You are on page 1of 10

IKATLONG MARKAHAN

MODYUL 9
Katarungang Panlipunan

Katarungan / Justice – nag-ugat sa salitang Bisaya na “Tarong” na ang ibig sabihin ay pagiging tama,
pagiging moral at mabuti, parehas o pantay angkop at bagay.

Katarungan
Karapatan Ito ay pagbibigay ng
Ito ay ang kapangyarihang nararapat sa isang tao.
moral na gawin, hawakan, Ito ay paggalang sa mga
pakinabangan at angkinin ang mga karapatan ng isang tao.
bagay na kailangan ng tao sa kanyang
estado sa buhay.

Karapatan at Katarungan
“Ang paggalang sa karapatan ay pagbibigay ng katarungan. Ang paglabag sa
karapatan ay paglabag din sa katarungan.”

Pagkatao ng Tao – isang katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang.

 Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula
sa pagkiling sa sariling interes.
 Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao.

“Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang


indibidwal. Ang kilos-loob na isang makatwirang pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungang tao. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas
Moral.”
--- Santo Tomas de Aquino

Makatarungang Tao – kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa.
--- Andre Comte-Sponville

Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan – ang paggalang sa karapatan ng bawat isa anumang ugnayan
mayroon ka sa iyong kapwa.

Pamilya – ang siyang nararapat magmulat sa katotohanang may karapatan at tungkulin tayo bilang tao
hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa lipunan kaya’t ginagabayan nila tayo upang mapahalagahan
at maisabuhay ang mga ito.
 Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas. Ang legal na kaayusan kung
gayon ay nararapat na maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.

Mga Elemento ng Katarungan (Justice) /K3P1


a) Karapatan
b) Katotohanan
c) Katwiran
d) Pagiging Pantay/Parehas o Walang Kinikilingan

Kawalang Katarungan Katarungan


 Pagpatay Buhay
 Pang-aagaw ng Lupa Pagmamay-ari
 Pang-aapi Paggalang sa Dignidad ng Tao

Nibel ng Katarungan
a) Pagkilala sa tao bilang tao
b) Pagkilala sa karapatan ng tao

“Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili.”

 Tungkulin ng lahat ng mamamayan na pangalagaan at ipaglaban ang katarungan ng


bansa.

Katarungang Panlipunan (Social Justice)


- isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay.
- ito ay kumikilala sa dignidad ng tao.
 Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga nakakamit
sa buhay kundi dahil sa kanyang pagkatao.

- namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa ugnayan ng tao sa


lipunan.
- nananaig kapag naibibigay sa bawat mamamayan ang dapat sa kanya.
- pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa, makabuo at makalikha.

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga


a) Paggalang sa Dignidad “Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan.”
b) Katotohanan --- Santo Papa Juan Pablo II
c) Pagmamahal
d) Pagkakaisa
e) Kapayapaan
At sa isang katwirang balik-ikot ng ugnayang tao at komunidad, kung wala ring katarungan sa
lipunan, pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang sarili.

Kaya’t alang-alang sa lipunan at alang-alang sa sarili, utang na loob ng bawat isa na magkaroon
ng katarungan sa sarili at sa komunidad dahil ang ikaaayos ng bawat isa ay nasa kamay ng bawat isa.

Elemento ng Katarungang Panlipunan (Social Justice) / MDP2


1. Mainam na buhay
2. Dignidad at pagkilala sa sarili
3. Pakikilahok
4. Pagkakabuklod at pananagutan sa karapatan ng iba
MODYUL 10
Kagalingan sa Paggawa

“Wow, ang ganda naman niyan! Ang galing ng pagkakagawa! Sino ang gumawa? Imported ba o
gawa sa atin?

Paggawa – isa sa mga katangiang ipinagkaiba ng tao sa ibang mga nilikha


sapagkat ang paggawa ay nagsimula sa Diyos sa Kanyang paglikha sa lahat ng
bagay.
- mahalagang tungkuling ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao.
- nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan.
- napapa-unlad ng tao ang kanyang sarili at pamilya kaya’t nakakamit
ang maginhawa at masaganang buhay.
- paraan ng pagtulong at pagbibigay ng serbisyo sa kapwa.
- hindi lamang pantaong karapatan kundi isang obligasyon o tungkulin
ng tao.

Moral na Tungkuling Gumawa ng Tao


1) Upang mapanatili at mapa-unlad ang ating pagkatao ayon sa plano ng
Manlilikha.
2) Upang maitaguyod ang ating mga pamilya, ang ating bayan at ang buong
sangkatauhan.

- pagpapakita ng wastong pananaw at kakayahan ng taong gamitin


ang sariling isip, talino at lakas upang maisakatuparan ang tamang
layunin sa paggawa.
- nangangailangan ng tamang pamamaraan ng pagbibigay ng oras sa
paggawa at gayundin sa pamamahinga at paglilibang.

 “Pagdating ng panahon ako naman ang gagawa niyan magtatagumpay at makikilala.”

Paggawa ng Isang Gawain o Produkto


a. Sapat na kasanayan / kakayahan
b. Angking kahusayan
c. Lakas ng katawan
d. May layuning makagawa
e. Propesyon o kurso (salik)
Katangian ng Kagalingan sa Paggawa
1) Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga
a. Kasipagan / Sipag
b. Tiyaga
c. Masigasig / Determinado / Pursigido
d. Malikhain / Maabilidad
e. Disiplina sa Sarili

2) Nagtataglay ng Kakailanganing Kakayahan


a. Pagkatuto bago ang paggawa
b. Pagkatuto habang ginagawa
c. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain

How To Think Like Leonardo da Vinci


a. Pagiging Palatanong o Mausisa (Curiosity)
b. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi at Pagiging
Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Demonstration)
c. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama (Sensation)
d. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Mistery)
e. Paglalapat ng Balanse sa Sining, Syensya, Lohika at Imahinasyon (Arts and
Sciences)
f. Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Good Health and
Proper Grooming)
g. Pagkaka-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connection)

3) Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos

Kakaiba
Kalidad Paggawa
Kagalingan / Kahusayan Kalooban ng Diyos

Mahalaga sa isang manggagawa na maging responsable upang magampanan nang mabuti at


maayos ang gawain. Sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin, naipakikita ang pagiging positibo sa pananaw
sa anumang gawaing ginagawa, pagkamasigasig, matapat at matatag sa mga pagsubok na kinakaharap.
MODYUL 11
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
sa Naimpok

“Naniniwala ka ba na mahirap ang


buhay?”

“Tagumpay ay nakakamit kapag ang tao ay


masikhay.”

A. Kasipagan isaisip * isapuso @ isagawa +


“Kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos na gawain.”

pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad

tumutulong sa tao upang malinang ang iba pang mabubuting katangian


a) Tiwala sa Sarili
b) Mahabang Pasensiya
c) Katapatan
d) Integridad
e) Disiplina
f) Kahusayan

tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao

susi sa magandang kinabukasan

Palatandaan ng Isang Taong Masipag


1) Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
“Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kanyang ginagawa.”

2) Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.


“Ang taong masipag ay nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang trabaho.”
3) Hindi umiiwas sa anumang gawain.
“Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang
sa kanya.”

Katamaran – pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.


- pumipigil o humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay.
Ang taong tamad ay ….. ayaw tumanggap ng gawain.
….. di pa nasisimulan ay umaayaw na.
….. palaging nakararamdam ng kapaguran kahit
kakaunti pa lang ang nagagawa.
….. di natatapos ang gawain ng maayos.

Hirap nararamdaman ng isang tao habang


Pagod ng katawan at isipan gumagawa ngunit hindi dapat sumuko
Mga pagsubok / mabibigat na problema

Mga Pagsubok / Problema / Suliranin


Ito ay bahagi ng buhay ng isang tao ngunit ang mahalaga ay huwag sumuko bagkus kailangan na
magpatuloy sa mga hamon ng buhay.

B. Pagpupunyagi – pagtitiyaga na maaabot o makakamit ang iyong mga layunin/mithiin/pangarap sa


buhay.
a. Pagtitiyaga
b. Pagtitiis
c. Kasipagan
d. Determinasyon
- pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng mga kahinahunan at hindi
nagrereklamo.
- patuloy na pagsubok ng mga gawain hangga’t hindi nakakamit ang mithiin.

C. Pagtitipid – kakambal ng pagbibigay.


- isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng masagana, kundi
gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba.

“Hindi ubos-ubos sa biyaya, pera o bagay na walang saysay sapagkat dapat mong mahalin
ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.”

Mapagkumbaba pinakamahalagang paraan ng pagtitipid


Matutong Makuntento Simpleng Buhay
D. Pag-iimpok – paraan upang makapag-save o makaipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.

Pera / Salapi – pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa
tama upang huwag itong mawala.
- seguridad sa buhay

Abraham Maslow’s Hierarchy of Needs


1) Basic or Physiological Needs – Pangangailangang Pisyolohikal
2) Safety Needs – Pangangailangang Panseguridad
3) Love and Social Belonging – Pangangailangang Magmahal, Makisapi at
Makipagkaibigan
4) Esteem – Pagpapahalaga mula sa Ibang Tao
5) Self-Actualization - Maipatupad ang Kaganapan ng Pagkatao

Dahilan Kung Bakit Kailangan na Mag-impok ang Tao


(Francisco Colayco)
1. Para sa proteksyon sa buhay
2. Para sa mga hangarin sa buhay
3. Para sa pagreretiro

“Ang isang langgam sa tag-araw ay buong sipag na na-iipon ng pagkain kung kaya’t sa
pagdating ng tag-ulan ay kampante na sila na hindi magugutom dahil matagal na nila itong
pinaghandaan.”

“Ang tao ay dapat mag-ipon habang malakas upang makamtan ang magandang bukas.”
MODYUL 12
Pamamahala sa Paggamit ng Oras

“Lumalakad ang kalabasa naiiwan ang bunga.”

“Time is gold.”

Gaano nga ba kahalaga ang magplano at unahin ang mahahalagang gawain?

Tik Tak Tik Tak….. nagkakasya ba ang oras mo?

Ginagamit ko ba nang wasto ang oras ko?

Paggamit o Pamamahala sa Oras at Panahon – mabisang instrumento sa pamamahala sa buhay. Dito


nagmumula ang mga sandaling nagbibigay ng kahulugan sa buhay.
- ito ay kaloob na ipinagkatiwala sa tao kaya’t gamitin ang oras nang may
pananagutan sapagkat hindi ito magbabalik kailanman.
- isang tahasang aksyon ng pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang
ispesipikong gawain.

“Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit ng oras tataas ang produktibidad, pagkamabisa


at kagalingan mo sa paggawa.”

Mga Bagay na Nakapipigil sa Paggamit ng Tamang Oras


1. Pagpapaliban ng gawain o kabiguang umabot sa deadline.
2. Paggamit nito ng walang katuturan dahil sa mga “distraction”.
3. Hindi maayos na paggawa ng iskedyul.
4. Sobrang pag-aalaga.

Oras / Time – tumutukoy sa panahon, pagkakataon, saglit, araw at kung gaano katagal ang iginugol sa isang
paggawa. Ito ay kakarampot subalit mahalagang yaman.

Filipino Time – hindi marunong tumupad sa pinagkasunduang oras.

“Ang taong marunong magpahalaga sa oras (ON TIME) ay may mahusay na paggawa o nagagawa.
Hindi naantala o nahuhuli. Nakatatapos ng gawain sa takdang oras.”

SMART
S --- Specific / Tiyak
M --- Measurable / Nasusukat
A --- Attainable / Naaabot
R --- Relevant / Angkop
T --- Time Bound / Nasusukat ng Panahon
Ang pagpapa-prioritize at pagpaplano ng gawain sa takdang panahon ay makatutulong upang ikaw
ay maging mapanagutan, kapaki-pakinabang. Matagumpay na mag-aaral; gayundin bilang kasapi ng
pamilya, lipunan at bansa.

“In work, don’t count the hours you put in, but what you put in the hours.”

Time Diary

Dito nakasulat o nakatalaga ang iba’t ibang kategorya kung paano


ginagamit ang oras. (Paggawa, Paglalaro, Pagpapanatili ng
Enerhiya, Pagrerelaks ng Kaisipan at Pagtulog)

Kategorya ng Paggamit ng Oras


a) Paggawa – ito ay pagsasagawa ng mga tiyak na gawain na may kinalaman sa iyong gampanin at
tungkulin.
b) Paglalaro – pagkakaroon ng kasiyahan tulad ng pagdalo sa mga selebrasyon, pagtitipon, pagbisita
sa mga kaibigan o kamag-anak at maysakit at iba pa na maaaring gawin upang malibang.
c) Pagpapanatili ng Enerhiya – mga gawain upang makapagpahinga sa paggawa, mapanatili ang
pisikal at emosyonal na kalusugan ng tao at mapanatili ang enerhiya ng katawan.
d) Pagrerelaks ng Kaisipan – malalim na antas ng kamalayan. Ito ay pagmumuni-muni sa mga sandali
ng pag-iisa at may kasamang ispiritwal na karanasan.
e) Pagtulog – aktwal na pagpapahinga hindi lamang ng katawan kundi gayundin ang kaisipan.

Ang oras o panahon ay dapat gamitin ng husto at wasto ayon sa pangangailangan ng makabuluhang
gawain.
Ang paglalaan ng oras para sa pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa pagkatapos ng
iyong paggawa ay magbibigay balanse sa iyong buhay.

Mga Mungkahi Upang Maiwaksi ang Pagpapaliban sa Paggawa


1. Magplano sa iyong buhay. Pagtukoy ng iyong layunin upang matahak ang tamang direksyon.
2. Pagtukoy sa kung ano ang iyong pangangailangan sa kinahaharap na gawain.
3. Pagtasa sa mga gawain. Simulan sa pinakamaliit na gawain hanggang sa mabuo at matapos ang
gawain.
4. Pag-aayos o pagpaplano ng pagkilos upang matapos ang gawain.
5. Gumawa at itakda ang oras.
6. Maging matiyaga at kapaki-pakinabang.

Alsaradpon06

You might also like