You are on page 1of 9

FILIPINO 12- Sayko-

Sosyolinggwistik na Pag-aaral
sa Wikang Filipino
Aralin 1- Sikolohiya sa Wikang Filipino

• Araw-araw ay nakikisalamuha tayo sa iba’t ibang uri ng


tao. Dito pumapasok ang sikolohiya sa lahat ng aspekto ng
buhay at sa pag-aaral nito ay maiintindihan at mabigyang-
kahulugan ang kaugalian ng bawat isa (Lardizabal, 1989).

• Dr. Virgilio Gaspar Enriquez- Ama ng Sikolohiyang


Pilipino.
• Nilinaw ng “Ama ng Sikolohiyang Pilipino” na ang Sikolohiya
ay tungkol sa kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban at
kaluluwa (Antonio, 2003).
KAMALAYAN at KALOOBAN- ay tumutukoy sa damdamin.
ULIRAT- pakiramdam sa paligid
ISIP- kaalaman at pag-unawa
Ang sikolohiya bilang agham ay nangangailangan ng
maprosesong pag-iisip bago pumasok sa pakiramdam na
nararanasan.
DIWA- ay tumutukoy sa kilos, ugali o asal
KALULUWA- tumutukoy sa budhi ng isang tao
DEPINISYON ng SIKOLOHIYA bilang Agham
(Lardizabal, 1989)

- agham ng pag-aaral sa kaugalian at karanasan ng mga organismong


buhay (Hilgard).
- agham ng kaugalian kasama ang lahat ng uri ng mga pagtugon
(responses) at at pagpigil (inhibitions) ng organism sa nagaganap na
kalagayan (Rutch).
- agham ng pag-iisp, pandama at pagkilos (sa ibang pananalita).
- pag-aaral ng isip, diwa, at asal.
LAYUNIN ng SIKOLOHIYA bilang Agham

1. Deskrisyon at klasipikasyon ng mga kilos-tao


2. Prediksyon ng kilos-tao
3. Pagkontrol sa mga kilos-tao
URI ng SIKOLOHIYA
1. Dalisay- may kinalaman sa pag-unlad at pagtuklas ng mga
simulaing pangkalahatan at mga batas ng kaugalian.
a. Sikolohiyang pangkalahatan- pangkalahatang pangkaugalian.
b. Sikolohiyang pambata- pinag-aralan ang mga kaugalian ng mga
bata.
c. Sikolohiyang Pang-adolescent- pag-aaral ng mga adolescent
d. Sikolohiyan ng pagkakaedad- pag-aaral ng kagulangan.
2. Aplikasyon- ginagamit sa praktikal na sitwasyon ng buhay.
a. Sikolohiyang pang-edukasyon- ang
natuklasan dito ay inilalapat sa edukasyon.
b. Sikolohiyang pangnegosyo- sa negosyo inilalapat.
c. Sikolohiyang pang-industriya- inilalapat sa industriya ang
mga natuklasan.
d. Sikolohiya ng pang-aangkop (adjustment)- naglalapat ng mga
natuklasan ng sikolohiya sa pagtulong sa pag-aangkop ng sarili.
Pamamaraan sa pag-aaral ng sikolohiya:

Introspeksyon – ginagamit ito sa pagmamasid sa sariling kalagayan at


mga proseso gaya ng pag-iisip at pagdama.
Pagmamasid na palayon – dito tinitingnan ay ang kaugalian ng iba.
Pamamaraang pag- aaral- ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
pakikipamuhay kasama ang iba katulad ng ginawa ng mga antropologo
na nakipamuhay sa mga tribu.
Sarbey- ito ay pagkuha ng koro-koro sa pamamagitan ng tanong-sagot.
Eksperimental- tulad ng eksperimento sa biyolohiya at pisika, at
kasaysayan ng buhay.
Ang Sikolohiya ng Wikang Filipino, kung gayon,

- ay ang pag-aaral sa sikolohiya ng mga Pilipinong bunga


ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino.
- masasalamin ito sa biyolohikal, kognitibo,
debelopmental, sosyal, at kros-kultural na pagsusuri
mula sa pag-unlad ng mga wikang kasangkot dito.
(Antonio at Rubin, 2003)

You might also like