You are on page 1of 2

Pres. Carlos P.

Garcia Technical-Vocational School of Fisheries and Arts


Puerto San Pedro, Bien Unido, Bohol
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
UNANG MARKAHAN
Quarter 1 Week 1 Day 1 Activity No. 1
Competency : Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Objective : Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao
Topic : Katangian ng Pagpapakatao
Materials : Book, laptop, internet
Reference : Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral 2015
Concept Notes
Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
“Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”
Ano ang pagkaunawa mo sa kasabihan? Bakit kaya madali ang “maging tao” ngunit “mahirap
magpakatao”? May dalawang bahagi ang kasabihang ito. Ang una, “madaling maging tao,” ay
sumasagot sa pagka-ano ng tao at ang ikalawa naman ay nakatuon sa pagkasino ng tao. Napag-
aralan mo sa Baitang 7 na ang tao ay may isip at kilos-loob, may konsensiya, may kalayaan at
dignidad. Ang ikalawang bahagi, “mahirap magpakatao,” ay tumutukoy sa persona (person) ng tao.
Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa kapuwa niya tao. Halimbawa, ang
kambal na Oyin at Yesa ay parehong mahilig umawit, at pareho ang uri ng musikang gusto nila,
pero ibang mag-isip at tumugon si Oyin kung maharap sila sa parehong sitwasyon. Sa kaniyang pag-
iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang bawat tao. Ang paglikha ng pagka-sino ng
tao ay dumaraan sa tatlong yugto: ang tao bilang indibidwal, ang tao bilang persona, at ang tao
bilang personalidad.
Ang tao bilang indibidwal ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Nang isinilang siya
sa mundo, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyo na hiwalay sa ibang sanggol.
Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Bilang
persona, may halaga ang tao sa kaniyang sarili mismo. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi siya
mauulit (unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman (irreducible). Ang tao bilang personalidad
ay ang pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang
pagka-sino. Ang taong itinuturing na personalidad ay may mga matibay na pagpapahalaga at
paniniwala, totoo sa kaniyang sarili, at tapat sa kaniyang misyon.
May tatlong katangian ang tao bilang persona, ayon kay Scheler (1974, ph 37-42). Ang mga ito ay:
may kamalayan sa sarili, may kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral at umiiral
na nagmamahal (ens amans). Ang mga ito ang mga katangian ng pagpapakatao
1. May kamalayan sa sarili. May kakayahan ang tao na magnilay o gawing obheto ng
kaniyang isip ang kaniyang sarili. Dahil dito, alam niya na alam niya o hindi niya alam.
Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kaniyang kakayahan na pagisipan ang
kaniyang sarili.
2. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral. Ito ang kakayahang kumuha
ng buod o esensiya ng mga partikular na umiiral. May kakayahan siyang bumuo ng
konklusiyon mula sa isang pangyayari. Halimbawa, noong nakita ni Buddha ang apat na
lalaki - isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang
buhay ay isang pagdurusa.
3. Umiiral na nagmamahal (ens amans). Ang pagtugon ni Buddha ay kilos ng pagmamahal.
Ang umiiral na nagmamahal ang pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona. Ang
ens amans ay salitang Latin na ang kahulugan ay umiiral na nagmamahal. Ang tao ay may
kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal.
Ang pagmamahal ay isang galaw patungo sa meron (being) na may halaga at pagpapaunlad ng
halaga ng minamahal ayon sa kalikasan nito. Nakikita ng nagmamahal na may halaga ang isang
meron tulad ng tao, bagay, at Diyos, at gumagalaw ang pagmamahal na ito tungo sa mas mataas
na pagpapahalaga na naaayon sa kalikasan ng minamahal.
Pagsasanay: Sagutin ang mga katanungan ayon sa hinihiling.
Panuto: Napag-aralan mo sa Baitang 7 at Baitang 9 ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(PPMB).
1. Balikan ang binuo mong Personal na Pahayag na Misyon sa Buhay (PPMB) sa Baitang 9.
2. Gumawa ng pinaunlad na bersyon ng iyong PPMB.
3. Isulat ito sa hiwalay na papel.
Para sa mga katanungan: 0949-373-2219

You might also like