Professional Documents
Culture Documents
-Ang pagmamahal sa bayan aay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang
bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama at
karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang literal na kahulugan nito ay
pagmamahal sa bayang sinilangang (native land).
-Kadalasang iniuugnay ang patriyotismo sa nasyonlismo ngunit magkasing kahulugan ang dalawa.
• Ang patriyotismo ay isinasaalang-alang ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaib sa
wika, kultura, at relihiyon na kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang
panlahat.
-Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad
na ito, dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan na
tayo bilang tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapuwa. Para maunawaan mo kung gaano
kahalaga ang pagmamahal magbibigay kami ng halimbawa.
Halimbawa - Ano ang mangyayari sa isang pamilya kung hinde kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat
miyembro nito? Maaring ang mag-asawa ay magkahiwalay, ang mga anak magkaniya-kaniya at sa
pagtanda ng mga magulang, walang kakalinga sa kanila.
-Ang pagmamahal na ito ang siyang magiging daan upang makamit ang mga layunin na gustong
maisakatuparan.
-Kung isasabuhay natin ang pagmamahal sa bayan; may mangyayari bang patayan? May manloloob at
magmamalabis ba sa kapuwa? may mga negosyante bang magtatago ng kanilang paninda upang lumakas
ang demand at tumaas ang presyo ng bilihin? Uusbong ba ang walang katapusang isyo ng korapsiyon?
May mangyayari bang kalamidad na likha ng tao dahil sa walang pakundangang pagsira ng likas na
yaman? Ang mga socio-economic problem na ito ay maiiwasan kung hinde man mapigilan kung may
pagmamahal sa bayan. Ang pagmamahal na ito ang magbubuklod sa mga tao sa lipunan.
-Ang lipunn ay binubuo ng mga indibidwal na may iisang tunguhin o mithiin. Ito ay ang mapabuti ang
lahat ng kabahagi ng lipunan, ang kabutihang panlahat. ito ay posible kung ang mga elementong
bumubuo rito ay naisasakatuparan. ang paggalang sa pagkatao ng tao, ang tawag ng katarungan, at ang
kapayapaan. Magiging maunlad at maayos ang lipunan kung isasabuhay ang mga birtud na itinataguyod
nito (Character Building ni David Isaacs)
-Ang Pilipinas bilang lipunan ay naghihikayat sa mga mamamayan na isabuhay ang mga birtud na
makatutulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya at kilos, tungo sa makabuluhan at mabuting
pakikipag- ugnayaan sa Diyos, kapuwa, at sa kapaligiran. Ito ay ayon kay Santo Tomas de Aquino pa
tungkol sa Patriyotismo
-Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat pilipino upang maisabuhay ang
pagmamahal sa bayan. nakapaloob ang mga ito sa Panimula(Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pagpapahalaga sa buhay
2. Katotohanan
4. Pananampalataya
5. Paggalang
6. Katarungan
7. Kapayapaan
8. Kaayusan
10. Kasipagan
12. Pagkakaisa
13. Kabayanihan
14. Kalayaan
-Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo XXIII (1818-1963), " Ang dignidad
ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan
upang makapag-ambag sa kabutihang panlahat."
-May magagawa ang isang mamayan upang mabigyan solusyon ang mga problemang kinakaharap ng
bayan. Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan. Bukod sa
mga tungkulin na dpat isabuhay bilang isng Pilipino at mamamayan ng ating bansa n nakasaan sa
konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaring isabuhy upang makatulong sa bansa ayon kay Alex
Lacson:
-Bukod sa mga nabangit, malaking tulong din ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-
iisip. Ang isang taong may tamang pag-uugali ay gagawa ng paraan upang may maitulong. Gagawin niya
kung ano ang s palagay niya ang makabubuti at pag-aaralan kung ano ang dahilan o sanhi kung bakit ang
isang problema ay nangyayari. Sa ganitong paraan nagagamit niya ang kaniyang kritikal na pag-iisip na
karaniwang nakakalimutan ng nakakarami.
Emz feeling ko ang haba. iklian nyo nalang if u guys want to.