You are on page 1of 2

Pres. Carlos P.

Garcia Technical-Vocational School of Fisheries and Arts


Puerto San Pedro, Bien Unido, Bohol

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN
Quarter 2 Week 5 Day 1 Activity No. 5
Competency : Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad
ng tao at paglilingkod.
Objective : Napatutunayan ang nilalaman ng batayang konsepto.
Topic : Ang paggawa bilang paglilingkod at tagapagtaguyod ng dignidad ng tao.
Materials :
Reference :

Concept Notes
Ang Paggawa:
Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”, ang paggawa ay isang aktibidad ng tao. Maaari
itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga
nag-iisip ng patalastas para sa mga produkto.
Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa. Kung tayo ay
gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang katulad ng hayop o makina. Tao lamang ang may
kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa.
Ang paggawa ay isang Gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain; at
ang produkto nito, materyal man o hindi ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay. Halimbawa, ang
isang karpintero na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit
upang maging kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na
paggawa.
Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang mga nilikha ng Diyos ang tao. Hindi matatawag na paggawa ang
ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Samakatwid, tao lamang ang
may kakayahan sa paggawa; sa kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa. At sa pamamagitan ng paggawa,
napatutunayan ang isa pang dahilan ng pag-iral ng tao… ang pagiging bahagi ng isang komunindad, ang
gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapwa at sa paglago nito.
Mga Mahahalagang Layunin ng Paggawa:
1. Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang mga pangunahing pangangailangan. Hindi mabubuhay nang maginhawa ang tao kung hindi
siya magtatrabaho. Hindi maaaring maging katulad siya ng isang parasite na laging iniaasa sa iba ang
kaniyang ikabubuhay. Napatunayan na ng tao na sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang
kaniyang dangal.
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. Pinagkalooban ng
Diyos ang tao ng talento upang gamitin ito sa pag-unlad niya at ng komunidad. Mahalagang taglayin
ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng
lipunan. Dahil sa natatanging talino ng tao na ibinahagi ng Diyos, napagyayaman ang agham at
teknolohiya.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan. Hinaharap natin sa kasalukuyan
ang realidad na maraming tao ang natutuon na lamang ang pansin sa paggawa upang kumita ng
salapi. Nakatuon na lamang ang layunin sa pagsisikap sa paggawa para sa pansariling pag-unlad.
4. May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan . Ang
paggawa ay isang obligasyon, tungkulin ng isang tao. Kailangan ng taong gumawa upang tumugon sa
ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan.
5. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao. Ang buhay na walang patutunguhan ay
walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.

Pagsasanay: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit mahalaga ang paggawa para sa iyong pamilya?(10pts)

2. Bakit sinasabing ang paggawa ay tagapagtaguyod ng dignidad ng pagkatao?(10pts)

You might also like