You are on page 1of 14

SAYKO-SOSYOLINGGWISTIK NA PAG-

AARAL SA WIKANG FILIPINO

Aralin 1
ARALIN 1
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO
Simulan Natin
 
   

Magandang araw! Ayon sa isang kasabihan, “Huwag husgahan
ang aklat sa kanyang pabalat.”.
 Araw-araw nakasasalamuha natin ang iba’t ibang uri ng
tao. Iba’t ibang gawi na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon ng isang
tao. Isang sukatan palagi ng paghuhusga, positibo o negatibo man
ang panlabas na kaanyuan ng pag-uugaling tao at kasama na rito
ang kanyang mga ikinikilos, Sa ganitong sitwasyon, pumapasok sa
pang-araw-araw nating pamumuhay ang sikolohiya.
Natitiyak kong may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin
kung ang mga ideyang ito ay tumutugon sa mga konseptong saklaw
ng aralin sa bahaging ito at masagot ang iyong mga katanungan.
Sa araling ito, kayong mga mag-aaral ay inaasahang :
 A. natutukoy ang kahulugan ng sikolohiya ng
wikang Filipino;
 B. naipaliliwanag ang kahalagahan ng
sikolohiya sa wikang Filipino; at
 C. naiuugnay ang sikolohiya sa wikang Filipino.
 
 Ano ang Sikolohiya ?

Ang Sikolohiya ay tungkol sa kamalayan, ulirat, isip,


diwa, kalooban at kaluluwa > Ito ay ayon kay Dr.
Virgilio G. Enriquez na kilala bilang “Ama ng
Sikolohiyang Pilipino “. (Antonio, 2003).
Si Dr. Virgilio Gaspar-Enriquez ay kilala sa tawag na
“Doc E”. Ipinanganak siya sa Santol, Bigan, Bulacan
noong Nobyembre 24, 1942 at yumao noong Agosto 31,
1994 sa California, U.S.A..
Ayon sa aklat ni Lardizabal (1989) ang Sikolohiya ay :
- isang agham ng pag-aaral sa kaugalian at karanasan
ng mga organismong buhay. (Hilgard)
- Itoy agham ng kaugalian kasama ang lahat ng uri ng
mga pagtugon (responses) at pagpipigil (inhibitions)
ng organismo sa nagaganap na kalagayan (Rutch)

-ang sikolohiya ay agham ng pag-iisip, pandama at


pagkilos

- Itoy pag-aaral ng isip, diwa at asal. Isang


siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at
tungkulin nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos,
mental na katangian o atitude ng isang tao o pangkat.
Alamin natin ang kahulugan ng mga sumusunod:

DAMDAMIN– tumutukoy ito sa kamalayan at


kalooban. Kasama sa kamalayan ay ang kaalamang
nararanasan ng isang tao.
 ULIRAT- Ito ay pakiramdam sa paligid. Binibigyan
natin ng interpretasyon at pinapakiramdaman ang
paligid.
ISIP- Bilang sikolohiya, ito ang kaalaman at pag-
uunawa natin
DIWA- Ito ay ang kilos, ugali o asal.
KALULUWA- Ito ang budhi ng isang tao
 Binibigyan natin ng interpretasyon at pinapakiramdaman ang paligid.
Pakiramdaman natin baka huling araw na natin sa buhay. Pakiramdam
natin baka darating na ang Panginoon para tayo’y husgahan.
Pakiramdam natin nakatatakot dahil baka ang paligid ay hindi na
ligtas sa mga posibleng mangyari. Muli, dito pumapasok ang sikolohiya
bilang agham. Papag-aralan ng siyensiya kung bakit nangyayari ito.
Nangangailangan ng maprosesong pag-iisip bago pumatol sa
pakiramdam na ating
 nararanasan. Bilang sikolohiya, ang kaalaman at pag-unawa natin ay
tumutukoy sa ISIP. Masaklaw ang pag-unawa at kaalaman ng bawat
isa. Bawat isa ay may kanya-kanyang pag-iisip na maaaring epekto ng
maraming salik. Bakit ganoon ang kaniyang iniisip? Akala niya ay
makatotohanan, iyon pala’y nasa isip lang niya. “Feeling” lang ika nga
ng mga kabataan sa kasalukuyan. Siya lang ang nakakaalam ng lahat.
Hanggang pakiramdam lang pala niya.
 Mga Uri ang Sikolohiya
1.Dalisay (pure). Ito’y may kinalaman sa pag-unlad at
pagtuklas ng mga simulaing pangkalahatan at mga
batas ng kaugalian. Higit itong interesado sa
katotohanan kaysa aplikasyon nito.
Ang mga halimbawa nito ay:
a. Sikolohiyang pangkalahatan na tumutukoy sa
pangkalahatang pangkaugalian;
b. Sikolohiyang pambata na pinag-aaralan ang mga
kaugalianng mga bata;
c. Sikolohiyang pang-adolescent na may kinalaman sa
pag-aaral ng mga adolescent;
d. Sikolohiya ng pagkakaedad kung saan may mga
kagulangan naman dito ang pinag-aaralan.
2. Aplikasyon ito’y uri ng sikolohiya na ginagamit sa mga praktikal na
sitwasyon ng buhay. Ang pananaliksik ng siyentipiko ay siyang
inaasahan para makabatid at makaunawa.

Mga halimbawa rito ay:

Sikolohiyang pang-edukasyon - ang anumang natuklasan dito ay


inilalapat sa edukasyon
S
Sikolohiyang pangnegosyo – sa negosyo inilalapat ang natuklasan;

Sikolohiyang pang- industriya - inilalapat sa industriya ang mga


natuklasan; at

Sikolohiya ng pang-aangkop (adjustment) - na naglalapat ng mga


natuklasan ng sikolohiya sa pagtulong sa pag-aangkop ng sarili ng isang
tao.
Tinitingnan ng tao sa sikolohiya bilang isang organism
o isang grupong tagatanggap na mga mekanismo o
mga reseptor na tinutukoy na sense organs, tagapag-
ugnay na mga mekanismong binubuo ng
palanerbyusan o nervous system at paladaluyan o
circulatory system at tagatugon na mga mekanismong
bumubuo sa mga gland at mga kalamnan; nabubuhay
ang tao sa isang sitwasyon, mga institusyon,mga bagay
na pisikal. At ng lahat ng bagay sa ating kapaligiran na
maaari ring may iba’t ibang hulwaran.
Ano-anong pamamaraan ang gagamitin natin sa pag-aaral ng
sikolohiya?
 1.Gamitin ang introspeksyon o ang pagmamasid sa sariling
kalagayan at mga proseso gaya ng pag-iisip at pandama;
2.Pagmamasid na palayon kung saan ang tinitingnan ay ang
kaugalian ng iba. 3.Pamaraang pag-aaral na ginagawa sa
pamamagitan ng pakikipamuhay kasama ang iba katulad ng
ginawa ng mga antropologo. Nakipamuhay sila sa mga tribu;4.
Sarbey - pagkuha ng kuro-kuro sa pamamagitan ng tanong-
sagot 5.eksperimental - tulad ng eksperimento sa biyolohiya at
pisika at kasaysayan ng buhay . Pinag-aralan dito ang tao para
matunton ang pagkalinang na partikular na anyo.
 Sa kasalukuyang panahon ang sikolohiya ng mga Pilipino
ay kinasasangkutan ng wika na binibigkas na nagpapakita ng
kanyang iniisip. Ang kanyang kaugalian , paniniwala, pananaw
at iba pa ay tinatawag na Sikolohiya ng Wikang Filipino.
Sa Sikolohiya ng Wikang Filipino, kung gayon, ay pag-aaral sa
sikolohiya ng mga Pilipinong bunga ng karanasan, kaisipan at
oryentasyong Pilipino na masasalamin sa biyolohikal,
kognitibo, debelopmental, sosyal at kros - kultural na
pagsusuri sa naging pag-unlad at tunguhin ng mga wikang
kasangkot dito, (Antonio, 2003).

 Ang pagbibigay ng wasto at malinaw na kasagutan


sa “Bakit” ay isang suliranin. Ang tanging kasagutang
makalulutas sa suliraning ito’y walang iba kundi isang
makaagham na paliwanag. Kailangan nating makita kung ano
ang pagbabago sa ating pagkamalay sa ating daigdig tuwing
nagbabago tayo ng wikang ginagamit. Sa ganyan, nauunawaan
natin kung bakit nagbabago ang ating kamalayan kapag
nagbabago na tayo ng wika (Antonio et al., 2011).

Maaaring may kinalaman ang wikang ating ginagamit sa
ating kamalayan. Hindi lamang sapat na malaman natin na
totoong may kinalaman ang wika sa nabanggit. Ito’y
kailangan pa ring gawan ng paglilinaw na isasagawa sa
kabuuang wikang ating ginagamit para maiugnay ang mga
ito. Katulad na lamang kapag hindi natin masabi kung ano
ang katawagan sa bagay na ating namalayan sa ating tabi,
samantalang nakaupo sa silyang nasa kanan ng pinto sa
salas ng bahay ni Dr. Porque. Sakaling gusto nating tukuyin
ito, may dalawang paraan tayong maaaring magamit. Una,
maaari nating hilahin at sabihin sa usiserong kaibigan sa
pook na kinamalayan ng bagay na hindi alam ang
katawagan at ituro na lamang ang bagay na iyon. Maaaring
sabihin na “Iyan ang bagay na ating nakita sa ating tabi
samantalang nakaupo tayo sa bahay ni Dr. Porque; o maaari
ring sabihin nating “May nakita akong kuwan doon.”
Ang iyong naging tugon sa mga gawaing inilahad ay
naghatid sa iyo ng higit na kaalaman, ngayon muling
ipagpatuloy ang iyong pagtuklas ng kaalaman sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga naghihintay na
gawain.

You might also like