bilang pagsasabuhay ng makataong lipunan Pagsunod sa batas: 1.Pagtawid sa tamang tawiran at mga pedestria lanes 2.Pagaunod batas trapiko 3.Hindi paninigarilyo sa pampublikong lugar 4.Pagtapon ng basura sa tamang basurahan 5.Hindi pagnanakaw 6.Hindi pag gamit ng ipinag babawal na gamot 7.Pagaunod sa mga patakarang ipinapatupad ng pamahalaan 8.Pagaunod at hindi pagsaqay sa mga babalang nakikita sa mga pampublikong lugar Pagsusulong ng Kabutihang Panlahat Ang mamamayan sa isang bansa ay malaki ang pwedeng maitulong, maituturing ipagbunga nito ang kalusugan ng ating ekonomiya. Kaya naman kailangang magkasundo, magkaisa at magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga mamamayan, dahil kapag meron tayo nito, lalong magiging mabuti ang lipunan para sa atin. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga Ang puwedeng maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time, ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay hindi nakatutulong sa pagsulong ng anumang grupo, organisasyon at kabuuan ng bansa. May batas o wala, kailangang gamitin ang oras ng tama, kailangang isulong ang kultura nang pagiging maagap. Pumila ng maayos
Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada na kung
minsa, dahilan ng pastatalo na nauuwi sa aksidente, away bugbugan hanggang sa patayan. "Disiplina lang pakiusap." Mababaw kung tutuusin pero kailangan." Awitin ang pambansang awit ng may paggalang at dignidad Kung may simpleng bagay na maaaring gawin ang isang mamamayan para sa kanyang bayan, ito ay ang igalang ang kanyang pakakakilanlan, pangunahin na rito ang pambansang awit. Awitin ito ng buong puso at may paggalang. Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya Isa sa pangunahing problema ng bansa, sa kasalukuyan ay ang kawalan ng katapatan -lalo ang ilang nasa pamahalaan, ang mga tao na inaasahan na mangangalaga sa karapatan ng mamamayan. Ang katapatan ay unang itinuturo sa bahay, at pinauunlad at pinalalawak Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan Ang solusyon sa lumalalang poblema ng bansa o ng mundo sa kapaligiran ay nasa kamay ng mamamayan at it ay ang responsableng paggamit ng pinagkukunang yaman nito, Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan kasama na rito ng pagtitipid sa tubig, kuryente, pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at tamang pagtatapon ng basura. iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong Ang kalusugan ng tao ay yaman ng bansa, ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal, at ang labs na pagkahilig sa paglalaro sa kompyuter ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili at kabuuan sa pag-unlad ng bansa. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled Bilang isang Pilipino, kailang magkaroon tayo ng sariling atin para na rin sa ating pagkakakilanlan. Kailangan nating ipagtangkilik ang ating sariling produkto, dahil dito mas uusad ang ating bansa, dapat tayong huwag basta basta bibili ng peke. Naaapektuhan ang ating ekonomiya kapag bumibili lalo tayo ng produktong peke or smuggled. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pamamagitan ng papili ng tamang pinuno na kakatawan sa mga bagay na nais mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa kung anong pabor o materyal na bagay. Alagaan at igalang ang nakatatanda Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng "po at opo." Ang pangangalaga sa nakatatanda ay isang pananagutan. Ang pananagutang ito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng pagbibigay-galang sa nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang pagtawag sa Kanya, paghingi ng patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithin sa buhay. Napakalaking bagay para sa bansa at kapwa mamamayan kung lagi silang isasama ito sa panalangin. Pakikinggan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat. Pagsusulit Magbigay ng halimbawa ng pagmamahal sa bayan at ipaliwanag kung bakit ito mahalagang isagawa salamat po! :)