You are on page 1of 74

SIKOLOHIYA NG WIKANG

FILIPINO
Layunin: Ang mga sumusunod ay ang mga layuning nais matamo sa
bahaging ito ng pag-aaral:

1.Natutukoy ang kahulugan ng sikolohiya ng wikang Filipino;


2.Naipapaliwanag ang kahalagahan ng sikolohiya sa wikang Filipino; at
3.Naiuugnay ang sikolohiya sa wikang Filipino.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Si Kyla
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Galit, galit na galit, 'di masyadong galit? 0 ano? Ano 'to? lsang maaaring palaisipan ang
pinapakita ng babaeng nasa larawan. Maaaring masabing siya'y galit base sa ekspresyon ng
kanyang mukha, mga mata na naglalakihan at kumpas ng kanyang mga kamay. Ngunit ano ang
ating patunay na tayo'y nagsasabi na ang babaeng nasa itaas ay totoong galit?

Araw-araw ay nakakasalamuha natin ang iba't bang uri ng tao. Mayroong palaging galit,
nakaismid, nakasimangot, nakataas ang kilay, at siyempre mayroon ding palaging nakatawa,
nagpapatawa, nakangiti, at maging napakalakas humalakhak. lba't ibang gawi na nagpapakita ng
ba't ibang emosyon. Isang sukatan palagi ng panghuhusga, positibo o negatibo man ang
panlabas na kaanyuan ng pag -uugali ng tao kasama na rito ang kanyang mga ikinikilos.
Namamangha tayo, nag- iisip, at nagtatanong ng sino, ano,paano, at bakit?
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Ayon kay Lardazabal (1989), pumapasok ang sikolohiya sa lahat ng aspekto ng buhay at
sa pag-aaral nito ay maiintindihan at mabibigyang-kahulugan natin ang kaugalian ng bawat isa.

Nilinaw ng "Amang Sikolohiyang Pilipino" na si Dr. Virgilio G. Enriquez na ang Sikolohiya


ay tungkol sa kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban at kaluluwa (Antonio &Rubin, 2003 ).
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Naaapektuhan tayo kung minsan sa bawat reaksyon na ating naririnig at


nakikita. Nag-uudyok para sabihin at gawin ang mga bagay na salamin ng ating
damdamin. Kasama sa damdaming nararanasan ay ang kaalamang natutunan. Ang
pagsasalungatan ng damdamin at kaalaman ay isang pagkakalarawan ng kaisipan na
nangibabaw, nangingibabaw, o mangingibaw pa lamang. Hinihimay-himay natin ang
ating isip, damdamin, o kaalaman ang gamitin sa pagdedisisyon sa buhay.

Bawat isa ay may kanya-kanyang ipinapakitang emosyon gamit ang panlabas na


kaanyuan. Naging batayan ito para ang mga taong nakapalibot ay magkaroon ng
reaksyon na maaaring negatibo o positibo man. Ang panlabas na kaanyuan ay
tinitingnan at sinisipat mula ulo, mata., ilong, at iba pang bahagi ng katawan. Batayan
ito para sa nakakarami kung ano ang naging karanasan ngtaong nakikita.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Katulad ng nasa larawan na isang bata sa itaas na bahagi ay maaaring


sabihin na siya ay masaya batay sa kanyang pagkakangiti. Isa itong
palatandaan na masaya siya dahil maaaring maganda ang kanyang damit,
binilhan siya ng ipit sa buhok ng kanyang nanay, binilhan ng tablet ng
kanyang tatay, o maaaring dahil araw ng Linggo ay pupunta silang simbahan.

Sinabi ni Sta. Maria (1999), na ang taong masayahin ay madaling


pasayahin, madali ring magpasaya ng iba, at madaling lapitan ng mga tao. Ang
ganitong mga bagay ay importante ito sa pakikipag-interaksyon sa paligid.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Ayon kina Clemente et al. (2008), tinatalakay ng "Kapwa Theory" kung


paano makipagkapwa-tao. Ipinapalagay na kasama sa pakikipag-interaksyon ay
may mga taong kakaiba. Iba sa paniniwala, prinsipyo, pananaw, kilos, at ibapa.

Sinabi ni Lardizabal (1989), na ang sikolohiya ay agham ng pag-iisip,


pagdama, at pagkilos. Isa itong siyentipikong pag-aaral ng kamalayan na
nakakaapekto sa kilos, mental na katangian, o aktitud ng isang tao o pangkat.

Gayundin, idinagdag ng "Ama ng Sikolohiyang Pilipino" na si Dr. Virgilio G.


Enriquez na ang sikolohiya ay tungkol sa kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban, at
kaluluwa (Antonio, 2003 ).
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Ang mga sumusunod na eksperto ay nagbigay ng kani-kanilang depinisyon sa


sikolohiya na makikita sa aklat ni Lardizabal (1989).

Ayon kay Hilgard, ang sikolohiya ay isang agham ng pag-aaral sa kaugalian at


karanasan ng mga organismong buhay.

Si Rutch ay nagpahayag na ang sikolohiya ay agham ng kaugalian kasama ang


lahat ng uring mga pagtugon (responses) at pagpipigil (inhibitions) ng
organismo sa nagaganap na kalagayan.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Ayon kay Todd, ang sikolohiya ay agham ng pag-iisip, pandama, at


pagkilos (sa ibang panananalita).

Dagdag pa, ang isang sikolohiya ay pag-aaral ng isip, diwa at asal.


Isang siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at tungkulin nito
lalo na iyong nakakaapekto sa kilos, mental na katangian o aktitud ng
isang tao o pangkat.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Sa kasalukuyang panahon, isang mahirap na gawain ang pagbitiw ng


desisyon. Sa isang iglap ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa buhay ng tao
bunga ng desisyong isinakatuparan. Walang pagdududa na ang sikolohiya ay
nangangailangan ng pag-aaral dahil ito'y isang agham. Kailangan ng matamang
pag-iisip at pag-iimbestiga upang maging patas ang pagbibitiw ng anumang
reaksyong nakikita, narararamdaman, at nasasaksihan. Sa madaling salita, ang
damdamin ay tumutukoy sa kamalayan at kalooban. Kasama sa kamalayan ay ang
kaalamang nararanasan ng isang tao.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Mahirap unawain ang mga bagay sa paligid. Maraming mga


kalamidad at krimen ang nangyayari. May pagputok ng bulkan,
malawakang pagbaha, at ang pinakasikat sa buong daigdig ay ang
pagkaganap ng Covid l9. Buong mundo ay apektado sa ganitong
pandemya. Bawat isa ay may kanya-kanyang interpretasyon kung bakit
nangyayari ang ganito. Bawat isa ay may kanya-kanyang iniisip, gawi, at
damdamin na maaring sukatan ng personalidad ng tao.

Habang nangyayari ang lahat ng ito, pinapakiramdaman natin ang


ating paligid.Ang pakikiramdam natin sa paligid ang tumutukoy saulirat.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Pakiramdam natin baka huling araw na natin sa buhay. Pakiramdam natin baka
darating na ang Panginoon para tayo'y husgahan. Samu't saring pakiramdam na
malapit nang gumuho ang mundo.

Ang lahat ng ito ay maaaring batay lamang sa pakiramdam lang. Muli, dito
pumapasok ang sikolohiya bilang agham. Pinag-aaralan ng siyensya kung bakit
nangyayari ang mga ito. Nangangailangan nang maprosesong pag-iisip bago pumatol
sa pakiramdam na ating nararanasan. Bilang sikolohiya, ang kaalaman at pag-unawa
natin ay tumutukoy sa isip. Masaklaw ang pag-unawa at kaalaman ng bawat isa. Bawat
isa ay may kanya-kanyang pag-iisip na maaaring epekto ng maraming salik. Bakit
ganoon ang kanyang iniisip? Akala niya ay makatotohanan na, iyon pala'y nasa sa isip
lang niya. "Feeling" lang 'ika nga ng kabataan sa kasalukuyan. Siya lang ang
nakakaalam ng lahat. Hanggang pakiramdam lang pala niya.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Mahirap ipaliwanag kung anong pag-uugali mayroon siya kasama ang


kanyang asal. Ang kilos, ugali o asal ay tumutukoy sa diwa. Maging kung
pag-aaralan ng sikolohiya ang budhi ng isang tao ay tinutukoy nating
kaluluwa.

Ayon kay Lardizabal (1989), ang sikolihiya ay bilang agham ay may


layunin na deskripsyon at klasipikasyon, at prediksyon ng kilos-tao, at
pagkontrol sa mga kilos-tao.Gayundin din ay may mga uri ito tulad ng:
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Ang sikolohiya ay mauri ayon sa pokus o tuon nito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1.Dalisay (Pure). Ito'y may kinalaman sa pag-unlad at pagtuklas ng mga simulaing pangkalahatan at
mga batas ng kaugalian. Higit itong interesado katotohanan kaysa sa aplikasyon. Ang mga halimbawa
nito ay:

A.Sikolohiyang pangkalahatan na tumutukoy sa pangkalahatang pangkaugalian;


B.Sikolohiyang pambata na pinag-aaralan ang mga kaugalian ng mga bata;
C.Sikolohiyang pang-adolescent na may kinalaman sa pag-aaral ng kaugalian ng mga
adolescent, at
D.Sikolohiya ng pagkakaedad na ang pokus o tuon ay pag-aaral sa ugali ng
mga matatanda.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

2.Aplikasyon - isang uri ng sikolohiya na ginagamit sa mga praktikal na sitwasyon ng


buhay.Ang pananaliksik siyentipiko ay inaasahan para mabatid at maunawaan ang mga
nais nitong ipahayag kasama sa mga halimbawa rito ay:

A.Sikolohiyang pang-edukasyon - dito ay inilalapat ang sa anumang natuklasan sa


edukasyon;
B.Sikolohiyang pangnegosyo – sa negosyo inilalapat ang natuklasan;
C.Sikolohiyang pang-industriya - inilalapat saindustriya ang mga natuklasan; at
D.Sikolohiya ng pang-aangkop (adjustment) - na naglalapat ng mga natuklasan
ng sikolohiya sa pagtulong sa pag-aangkop ng sariling isang tao.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Ang tao ay tinitingnan sa sikolohiya bilang isang organismo, reseptor, o


tagatanggap ng mekanismo na tinutukoy na sense organs; at tagapag-ugnay,
paladaluyan, at tagatugon ng mga mekanismong bumubuo sa mga gland at
kalamnan.

Nabubuhay ang tao sa isang sitwasyon na binubuo ng institusyon, mga


bagay na pisikal, at lahat ng bagay sa ating kapaligiran. Patuloy na umaangkop sa
patuloy pagbabago ng kapaligiran na may iba't ibang hulwaran.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Pamamaraan sa pag-aaral ng sikolohiya

1. Introspeksyon - ginagamit ito sa pagmamasid sa sariling kalagayan at


mga proseso gaya ng pag-iisip at pagdama.
2.Pagmamasid na palayon-dito tinitingnan ay ang kaugalian ng iba.
3.Pamamaraang pag-aaral- ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
pakikipamuhay kasama ang iba katulad ng ginawa ng mga
antropologo sa mga tribu..
4. Sa may ito ay pagkuha ng koro-koro sa pamamagitan ng tanong-sagot.
5. Eksperimental- tulad ng eksperimento sa biyolohiya at pisika, at
Kanilang buhay.
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Sa kasalukuyang panahon ang sikolohiya ng mga Pilipino ay


kinasangkutan ng wika na binibigkas na nagpapakita ng kanyang iniisip.
Ang kanyang hangarin, paniniwala, pananaw,at iba pa ay tinatawag na
Sikolohiya ng Wikang Filipino.

Ang Sikolohiya ng Wlkang Filipino, kung gayon, ay ang pag-aaral sa


sikolohiya ng mga Pilipinong bunga ng karanasan. kaisipan, at
organisasyong Pilipino. Masasalamin ito sa biyolohikal,
kognitibo,debelopmental. sosyal, at kros kultural na pagsusuri mula sa
pag-unlad ng mga wikang kasangkot dito. (Antonio, 2003)
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Ang pagbibigay ng wasto at malinaw na kasagutan sa"'bakit''ay isang suliranin.

Ang tanging kasagutang makalulutas sa suliraning ito ay ang makaagham na


paliwanag. Kailangan nating makita kung ano ang pagbabago sa aming
pamumuhay sa ating daigdig tuwing nagbabago tayo ng wikang ginagamit. Sa
ganyan mamamayan natin kung bakit nagbabago ang ating kamalayan pag
nagbabago na ang iyong wika(Antonio et al., 2011).
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Maaaring may kinalaman ang wikang ginagamit sa ating kamalayan. Hindi


lamang sapat na malaman na ang wika ang tanging kasangkot sa pagbabagong ito.
Ito ay kailangang gawan ng paglilinaw sa kabuuang ginagamit para maiuugnay ang
mga ito. Katulad na lamang, kapag hindi masabi kung ano ang katawagan sa bagay
na namalayan sa ating tabi. Sasabihin na lamang nating may isang bagay tayong
namalayan . Sakaling gusto nating tukuyin ito, may dalawang paraan tayong
maaaring magamit.
Una, maaari nating hilahin at sabihin sa usiserong kaibigan sa pook na
kinamalayan ng bagay na hindi alam ang katawagan at ituro na lamang ang bagay
na iyon.
lkalawa, maaari ring sabihing "May namalayan akong kuwan doon."
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Makikita sa ibaba ang iba't ibang ekspresyon ng bata. Sa mga


ekspresyong ito, alin ang nagpapakita ng totoong ikaw? Ipaliwanag ang
iyong sagot. (15 puntos)
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Rubrik Para sa Pag-uulat


Pamantayan Puntos
Naipapaliwanag nang malinaw ang paksa (10)
Rubrik Para sa Pag-uulat

Natalakay ang paksa sa pamamagitan ng


paggamit ng visual aids na tama at kaaya-aya sa
paningin (5)

Kabuuan 15
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipaliwanag ang kahalagahan ng kaalamang pagkatao ng mga Pilipino;


b. Natukoy ang kahulugan ng ilang bahagi ng katawan na may kaugnayan
sa pagkataong Pilipino; at
c. Naanalisa at nakilala ang sariling pagkatao.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Panuto: Basahin ang bahagi ng awiting "Tayo'y mga Pinoy" ni Francis


Magalona.
Pagkatapos ay ilahad ang inyong damdamin sa nabasang kanta.

"Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano


Wag kang mahihiya kung ang Ilong mo ay pango."
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Maraming dayuhan ang nanakop sa bansang Pilipinas. Nandiyan ang mga


Kastila, Amerikano, Hapones at iba pa na may dalang impluwensya sa
kultura. Nakilala natin ang Panginoon, naging malaya sa pagpapahayag
ng niloloob at iniisip at nagkaroon ng pagmamahal sa pagsulat na
naging isa sa mga pamamaraan upang maipakilala ang kulturang Pilipino,
ang wika, paniniwala, tradisyon o kaugalian, pagkain, sining, kasuotan,
relihiyon ay halimbawa ng ating kultura. Lahat ng ito ay tatak ng
pagkataong Pilipino. Ika nga, "Huwag kalimutan ang sariling atin,
marapat lang itong alagaan at muling buhayin."
Ang pagkataong Pilipino ay ipinapakilala ng pagkakagamit ng
wika. Naging makapangyarihan ang wika dahil ginagamit ito sa
pagpapahayag ng sarili, pagkakaintindihan ng bawat isa,
pagpapahayag ng nakaraan, kasalukuyan at maging sa hinaharap.
Gamit ang wika, nagkaroon ng kanya-kanyang interpretasyon
batay sa pagkakaintindi kung ano ang nais iparating ng kausap
na tinutukoy na berbal. Sa di berbal na komunikasyon ay ang
pagkagamit ng kilos o galaw ng ating katawan maging ang
representasyon ng bawat isa nito
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Pagkatao at
Katauhan

"Madali ang maging tao ngunit mahirap ang magpakatao. "

Makatotohanan, binigyan tayo ng hininga ng Panginoon para mabuhay.


Tayo ang pinakamataas na nilikha ng Panginoon na may kakayahang
kontrolin ang isip at emosyon. May kakayahan tayong bumigkas at gamitin
ang wika sa pakikipagtalastasan. Naiimpluwensyahan tayo ng mga taong
nakapaligid sa atin. Ang pagpapahayag natin ng ating sarili ay nababatay
sa kung ano ang mga salik na nasa paligid. Tao tayo ngunit kung minsan,
nahihirapan kung paano maiangkop ang sarili saiba.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Pagkatao at
Katauhan
Ang salitang tao na isang pangalan ay ay nagiging iba kapag ito'y
ginamitan ng panlapi at nagkakaroon ng iba't ibang kahulugan. Maaari
itong maging maka-tao ( Santiago & Tiangco, 1991). Maari ring t-um-ao,
tau-han. Ang 'ka-han' kapag inilapi sa salitang-ugat ay nagpapahayag ng
kaisipang basal (abstract). Kung gayon, ang ka ta-u-han ay
nangangahulugang "kabasalan ng diwang taglay ng salitang-ugat."

Ang katauhan ay 'humanity,' ayon (Covar, 1998), 'humanhood' naman


ayon kay Miranda (1989). Kaya, ang salitang pagkatao ay angkop na
konsepto bilang ''personhood," o pagiging Pilipino.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Pagkatao at
Katauhan
Idinagdag nina Santiago & Tiangco (1989), ang salitang "pagka" ay
tumutukoy sa kalikasan ng tao, hayop, o bagay.

Ang pagkatao, katauhan o persona, sa isang kolokyal na pananalita ay


kadalasang kasingkahulugan ng tao ayon naman kay Lardizabal (1989).

Ang personalidad ay mga gawi o mga katangiang pansikolohiya. Ito ay


mekanismo sa loob ng indibidwal na isinaayos at nakakaimpluwensiya sa
pakikisalamuha, pakikibagay,at pag-akma sa mga kapaligirang intrasikiko,
pisikal, at panlipunan (Larsen & Buss, 2008).
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Wika ng Katawan

Ang wika ng katawan o pananalita ng katawan ay isang uri ng


pagpapahayag o komunikasyon na hindi ginagamitan ng mga salitang
binibigkas o isinusulat. Binubuo lamang ito ng manerismo o kilos ng
katawan, tindig o tikas, at anyo o hitsura ng mukha. Ang mga ito ay kilos o
galaw ng bahagi ng katawan, katulad ng kamay, bahagi ng mukha, galaw
ng mata, tayo, asta o bikas ng buong katawan na nagpapakita o
nagpapahiwatig ng ibig sabihin o nais gawin. Ito ay tinatawag itong
komunikasyong kinesiko-isang makaagham na pag-aaral ng galaw o kilos
at ekspresyon ng katawan.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Wika ng Katawan

Sa pakikipag-ugnayang hindi ginagamitan ng mga salita ay nagaganap ang wika ng katawan. Ang
kilos ng katawan ay nagsasabi ng kanyang tunay na damdamin at nagbibigay kaalaman kung paano
natatanggap ng ibang tao ang mga salitang binitawan at binigkas ng kausap.
Umaabot sa 60 hanggang 80 bahagdan ng mga mensahe ang naipapakita at naipababatid sa
pamamagitan ng wika ngkatawan. Tanging 7 hanggang 10 bahagdan lamang ang mga salitang
binabanggit na mga salita sa isang usapan o huntahan. Kaya't mahalaga ang kakayahang basahin o
unawain at ipaliwanag ang wika ng katawan ng tao upang magkaroon ng mabuting pagtanggap.
(Larsen & Buss, 2008) Sa larangan ng sikolohiya, ang "wika ng katawan, " ay walang pagpapabatid,
at pamamahagi ng kabatiran o impormasyon sa pamamagitan ng sinasadya (habang may malay-
tao, gising, nakakaramdam, mulat, at may ulirat) o hindi namamalayang mga galaw,kumpas, tindig,
at iba pangkilos ng katawan o mga bahagi nito.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Wika ng Katawan

Ang "wika ng katawan" ay pagpapahayag ng mga tahimik na pabatid


o mensaheng hindi binabanggit o binubukam bibig na pasalita.
Ginagamitan ito ng mga kilos ng katawan sa pagpapahayag.
Kasa.ma sa pinapamalas ay ang wangis, bikas, o hilatsa ng mukha
(katulad ng kiya, ismid, ingos, at iba pang mga katulad nito), tunog,
tono at kahinaan o kalakasan ng tinig, at iba pa. Ang mga ito ay
impormal na anyo ng komunikasyong hindi nakasandig sa kultura.
lpinapahayag ang damdamin, emosyon, motibo,at mga kaisipan sa
pamamagitan ng mga pagbabago ng hitsura ng mukha, mga
kumpas, tikas, posisyon ng katawan, at iba pang mga hudyat na
hindi ginagamit ng salitang binibigkas ng bibig.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Wika ng Katawan

Ang pagkataong Filipino ay binubuo ng mga sumusunod at magkakaugnay sa bawat isa.

labas
ss

Budhi
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Pagtatakda ng mga Bahagi ng Katawan

Ang pagkataong Pilipino ay nabuo ayon sa konseptong tambalan ng labas at loob. May kanya-
kanyang gamit ang bawat bahagi ng katawan ng tao ayon kay Covar (l998).

Mukha at lsipan
Bawat bahagi ng mukha ay may kanya-kanyang kakanyahan sa pagkakagamit katulad ng noo, kilay,
pilikmata, ilong, labi, dila, ngipin, nguso, baba, at pisngi.
Sa mukha nasasalamin ang samu't saring karanasan. Salamin ang mukha ng damdami't kalooban ng
pagkakataong nililok ng kultura at karanasan.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Labas, Loob atLalim


Ang pagkataong Pilipino ay may tambalang pamamaraan katulad ng labas at loob, kaluluwa at
budhi. Naihahayag sa mahahalagang bahagi ng ating katawan ang labas, loob, at lalim, gaya ng
makikita sa iskema sa ilalim na bahagi.

Labas Loob

mukha lsipan
dibdib puso
tiyan bituka
sikmura atay
Lalim
kaluluwa budhi
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

May sariling kakanyahan ang mukha gaya ng hayag na mukha na walang


tinatago o walang mukhang ipakita-kahiya-hiya. Ang mukhang Pilipino ay
nangungusap ng sariling pagkatao ayon sa kapahayagan ng iba't ibang
bahagi nito.
Ang utak ay nakaugnay sa isipan at ang isip ay ang pinagmumulan ng diwa,
kamalayan, ulirat, talino, at bait. Ang pag-unawa ay nakuha sa pag-iisip at
sa pag-iisip din nakasalalay ang pag-uunawa. May mga parirala tulad ng
mataas mag-isip, walang malay, matalino, bukas ang kamalayan, atbp.
Ito'y hindi lamang nagsasabi ng intensyon kundi sa kanyang pagkilos at
gawa na maaaring pino, magaspang, garapal, magaslaw,makatao, maka-
Diyos, at makabayan.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Puso at Dibdib

Pag-iisang dibdib ang tawag sa pag-aasawa ng mga Pilipino at hindi pag -iisang
puso. Nangangahulugang ang pag-aasawa ay dibdiban at hindi biro. Maliban dito,
ay mayroon ding sinasabi na maluwag ang dibdib, masikip ang dibdib, at
mababang dibdib. Hindi nangangahulugan ng malaki ang hinaharap kung may
mababang dibdib. Ang dibdib ay ang pandama ng damdamin.

Sa kanluranin, pinapaniwalaan na kaugnay ng puso ang buhay. Ang pagtibok ng


puso ay tanda ng buhay, hindi tulad natin na ang buhay ay nakaugnay sa
pagsasanib ng kaluluwa at pagkalagot ng hininga. Katulad ng mga halimbawa na
matabang puso, walang puso, isapuso, mahabaging puso. Ito'y mga halimbawa ng
pagkatao.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Tiyan at Bituka

Malaki ang tiyan, ay maaaring nagsasabi na ang tao ay busog, matakaw,


may bulate sa tiyan, o mapagkamkam. Ang katambal nito na maliit ang
tiyan o walang tiyan ay maaaring may kahulugan na gutom, mahirap, o
kulang sa kain.

Ang bitukang sala-salabid ay nangangahulugan ng buhay na punong-


puno ng balakid. Naglalarawan itong kalagayan ng pagkatao.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Sikmura atAtay

Malakas, masama, mahapdi o maasim ay iilan lamang sa mga pariralang nakaugnay sa sikmura.
Nangangahulugan lamang ito na ang sikmura ay di mabuti ang pakiramdam. Ang mahapding
sikmura o nangangasim, ay maaaring nangangahulugang hindi matanggap ang isang bagay. Malakas
ang kanyang sikmura kung natatanggap ng tao ang lahat, lalo na ang mga pangyayaring karumal-
dumal.

Ang sikmura ay may kinalaman sa pagduwal o pagsusuka o di matanggap ng sikmura ang pagkaing
nilulon. Bahagi ng katawan ang sikmura na ginagamit na pantantiya ng damdamin, pag-iisip, kilos,
at gawa ng ibang tao.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Sikmura atAtay

Ang atay naman ay ginagamit na panawas sa mambubunong upang makamit ang


magiging kapalaran ng isang desisyon katulad ng kung itutuloy ang pangangaso, at
iba pa. May kinalaman ito sa kulay ng atay. Kung madilaw ang atay, ay
magtatagumpay ang isasagawang balak; maitim na atay, sakuna ang susuungin.
Gayundin ang taong may maitim na atay ay walang pakundangan sa kanyang
ginagawa.

Ang katawan ng tao ay naglalaman ng din ng kaluluwa atbudhi.


Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Kaluluwa atBudhi

Ang salitang kaluluwa, ikaruruwa o kararua, at inikaduwa ay buhat sa


salitang duwa, "two" dahilan sa dalawa ang kalagayan nito. Una, ay ang tambalan
ng kaluluwa at katawan, at angpangalawa ay ang pansariling kalagayan ng kaluluwa.

Ang kaluluwa ay batis ng buhay at ginhawa. Ang Cebuanong salitang


ginhawa ay "hininga" ang salin sa Tagalog. Ang mga Pilipino ay naniniwala na ang
pagkamatay ng isang tao ay dahilan sapagkalagot ngkaniyang hininga.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Sikolohiyang Pilipino (Yacat,


2000)

Halos apat na dekada na ang nakalipas nang nawagan si Virgilio Enriquez


na ang Sikolohiyang Pilipino ay isang sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan,
at oryentasyong Pilipino. Idinagdag pa ni Enriquez (1993), na ang Sikolohiyang
Pilipino ay isang katutubong sikolohiya na isang siyentipikong pag-aaral ng
etnisidad, lipunan at kultura ng isang lipin, at ang paglalapat ng katutubong
kaalamang nakaugat sa etnikong kamalayan .
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Sikolohiya ng Pagkataong Pilipino


(Covar,1998)
Ang pagkatao ng isang Pilipino ay maaaring nababago kung siya ay
linalangkapan, sinasapian, o sinasaniban. Ang pagbabago ng pagkatao ay
nananatiling isang hula lamang sapagkat hindi pa lubos kung anong prosesong
pisikal ang pagbabago. lto'y isa lamang palatandaan na ipinapahiwatig sa
pagbabago ng damdamin, isipan, kilos, at gawa pati na ang wika. Ang mga
pagbabagong ito ay itinatakda ng iba't ibang bahagi ng katawan ating kaluluwa.

May dalawang klase ng pagkataong Pilipino. Ito ay likas na pagkatao, at


pagkataong may sapi.
Aralin 2 : KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO

Sikolohiya ng Pagkataong Pilipino


(Covar,1998)
Ang likas na pagkatao (human nature) ay tinutukoy na kalikasan ng tao. Ito’y isang katutubo o taal
na ugali, sariling katangian na natatangi upang matawag ang isang nilalang bilang tao.
Kasama sa mga katangiang ito ay ang paraan ng pag-iisip, pandama, at pagkilos na taglay
nito.

Isang katanungan sa pilosopiyang kanluranin kung ang mga katangiang ito ay napapanatili lalo na
kapag ito’y naiuugnay sa etika, politika, at teolohiya. Nangangailangan itong pamantayan
o sukatan para makapamuhay nang mabuti.

Isang katotohanan na likas sa taong nag-iisip ay nag-aasam ng katotohanan para sa katotohanan,


inaalam ang mga bagay na nagpapabago sa buhay, umaasam na ang pag-alam sa
katotohanan ay magiging ganap na sandata para malaman kung alin ang totoo, na yaong
pinakarurok ng pagkakaroon ng bagay na maisasanib sa kanyang pagkatao.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS
Layunin : Ang mga sumusunod ay ang mga layuning nais matamo sa bahaging
itong pag-aaral:

a.Natutukoy ang mga salik na sanhi ng pagkakaiba ng mga wika sa Pilipinas;


b. Nakapagbabahagi ng opinyon opananaw tungkol sabarayti ng wika;
c.Nasusuri ang iba't ibang pananaw tungkol sa tatlong dimensyon ng pagkakaiba ng
mga wika sa Pilipinas;
d.Nakapagbibigay ng mga halimbawang barayti ng wika; at
e. nakatatanghal ngpanggagaya ng isangkilalang personalidad.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Panuto:Hulaan kung sinong sikat na personalidad ang nagtataglay ng mga


pausong linya/tagline sa ibaba.

1.Excuse me po!
2.Kung mahusay ang pagkalap ng ebidensya.
3.Magandang gabi bayan.
4.Handa na ba kayo?
5. You are nothing but a second rate, tryin hard, copy cat!
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang wika ay nagkakaiba-iba dahil sa mga taong gumagamit nito. Sinasabing


nagkaroon ng baryasyon o pagkakaiba-iba ang wika dahil sa lokasyong kinalalagyan ng
tao o grupo ng mga taong gumagamit nito. Ang mga taong nabibilang sa isang
komunidad at gumagamit ng iisang wika ay maaaring magkaroon pa rin ng
pagkakaiba sa paraan ng kanilang pagsasalita-istilo, tono, punto, atbp.
Halimbawa dito sa Iloilo; ang mga tagasiyudad ay gumagamit ng Hiligaynon
samantala ang tagaprobinsya ay gumagamit ng Kinaray-a. Ang K.inaray-a na
ginagamit ng mga tagaprobinsya ay nagkakaiba-iba ayon sa mga tagapagsalita nito.
Iba ang Kinaray-a saAlimodian at Leon kaysa Kinaray-a ng mga taga-Pavia, Maasin,
Passi, at iba pang lugar sa probinsya.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang tao kahit nabibilang sa Isang lipunan ay iba-iba ang paraan ng pagsasalita.
Tatlong Dimensyon ng Pagkakaiba-iba sa Wika
A. Dimensyong Heyograpikal
Ang terminong heograpiya ay tumutukoy sa mga katangiang pisikal ng isang lugar na
kinatitigilan ng isang pangkat ng mga tao. May limang importanteng bagay tungkol dito:
kinaroroonan, lawak, hugis, topograpiya, at klima. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga
dagat at karagatan dahil nasa gitna ito ng rehiyong Timog Silangang Asya. Bunga nito,
naging daungan ito ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid. Naging kombinyente sa
mga manlalakbay, biyahero, negosyante, at mangangalakal ang makarating dito dahil sa
lokasyong heyograpikal nito (Rubin et al., 2002).
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Sa dimensyong heyograpikal o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar, nagkakaroon ng


baryasyon ang wikang ginagamit ng mga tao. Katulad ng Pilipinas na napaghihiwalay ng
katubigan o kabundukan kung kaya nakapagdulot ito ng maraming wikain sa bansa. Ang
paglilipat-lipat ng tirahan ng tao sa ibang lugar dahil sa kalamidad o 'di kaya giyera ay isa
pang dahilan. Ang mga pangyayaring ito ay naging dahilan upang magsama-sama ang
magkaibang grupo ng tao.

Ang pagkahiwa-hiwalay ng mga kapuluan sa Pilipinas ang sinasabing


pinakamatinding sagabal sa pagkakaroon ng iisang wika sa Pilipinas. Idagdag pa ang ibang
salik gaya ng: paghiwa-hiwalay ng mga lugar dahil sa ilog, bundok, lawa, kagubatan, at
burol. Nagkaroon din ng sari-saring kultura at paraan ng pamumuhay ang bawat tribu.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang Pagkabuo ng mga Dayalek

Isa sa mga madalas na dahilan sa pagkakaroon ng mga subgrupo ng isang wika ay


sosyo-heograpiko. Ang pagkakahiwalay ng mga kapuluan ang isa sa mga dahilan kung
bakit nagkaroon ng iba't ibangwikang sinasalita. Rehiyunal na dayalek ang tawag sa pag-
uuring batay sa wikang sinasalita ngisang grupo ngtao sa isang lipunan.

Ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika sa punto ng aksent, leksikograpiya, punto,


pagbigkas, pagbibigay-kahulugan sa ilang salita ay tinatawag na Dayalek. Dahil sa
pagiging kapuluan ng Pilipinas nagkaroon tayo ng isang daang wika at humigit kumulang
sa 400 dayalek (Rubin et al.,2002, pp. 136).
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang Kinaray-a halimbawa ay isang uri ng dayalek ngunit pansinin na iba ang tono
at aksent ng mga taga-Passi sa tono at aksent ng mga taga-Alimodian, Leon, at Antique at
iba pang probinsya ng Iloilo kahit pareho silang gumagamit ng Kinaray-a. Maaaring iba din
ang kahulugan ng salita.

Ang dayalek na ito na itinuturing na unang wika ng isang tao ay nakaimpluwensya


rin sa tono, aksent a tparaan ng kanyang pagsasalita.

Halimbawa, ang "paa" sa Filipino ay "tiil" sa Hiligaynon, "kahig" sa Alimodian, sa


Passi naman "siki."Ang ''malaki"sa Filipino ay "dako"sa Hiligaynon, "hanggod" saLeon, sa
Antique naman "bahol."
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Kapag nasa Iloilo ka at naghihintay ng iyong sundo at huminto ang isang taksi
at niyaya kang sumakay sasabihin mong may "sugat" ka. Pero kung ikaw naman
ay nasa Maynila kapag may "sugat'' ka nasasaktan ka o hindi maganda ang lagay
mo. Ang ''pating" ng mga Tagalog ay lumalangoy at lumilipad naman ang
''pating" ng mga Ilonggo. Minsan daw magkasama ang mga Ilonggo at Tagalog sa
isang barko. Habang tumitingin ang Tagalog sa tubig nakakita s'ya ng pating kaya
sumigaw s'ya ng ''may pating, may pating" nang marinig naman ito ng mga
Ilonggo lahat sila tumingala sa itaas. Mapapansin na isang salita ngunit magkaiba
ang kahulugan sa dalawang magkaibang wika.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Maaari rin na magkaroon ng magkaibang kahulugan ang isang salita


sa magkahiwalay na lugar at kultura. Halimbawa, ang salitang salvage
ay nangangahulugan sa Ingles na "iligtas o isalba" ngunit nang hiramin
sa Filipino ang salitang ito, naging kabaliktaran ang kahulugan dahil ang
salvage ay naging ''pagpatay nang hindi nililitis." Sa wikang Niponggo
ang "baka" ay nangangahulugang ''hobo," isang uri naman ng hayop ito
sa Filipino. Ang pagkakaiba ng mga katawagan at kahulugan ay
tinatawag na heograpikal nabarayti ng wika (Taylan et al., 2016).
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

B. Dimensyong Sosyo-Ekonomiko

Ang dimensyong sosyo-ekonomiko ay dulot ng pagkakaiba-iba ng kalagayan at katayuan ng isang


tao salipunan. Dahil dito nabubuo ang mga sosyolek. Ang mga taong may iba't ibang interes, gawain,
hanapbuhay, estado sa buhay ay may malaking kaugnayan sa baryasyon ng wika. May barayti ng wika ang
mga nakatataas, masa, tambay, babae, lalaki, at ibapa.
Mga taong bantog sa kanilang idyolek:
Kabayan Noli de Castro
Mike Enriquez
Mareng Winnie Kris Aquino
Ruffa Mae Quinto Vice Ganda BoyAbunda

Halimbawa:
"Siguro nga ammm...dapat tayong magkaisa ok...Ito ay ammm....susi sa pagkakaroon ng katahimikan sa bansa,
ok? Kung hindi ngayon, ammm ...kailan pa kaya? Dapat ay ngayon na, ok?
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

C. Dimensyong Kontekstwal

Ang dimensyong kontekstwal ay baryasyong nagaganap sa loob ng isang indibidwal.


Nagkaroon ng pagkakaiba sa pananalita ng tao batay sa sitwasyon o kontekstong
kinasasangkutan niya. Halimbawa: sino ang ating kausap, ano ang paksang pinag-uusapan,
at saan nagaganap ang usapan. Dito papasok ang tinatawag nating tenor of discourse at
mode of discourse (Cantillo et al.,2015,pp21-23 ).

Tenor of discourse - tumutukoy ito sa relasyon ng mga taong nag-uusap sa isang


sitwasyon. Ang relasyon ng mga taong nag-uusap ay nakakaimpluwensiya ng malaki sa
paggamit ng pormalidad ng wika.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Halimbawa: Ang pakikipag-usap sa kasing edad o gulang ay naiiba sa pakikipag-usap


sa nakatatanda. Madalas gumagamit ng po at opo upang ipakita ang paggalang na hindi
naman ginagamit kung ang kausap mo ay isang kaibigan o kakilala o kasing edad mo lamang
o mas nakakabata saiyo.

Mode of discourse - tumutukoy ito sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga
tagapagsalita-pasulat o pasalita. Madalas ay pormal ang mga salitang ginagamit sa pasulat
kung ihahambing sa pasalita.

Halimbawa: Ang sariling paraan ng pagsasalita sa klase ay hindi maaaring gamitin


kung sumusulat ng isang pormal na sanaysay. Maaari ring isaalang-alang sa kontekstong ito
ang modelo ni Dell Hymes na tinawag niyang S.P.E.A.K.l.N.G.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Mauuri ang barayti ng wika sa sumusunod:

A. Idyolek - ang kapansin-pansin na paraan ng paggamit ng wika o nakagawain


na pananalita ng isang tao na yunik sa kanya. May mga taong kilometriko at
mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang magsalita nang
malakas o 'di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na may isang salitang
nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng kanilang
pangungusap.

Halimbawa: Sahapong ito ahmm, tatalakayin natin ang tungkol sa ahmm,


lagay ng panahon okey pagkatapos ahmm pag-usapan din natin ang okey
...
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

B. Dayalek - ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng
mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. Tinatawag din itong
panrehiyunal o wikain. Ang dayalek ay palasak sa isang lugar o sa buong kapuluan. Ito ay
unang wikang kinagisnan sa tahanan, pamayanan, at lalawigan. Ito rin ang wikang
namumutawi sa bibig ng mga tao, ng mga magulang sa tahanan at sa sambayanang Pilipino.

Halimbawa: ang Tagalog ay isang wika na sinasalita sa Kamaynilaan, ang mga dayalek
nito ay ang Tagalog-Batangas, Tagalog Cavite, Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-
Bulacan, Tagalog-Laguna, at Tagalog-Quezon.
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

C. Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag itong pansamantala dahil nadedebelop ito sa
pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao, wika ng mga beki o
gay lingo.

Halimbawa:
-Allergy (Galis para sa mahihirap)
- gravy (sarsapara saordinaryong tao)
- slim (tawag samga payat na tao)
- Indiana Jones -nag-indian
- churchill- sosyal
-bigalou-malaki
- givenchy- pahingi
- JuliAndrews-nahuli
- cono o conotic oconyospeak (isangbarayti ng Taglish)

"You make basa kasi para you know naman, ok?" "It's so haba na naman ang linya for sure"
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

D. Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa loob ngbahay.

Halimbawa: inihaw/sugba, tinola/sinabawan/sinigang

E Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na iistruktura. Nadedebelop ito dahil na rin sa pangangailangan
na makabuo ng isang pahayag. Kadalasan, napaghahalo-halo ng nagsasalita ang kanyang unang wika sa wikang
sinasalita ng isang komunidad ng bagong kinabibilangan niya. Nagaganap ito sa dalawang taong may magkaibang
unang wika na nagtatangkang mag-usap ngunit hindi magkaintindihan, na nagbubunga ng tinatawag namakeshift
language.

Halimbawa:
-Kayo bata aralbuti para laki ganda trabaho. (Filipino-Chinese)
-lkawbili bag mura Jang ito.
(English-Nigerian)
-Ino no-I don'tknow
-Ino sabi-1don't understand
-I dey fine- I'm fine. I'm doing well
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

F. Etnolek- barayti ito ng wika na nadedebelop mula sa mga salita ng mga


etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa: Waray, Bukidnon, B'laan, T'boli

G. Creole- isang wikang nagsimula sa pagiging pidgin ngunit paglaon ay


nalinang at lumaganap sa isang lugar hanggang sa ito na ang magiging unang
wika. Nadebelop na ang pormal na istruktura sa puntong ito.

Halimbawa: Chavacano (Tagalog at Espanyol)


Palenquero (African at Espanyol)
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILIPINAS

H. Register - ito ay tumutukoy sa mga salita na espesyalisadong nagagamit saisang partikular na


domeyn. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring hinggil sa mga teknikal o espesyalisadong salita na
ginagamit ng mga taong nasa partikular na disiplina o larangan.

Halimbawa: Ang register na ginagamit ng mga guro sa akademya ay naiiba sa register na ginagamit
ng mga nars at doktor sa medisina pati na rin sa register na ginagamit ng eksperto sa
kompyuter atbp..

Ang guro ay madalas gumamit ng terminong: mag-aaral o estudyante, takdang-aralin o asaynment,


lesson plan; ang abogado: kliyente, depensa, abeyance, sobpuena; ang doktor: pasyente, preskripsyon,
benign, malignant, atbp. Ito ay mga espesyalisadong termino na madalas ginagamit at nababanggit sa kani-
kanilang propesyon.
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

£ayunin: Ang mga sumusunod ay ang mga layuning nais


matamo sbahaging itong pag-aaral:

a. Nailalahad ang konsepto ng kulturang Filipino;


b. Natutukoy angkahulugan atkahalagahan ng wika sakulturang Filipino;
c. Natutukoy ang mga salitanghiram mula sa mga banyagang bansa at ang
impluwensya ng mga ito sawikang pambansa; at
d. Nakapagbabahagi ng sariling palagay ukol sa pagbabago at pag-unlad ng
wikang Filipino.
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pagtukoy sa Tamang Sagot

Panuto: Kilalanin kung mula sa anong wika galing ang mga


salita sa ibaba at maghandang ibahagi ang sagot sa klase.

a. Siomai
b. b.Kutsara
c. c.Bahay
d. d.Alamat
e. e.boksing
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Sinasabing makikilala ang edukasyon, talino, kultura, ng


isang tao batay sa wika na kanyang ginagamit. Maaaring ang
pagkakaiba ng wika ng isang tao ay batay sa kulturang taglay nito.
Ano nga ba ang kultura at paano ito nakaimpluwensya sa ating
wika?
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Kulturang Pilipino

Ano ang Kulturang Pilipino? Walang isang tiyak na kasagutan na makapaglilinaw sa


katanungang ito. May mga nagsasabi na mula ito sa pagbaha ng mga elementong kanluranin at
silanganin at lubhang maka-kanluranin nga ito. Maaaring totoo ang pagpapakahulugang ito para sa
mga Pilipino na nasa urban centers o mga Kristiyano sa kapatagan. Ngunit para sa mga tribu o
pangkulturang komunidad sa mga kabundukan at mga Muslim, hindi maaring basta gamitin ang
huling pagtingin. Ang grupong ito ay lumaban at tumanggi sa simula pa lamang sa sistema atkultura
ng mga mananakop (Rubin et al.,2015,pp.100).

May mga dahilan na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng depinisyon sa kahulugan ng kultura.


May pagpapakahulugan na akma lamang sa isang grupo ngunit hindi para salahat.
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ayon kay Foronda (1975, sa Rubin et al., 2002) parang mosaic ang kulturang Pilipino. Kumakatawan sa mga
katutubong istratum at mga impluwensya ang mga maliliit na batong nasa !ooh ng isang mosaic na bumubuo sa isang
multi dimensyonal atkompleksikong larawang katulad ng larawang Pilipino.

Sina Dela Costa (1961) at Rubin et al. (2002, p. 101)ay may mga sumusunod na pananaw kaugnay sa kulturang
Pilipino.

a. Bunga ng patuloy na pagdaloy ng mga impluwensyang iniluwal ng panahon hanggang sa kasalukuyan na nagmula sa
labas ng heograpikal na hangganan ngbansa.Ang mga impluwensya ng nakaraan atkasalukuyan na patuloy na
naging bahagi ng buhay ng mga Pilipino kayat mahirap nang ihiwalay atnaging natatanging karakter atugaling
Plipino.
b. Bagamat matagumpay na naasimileyt sa kabuuan ang impluwensya ng nakaraan at kasalukuyan, at may iba't ibang
antas ng pagpasok na ito ng mga impluwensya sa mga rehiyon at mga uri sa lipunan na higit na nakaapekto sa
mga sentro ng mga rehiyon habang lumiliit para sa mga liblib na lugar, nagbigay pahintulot naman sa mga may
edukasyon at yaman sabuhay.
c. Ang kulturang Pilipino ay binubuo ng mga elementong iba-iba ang pinagmulan.
d. Hindi nananatili sa orihinal nitong anyo angpangkulturang panghihiram sa
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ang lahat ng aspektong ito (ang proseso ng pagkakaroon ng mamamayan, iba't ibang patem ng
pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa, ang liit o laki ng penetrasyon ng sistema ng pananakop ng
mga Kastila at Amerikano) ay bahagi ng ating kasaysayan.

Sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan sa bansa ayon kay Alegre, hindi nasakop ang
kultura ng mga katutubo. Ang pananatili ng wika ng mga katutubo sa loob ng napakaraming taon ng
pagiging kolonya ay patunay na nanatiling buhay ang katutubong kultura ng mga katutubong Pilipino.
Kahit naging dominante ang wikang dayuhan ay hindi nasira ang kultura ng mga katutubo. Nanatiling
buhay ang wika ng kanilang lokalidad. Patuloy na naging buhay, buo, matatag ang wikang Filipino at
nanatiling may integridad ang kulturang Pilipino (Alegre et al., 1993; Rubin et al., 2002).
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Epekto saWika ng Pandarayuhan ng mga Banyaga

Ayon sa kasaysayan, bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, dumadayo na ang mga
Intsik sa Kamaynilaan, Batangas, Mindoro at Sulu, ganoon din ang mga Orang Dampuan, Orang Banjar,
India, Arabe, Hapones, Ban Siam, Tongkin, Sumatra atJava.

Karamihan sa mga banyagang pumaparito noon ay mangangalakal at nakikipagpalitan ng kanilang


mga produkto sa paraang barter. Ang mga Orang Dampuan aykilalang mandaragat atdala nila
angimpluwensya ng kabihasnang Hindu.

Ang mga Orang Banjar ang dumating sa Sulu at nakipagkalakalan doon. Walang tuwirang ugnayan
noon ang Pilipinas at India subalit sumapit sa Pilipinas ang kulturang Indian dahil sa Indones. Malakas sa
kanila ang impluwensya ng Imperyong Shri-Visaya at lmperyong Madjapahit. Humigit kumulang sa 350
salita sa ating wika ang hango sa Sanskrito. Ang Sanskrito ay sinaunang wika ng mga Indian. Dahil sa
pandarayuhang ito natutuhan din ng mga Pilipino ang wika na sinasalita ng ng mga nabanggit na mga
dayuhan atnaging bahagi mismo ng wikang Filipino.
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Dumating ang relihiyong Islam sa Pilipinas sa loob ng ika-10 siglo ayon sa kasaysayan. Naunang
dumating ang mga mangangalakal na Arabe at sinundan ng mga misyonerong Muslim. Sa Timog-
Kanlurang-Mindanao, napatibay nila ang ugnayan lalo na sistema ng pagsulat, kaugalian, at tradisyon
ng mga Arabe. Sa panahong ito masigla na ang kalakalang namamagitan sa Pilipinas at China sa
paraang barter opalitan ng kalakal. Maraming kaugaliang Intsik ang napulot ng mga mnuno.

Maraming mga salitang Intsik ang natutuhan ng ating mga ninuno at naging bahagi mismo ng
ating wika. Karamihan sa mga ito ay gamit sa pagkain gaya ng: pansit, sotanghon, lumpia, ampaw,
miswa, bihon, siomay, siyopaw, lugaw, bitso, ukoy, tokwa, hopya, hototay, suam, atbp.

Naging bahagi din ng ating bokabularyo ang mga salitang: ate, bakya, bantay, bimpo, bitsin,
bulong, buwisit, kintsay, kutya, kuwago, kuya, ginto, hibi, hikow, ingkong, law/aw, madyong, sabwat,
sang/a, ulikba, atbp.
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Dumating sa Pilipinas ang mga Kastila, Amerikano, at Hapones at ang


kanilang wika ay nagkaroon ng impluwensya saating wikang pambansa.

Mga salitang Kastila: panyo, kamiseta, butones, sinturon, medyas, temo,


bestido, pantalon, sapatos, kaldero, plato, bandihado, tasa , baso, tuwalya,
mesa, kutsara, tinidor, kutsilyo, kama, katre, eskwela, kolehiyo, unibersidad,
maestro, maestra, propesor, klase, estudyante, libro, diksyunaryo, kuwademo,
pare, madre, kumpare, kumadre, misa, atbp.

Mga salitang hiram sa Ingles: basket, boksing, iskul, haiskul, titser, notbuk,
badigard, bolpen, report, kompyuter, asaynment, klasmeyt, klasrum,elebeytor,
atom, asid, mayor, atmaramipang iba.
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Mga Salitang Hiram sa Malay,Arabe, at Sanskrito

Mga salitang Malay: abo, agiw, ama, anak, bahay, basa, bato, bayani,
dahon, dalaga, dingding, gutom, hangin, hari, ilaw, ina, !amok, itim,
langit, lasa, layag, lugi, mata,panday, patay, payong, sulat, taas, tamis;

Mga salitang Arabe: akma, agimat, agnas, a/am, alamat, ani, asal,
bakas, bikig, kalan, dalamhati, ginhawa, hamak, hasik, hirang, hukom,
hudyat, ingat, lagnat,panaw, salamat, salawal, silid;
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Mga salitang Sanskrito: abala, alapaap, alibugha, aral, bagyo, balita, bahala,
bansa, bathala, biyaya, budhi, buhay, kasi, katha, kuta, dalita, digma, dukha, ganda,
gunita, guro, himala, hiya, isip, luksa, mahal, maharlika, mithi, panata, paksa, puri,
saksi, sigla, sinta, tadhana, timawa, utan, wasto.

Sa kasalukuyan, masasabing napakayaman at napakalayo na ng narating ng wikang


Filipino ganun din ang kulturang Pilipino. Hindi maipagkailang ang pagyaman ng ating
wika ay resulta at kontribusyon ng iba't ibang pandarayuhan. Malaki ang naging
impluwensya ng Tsino, Indian, Muslim, Malay,Arabe, Sanskrito, Kastila, Amerikano,
Hapones, atbp. Kasabay ng pagyaman ng wika ay yumaman din ang ating kultura dahil
ang wika at kultura ay magkaagapay.

You might also like