You are on page 1of 3

3rd Quarter ESP reviewer

Katarungang Panlipunan

Katuturan ng Katarungan
Dr. Manuel B. Dy Jr- ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Ang tuon
ng katarungan ay ang labas ng sarili.
Santo Tomas de Aquino- ang katarungan ay isang gawi na gumagamit ng kilos- loob sa
pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.

Masasabi na isang kang makatarungang tao kung:


1. Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas
2. Ginagalang mo ang karapatan ng iyong kapwa.
3. Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao

Ang katarungang panlipunan:


Ang batas sibil ay dapat nakabatay sa batas moral na ang ibig sabihin ay dapat nakaangkla sa
moralidad ng kilos. Ang batas moral ay maituturing na panloob na aspekto ng katarungan at
ang batas sibil ang panlabas na anyo nito. Dahil dito, ang sistemang legal ng lipunan ay nararapat
na magbigay proteksiyon sa lahat at walang nadedehado na mamamayan ano man ang estado ng
isang tao sa lipunan. Hindi makatarungan ang isang batas sibil kung hindi nasusunod ang
batas moral.

Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paglilingkod sa karapatan ng iba.

TANDAAN: Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng
katarungan sa lipunan.

Batas sibil- ay mga batas na ginawa ng mga tao upang protektahan ang mga pribadong
karapatan ng mga tao.
batas moral-karaniwang nakabase sa batas ng relihiyon at sa mga panuntunan kung ano ang
tama at mali.

Batas ng diyos- sampung utos; dito naka angkla ang moralidad at kilos.

Ang Papel ng Pamilya sa Pagkamit ng Katarungang Panlipunan


Sa pamilya mo unang naranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng kamalayan
tungkol sa katarungan. Sa pamilya nahubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga
mahal sa buhay. Dahil sa pamilya, nahubog ang iyong konsensiya na naging gabay mo upang
maging makatarungang nilalang. Naunawaan mo na katumbas ng pagiging makatarungan
ang paggalang sa karapatan ng iba at isinaalang-alang mo ang kabutihang panlahat.

Mga kaugnay na pagpapahalaga: susi upang matugunan ang pangangailangan ng


kapwa/lipunan.
1. Dignidad ng tao
2. Katotohanan
3. Pagmamahal
4. Pagkakaisa
5. Kapayapaan

Kagalingan sa Paggawa

Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang sumusunod na


katangian:

1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga.


a. Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain
nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa.
b. Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang
paligid.
c. Masigasig. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Sa pamamagitan nito madali
siyang nakatatapos ng produkto at gawain nang hindi nakararamdam ng anomang
pagod o pagkabagot.
d. Malikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at
hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Dapat ay orihinal, bago, at
kakaiba ang produkto.
e. Disiplina sa Sarili. Ang taong may disiplina ay nalalaman ang hangganan ng
kanyang ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao.
2. Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan.
a. Pagkatuto bago ang paggawa
b. Pagkatuto habang ginagawa
c. Pagkatuto pagkatapos ng isang gawain
3. Pagiging Palatanong (Curiosity). Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na
alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
4. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang
Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Demonstration). Ito ang pagkatuto
mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at
maiwasang maulit ang anumang pagkakamali.
5. Patuloy sa Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang
Mabigyang-buhay ang karanasan (Sensation). Halimbawa, hindi hadlang ang
kakulangan ng bahagi ng katawan upang isakatuparan ang tunguhin.

Pagtupad sa nakatakdang mithiin

Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao. Tungkulin ng taong gamitin ang oras
nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang kapwa at ng bansa.

On ime: Pagdating sa nakatakdang oras ng pagkikita; Pagsasagawa ng gawain sa nakatakdang


oras.
Filipino time. Ito ay kagawian ng mga pilipino na dumating ng huli o mas matagal sa oras na
pinagkasunduan.
Ang nagpapakita ng epektibong pag-iiskedyul ng mga gawain ay may tunguhin, oras sa
prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa at master iskedyul.

Ang kabaliktaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang
pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.

Palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan:


1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang higit niyang mapaunlad ang kaniyang pagkatao.
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa
buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ito ay
pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay
patuloy na pagsubok ng mga gawain hangga’t hindi nakakamit ang mithiin.

Nangangailangan ng pagpupunyagi, maingat na pagpaplano, at patuloy na pagtutulak ng sarili


upang makaahon tayo sa nakasanayan nating ugali na hindi paggawa ng gawain sa tamang oras.
Panahon na upang tayo ay gumising, bumangon, at simulang gawin ang kailangang pagbabago
sa paggamit ng oras.

You might also like