You are on page 1of 26

Magandang Umaga!

Simulan ang araw nang may ngiti sa


ating mga labi!
Sino Ako?
Hulaan mo!
Magsasaka
Mangingisda
Guro
Doktor
Inhinyero
Pulis
P A G G A WA
Paggawa
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang Paggawa?

2. Bakit Mahalaga ito para sa mga tao?


3. Karapat-dapat bang maunawaan ng
lahat ang tunay na esensya ng paggawa?
Kahulugan ng Paggawa

Ayon sa Aklat na “Work: The Channel of


Values Education”, ang paggawa ay isang
aktibidad ng tao. Maari itong mano- mano tulad
ng paggawa ng bahay o sa larangan ng ideya
katulad ng mga nag-iisip ng patalastas para sa
mga produkto.
Kahulugan ng Paggawa
 Ayon sa panulat ni Pope John Paul II
kanyang akda na Laborem Excern— ang
paggawa o trabaho ay anomang gawain-
pangkaisipan man ito o manwal, ano man
ang kanyang kalikasan p kalagayan, na
makatao, nararapat para sa tao bilang anak
ng Diyos.
 Bilang siya ay maraming kaya at alam na
gawin, may mga bagay na inilaan na gawin ng
tao dahil sya ay katangi-tangi.
Ang Paggawa Bilang Likas na
Katungkulan sa Sarili
 Ang paggawa ay tumutulong sa pag-unlad ng
buhay. Ito ay isang likas na katungkulan
sapagkat ang bawat tao ay may obligasyong
moral na pangalagaan ang kanyang sarili at
hindi maging pabigat sa iba.
 Nangyayari ito kung ang isang tao ay
dumating na sa hustong gulang upang
magtrabaho.
Ang Paggawa Bilang Pinagmulan ng
Kayamanan
 Ang hanapbuhay ay hindi lamang isang
katungkulang moral ng tao. ito rin ay
maaaring pagmulan ng kaligayahan at
kayamanan.
 Maaaring magkaroon ng kayamanan dulot ng
paggawa kung nakabubuo o nakakalikha ng
mga bagong produkto mula sa nilikha ng
Diyos para sa kapakinabangan ng tao,
lipunan at para sa kapurihan ng Diyos.
Moral na Kahalagahan ng Paggawa

 Ang pagtatrabaho ng tao ay ayon sa kalooban


ng Diyos. Nilikha ang tao upang maging
kabahagi ng Diyos sa Kanyang gawain sa
pamamagitan ng paggawa.
 Ang lakas, isip, at damdamin ng tao ay
instrumentong ibinigay ng Diyos upang
mapabuti niya ang kanyang kalagayang
pansarili at pangkapuwa at para pamahalaan
ng tao ang lahat ng kanyang mga nilikha.
Ang Panlipunang Dimensyon ng
Paggawa
 Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa
gawain ng kaniyang kapuwa. Higit na
nararapat na maging paniniwala ng lahat na
“ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at
kasama ang kapuwa”.
 Anumang gawain ng isang tao ay nagbibigay-
daan upang makapag- ambag sa paglago at
pag-unlad ng lipunan.
Mahahalagang Layunin ng Paggawa

1) Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang


salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang pangunahing mga
pangangailangan.
2) Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at
pagbabago ng agham at teknolohiya.
3) Maiangat ang kultura at moralidad ng
lipunang kinabibilangan.
Mahahalagang Layunin ng Paggawa

4) May kakayahan na gamitin ang paggawa sa


pagtulong sa mga nangangailangan.
5) Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa
pag-iral ng tao.
Mga Benepisyo ng Paggawa

1) Nakakayanang suportahan ang kaniyang


mga pangangailangan.
2) Napagyayaman ang kaniyang
pagkamalikhain.
3) Napapataas ang tiwala sa sarili.
4) Nabibigyang dangal ang kaniyang pagkatao.
5) Nagkakaroon ng pagkakataon na makasama
at makasalamuha ang kaniyang kapuwa at
mapaglingkuran ang mga ito.
Mga Benepisyo ng Paggawa

6) Nagkakaroon ng pagkakataon na isabuhay


ang tunay pagbibigay.
7) Nabibigyan ng pagkakataon na maging
kasapi ng lipunan.
8) Nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa
kaganapan ng sarili at ng kapuwa.
9) Nagagampanan ang kaniyang tunkulin sa
Diyos.
1)Ano ang ibig sabihin ng paggawa?
2)Gaano ka importante ang paggawa?
3)Bilang isang responsableng mag-aaral at
kabataan, paano ka makakatulong sa
pagsasabuhay ng paggawa para sa sarili,
kapuwa at lipunan?
Paggamit

Ipagpalagay, sampung taon


mula ngayon kayo ay magiging
isang propesyonal, anong
propesyon ang inyong ninanais
at bakit?
Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang tula tungkol sa kahalagahan ng paggawa sa
sarili, kapuwa at lipunan. Gamitin ang pamantayan bilang gabay sa
paglikha ng tula.

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

Kaangkupan sa Paksa ------------- 10 puntos


Kaangkupan ng mga salita ------------- 5 puntos
Pagkamalikhain ------------- 5 puntos
orihinalidad ------------- 5 puntos
Kabuuan ------------- 25 puntos
Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang panayam sa inyong barangay kung paano
nakakaapekto ang paggawa o trabaho sa buhay ng bawat isa. Gamitin
ang mga sumusunod na mga katanungan bilang gabay.

1. Para sa inyo, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng paggawa o


trabaho?
2. Ano-ano ang mga benepisyong nakukuha sa paggawa?
3. May mga suliranin bang kinakaharap sa pagkakaroon ng paggawa o
trabaho?
4. Bilang isang mamamayan, paano mo mahihikayat ang mga tao na
makilahok sa paggawa o pagtatrabaho?
Maraming salamat sa pakikinig at
kooperasyon!

Manatiling malusog at ligtas!

You might also like