You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 10

REVIEWER

 Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang Kilos-loob ay itinuturing na bilang isang
makatuwirang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama
 Ang Instinct ay isang panloob na pandama na may kakayahang maramdaman
ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katuwiran
 Ang kahulugan ng “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan
upang maimpluwensiyahan ang kilos loob.” Ay hindi maaaring maghiwalay ang
isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito.

 Mga kakayahan ng isip: May kakayahang mag-abstraksiyon, May kakayahang


magnilay o magmuni-muni, Makabubuo ng kahulugan at kabuluhan ang bagay

 “Walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon


ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay” ay nagpapatunay na May pag-unawa ang
tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.

 “Walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon


ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay” ang mensaheng mabubuo tungkol sa
mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa katagang ito ay Ang
isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal.

 Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip dahil ang
pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip.

 Ang Kamangmangang Madaraig ay ang kamangmangan na kung saan mayroong


pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito

 Ang sumusunod ay mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral: Kasama ng lahat ng


may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay; Kasama ng
mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami uri at papag-aralin ang mga anak; Bilang
rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan,lalo na
tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.

 Maituturing na ang kilos ay bunga ng kamangmangan di-madaraig Kapag buong


katapatang pinaniniwalan ng tao na ang kanyang ginawa ay tama.

 Ang maituturing na halimbawa ng kamangmangan na di-madaraig ay pagbibigay


ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby.

 Ang tao ay nilalang na mayroong natural na hangarin na gumawa ng mga


mabubuting bagay at manindigan sa katotohanan at ibinigay sa atin ang
karapatang mag-isip at magpasya. Sa kabila nito, bakit maraming tao pa rin ang
gumagawa ng mga bagay na masama dahil Kahit alam ng mga tao ang tama, may
mga taong pumipili pa rin ng mali.

 Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensiya: Kakayahan na malaman o


maunawaan kung tama o mali ;Ang mga bagay na ginawa ay sinusuri kung ginawa
ito nang tama o mali ;Kakayahan ng tao na mag-isip at magnilay kaya’t
nauunawaan nito ang kaniyang nahihinuha

 Ang tunay na kahulugan ng kalayaan ay ang pagkilos na isinasaalang-alang ang


kapwa.
 Tinuturing na malaya ang isang taong nagmamahal at naglilingkod sa kapwa Dahil
ang pagmamahal at paglilingkod ay tanda ng paglaya sa mga negatibong katangian
ng tao.

 Ang kaukulang kilos ang dapat gawin upang maisabuhay ang paggamit ng tunay
na kalayaan, lalo na kapag tayo'y tumutugon sa tawag ng pagmamahal at
paglilingkod ay Pagsusuri ng mga aspeto ng sarili at pagpapabuti ng sarili upang
makatugon sa pangangailangan ng lipunan.

 Ang mga sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng tao Pagtutol sa


mga diskriminasyon at stereotype batay sa lahi o kultura; Pagbibigay ng pantay-
pantay na karapatan at pagkakataon sa lahat ng sektor ng lipunan ;Pagtanggol sa
karapatan ng mga taong may kapansanan at pagpapalaganap ng tamang
impormasyon tungkol sa kanilang kalagayan

 Ang Pagkakaroon ng pag-unawa at pagtanggap sa pangangailangan ng iba at


pagiging handa na tumugon nang may pagmamahal ay isang hakbang ang
isinasaalang-alang para maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan sa
pagsasagot sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod?

 Maipapakita ang kabuluhan ng pahayag na "Ang tunay na kalayaan ay ang


kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod" Sa pamamagitan
ng pagtutok sa pag-unawa at pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng iba at
pagiging handa na mag-ambag ng oras at kakayahan.

 Ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap Dahil hindi sila


nagsikap sa buhay

 Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kaniyang dignidad: Isa-
isip ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos; Respetohin ang sariling buhay at
buhay ng kapuwa; Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais na gawin nilang
pakikitungo sa iyo

 Ang tunay na diwa ng dignidad Kailangan mangibabaw ang paggalang dahil sa


mata ng Diyos ang lahat ay pantay-pantay.

 Nakabatay ang dignidad ng tao Sa pagkawangis niya sa Diyos na may isip at


kalooban?

 Maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao Maging tapat


sa lahat ng ginagawa para sa kapuwa at sa pakikitungo sa mga ito.

 Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang
dignidad: Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa; Isaalang-alang ang
kapakanan ng kapwa bago kumilos; Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais
gawin nilang pakikitungo sa Iyo.

You might also like