You are on page 1of 8

MODYUL 10:

Pagmamahal sa Bayan
- Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat
mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriotismo, mula sa salitang pater na
ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o
pinanggalingan.
- Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land).
- Naiingatan at napahahalagaham ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at dignidad
ng tao.
- Ang pagmamahal mo sa bayan ay paraan upang pahalagahan ang kultura, paniniwala,
at pagkakakilanlan.

Nasyonalismo
- Tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang
tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.

Patriyotismo
- isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika,
kultura, at relihiyon na kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang
panlahat.

Character Building ni David Isaacs


1. Pagpapahalaga sa buhay
2. Katotohanan
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
4. Pananampalataya
5. Paggalang
6. Katarungan
7. Kapayapaan
8. Kaayusan
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
10. Kasipagan
11. Pangangalaga sa kalikasan at Kapaligiran
12. Pagkakaisa
13. Kabayanihan
14. Kalayaan
15. Pagsunod sa batas
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat

Talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa pitong dimension ng tao na


nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
Dimensyon ng Tao Mga pagpapahalaga na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan mula sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas

1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa bhay

2. Pangkaisipan Katotohanan

3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa

4. Ispiritwal Pananampalataya

5. Panlipunan Paggalang, katarungan, kapayapaan,


kaayusan, at pagkalinga sa pamilya at
salinlahi

6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan

7. Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at


pagsunod sa batas

8. Lahat ng dimensyon Pagsusulong ng kabutihang panlahat

Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo XXIII (1818-1963), "Ang
dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong
pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa kabutihang panlahat."

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan


1. Mag-aral nang mabuti
2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang puwedeng maging susi upang maging
positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time
3. Pumila nang maayos
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
8. Bumiling produktong sariling atin, huwag peke o smuggled
9. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama
10. Alagaan at igalang ang nakatatanda
11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan ayon kay Alex


Lacson:
1. Mag-aral ng mabuti
2. Huwag magpahuli ang oras ay mahalaga
-RA10535 Philippine Standard Time
3. Pumila ng maayos
4. Awitin ang Pambansang awit ng may paggalang at dignidad
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya
6. Magtipid ng tubig, magtanamin ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
8. Bumilli ng produktong sariling atin
9. Kung pwedee ng bumoto, isagawa ito ng tama
10. Alagaaan at igalang ang nakatatanda
11. Isama sa panalangin ang bansa at kapuwa mamamayan

Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan


1. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong kapuwa:
Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba? Kaya mo ba,
kung ikaw o kayo lang?
2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang sa iyo? Kung
ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang naisagawa mo na upang masabing
ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa? Ilang beses mo na bang ipinahiya ang
bansa sa iyong mga makasariling mithin? lang beses mo na bang ikinahiya o itinagong
ikaw ay Pilipino?
3. Bakit ayaw mong tumulong sa iba? Bakit ayaw mong sumunod sa kanila bilang yong
pinuno? Bakit ayaw mong makilahok at makialam sa mga pagkakataong kailangan ka?
Bakit nagkikibit-balikat ka lang?
4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit na may banta
sa lyong buhay?
5. Ano na ang nagawa mo para sa bansa? lang pirasong pinagbalatan na ng candy ang
iyong pasimpleng itinapon sa kung saan-saan? Ilang pampublikong pag-aari na ba ang
iyong sinulatan na kahit walang pahintulot (Vandalism)? Kailan ka pa naging miyembro
ng demolition team ng inyong munisipalidad upang sirain at wasakin ang mga ari-ariang
mula sa buwis ng taong bayan? May pagkakataon na ba, na naging inspirasyon ka sa
iba upang gumawa ng tama at mabuti?
6. Kailan ka huling nagdasal? Ipinagdasal mo ba ang buong miyembro ng pamilya? Ang
yong kapitbahay? Ang iyong kaibigan? Ang iyong kaaway? At higit sa lahat, ang lyong
bayan? Naisasabuhay mo ba nang tama ang yong pagganap bilang mananampalataya?

MODYUL 11:

Pangangalaga sa Kalikasan
- Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan
- Ang kalikasan ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay

Genesis, Kabanata 1, Talatang 27-31


- Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan bilang lalaki at babae.
Binasbasan sila ng Diyos at binigyan ng tagubilin na magparami.

Compenedium on the Social Doctrine of the Church


- Sa bahaging may kaugnayan sa kalikasan, ang ugnayan natin o kaya'y tungkulin sa
kalikasan ay makikita sa kung ano ang ugnayan natin sa ating kapuwa at sa Diyos.
- Sa lalong paglaki ng kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kaniyang pananagutan sa
kaniyang pamayanan.

Mga maliing pagtrato sa kalikasan


1. Maliing pagtapon ng basura
2. Iligal na pagputol ng mga puno
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
5. Malabis at mapanirang pangingisda
6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pag mimina, at quarrying
7. Global warming at climate change
8. Komersyalismo at urbanisasyon

Dalawang mahalagang tanong sa etikang pangkalikasan


1. Ano ang mga tungkulin natin bilang tao sa kalikasan na ating tinitirhan, at bakit?
2. Bakit mayrooon tayong pananagutan at tungkulin na pangalagaan ang ating kalikasan?

Sampung Utos para sa Kapaligiran (Ten Commandments for the Environment) na ginawa
ni Obispo Giampaolo Crepaldi, Kalihim ng Pontifical Council for Justice and Peace.
- Ang sam-pung utos na ito ay mga prinsipyong makakalikasang etika (environmental
ethics) na kaniyang ginawa hango sa Compendium. Ang sampung utos para sa
kalikasan ay hindi listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin, kundi mga prinsipyong
gagabay (guiding principles) sa pangangalagang kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito.

1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng
Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang
kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas.
2. Ang kallkasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaa-ring
manipulahin at llagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang pag-galang sa
kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerason ngayon at ng sa
hinaharap.
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang
etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao. Ang
paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung ginagamit ito na
taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa kapaligiran o ecosystem.
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang halaga
at tunguhin ng bawat pagpapaulad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-pansin at
timbangin nang maayos.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa
pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa
mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay.
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa
pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin.
-United Nations Framework Convention on Climate Change na naglalayong pababain
ang pagpapalabas ng nakalalasong usok mula sa mga pabrika at sasakyan.
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng
pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa
sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang konsyumerismo.
10. Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng
paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon
tayong responsibilidad.

Mga salitang ayon kay Papa Benedicto


- "mararating natin ang hinaharap kung hindi natin sisirain ang mga nilikha ng Diyos."
- "ang mga tanda o halimbawa ng pag-asenso o progreso ay hindi lahat para sa
kabutihan."
- The planet you do not save is the earth you will not live upon.

Mga hakbang upang makatulong sa pagpa-panumbalik at pagpapanatili sa kagandahan


at kasaganaan ng mundo na ang maki-kinabang ay ang tao:
1. Itapon Ang basura sa tamang lugar
2. Pagsasabuhay ng 4R (Reduce, Reuse, Recycle)
3. Pagtatanim ng mga puno
4. Sundin ang mga batas at makipagtulugan sa pagpapatupad nito
5. Mabuhay ng simple

MODYUL 12

Ugnayan sa Diyos at Pagmamahal sa Kapwa


- Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong
minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na
magkausap, magkita, at magkakilala.

Paghahanap nng Kahulugan ng Buhay


- Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng
tao ang makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay.
1. Paglalakbay kasama ang kapuwa
2. Paglalakbay kasama ang Diyos.
Espiritwalidad
- Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng espiritu na nagpapabukod-tangi at
nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos.
- Ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao.
- Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa
kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at
kapanatagan sa kalooban.

Pananampalataya
- Personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin
ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya.
- Isa itong biyaya na maaaring Malaya niyang tanggapin o tanggihan.
- Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita.

Persona ayon kay Scheler


- "ang pagka-ako" ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya.”

Wika ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan


- "Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay" (Santiago 2:20)

Pananampalatayang Kristiyanismo-Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa,


pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo.
1. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
2. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod
3. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa

Pananampalatayang Islam-Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral
ng Islam ay matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim. Limang Haligi ng
Islam, na dapat na isakatuparan.
1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba). Ayon sa mga Muslim,
walang ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay
Mohammed na Kaniyang Sugo.
2. Ang Salah (Pagdarasal). Sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na
pangkatawan at pang-espirital. May limang takdang pagdarasal sila sa araw-araw. Ito ay
paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan.
3. Ang Sawm (Pag-aayuno). Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at
kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramadhan.
4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa). Ang Zakah ay hindi lamang
boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni
Allah.
5. Ang Haji (Pagdalaw sa Meca). Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na
gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na
dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo.
Pananampalatayang Buddhismo-Ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa
kaniyang pagnanasa. Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa
kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay.
- Si Sidhartha Gautama o ang Budha ay isang dakilang mangangaral ang mga
Budhismo.
- Apat na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama, ang Budha (ibig sabihin
"The Enlightened One"):
1. Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa)
2. Ang kahirapan ay bungang pagnanasa ('taha')
3. Ang pagnanasa ay malulunasan
4. .Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path) - tamang pananaw, tamang
intension, tamang pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, tamang
pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atension.

Sa tatlong relihiyon na nabanggit, lisa lamang ang makikita at ipinapahayag at ito ay ang
sinasabi sa Gintong Aral (Golden Rule): "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila
saiyo".

Mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.


1. Panalangin
2. Panahonng Pananahimik o Pagninilay
3. Pagsisimba o Pagsamba
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos
5. Pagmamahal sa Kapuwa
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

Mother Teresa ng Calcutta


- Nakita sa kaniya ang malalim na ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagilingkod sa
mga tao na hindi katanggap-tanggap sa lipunan.

Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.


1. Affection - Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid
2. Philia - Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan
3. Eros - Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao
4. Agape - Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na
walang kapalit.

"Perspective," Current Issues in Values Education" (De Torre, 1992)


- sinasabi na, "Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.
- Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang
buhay.
- Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kaniyang sarili at
makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at bansa.

Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot


- Ito ay "isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na
gamot,na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na
pagkakataon." (Agapay, 2007)
- Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot.
- Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaaring maghatid sa tao sa maling
landas.
Alkoholismo
- Ang alkoholismo o labis na pagkonsumo ng alak ay may masasamang epekto sa tao.
- Naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging
dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inasahan katulad ng
pakikipag-away sa kapuwa.

Aborsiyon
- Ang isyung ito ay may mahabang kasaysayan at mabigat pa ring pinag-uusapan ng mga
mananaliksik at ng publiko - higit lalo sa pagiging moral at legal nito.
- Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng
ina.
- Sa ilang mga bansa, ang aborsion ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang
kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing
itong isang krimen. (Agapay, 2007)

Dalawang Magkasalungat na Posisyon ng Publiko sa Aborsiyon


1. Pro-life. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: (against)
A. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi
B. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina
C. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon
D. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiya
E. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang mga
paraan ng birth control dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa
layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang sinumang batang nabubuhay
ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay
masama.
2. Pro-choice. Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na:
A. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan.
B. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong
kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kaniyang ina.
C. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala
sa babae ng trauma na kaniyang naranasan.
D. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin sa
bahay-ampunan ang sanggol pagkatapos, maraming bahay-ampunan ang
kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga
bata.
E. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan. Mas mababa pa sa
1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-21 na linggo ng pagbubuntis ang
nagresulta ng mga pangunahing komplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon.

Dalawang Uri ng Aborsiyon


1. Kusa (Miscarriage). Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng
pagbubuntis, Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari, at hindi ginamitan ng
medikal o artipisyal na pamamaraan.
2. Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang
sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot.
Prinsipyo ng Double Effect
- Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may mga oras kung kailan ang isang kilos na nararapat
gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto.
1. Ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti.
2. Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng
naunang kilos na may layuning mabuti.
3. Ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang
pamamaraan.
4. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang
maging katanggap-tanggap ang masamang epekto.

Pagpapatiwakal
- Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang to sa sariling buhay at naaayon sa sariling
kagustuhan.
- Ang kawalan ng pag-asa (despair) ay isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit may
ilang taong pinipiling kitlin ang sarili nilang buhay.
- Ayon kay Eduardo A. Morato sa kaniyang aklat na Self-Mastery (2012), upang mapigilan
ang kawalan ng pag-asa, kinakailangang mag-isip ang isang tao ng mga malalaking
posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang kaniyang kinabukasan.

Euthanasia
- Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan
ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman.
- Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin
ang paghihirap ng isang maysakit.
- Ang euthanasia kung minsan ay tinatawag ding assisted suicide
- Ang pagpapatigil sa paggamit ng mga life support ay hindi itinuturing na masamang
gawain. Ito ay maliwanag na pagsunod lamang sa natural na proseso.

You might also like