You are on page 1of 13

GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT

KILOS-LOOB; ANGKOP NA KILOS SA


PAGLILINGKOD AT PAGMAMAHAL
• Ang tao, hayop
at halaman ay
tatlong uri na
nilikha ng Panginoon
na mag buhay sa
mundo. Ang bawat isa
ay biniyayaan ng kakayahan at mga
katangiang nagpapangibabaw at
nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba
pang nilikha ng Panginoon. Ang tao ay
may isip, puso at kamay o katawan na
nagpapabukod-tangi sa ibang nilikha ng
Panginoon.
Ang isip ay may
kakayahang
mag-isip,
maghusga,
mangatwiran,
magsusi at umunawa
ng kahulugan ng mga bagay at
pangyayari sa paligid.
Ang puso ay
bumabablot sa
pagkatao ng tao.
Dito nagbubuhat
ang pasiya at
damdamin, at
dito rin hinuhubog
ang katauhan ng tao.
Ang kabutihan at kasamaan ay dito
nagmumula.
Ang kamay o katawan
ay sumisimbolo
sa panghawak,
paggalaw, pandama at
pakikipagtalastasan.
Hindi sapat na matukoy
lamang ang iba-ibang
bahagi ng katawan, bagkus ay
nauunawaan ng tao ang mga gamit nito.
Ang katawan ay mahalagang bahagi ng
pagkatao dahil ito ang ginagamit upang
ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan. Ito ang daan sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang kilos-loob ay
ang kakayahang
makaalam, pumili,
magpasiya, at
maisakatuparan
nang malaya ang
kaniyang layunin
o gawaing pinili.ang
tungkulin nito ay likas kabutihan.
• Ang bawat nilalang ay may tungkuling
alamin, palaganapin, paunlarin at gawing
ganap ang isip at kilos-loob. Naririto ang ilan
sa mga ito:
a. Pangalagaan ang isip at kilos-loob upang
hindi masira ang tunay na layunin kung bakit
ipinagkaloob ito ng Panginoon sa tao.
b. Paggamit ng isip sa pagkalap o pagkuha
ng kaalaman at karunungan upang
makaintindi ang kilos-loob sa paggawa ng
kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng
pagkatao.
c. Pagpapamalas ng wastong katauhang
pagpapahalaga
(human values).
Ang paglilingkod sa kapwa ay
gawaing dakila. Ito ay naaayon sa
tunguhin ng kilos-loob na naaakit
sa gawaing mabuti. Ipinakikita ng
bawat isa ang paglilingkod sa
pamamagitan ng tapat na
pagtulong at pagmamahal.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa
mga bagay na dapat isaalang-alang sa
paglilingkod at pagtulong sa kapwa.
a. Magbigay ng tulong sa sinumang
nangangailangan. Hindi ka dapat
mamili kung sino ang iyong tutulungan.
b. Hindi hadlang ang katayuan sa
buhay. Mahirap ka man ay mayroon ka
ring kakayahang tumulong.
c. Huwag isispin ang
kapalit na tatanggapin
kapag nagbigay ng tulong.
HALIMBAWA:
Mula sa Bibliya –
(GOOD SAMARITAN)
Sa mga nakatanggap ng tulong, dapat
tandaan ang mga sumusunod:
a. Matutumbasan ang tulong na natanggap
sa pamamagitan ng pagbibigay tulong
kung sila naman ang nangangailangan.
b. Magbigay ka rin nang taos sa iyong
puso.
c. Iwasan ang mamintas sa mga naibigay
na tulong sa
iyo.
d. Magpasalamat sa
mga biyayang
natanggap.
Ang bawat tao ay may tungkuling
sanayin, paunlarin at gawing ganap
ang isip at kilos-loob. Mahalagang
pangalagaan ang mga ito upang
hindi masira ang tunay na layunin
kung bakit ipinagkaloob ng Diyos
ang mga ito sa tao.

You might also like