You are on page 1of 5

Ang Pagmamahal sa Bayan

❑Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang
bumubuo rito.
❑ Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang
iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan

Ang literal na kahulugan ng patriotismo ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land).

Pagsasabuhay:
❑ Marubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay
❑ Aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat
❑ Pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral

Ang pagmamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng pagkamamamayan


1. Isang indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba
2. Pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao
3. Pinahahalagahan ang karangalan ng pamilya
4. Na ang pagmamahal ay likas bilang taong may malasakit para sa adhikaing mapabuti ang
lahat.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan


Ang lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may iisang tunguhin o mithiin. Ito ay mapabuti
ang lahat ng kabahagi ng lipunan, ang kabutihang panlahat.
❑Ang Pilipinas bilang lipunan ay naghihikayat sa mga mamamayan na isabuhay ang mga birtud na
makatutulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya at kilos tungo sa makabuluhan at mabuting
pakikipagugnayan sa Diyos, kapwa at sa kapaligiran.

1. Pagpapahalaga sa Buhay
2. Katotohanan
3. Pagmamahal at Pagmamalasakit sa Kapwa
4. Pananampalataya
5. Paggalang
6. Katarungan
7. Kapayapaan
8. Kaayusan
9. Pagkalinga sa Pamilya at Salinlahi
10. Kasipagan
11. Pangangalaga sa Kalikasan at Kapaligiran
12. Pagkakaisa
13. Kabayanihan
14. Kalayaan
15. Pagsunod sa Batas
16. Pagsusulong ng Kabutihang Panlahat

1. Pagpapahalaga sa Buhay – Ang paggalang sa buhay ay isang moral na obligasyon sa Diyos


ng bawat isa dahil ang buhay ay mula sa Kanya kaya’t walang sinuman ang maaaring bumawi o
kumuha.

2. Katotohanan – Hindi kailaman matatawaran ang integridad at hindi mapagkunwari,


tumatanggi sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran
at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman.

3. Pagmamahal at Pagmamalasakit sa Kapwa– Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa ay sa


pamamagitan ng pagtulong na walang hinihintay na kapalit.

4. Pananampalataya – Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos na ang lahat ay makakaya at


possible.

5. Paggalang – Ang paggalang ay naipapakita kapag ang Karapatan ng isang mamamayan ay


hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan ang
dignidad niya bilang tao.

6. Katarungan– Sinesegurado na ang paggalang sa Karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay,


naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa kanya at para sa iba, hindi nagmamalabis o
nandaraya sa kapwa.
7. Kapayapaan – Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng
kaguluhan.

8. Kaayusan – Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning ,apabuti ang
ugnayan sa kapwa. Ang pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon.

9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi– Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang


pangunahing institusyon ng lipunan na siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng
lahat.

10. Kasipagan – Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong
husay at may pagmamahal.

11. Pangangalaga sa Kalikasan at Kapaligiran– Ang pagsasabuhay ng responsibilidad bilang


tagapangalaga ng kalikasan at ng mga bagay na nilikha ng Diyos laban sa anumang uri ng
pang-aabuso o pagkawasak.

12. Pagkakaisa – Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at


saloobin para sa iisang layunin.

13. Kabayanihan – Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa
kapwa ko?
14. Kalayaan – Ang pagiging Malaya na gumawa ng mabuti, mga katanggap-tanggap na kilos
na ayon sa batas na ipinapatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may
dignidad.

15. Pagsunod sa batas – Ang pagkilala, paghihikayat at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga


ipinasang batas na mangangalaga sa Karapatan ng bawat mamamayan.

16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat – Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat ang
lahat na lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang ng sarili,
pamilya kundi ng lahat.
Mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
1. Mag-aral nang mabuti
2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga
3. Pumila nang maayos
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalng at dignidad
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya.
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura kahit saan.
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
8. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.
9. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama.
10. Alagaan at igalang ang nakatatanda.
11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.

You might also like