You are on page 1of 1

ESP 9- Mahabang Pagsusulit

I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang pinakawastong kasagutan sa
loob ng kahon.

Kasipagan Gobyerno Dr. Manuel Dy Jr. Karapatan Pagpupunyagi Pagmamahal


Kasangkapan Misteryo Curiosita Connection Katamaran Oras/Panahon
Pamilya Dignidad Demostrasyon Max Scheler Mañana Habit Corporalita
Kapwa Masigasig Ningas Kugon Malikhain Katarungan Disiplina

1. Ito ay pagkakaloob sa tao ng kung ano ang nararapat para sa kanya.


2. Ang katarungan ay isang pagpapahalaga at ito ay kumikilala sa __________________ ng tao.
3. Bahagi ng lipunan na ang pangunahing responsibilidad ay pagpapatupad ng katarungan.
4. Ayon sa kanya, ang katarungan ay isang pagbibigay, at hindi isan pagtanggap.
5. Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang pangangalaga sa _____________ ng tao.
6. Ang tao ay hindi dapat gawing ____________________ upang isakatuparan ang sariling intertest.
7. Dito nagsisimulang sumibol at makikilala ng tao ang konsepto ng katarungan.
8. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na walang pagmamadali at buong pagbabaubaya.
9. Ito ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto, at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
10. Ito ay pagkatuto sa pamamagitan ng mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at
maiwasang maulit ang pagkakamali.
11. Ang paggawa ng may orihinalidad athindi bunga ng pang-gagaya sagawa at ideya ng iba.
12. Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, at maging ang kabaliktaran ng inaasahang
pangyayari.
13. Isang paguugali na kung saan, sa simula lamang nagpapamalas ng galing o pagkagusto, subalit hindi na nais na
tapusin pa ang isang gawain
14. Ito ang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may kaugnayan sa isa’t isa.
15. Ang pagiging palatanong at pagkakaroon ng pagnanais na matutunan at matuklasan ang mga bagay bagay.
16. Ito ay ang kakambal ng pagbibigay.
17. Ito ay nagiging hadlang at pumipigil upang magtagumpay sa pagtupad o paggawa ng tungkulin ang isang tao.
18. Nakaugalian ng mga Filipino na kung saan ipinagpapabukas o ipinagpapaliban ang paggawa ng isang gawain
19. Ito ay ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
20. Ito ay nararapat lamang nagamitin ng husto at wasto dahil kapag nawala, kailanman ay hindi na maaaring ibalik.

II. TAMA O MALI.


1. Ang tao ay bahagi ng isang sistemang panlipunan.
2. Ikaw ay isang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng
kapuwa.
3. Maituturing na kagalingan sa pagggawa ang pagkakaraoon ng tao ng disiplina sa sarili.
4. Maituturing kang isang makatarungang tao kung isinasaalang- alang mo rin ang pagiging patas sa mga piling tao.
5. Ang katarungan ay unang nalilinang sa paraalan o sa iba pang lugar na kinagisnan ng isang indibidwal.
6. Ang mga magulang ay ang pinaka-mahalagang papel na ginagampanan sa paghubog ng pagiging makatarungan ng
isang tao
7. Ang katarungan ay isa lamang sa mahahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay, ay mabubuhay ang tao
kahit na hindi ito umiiral sa isang lipunan.
8. Maituturing na malikhain ang isang tao kung siya ay may kagalingan sa sining lamang.
9. Ang katarungan ay dapat na maipagkaloob sa lahat tao na nakagawa ng tama at mabuti lamang.
10. Ang kahirapan ay resulta ng kawalang katarungan sa isang lipunan.

III. Ibigay ang kahulugan ng acronym na (S.M.A.R.T)

1. S___________ 2. M__________ 3. A___________ 4. R_____________ 5. T______________

You might also like