You are on page 1of 7

Modyul 5

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na


Batas Moral

Leksyon

Ang natutunan ko dito sa modyul 5 na tungkol sa mga batas na nakabatay sa likas na batas
moral ay na ang batas na ito ang gumagabay sa ating lahat na may rasyonal at intdddwal na pag-
iisip. Nalaman ko din na kailangan, sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng mga obligasyong
moral, dahil kung tatalikuran mo ito o hindi mo tuparin, ito ay pagsalungat sa buhay-pamayanan
na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan. Pinaniniwalaang ang likas na batas moral ay
ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Kaya sa pagsilang ng bawat isa sa atin ay mayroon na tayong
konsensiya. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng manlilikha Sa
Pamamagitan ng batas moral, kaya nating maihambing mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, kaya
rin nating gumawa ng mabuti at masama Sa ating malayang kilos-loob nakabatay paggawa ng
kabutihan o kasamaan dahil konektado ito sa ating kamalayan at kalayaan. Hindi nagmumula ang
batas moral sa eskwelahan kaya hindi tama ang argumentong tanging ang mga nag aral lamang ay
nakakaalam ng kung ano ang moral sa kamalayan. Sa kabilang banda, sa paaralan pwedeng
hulmahin ang pagiging moral ng isang tao. Nasa katauhan pagkatao ng indibiduwal ang konsensiya
kaya't likas sa atin na mabuti ang dapat gawin at iwasan ang paggawa ng masasama.

Repleksyon

Ang aking napagtanto dito sa modyul 5 na tungkol sa mga batas na nalabatay sa likas batas
moral ay na dapat ang iyong pananampalataya ay dapat mo maisabuhay sa pamamaitan ng
pagtulong sa lipunan o sa kapuwa mo tao, dahil ang pagtulong sa lipunan ay nakakagawa ng
inspirasyon sa iba na gumawa din ng ginawa mo. Napag isip o din na ang kasabihan na kapag
binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay na kailangan natin, tayong mga tao na magmahalan sa
isat isa, dapat di tayo mag sakitan o pagmamahal para sa lahat, mapa mahirap man o mapa
mayaman o anong klasi ng tao mayabang man o marupok dapat mahalin.

Modyul 6
Karapatan at Tungkulin

Leksyon

Ang natutunan ko dito sa modyul 6 na tungkol sa karapatan at Tungkulin ay ang pagbibigay


halaga sa pagkatao ng isang tao, kung saan ang pagpapakatao ay ang pagiging sino ng isang tao o
ang pag likha ng bukod-tanging sarili. Nalaman ko din na may anim na uri ng karapatan, ang una
ay karapatan sa buhay, ito ay ang karapatan kung saan may karapatan kang mabuhay dito sa ibabaw
ng lupa. Ang pangalawang karapatan na karapatan sa pribadong ari-arian ay ang pweding
magkaroon ka ng sarili mong kagamitan o sariling ari-arian na hindi pagmamay-ari ng
pamahalaan. Ang pangatlo ay ang karapatang magpakasal, ito ay ang karapatan kung saan malaya
kang mag pakasal kahit kanino pero dapat nasa tamang edad kana. Ang pang apat na karapatan ay
ang karapatang pumunta sa ibang lugar, ang karapatang ito ay nag papahayag na pwede kang
manirahan sa ibang dako ng mundo o ibang dako ng iyong bansa. Ang karapatang sumamba na
pang lima ay ang malayang pagpili sa gusto mong relihiyon na makakatulong sa iyo sa paraan ng
pakikipag ugnayan sa Diyos at kapuwa. Ang pang anim na karapatang magtrabaho ay ang
karapatan mong mag hanap buhay para matustusan mo ang iyong pamilya.

Repleksyon

Ang napagtanto ko dito sa aralin na ito na nasa modyul 6 na tungkol sa karapatan at


tungkulin ng tao ay na hindi tayo maaaring mabuhay kung walang ang mga karapatang ito. Dahil,
dito sa mga karapatan na mga ito nandito ang isang mahalagang karapatan kung saan ay
nagpapanatili sa atin na buhay. Dito din ay napag isip ko na mahalaga na buhay tayo dahil walang
ibang uri ng mundo katulad ng sa atin kung saan kailangan natin gamitin ang buong buhay natin
para makamit ang tunay na kasayahan.(insert)Dahil nga na iba ung relihiyon namin, ung
paniniwala namin ay hindi natin makakamit ang tunay na buhay dito sa mundong ito kung saan
tungkulin/kailangan natin gugulin ang ating buhay para makamit iyon.
Modyul 7
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at
Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

Leksyon
Dito sa leksyon na nasa modyul 7 na tungkol sa paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod
ng dignidad ng tao, natutunan ko na ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng
sariling ideya o orihinalidad, boluntaryo o pagkukusa at pagkamalikhain. Ang kinalabasan nito,
bagay man o hindi, ay makakagawa ng kahit na kaunting pagbabago sa anumang bagay. Nalaman
ko na ang paggawa ay isang bagay na hindi na matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw,
sa bawat araw ng buhay, sa buong buhay. Naisip ko na kailangan kumita ng salapi na kaniyang
kakailanganin upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Kailangan ang paggawa
para makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. Kailangan
ang paggawa para maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan. Nalaman ko na
ang paggawa ay dahilan ng patuloy na pagyaman sa kultura ng lipunan na kinabibilangan. Dapat
gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan. Kailangan ng taong gumawa upang
tumugon sa ninanais ng Diyos at paunlarin ang sangkatauhan. Upang higit na magkaroon ng
kabuluhan sa pag-iral ng tao, kailangan natin ang paggawa.

Repleksyon

Napagtanto ko dito sa leksyon o aralin na nasa modyul 7 na tungkol sa paggawa bilang


paglilingkod at pag taguyod ng dignidad ng tao na mahalagang kilalanin ang paggawa bilang
malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang
isagawa nang may pananagutan. Kailangan ng taong gumawa para mabuhay. Hindi maaaring
maging katulad siya ng isang parasite na laging nalang aasa sa iba ang kaniyang ikabubuhay sa
pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang kaniyang dangal. Napagtanto ko din na Ang
paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa at sa lipunan na kaniyang kinabibilangan.
Ang mahalagang malaman ng mga tao ay na ang buhay na walang patutunguhan ay walang
katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.
Modyul 8

Pakikilahok at Bolunterismo

Leksyon

Ang natutunan ko dito sa modyul 8 na ang leksyon sa modyul na ito ay tungkol sa


pakikilahok at bolunterismo ay na mag kaiba ang pakikilahok at bolunterismo, dahil ang
bolunterismo ay ang pag gawa ng walang nag sasabi sa iyo, ang pakikilahok ay ang pag sunod sa
utos sa iyo. Sa pamamagitan ng pag tulong sa kapwa nagkakaroon ka din ng malakas na
komunikasyon sa ibang tao sa tulong ng pakikilahok o bolunterismo. Hindi lamang komunikasyon
ang mapapairal nito kundi narin pati ang kasiyahang magaga kung maraming mga tao ang gagawa,
dahil hindi ka tatamarin mag trabaho dahil sa May kasama ka. Nalaman ko din na ang pakikilahok
ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan
tungo sa kabutihang panlahat. Ang bolunterismo naman ay isang paraan ng paglilingkod at
pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may
aspekto ng pakikilahok. Hindi mainam na mag-isa ang tao bibigyan ko siya ng makakasama at
makakatulong, ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapwa sapagkat hindi siya mabubuhay
na mag-isa. Ang bawat tao ay may pananagutan sa kanyang kapwa.

Repleksyon

Ang napagtanto ko dito sa modyul 8 na tungkol sa pakikilahok at bolunterismo ay na mas


mapapadali ang isang trabaho kung mas marami ang mga kamay na tutulong sa iyo o mas
maraming tao ang tutulong. Napagtanto ko din na kailangang natin pag sabihan pa dahil may
sarili naman tayong pa iisip kong saan dapat natin itong gamitin para sa bolunterismong gawa.
Napagtanto ko din na kailangang natin sukliin ang mga bagay na ginawa sa atin ng Diyos kung
saan kailangan natin ibalik ito sa pamamagitan ng pagbobolunterismong sa kapwa.

LEARNING DIARY
IN ESP
Ipinasa kay: Mary Ann A. Rojas

Ipinasa ni: Vj F. Mabansag

You might also like