You are on page 1of 2

Buod ng Modyul 9-11

Modyul 9: Katarungang Panlipunan

Ang katarungan ay ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kanya ayon kay Dr. Manuel Dy. Jr. Ayon naman kay Sto Tomas
de Aquino ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos loob sa pagbibigay ng nararapat sa indibidwal. Nagsisimula ang
katarungan sa PAMILYA. Pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa karapatan ng bawat isa. Ayon kay Andre Comte
Sponville ang isang makatarungang tao ay gumagalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa. Ang PAMAHALAAN ang siyang
nagpapatupad sa mga batas na umiiral sa lipunan. Sa pamamagitan ng pagiging makatarungan sinusunod mo ang pangunahing batas
ng pagiging makatao – ang Likas NA BATAS MORAL. Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng sarili o ang iyong KAPUWA. Ang LEGAL
na batas ang siyang panlabas na anyo ng moral na batas.
Samantala, ang KATARUNGANG PANLIPUNAN sa tunay na kahulugan nito ang kumikilala sa dignidad ng tao. Ang bawat tao
ay may dignidad hindi dahil sa kanyang pag-aari o posisyon kundi dahil sa kanyang pagkatao. Ang katarungang panlipunan ay may
mga kaugnay na PAGPAPAHALAGA O BIRTUD. Ito ay ang mga sumusunod: dignidad ng tao; katotohanan; pagmamahal; pagkakaisa;
at kapayapaan. Ang KATOTOHANAN ang nag-uudyok sa iyo upang ibigay ang buong sarili dahil ito ay may kabuluhan.Ito ay hindi
isang simpleng opinion lamang.Ang kapayapaan naman ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan o pagkakaroon ng
parehong kapangyarihan ng mga bansa. Ang KAPAYAPAAN ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng
katarungan. Umiiral ang katarungang panlipunan kung napananatili ang KABUTIHANG PANLAHAT.

Modyul 10: Kagalingan sa paggawa


Ayon kay Pope John Paul II sa kanyang sinulat na LABOREM EXERCENS Sa pamamagitan ng paggawa naisasakatuparan niya
ang tungkulin sa kanyang sarili.

MGA KATANGIAN NG KAGALINGAN SA PAGGAWA


1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
2. Nagtataglay ng positibong kakayahan
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
MGA PAGPAPAHALAGA
1. Kasipagan. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain ng buong puso.
2. Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
3. Masigasig. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng Gawain.
4. Malikhain. Ito ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi ng panggagaya
5. Disiplina sa sarili-alam ang hangganan ng kanyang ginagawa.
MGA KAKAILANGANING KASANAYAN
1. Pagkatuto bago ang paggawa.
2. Pagkatuto habang ginagawa
3. Pagkatuto pagkatapos gawin ang Gawain.
MGA KATANGIANG MAKATUTULONG UPANG MAGKAROON NG MATALINONG PAG-IISIP
1. Pagiging palatanong (curiosity) katangian ng isang taong mausisa na alamin ang lahat ng bagay.
2. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan. Ito ay pagkatuto mula sa hindi malilimumutang karanasan sa buhay.
3. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama. Tumutukoy ito sa paggamit ng mga pandama sa pamamaraang
kapakipakinabang sa tao tulad ni Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog.
4. Pagiging bukas sa pagdududa Ito ang pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay sa mga bagay na
hindi pamilyar, mahirap alamin at ipaliwanag.
5. Ang paglalapat ng balance sa sining, siyensya at lohika. Pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal ay isang paraan ng agham at
sining upang makalikha ng produkto.
6. Ang pananatili ng kalusugan at paglinang ng grace poise. Ito ang tamang pangangalaga sa katawan ng tao.
7. Ang pagkilala at pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay. Law of ecology “Everything is connected to everything else.”

MODYUL 11 : KASipagan Pagpupunyagi at Wastong Pamamahala sa naimpok


Mga Palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
2. Ginagawa ang Gawain ng may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang Gawain

Ang kabaligtaran ng kasipagan ay KATAMARAN. Ito ang pumapatay sa isang Gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa
tao upang siya ay magtagumpay. Ang PAGPUPUNYAGI ay pagtitiyaga na maabot o makukuha ang iyong layunin sa buhay. Ito ay
may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ang PAGTITIPID ay kakambal ng pagbibigay.Ito ay nagtuturo
sa tao na hindi lamang mamuhay ng sagana kundi makatulong din sa iba. Ang PAG-IIMPOK AY paraan upng makapagsave ng
salapi na magagamit sa pangangailangan sa takdang panahon.

Bakit kailangan mag-impok ng pera?


Ayon sa teorya ni Maslow “the Hierarchy of Needs ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad
sa buhay lalo na sa hinaharap.

Ayon sa financial expert na si Francisco Colayco may tatlong dahilan kung bakit kailangang mag-impok ang tao:

1. Proteksyon sa buhay-dahil maraming mga hindi inaasahan na dumarating sa buhay ng tao.


2. Hangarin sa buhay-
3. Pagreretiro

You might also like