatao
 Nakabubuo ng sintesis tungkol sa
kabutihang naidudulot ng
paggawa gamit ang panayam sa
mga manggagawang
kumakatawan sa taong
nangangailangan (marginalized)
na nasa iba’t ibang kurso o
trabahong teknikal-bokasyonal

Ang aking mga natutunan sa nakaraang module ay:

UNANG LINGGO
Oktubre 12-16

TALAKAYAN 1:

KARAPATAN AT TUNGKULIN
Ang tao ay ipinanganak na pantay pantay, may karapatan at tungkulin. Ang karapatan,
ayon kay Ramon Agapay, ay anumang dapat na ibigay. Ito ay ang kapangyarihang
moral na likas sa tao dapat igalang ng kapwa tao.

ESP-9 SAC2020
Sa kabilang banda, ang tungkulin naman ay ang moral na obligasyong marapat
isagawa. Ito ay nasasalig sa malayang kalooban ng tao. Dahil sa ito ay itinalaga ng batas,
anumang pagwawalang bahala sa tungkulin ay may kaukulang parusa.
PAGHAHAMBING SA KARAPATAN AT TUNGKULIN

Biyaya mula sa pagsilang


Karapatan
Basehan ng pagkapantay
panatay
Pananagutan Inaasahang Gawain
Tungkulin
Pananagutang Bunga ng
Karapatan

AKTIBIDAD 1:
Panuto: Tukuyin kung ito ay karapatan o tungkulin. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
Pangarap Karapatan Tungkulin
1. Pumasok sa paaralan
2. Tumira sa lalawigan
3. Magpagamot sa pampublikong hospital
4. Magpahayag ng opinion sa radio
5. Manirahan sa tahimik na kapaligiran
6. Maghanapbuhay
7. Makapagsimba na kasama ang kasapi ng
pamilya
8. Mamasyal sa mga parke
9. Mabuhay na malusog ang pangangatawan at
kaisipan
10. Magkaroon g maraming kaibigan

Bagong kaalaman:
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

TALAKAYAN 2:

Mga Paglabag sa Karapatang Pantao


 Ngayong alam mo na ang iyong mga karapatan at mga tungkuling nararapat mong
gawin, mas mabuting maging mulat ang iyong isip at puso sa iba’t ibang anyo ng
paglabag sa karapatang pantao. Ilan sa mga paglabag ay ang mga sumusunod:

1. Pagpatay sa sanggol. Ito ay pagkitil sa buhay ng bagong silang na sanggol.

ESP-9 SAC2020
2. Pang-aabuso sa bata. Ito ay ang pagmamaltrato sa mga bata pati na ang sapilitang
pagpapagawa sa kanila ng mga krimen.
3. Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan. Sa larangan ng showbiz at kahit saang
panig ng mundo ang kababaihan ang lumalantad at walang takot na nagsasabi na sila
ay biktima ng pisikal at sekswal na pang-aabuso ng kanilang mga kabiyak. Ito ay labag
sa karapatan ng mga babae.
4. Pagwawalang-bahala sa mga may kapansanan. Ito ay hindi makatwirang pagtrato sa
mga taong may kapansanan.
5. Diskriminasyong pangkasarian. Hanggang sa kasalukuyan, may mga nangyayari na
ang kasarian ang batayan upang matanggap sa trabaho. Usaping stereotyping sabi nga
sa wikang Ingles kung saan binibigyan o nilalagyan ng ganap na kategorya o kahulagan
ang isang tao o bagay. Ito ay may kinalaman din sa kultura.
6. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao. Laman ng pahayagan, mga bata at mga
kababaihan ay ipinagbibili upang maging kasambahay o hindi kaya ilagay sa mga
bahay aliwan o prostitution den.
7. Pagkamkam ng Lupa. Ang isyung ito ay madalas nangyayari sa mga probinsiya kung
saan ang lupang alam nila na pamana ng kanilang mga ninuno ay pilit inaangkin ng
mga mayayamang negosyante upang patayuan ng mga nagtataasang gusali.
8. Galit sa ibang lahi. Tulad ng naranasan ni Mahatma Gandhi nuong nasa Aprika nang
minsang nakasakay siya sa isang tren. Isang malinaw na lahi ang naging pamantayan
ng kawani ng tren ng siya ay pinaalis sa kinalalagyan niyang first class accommodation
kung saan mayroon naman siyang tiket.
9. Terorismo. Ang Mindanao ay kilala sa pagkakaroon ng mga terorista. Nariyan(g)
nagkaruon ng digmaan sa Zamboanga. Ito daw ay dulot ng mga terorista na gusto
lamang ng gulo laban sa mga sundalo ng pamahalaan. May mga pagsabog na naganap,
at pagbihag sa mga tao at mga turista ay ilan lamang sa tinatawag natin na terorismo.

Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay nasa
pakikipagkapwa-tao sa lipunan. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipagugnayan sa kapwa
niya, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.

AKTIBIDAD 2:
Panuto: Magmasid sa iyong pamilya, sa paaralan, sa barangay/pamayanan at sa
lipunan/bansa ng mga paglabag sa karapatan ng tao at isulat mo kung ano ang iyong
nagawa upang maituwid ang paglabag.

Bagong kaalaman:
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

IKALAWANG LINGGO
Oktubre 19-23

TALAKAYAN 3:

ESP-9 SAC2020
Ang Maka- Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansang Mag-aaral
Ang mga kabataan sa paaraalan ay tinuturuan upang maging makabuluhan ang
kanilang buhay. Sila ay may buhay. Ang buhay na ito ay biyaya ng Diyos. Bilang tao na
may buhay, sila ay naghahanap ng kaalaman upang malaman kung saan galing ang
buhay na ito. Ito ang sanhi ng paghahangad ng tao ng kaalamang maka-Diyos na
nagbigay-buhay sa lahat ng bagay sa mundo.
Ang tao ay may kakayahang gumalang sa kapuwa. Ito ay bahagi ng mbuting pagkatao.
Ito ay tungkulin ng bawat isa.
Ang kalikasan ay para sa mga tao. Ito ay biyaya para sa mga likhang may buhay. Ang
puno at iba pang halaman, mga hayop ay kasama ng tao upang mabuhay. Karapatan ng
tao ang gamitin ang lahat ng kalikasan ngunit mayroon siyang tungkuling panaglagaan
ang mga ito.
Ang mga tao ay isinilang sa isang lipunan. Kung saan siya ay pinanganak ay doon siya
nabibilang. Ang tao na pinanganak sa Pilipinas ay tatawaging Pilipino.Tungkulin ng
isang Pilipino ang sundin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Tungkulin din niya ang
suportahan at ipaglaban ang kayamanan ng Pilipinas. Ito ang pagiging Makabansa.
Ang pagiging maka-Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa ay tungkulin ng mga
tao, at ang mga tungkuling ito ay may kaakibat na dapat gawin upang maging
mapayapa, maayos, masaya, at masagana ang bansa.

AKTIBIDAD 3:
Panuto: Gawin mo ito sa iyong kuwaderdo. Paano mo mailalarawan ang iyong
natutuhan sa araling ito upang maging makabuluhan ang buhay mo sa pakikipag-
ugnayan sa pamilya, kamag-anak, kaibigan, kabarangay, kapanalig sa
pananampalataya, kamag-aral at kababayan?

Bagong kaalaman:
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

TALAKAYAN 4:

Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagtupad ng Tungkulin


 Ang pagiging mapanagutan (responsible) ay mahalagang ugali na dapat taglayin ng
isang tao habang siya ay bata pa. Dapat itong payabungin o patatagin hanggang sa
kaniyang pagtanda.

Talaan ng mga Tungkulin


1. Anak
 Makikinig at sumusunod sa turo ng magulang at tuntunin sa tahanan
 Maging magalang sa magulang, nakakatandang kapatid, at kamag-anak
 Tumulong sa gawaing bahay
 Mag-aral at mapalago ang aking kakayahan
2. Kuya/Ate

ESP-9 SAC2020
 Aalagaan at tulungan ang nakababatang kapatid sa gaawaing bahay
 Maging mabuting modelo sa kapatid
 Igalang ang mga kapatid
 Pakainin ang nakababatang kapatid
 Bigyang-saya ang mga kapatid sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa kanila
 Bantayan ang nakababatang kapatid laban sa anumang karahasan
3. Tinedyer
 Maging magalang sa magulang
 Sumusunod sa tuntunin o patakaran ng magulang
 Mag-aral at pumasok araw-araw
 Panatilihing malinis ang katawan at pag-iisip sa pamamagitan ng pagbabasa ng
maganda, disente, at moral na babasahin at panonood ng makabuluhang palabas.
 Kumain ng masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo, magdasal, at magkaroon ng
tamang oras sa pagtulog
 Iwasan ang masamang bisyo tulad ng droga, alak, sigarilyo, sugal at masamang
barkada
 Magkaroon ng mga mabubuting kaibigan
4. Mag-aaral
 Gumawa ng gawaing iniatang ng magulang at ng guro
 Tapusin ang sinimulang gawain
 Ibalik ang hiniram na gamit
 Maging matapat sa pamilya, kaibigan, at kamag-aral
 Maging magalang sa alituntunin ng paaralan at ng bansa
 Sumunod at tapusin ang mga proyekto at takdang aralin
5. Kaibigan
 Maging matapat sa mga usapan
 Maging matulungin at matuwid sa Gawain
 Laging handing tumulong sa kailangan ng kaibigan
6. Kapanalig sa Pananampalataya
 Paggalang sa pananampalataya ng iba
7. Tagapangalaga (Steward)
 Magtanim, mag-alaga ng halaman at hayop
 Maglinis ng paligid
 Magtipid sa tubig at kuryente
 Igalang ang lahat ng bagay na likha ng Diyos
8. Mamamayang Pilipino
 Maging masunurin sa alituntunin ng barangay at Saligang Batas
 Tumayo ng tuwid kapag narinig ang pagtugtog ng Lupang Hinirang sa tapat ng
paaralan at munisipyo
 Magbayad ng tamang pamasahe at iba pang bilihin

AKTIBIDAD 4:
Panuto: Magbigay ng limang karapatan at tig-dadalawang tungkulin sa bawat
karapatan na dapat mong gawin bilang tinedyer. Isulat ito sa kuwaderno.

ESP-9 SAC2020
Bagong kaalaman:
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

IKATLONG LINGGO
Oktubre 26-27

TALAKAYAN 5:

Ang Batas Moral/Natural Law


Ito ay likas na batas na nakaukit sa anyo ng mga nilikha-buhay man o hindi. Ang batas
na ito ay hindi binigay ng tao. Ito ay kaloob ng Diyos upang magbigay ng kaayusan,
kagandahan, at ng pagkakatugma ng mga bagay at ang kaugnayan nila sa isa’t isa.
Halimbawa: Ang tao ay nilikha na may kasama. Ito ang aspetong sosyal ng tao. Hindi
siya maaaring mabuhay ng mag isa. Siya ay dapat alagaan, mahalin, at isama sa kapuwa
niya tao. Kailangan din niyang maging kasapi ng isang lipunan katulad ng pamilya,
paaralan, simbahan, barangay, bansa, at mundo. Dapat sumunod din siya sa mga
tuntunin at tungkulin ng bawat lipunan upang magkaroon ng kaayusan, kapayapaan, at
kasaganaan ang bawat buhay. Kaya ang Batas Moral/Natural Law ay ang
makipagkapuwa-tao.

AKTIBIDAD 5:
Panuto: Kopyahin at lagyan ng kahon ang mga pangungusap na nagsasaad ng Likas na
Batas Moral (Natural Law) sa sumusunod na pahayag.
1. Ang mundo ay umiikot sa kaniyang axis.
2. Ang lobo ay lilipad papunta sa labas ng mundo.
3. Ang bata ay nabubuo at nabubuhay ng siyam na buwan sa obaryo ng nanay.
4. Ang lalaki ay maaaring mabuntis.
5. Ang dugo ng tao ay dumadaloy sa katawanmula sa puso.
6. Ang tao ay dumadaan sa bawat yugto ng buhay.
7. Ang puno ng manga ay namumunga ng avocado.
8. Ang tao ay kumakain upang mabuhay.
9. Ang langka ay mabubuhay sa ilalim ng dagat.
10. Ang ostrich ay lumilipad.
Bagong kaalaman:
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

TANDAAN:
 Oktubre 28, 29 and 30 Monthly exam
 Nobyembre 2-6 Semestral Break

ESP-9 SAC2020
Monthly Examination:
TEST I. Panuto: Sa iyong kuwaderno, isulat ang KR kung Karapatan at TK kung
Tungkulin ang isinasaad sa bawat pangungusap.
1. Paggalang ng mga anak sa magulang sa loob at labas ng tahanan.
2. Paghahanapbuhay ng magulang upang bigyan ng pangunahing pangangailangan ang
pamilya.
3. Pagpasok sa paaralan araw-araw upang matuto.
4. Pagkakaroon ng sapat na pagkain, gamot, tubig, damit, at edukasyon.
5. Pag-aalaga ng mga hayop at halaman sa paligid.
6. Pagkakaroon ng hanapbuhay at paninirahan sa isang lugar na tahimik.
7. Pagkakaroon ng magulang na mag-aaruga at magmamahal sa mga anak.
8. Pagpapahayag ng opinion o kuro-kuro sa nangyari sa kapaligiran.
9. Pagkakaroon ng parke na paglilibingan.
10. Pagsunod sa alituntunin upang mapaganda ang barangay.

TEST II. Panuto: Gumawa ng sanaysay na sumasagot sa tanong.


Ano-ano ang angkop na kilos na dapat gawin ng isang kabataan na kabilang sa
pamilya, paaralan, simbahan, pamayanan, at lipunan?

IKA-APAT NA LINGGO
Nobyembre 9-13

TALAKAYAN 6:

Paghahambing sa Batas Moral/ Natural Law sa iba pang batas


Ano ang batas? Ayon kay Thomas Auinas, ang batas ay ordinansa ng pangangatwiran
na pinag-aaralan ng mga taong may sapat na kapangyarihan para sa pangkalahatang
kabutihan.
Ano ang ordinansa ng pangangatwiran? Ito ay pangangatwirang resulta o produkto ng
masusing pag, aaral, paghahambing, at pagsalungat upang makarating sa tunay na
katuwirang kabutihang pangkalahatan na hindi lang naaayon sa indibidwal o
pangkatang nararamdaman o sentiment. Ito ay produkto ng masusing pag-aaral upang
ang batas ay maging epektibo, ito ay nararapat ibahagi sa tao. Ito ay nararapat na
ipalaganap ng mga taong may katwirang kapangyarihan. Ito ay para sa pangkalahatang
kabutihan at hindi lang para sa iilan.

AKTIBIDAD 6:
Panuto: Sa ating tahanan, paaralan at lipunan ay tiyak na may mga umiiral na tuntunin
o batas. Bilang kasapi nito, tungkulin nating sumunod sa mga ito dahil ito ay para sa
kabutihan ng lahat. Sa iyong kuwaderno, magtala ng natatandaan mong mga umiiral na
batas o tuntunin. Punan kung ito ay iyong madalas na natutupad o hindi.

Lugar Mga Tuntunin o Batas Natutupad o Hindi

ESP-9 SAC2020
Tahanan 1.
2
3
4
5.
Paaralan 1.
2
3
4
5.
Lipunan 1.
2
3
4
5.

Bagong kaalaman:
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

IKA-LIMANG LINGGO
Nobyembre 16-20

TALAKAYAN 7:

Dignidad
Ang dignidad ng tao ay tinatawag ring dangal. Ang bawat isa ay may dangal ayon sa
paglikha sa kaniya. Ang dangal ay may kaakibat na paglilingkod. Siya ay nilikha na
kawangis ng Diyos. Kaya siya ay may kakayahang mag-mahal, mag isip, magmuni-
muni, magtrabaho, lumikha, at magpalago ng mga magagandang likha ng Diyos. Kung
taliwas ang gagawin ng tao ayon sa paglikha sa kaniya, siya ay maihahambing lamang
sa hayop. Bakit? Dahil ang hayop ay hindi nag-iisip, hindi nag-iisip, hindi nagmamahal,
hindi nagmumuni-muni, at lalo higit hindi nagpapalago o nagpapaganda ng likha ng
Diyos.
Kaya ang taong may dangal ay nagsisikap na gampanan ang kaniyang pagkatao. Dapat
siya ang nangangalaga ng kaniyang sarili, kapwa, at iba pang likha ng Diyos. Siya ay
marunong magpuri sa Diyos, magpasalamat sa mga biyayang kaniyang natatanggap,
mapalago ang kaniyang kakayahan at talent upang lalo siyang makapaglingkod sa
Diyos, sa sarili, sa kapwa-tao, at mapangangalagaan ang mga likas na yaman na biyaya
ng Diyos.
Dahil siya ay may kakayahang mag-isip, magmahal, mangatwiran, at lumikha, ito ay
biyaya upang paglingkuran ang sarili, kapwa, at iba pang nilikha ngt Diyos. Ito nag
dahilan kung bakit hindi nabubuhay ang tao para sa sarili lamang niya. Ang dangal ng
tao ay kaakibat ng paglilingkod. Nagiging makahulugan ang buhay ng tao kung siya ay
maglilingkod o magtratrabaho. Ang paglilingkod o trabaho ay bahagi ng buhay ng tao.

ESP-9 SAC2020
Ang taong tamad ay hindi uunlad at hindi niya magagampanan ang kaniyang
pagkatao. Masdan at suriin ang graphic organizer sa ibaba na nagpapakita ng iba’t
ibang katangian ng tao.

Nag-
iisip

Nagma Nagtratr
mahal abaho

TAO

Nagmu
Sumasa
muni-
mba
muni
May
mabutin
g asal

AKTIBIDAD 7:
Panuto: Bilang isang tinedyer, paano mo ipakikita at ipahahayag ang iyong
paglilingkod sa tao? Magbigay ng dalawang pangungusap na nagsasaad ng
paglilingkod sa nangangailagan.

Nangangailangan Paglilingkod
1. Ang biktima ng sunog at iba pang a.
kalamidad. b.
2. Ang kamag-aral na nahihirapang a.
lutasin ang problema sa aralin b.
3. Ang pulubing hindi pa kumakain a.
maghapon. b.
4. Ang kapitbahay na may malubhang a.
sakit. b.
5. Ang kaibigang naloko at nabigo sa a.
kaniyang pangarap. b.
6. Ang nanay na hirap sa pagpapa-aral ng a.
anak. b.
7. Ang kapatid na nauubos ang oras sa a.
paglalaro ng mobile legends. b.
8. Ang kamag-aral na lagging tumatakas a.
sa klase. b.
9. Ang pinsan na nahihirapan sa klase. a.
b.
10. Ang sakiting tagapaglinis sa a.
barangay. b.

Bagong kaalaman:

ESP-9 SAC2020
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

IKA-ANIM LINGGO
Nobyembre 23-27

TALAKAYAN 8:
Mga Mahahalagang Layunin ng Paggawa
1. Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan.
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan
4. May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan.
5. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.

Ang Subheto at Obheto ng Paggawa


Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento, at
teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. Ang nakagisnan
ng tao na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis ay unti-unti nang
nagbabago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya, na tao rin naman ang
nagdisenyo at gumawa.
Hindi maipagkakait na ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa sibilisasyon. Hindi
rin natin maipagkakait napakalaking tulong na naibibigay ng teknolohiya: napadadali
nito ang trabaho ng tao at naitataas ang kaniyang produksiyon.

AKTIBIDAD 8:
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa iyong kuwaderno.
1. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang iyong gagawin upang makatulong sa iyong mga
magulang?
2. Sa anong paraan nakakatulong ang teknolohiya sa iyong buhay?
Bagong kaalaman:
Sa araling ito, natutunan kong:___________________________________________.

III. PAGLILIPAT
Panuto: Sa isang bond paper, gumawa ng repleksyon gamit ang pormat sa ibaba.
Gumawa ng isang maikling panalangin sa pagkatapos gumawa ng repleksyon.

Nang pag-aralan ko ang paksa tungkol sa___________________________________


tumatak sa isip at puso ko ang __________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

ESP-9 SAC2020
Dahil ditto. napatunayan kong ____________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Mula ngayon, ako ay _____________________________________________________


_____________________________________________________________________________.

Panalangin________________________________
__________________________________________
__________________________________________

IV. PAGTATASA AT PAGSUSURI


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano nagkakaugnay ang tungkulin at karapatan?
2. Bakit mahalagang gampanan ng mamamayan ang kanilang mga tungkulin?
3. Bakit sinasabing ang mga batas ay mahalaga upang makamit ang kabutihang
panlahat?
4. Bakit mahalaga ang dignidad para sa isang tao?

V. MGA SANGGUNIAN:
 Edukasyon sa Pagpapakatao – 9
by: (Dela Cruz, et al., 2018)
Vibal Group, Inc.
 Edukasyon sa Pagpapakatao – 9
by: (Ogale, et al., 2017)
Student Digest Publishing House (SDPH)
 Kaagapay (ESP) – 9
by: (Maybituin at Macabeo, 2014)
St. Augustine Publications, Inc.
 esp_lm_draft_3.31.2014-2.pdf

ESP-9 SAC2020

You might also like