You are on page 1of 23

ESP 10

PAGMAMAHAL SA
BAYAN
ANO BA ANG
PAGMAMAHAL

A
SA BAYAN?
- Ito ay ang
pagkilala sa papel
na dapat gampanan
ng bawat
mamamayan
Pagmamahal sa Bayan
bumubuo rito. 2
Ano ba ang Pagmamahal sa
Bayan?
- Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater (ama na
karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan).
- Literal na Kahulugan - pagmamahal sa bayang sinilangan
(native land)
- Pagsasabuhay – sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng
trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa interes ng
mayorya o kabutihang pang lahat, pagsasawata sa mga kilos na
di makatarungan at hindi moral (Institute for Development
Education Center for Research and Communication).

Pagmamahal Sa Bayan 3
Ano ba ang Pagmamahal sa
Bayan?
• Kadalasang iniuugnay (patriyotismo – nasyonalismo)
ngunit hindi magkasingkahulugan.
• Naysonalismo – mga idelohiyang pagkakaparehong wika,
kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
• Patriyotismo-isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao.
Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at
relihiyon (tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang
kabutihang panlahat.

Pagmamahal Sa Bayan 4
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal Sa
Bayan
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal Sa Bayan
• Pagmamahal sa Bayan ay MAHALAGA. Dahil ang tao
ay umiiral na nagmamahal at sumasakakatawang diwa.
Nangangahulugan na tayo ay umiiral sa mundo kasama ang
ating kapwa.
• Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang
makamit ang layunin.
• Pinagbubuklod ng Pagmamahal sa Bayan ang mga tao sa
lipunan.

Pagmamahal Sa Bayan 6
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal Sa Bayan
• Ito ay pagsasabuhay ng pagkamamayan; isang
indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba,
pinangangalagaan ang itegridad ng
pagkatao,pinahahalagahan ang karangalan ng pamilya.
• Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa
bayan ang karapatan ng tao.
• Napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura,
paniniwala at pagkakakilanlan.

Pagmamahal Sa Bayan 7
“ Mga Pagpapahalaga na Indikasyon
ng Pagmamahal sa Bayan


s
“Ang dignidad ng persona
ng tao ay kasama sa
kaniyang Karapatan na
maging bahagi sa aktibong
pakikilahok sa lipunan
upang makapag-ambag sa
kabutihan panlahat.”
- San Juan Pablo XXII

Pagmamahal Sa Bayan 9
Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa
Bayan
Tunguhin o Mithiin ng Lipunan- ang mapabuti ang lahat ng
kabhagi ng lipunan, ang kabutihan panlahat.
Mga Elementong Bumubuo rito upang posibleng maisakatuparan;
- ang paggalang sa pagkatao ng tao
- ang tawag ng katarungan at ang kapayapaan
Magiging maunlad at maayos ang lipunan kung isasabuhay ang
mga birtud na itinataguyod nito (Character Building ni David
Isaacs).

Pagmamahal Sa Bayan 10
Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa
Bayan
Ang Pilipinas bilang lipunan- naghihikayat sa mga
mamamayan na isabuhay ang mga birtud na
makatutulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya
at kilos, tungo sa makabuluhan at mabuting pakikipag-
ugnayan sa Diyos, kapuwa, at sa kapaligiran.
Ito ang kahulugan ng birtud ng kabanalan na iuugnay ni
Santo Tomas de Aquino sa patriyotismo.

Pagmamahal sa Bayan 11
Pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino
upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan:
Nakapaloob ang mga ito sa Panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas.
1. Pagpapahalaga sa Buhay. Ang paggalang sa buhay ng isang moral
na obligasyon sa Diyos ng bawat isa dahil ang buhay ay mula sa
Kaniya kaya’t walng sinuman ang maaaring bumawi o kumuha nito
kundi Siya.
2. Katotohanan. Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi
mapagkunwari , tumanggi sa anumang bagay na di ayon sa
amumang bagay na di ayon sa katotohanan, kasama na rito ang
walang kapaguran at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng
kaalaman.

Pagmamahal sa Bayan 12
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Ang
pagpapakita ng malasakit sa kapuwa ay sa
pamamagitan ng pagtulong na walng hinihintay na
kapalit.
4. Pananampalataya. Ang pagtitiwala at pagmamahal
sa Diyos, na ang lahat ay makakaya at possible.
5. Paggalang. Ang paggalang bilang element na
bumubuo sa kabutihang panlahat,

Pagmamahal Sa Bayan 13
naipapakita kapag ang karapatan ng isang
mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay
ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan
ang dignidad niya bilang tao.
6. Katarungan. Sinesegurado na ang paggalang sa
Karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay, naibibigay
sa isang tao kun ano ang para sa kanya at para sa
iba, hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.

Pagmamahal Sa Bayan 14
7. Kapayapaan. Ang resulta ng pagkakaroon ng
katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.
8. Kaayusan. Ang pagiging organisado ng ideya, salita,
kilos na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang psngingibabaw
ng papel ng pamilya bilang pangunahing institusiyon ng
lipunan na siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa
ikabubuti ng lahat.

Pagmamahal Sa Bayan 15
10. Kaisipan. Ang pagiging matiyaga na tapusin
ang anumang uri ng Gawain nang buong husay at
may pagmamahal.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang
pagsasabuhay ng responsibilidadbilang
tagapangalaga ng kalikasan at ng mga bagay na
nilikha ng Diyos laban sa anumang uri ng pang-
aabuso o pagkawasak.

Pagmamahal Sa Bayan 16
12. Pagkakaisa. Ang pakikipagtulungan ng bawat
indibidwal na mapag-isa ang naisin at saloobin para sa
iisang layunin.
13. Kabayanihan. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang
magagawa ko para sa bayan at sa kapuwa ko?
14. Kalayaan. Ang pagiging Malaya na gumawa ng
mabuti, mga katanggap-tanggap na kilos na ayon sa batas
na ipinapatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng
isang taong may dignidad.

Pagmamahal Sa Bahay 17
15. Pagsunod sa batas. Ang pagkilala, panghihikayat, at
pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas
na mangangalaga sa Karapatan ng bawat mamamayan.
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ang sama-
samang pagkilos upang mahikayat ang lahat na
lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa
ikabubuti hindi lamang ng sarili, pamilya kundi ng
lahat.

Pagmamahal Sa Bayan 18
Mga Pagpapahalagang ito Batay sa Pitong Dimensiyon Ng Tao
na Nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa
Pagpapakatao
Dimensiyon ng Tao Mga Pagpapahalaga na Nagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan mula
sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay
2. Pangkaisipan Katotohanan
3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
4. Ispiritwal Pananampalataya
5. Panlipunan Paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa
pamilya at salinlahi
6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
7. Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, Kalayaan, at pagsunod sa batas
8. Lahat ng dimensiyon Pagsusulong ng kabutihang panlahat

Pagmamahal Sa Bayan 19
Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng
Pagmamahal sa Bayan
MGA SIMPLENG BAGAY NA MAARING ISABUHAY UPANG
MAKATULONG SA BANSA AYON KAY ALEX LACSON:

a. Mag-aral nang mabuti.


b. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga.
c. Pumila nang maayos.
d. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang
at dignidad.
e. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o
magpakopya.
f. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag
magtapon ng basura kahit saan.
Pagmamahal Sa Bayan 21
MGA SIMPLENG BAGAY NA MAARING ISABUHAY UPANG
MAKATULONG SA BANSA AYON KAY ALEX LACSON:

g. Iwasan ang anumang Gawain na hindi


nakatutulong.
h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o
smuggled.
i. Kung pwede nang bumuto, isagawa ito nang tama.

Malaking tulong din ang pagkakaroon ng tamang


pag-uugali at kritikal na pag-iisip.
Pagmamahal Sa Bayan 22
Thank you GROUP 1

You might also like