You are on page 1of 3

REVIEWER/BALIK TANAW

MODYUL #1-4 IKALAWANG MARKAHAN ESP 9


KARAPATAN

 Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw


ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa
kanyang dignidad bilang tao. Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang
paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan,
at pagkakaisa.
 Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo
na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng
patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang
moral kung saan lahat ng lalake at babae ay mamumuhay ng mapayapa at makakamit
ang kanilang kaganapan bilang tao.
 Ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pa
gpapahayag ng Tungkulin ng Tao o Universal Declaration of Human Rights noong 1997.
TUNGKULIN

 Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang


tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa
kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang
tao ditto sa mundo.
UNANG KARAPATAN: Karapatang mabuhay

 Tungkulin ang pangalagaan ang sarili o pangalagaan ng mga magulang ang mga anak.
 Halimbawa: Sa babaeng nagdadalang-tao, tungkulin ng ina na pangalagaan ang
kaniyang sarili upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol.
PANGALAWANG KARAPATAN: Karapatan magkaroon ng pribadong ari-arian

 Tungkulin na gawing na gawing legal ang pag-aari, mapayabong ang mga ito at gamitin
upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
 Halimbawa: Pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkain, damit o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.
PANGATLONG KARAPATAN: Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya

 Tungkulin na pangalagaan ang pamilya


 Halimbawa: Pagiging isang mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na
magiging sanhi sa pagsira ng pangalan ng pamilya at pagsasabuhay ng mga birtud
bilang isang pamilya.
PANG-APAT NA KARAPATAN: Karapatan sa pananampalataya

 Tungkulin na igalang ang ibang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba


PANGLIMANG KARAPATAN: Karapatang maghanapbuhay

 Tungkulin maghanapbuhay ng marangal


 Tungkulin ng bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng
kahusayan sa anumang gawain.
PANG-ANIM NA KARAPATAN: Karapatang pumunta sa ibang lugar

 Tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary, kaakibat ng karapatang ito na


kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa.
 Tungkulin na sumunod sa mga batas na pinapairal ng ibang lugar o bansa.
Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao

 Ang Likas Batas moral ang kinikilalang batayan ng lahat ng mga batas dahil ito ay
angkop sa lahat ng kultura. Ang mga pagpapahalagang tulad ng pagmamahalan,
paggalang, katarungan, kapayapaan, pagkapamilya, pagpapahalaga sa buhay at marami
pang iba ang nakapaloob sa Likas Batas Moral. Ang Batas Moral ang nagbibigay
direksyon sa pantaong kilos upang makarating sa tamang patutunguhan.
Dalawang mga batas na ugat ng Batas Moral.

 Batas ng Diyos (Eternal Law or Divine Law)- Ito ay naglalaman ng lahat ng batas ng tao
at ito ay nilikha upang maabot ng tao an gang kaniyang kaganapan. Dito ipinapakita
ang kabutihang loob ng Diyos at ang lahat ng sangkap dito sa mundo ay sangkap ng
Batas ng Diyos. Higit na pinapahalagahan at iniingatan ang dignidad ng tao tungo sa
pagkilala sa pantay at patas na karapatan.
 Batas ng Kalikasan (Natural Law)- Ito ang gumagabay sa tao upang mamuhay ng mabuti
at tama dahil ang tao ay may kalikasang materyal at ispiritwal na siyang sangkap sa
Likas na Batas Moral (Natural Moral Law).
Ang Tama: Iba sa Mabuti

 Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Sa pinakapayak na


paliwanag, ang mabuti ay pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at
pagpapaunlad sa sarili at ng mga ugnayan. Ang isip at puso ang nagsisilbing gabay
upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti. Ang mabuti ang laging pakay at layon ng
tao. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at
sitwasyon. Ang tama ang pinakaangkop na gawin ng tao. Tinitingnan dito ang mga
pangangailangan at kakayahan ng gagawing pagpili.
 Iba-iba man ang pormula ng Likas na Batas Moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko
gagawing kasangkapan ang tao at ituturing ang tao bilang may pinakamataas na halaga.
Gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao. Likas sa tao ang hangarin
ang mabuti. Ibig sabihin, likas sa tao ang maging makatao: ito ang batas na hindi dapat
labagin ninuman. Ang lumalabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.
 Hindi man malinaw na utos ang Likas Batas Moral sa kung ano ang gagawin ng tao sa
iba’t-ibang pagkakataon ngunit ito ay magsisilbing gabay upang makita ang halaga ng
tao. Ganun din ang mga Konstitusyon at mga batas, naisatitik lamang dito kung ano
man ang makakatulong sa pagpapayabong ng tao. Isang gabay na natutuhan sa mga
karanasan ng mga tao sa pagdaan ng panahon.
Kahulugan ng Paggawa

 Ang paggawa ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may


pananagutan.
 Ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao.
 Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa.
 Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nagangailanagn ng orihinal, pagkukusa, at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng
pagbabago sa anumang bagay.
 Ang paggawa ay anumang gawain- pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan
o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May mga
bagay na inilalaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha.
Mga Layunin ng Paggawa

 Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan
ang mga pangunahing pangangailangan.
 Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.
 Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
 Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.
Subheto at Obheto ng Paggawa

 Tao ang subheto ng paggawa dahil nasa tao ang kakayahan na gumawa at gumanap ng
iba’t ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at
hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus
kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan.
b. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na
iasa lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng
kaniyang kapuwa
c. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya
ibinubuhos ng tao ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamikhain upang makagawa
ngisang makabuluhang produkto.
 Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at
teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa
• Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa. Ito ay paggawa ng
isang bagay para sa iba. Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa
pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapuwa. Mahalagang naibabahagi ang
pag-asa, paghihirap, pangarap at kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso
ng lahat ng tao habang gumagawa. Dito makakamit ang tunay na pagkakapatiran - ang
tunay na panlipunang layunin ng paggawa.
Ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng paggawa
nakakamit ng tao ang mga sumusunod:

 Suporta para sa pansariling pangangailangan


 Pagpapayaman ng pagkamalikhain
 Mataas na tiwala sa sarili
 Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
 Pagkakataong isabuhay ang tunay na pagbibigay
 Pagiging kabahagi sa paggawa tungo sa kaganapan sarili at ng kapuwa
 Magampanan ang tungkulin sa Diyos.
PAKIKILAHOK

 Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat ng mayroong


kamalayan at pananagutan. Nagbibigay ito sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa
lipunan na kung saan ang bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin
para sa kabutihang panlahat. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng
tao ang kanyang pananagutan, mula dito makakamit ang kabutihang panlahat.
 Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin.
 Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo.
 Halimbawa: ang paglahok sa halalan, paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa ng
guro o paglahok sa pulong ng kabataan sa barangay.
BOLUNTERISMO

 Ito ang pagkukusa ng isang tao na gawin ang isang bagay. Walang pamimilit na
nagaganap.
 Ito ay ang pagbibigay ng sarili o paggawa ng isang bagay nang walang hinihintay o
inaasahan na kapalit.
 Ito ang pagtulong sa kapwa nang bukal sa puso ng isang tao.
 Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na
hindi mo tinulungan.
 Kung ikaw naman ay di tutugon; maaari kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat
hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa.
 Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo
ay may aspekto ng pakikilahok.
T’s sa Pakikilahok at Bolunterismo

 TIME, TALENT at TREASURE


TIME/PANAHON

 Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na ito maibabalik.
TALENT/TALENTO

 Lahat tayo ay may taglay na talento at ito ay iyong magagamit upang ibahagi sa iba.
TREASURE/KAYAMANAN

 Sa pagbibigay, hindi tinitingnan ang laki sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga
ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangagailangan.

You might also like