You are on page 1of 16

9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod
At Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
Ikalawang Markahan – Ika-anim na Linggo

1|Pahina
Edukasyon sa Pagpapakatao - 9
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
Ikalawang Markahan – Ika Anim na Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Michael B. Hostallero


Editor at Tagasuri: Myla Nacin
Tagaguhit at Taga-anyo: Margie E. Fuertes
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Ang Paggawa
Bilang paglilingkod
At Pagtaguyod
ng Dignidad ng Tao

Panimula

Ang paggawa ay pagpapakita ng pagiging progsesibo o pag-unlad ng isang


tao. Ayon sa mga griyego, ang tao ay hindi bato at tinatangay lamang ng agos o
kaya’y mananatili na lamang sa isang lugar. Ang tao ay nakakagawa ayon sa
kanyang kagustuhan.
Ang pagpapakita ng kabutihan sa iyong kapwa ay madaling matutunan. Isa
na rito ang pagkakaroon ng kusang loob na pagtulong sa nangangailangan.
Ang mga salita o gawa ay matatawag nating makataong kilos kung
kinapapalooban ito ng kabutihan para sa iba at para sa sarili, may paggalang at
walang pamimilit ng iba. Malaya itong ipahahatid dahil hindi na nakasasakit ng
damdamin o nakasisira ng iba o ng sarili. Lalo’t higit binibigyan pansin dito ang mga
kapatid nating nangangailangan (marginalized).
Sa araling ito, ay matututuhan mo ang mga kabutihang naidudulot ng
paggawa sa pamamagitan nito ay mabibigyan mo ng halaga ang mga tungkuling
iniatang sa iyo at ang mga gawaing ipinagkatiwala sa iyo.

Kasanayang Pampagkatuto

• Naipapaliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin (EsP9PLIg-7.3)


• Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit
ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong
nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang karera o trabahong
teknikal-bokasyonal. (EsP9PLIg-7.4)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakakikilala ng tunay na kahalagahan ng paggawa bilang paglilingkod at


pangangalaga ng dignidad;
2. nakasusulat ng talata tungkol sa kahalagahan sa paggawa bilang
paglilingkod at pangangalaga ng dignidad; at
3. nakapagpaliliwanag ang pagkakaiba ng Subheto at Obheto ng paggawa.

Balik Aral

Subukang balikan sa iyong isipan ang nakaraang aralin natin. Hindi ba’t ito
ay patungkol din sa paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao? Ito ay kung
saan ang bawat isa sa atin ay nagkakaroon ng responsibilidad sa ating sarili at sa
ibang tao.

May malalim na dahilan kung bakit kinakailangang iatang na sa iyo ng iyong


mga magulang ang ilang mga responsibilidad sa tahanan, pamilya, paaralan at
pamayanan.

Kaya sa pagpapatuloy ng ating aralin, mas lalo nating maiintindihan ang


kahulugan ng pagtulong sa bawat taong nangangailangan at upang makatugon tayo
sa hamon ng paglilingkod.

Mahalagang Tanong:

1. Bakit nagtatrabaho ang mga manggagawa sa kabila ng hirap na dinaranas


nila sa paghahanapbuhay?

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Ang Subheto at Obheto ng Paggawa

Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,


instrumento, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Ang nakagisnan ng tao na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis
ay unti-unti nang nagbabago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya,
na tao rin naman ang nagdisenyo at gumawa. Napakalaki ng tulong na naibibigay
ng teknolohiya: napadadali nito ang trabaho ng tao at naitataas ang kaniyang
produksiyon.

Nilikha ang teknolohiya upang gawing perpekto ang gawain ng tao. Ito ang
dahilan kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga teknolohiya na patuloy na
makatutulong upang mas maging madali ang paggawa para sa tao. Ang teknolohiya
ay kakampi ng tao. Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging
“kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang
tao sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa
ang kaniyang pagiging malikhain. Dahil inaako na ng makina ang bahagi ng tao,
hindi na nakikilala ang kaniyang pakamalikhain at malalim na pananagutan.
Mahalaga ito upang patuloy na maramdaman ng tao ang kaniyang
halaga sa proseso ng paggawa.

Ang pagdami ng mga teknolohiya sa paggawa ang siyang umaagaw sa tao sa


kaniyang trabaho. Lumalabas na ang tao na ang nagiging alipin ng teknolohiya.
Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng
ekonomiya ng isang bansa ngunit sa wari ay nakaliligtaan na unti-unting nailalayo
sa tao ang kaniyang tunay na esensya sa mundo – ang paggawa na daan tungo sa:

(1) pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakaniyahan


(2) pagkamit ng kaganapang pansarili; at
(3) pagtulong sa kapwa upang makamit ang kaniyang kaganapan.

Dahil sa kaniyang taglay na natatanging kakayahan bilang tao, ang tao ay


binigyan ng Diyos ng karapatan at tungkulin na mamahala sa mundo at sa iba pang
nilikha. Ang tao lamang ang may kakayahan na kumilos bunga ng proseso ng
kaniyang pag-iisip; siya ang may kakayahan na magpasya para sa kaniyang sarili at
may kakayahan na kilalanin nang lubusan ang kaniyang sarili. Nasa kaniya ang

3|Pahina
kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t ibang kilos na kailangan sa proseso ng
paggawa. Samakatwid, maituturing na ang subheto ng paggawa ay ang tao.

Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa


produktong bunga nito kundi ang katotohanan na ang gumagawa nito ay tao.
Nagiging malalim na pagpapahalaga sa bunga ng paggawa ng tao hindi lamang dahil
sa gamit at ganda nito kundi dahil nakikita rito ang kaligayahan at pagmamahal na
inilaan ng tao habang ito ay nililikha. Ang dignidad na dumadaloy sa paggawa ay
nakikita sa taong gumagawa nito. Mas kailangang manaig ang subheto kaysa sa
obheto ng paggawa.

Ang Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa

Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimensyon. Ang gawain ng tao ay


likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapwa. Higit na nararapat na
maging paniniwala ng lahat na “ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama
ang kapwa”. Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba. Hindi ba’t alam naman natin
na ang bunga ng ating ginagawa ay para sa kapakinabangan ng mas marami?

Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan,


ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa
ang tunay na tataya sa paggawa. Ito ay dahil hindi magbubunga ang pagsisikap ng
tao kung wala ang kaniyang kapwa, kung walang mga pamantayang pangkaayusan
ng lipunan na naglalagay ng limitasyon sa paggawa at sa manggagawa, kung hindi
magkaugnay ang mga hanapbuhay, na umaasa sa isa’t isa (interdependent) at hindi
nagtutulungan ang lahat upang gawing ganap ang bawat isa at ang
pinakamahalaga, hangga’t hindi magkakaisa ang isip, materyal na bagay at paggawa
upang sila ay maging buo. Mahalagang parang iisang taong kumikilos ang lahat.
Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap at kaligayahan at
napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. Sa
pagkakataong ganito makakamit ang tunay na pagkakapatiran – ang tunay na
panlipunang layunin ng paggawa.

Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya


pinagsisikapang hubugin ang kaniyang mabuting pagkatao. Hindi ito nakabatay sa
anomang pag- aari o yaman. Mahalagang iyong tandaan na ang paggawa ay higit pa
sa pagkita lamang ng salapi; ang tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay
ang pagkamit ng kaganapan bilang tao.

4|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga tanong at ilagay
ang sagot sa papel. Isulat ang Tama kung ito ay nagsasabi ng katotohanan at Mali
naman kung hindi.

_________1. Nilikha ang teknolohiya upang wala ng gawin ang tao.


_________2. Karamay ng tao ang teknolohiya sa paggawa.
_________3. Mas mabuting hindi na makisalamuha sa iba pang tao para iwas sa
mga gulo.
_________4. Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya
pinagsusumikapang hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan
_________5. Mas kinakailangang manaig ang obheto kaysa sa subheto ng paggawa.

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Lagyan ng tsek (✓) kung
ikaw ay sumasang-ayon at ekis (x) naman kung hindi.

_________1. Si Alex ay tumutulong sa kanyang kapwa dahil tatakbo siya sa


darating na eleksiyon.
_________2. Bukas sa loob ni Christine ang tumulong sa mga nangangailangan sa
abot ng kanyang makakaya.
_________3. Si Wenna ay nakatatangggap ng mababang sahod sa isang kompanya
na kanyang pinagtatrabahuhan na hindi man lang umabot sa itinakda
ng gobyerno na dapat na sahod sa mga manggagawa.
_________4. Hindi nakikinig si Newmar sa mga sinasabi ng mga kapwa niya
empleyado.
_________5. Ginagawa kaagad ni Allen ang mga gawaing inaatas sa kanya ng
kanyang Amo.

5|Pahina
Pang isahang Pagsasanay

Panuto: Tayahin natin ang iyong kaalaman ukol sa subheto at obheto ng paggawa.
Ibigay ang pagkakaiba ng dalawa. Isulat ang inyong sagot gamit ang T tsart.

SUBHETO OBHETO

6|Pahina
Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot. Ilagay ang sagot sa papel.

1. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag
ang tama?
a. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan.
b. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa
bago ang sarili

2. Ano ang obheto ng paggawa?


a. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
b. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
c. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na
ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
d. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha

3. Ano ang positibong naidudulot ng teknolohiya sa paggawa?


a. Nagiging tamad ang tao
b. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa paggawa
c. Nagbabago na ang tunay na kahulugan ng paggawa
d. Naiaasa na ang lahat ng gawain sa teknolohiya

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng


paggawa?
a. Nagtatrabaho si Alex para sa sarili niya lamang
b. Hindi nakalilimot si Anna na tumulong sa mga nangangailangan
c. Tumutulong is Ben sa kanyang tatay sa pagsasaka
d. Hindi nakalilimot si Rex na tulungan ang nakababatang kapatid at mga
pinsan sa kanilang mga proyekto.

5. Sa Anong dahilan makikita ang tunay na halaga ng tao?


a. Sa dami ng salapi
b. Sa dami ng pag-aari o yaman
c. Sa pagkamit ng kaganapan bilang tao

7|Pahina
d. Sa dami ng kaibigan

6. Ano nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao paggawa ng pag-unlad ng


agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang
pagkamalikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito
nahahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming
produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

7. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


a. Sa proseso n pinagdadaanan bago malikha ang isa produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto’
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.

8. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya,


sa lipunan na kanyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kanyang paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao ang kaniyang sarili sa kanyang
paggawa
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong
at magsilbi sa kapuwa.
d. Lahat ng nabanggit.

9. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay
nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang
paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang
kaganapan.
b. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan
siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa
pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit
hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong
nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
d. Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa
kung kaya ibubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain
upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

8|Pahina
10.Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng
bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at
nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa
nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga
c. Si Romeo na nageexport ng mga produktong gawa sa kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan
ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

Pangwakas

PAGNILAYAN MO!
Panuto: Sumulat ng iyong pagninilay tungkol sa kahalagahan ng paggawa na
iyong natutuhan sa ating aralin. Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng
kahon upang makabuo ng makabuluhang talata.

Mula sa aralin ito ay nalaman ko na_______________________________________


_______________________________________________________________

Kaya mahalaga na
___________________________________________________
_______________________________________________________________

Samakatuwid
___________________________________________________
d
_______________________________________________________________

9|Pahina
Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral DepED Soccsksargen:


Edukasyon sa Pagpapahalaga 9

Miranda, Asprilyn G., et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-


aaral, Pasig City: Department of Education- Bureau of Learning Resources
(DepEd-BLR). 2015

VIBAL: Edukasyon sa Pagpapakatao 7 VIBAL Publishing House Inc

Susi sa Pagwawasto

10. C C 5.
9. A A 4.
8. B B 3.
7. D A 2.
6. C A 1.

PAGSUSULIT

✓ 5.
X 4.
X 3.
✓ 2.
X 1.

PAGSASANAY 2

MALI 5.
TAMA 4.
MALI 3.
TAMA 2.
MALI 1.

PAGSASANAY 1

10 | P a h i n a
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang

tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan

upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa


paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like