Professional Documents
Culture Documents
PAGMAMAHAL SA BAYAN
I. Panimula
May pagmamahal sa ka ba sa iyong bayan? Ito
ang tanong na dapat natin masagot bilang isang
mamamayan sa ating bayan. Ang pagmamahal sa
bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang
mamamayan sa isang bansa. Lahat tayo kahit
kabataan ay dapat may pagmamahal sa bansa
dahil kung wala tayo nito ay “daig pa natin ang
hayop at malansang isda” katulad ng sinabi ni Dr.
Jose Rizal. Ngunit sa harap ng mga nangyayari sa
kasalukuyan, paano mo kaya ito mapapamalas?
Makakatulong ang gawaing pampagkatuto na ito
upang masagot mo ang mahalagang tanong
tungkol sa pagmamahal sa ating bayan.
PAGTATALAKAY
Ang isang mamamayang may
pagmamahal sa bayan ay nauunawaan
ang pangangailangang maglingkod
para sa ating bayan. Ang pagbibigay
ng nararapat para sa iba at ang
pagkontrol sa sarili sa mga sitwasyon
na tayo lamang ang makikinabang ay
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan
Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan
Ang lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may iisang mithiin
na mapabuti ang lahat. Ito ay possible kung naisasakatuparan ang
kapayapaan, ang paggalang sa pagkatao ng tao at ang tawag ng
katarungan.