You are on page 1of 2

Ikalawang Markahan

Modyul 5: Mga Batas na Nakabatay sa likas na batas Moral


1. Robert Fulghum –nagsasabi na natutuhan na natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo ay
musmos pa lamang. (p.65)
2. First do No Harm – sa latin primum non nocere- sinasabi nito na ang unang layunin ng manggagamot ay hindi
makapagdulot ng sakit.(70)
3. “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip, lahat ng tao ay may kakayahang umunawa ng kabutihan.” Ayon kay
STO TOMAS DE AQUINO (71)
4. “aNG pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip, kundi sa larangan din ng
pakiramdam.: ayon kay MAX SCHELER (p.71)
5. Mga gabay upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti. Sagot: isip at puso (p. 71)
6. Ang MABUTI ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at
ugnayan. (72)
7. Ang TAMA ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak, sitwasyon. (p.72)
8. Ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. (p.73) Sagot: maging Makatao
9. Ang pagiging makatao ay nangangahulugan ng pagpanig sa tao.
10. Universal Declaration of Human Rights (UDHR) natala ang mga karapatang pantao na ideneklara ng United
Nation
11. Ito ang mekanismo ng pamahalaan upang isakonkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao.
(p. 74) Sagot: BATAS
12. Ito ANG nagbibigay ng proteksyon sa mga karapatang pantao. (p.74) Sagot: ESTADO
13. Ito ang nagsisilbing batayan ng mga Batas ng Tao. Sagot : Likas na Batas Moral
14. Ang Likas na Batas Moral ay ipinagkaloob sa tao noong siya ay LIKHAIN.
15. Ayon kay SR. FELICIDAD LIPIO BINIBIGYANG DIREKSYON NG batas moral ang pamumuhay ng tao.

Modyul 6: Karapatan at Tungkulin

1. Ito ay ang kapangyarihang moral, na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng
tao. (p.85) Sagot: KARAPATAN Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nararapat para sa isang nilalang o bagay.
2. MGA Uri ng karapatang hindi Maiaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino
a. Karapatan sa buhay- pinakamataas na antas ng karapatan.
b. Karapatan sa pribadong ari-arian – Kailangan niya ang mga ariarian upang mabuhay ng maayos.
c. Karapatang magpakasal- Karapatan ng taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
d. Karapatang magpunta sa ibang lugar. Dahilan ng paglikas ay :
1. upang maghanap ng oportunidad sa trabaho.
2. Upang takasan ang kamatayan, pananakot
e. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya.
f. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. –Obligasyon ng pamahalaan na magbigay ng trabaho sa
mamamayan.
3.Kapayaan sa Katotohanan – Pacem in Terris ; Mga karapatang pang-indibidwal. (p. 87)
a. karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib.
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan tulad ng pagkain damit, tahanan, edukasyon
c. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
d. Karapatan sa pagpili ng relihiyon at konsensiya
e. Karapatan sa pagpili ng propesyon
f. karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar
g. karapatan sa pakikilahok sa pampublikong Gawain.
h. karapatan sa pantay na proteksyon ng batas.
4.Ang karapatan ay isang kapangyarihang moral. (p.88)
5. Ang tungkulin ay isang obligasyong moral.
6. Ang KARAPATAN at TUNGKULIN ay parehong nakabatay sa Likas na Batas Moral (p. 88)
7. Ang TUNGKULIN ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng tao.

Modyul 7: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng tao.


1. Ito ay isang Gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain .(p. 102)
Sagot: Paggawa
2. Ayon kay Pope John Paul II. Ito ay anumang Gawain-pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan o
kalagayan nito. Sagot: Paggawa
3. Ayon kay Estebaan S. J. , 2009 ito ay tungkuling kailangang isagawa ng may pananagutan. Sagot: Paggawa
4. Ayon sa aklat na Work: The Channel of Values Education, ito ay isang aktibidad o Gawain ng tao. Maaaring
mano-mano o nasa larangan ng ideya. Sagot: Paggawa
5. Ito ay resulta ng pag-iral ng tao. Sagot : Paggawa

Layunin ng Paggawa (p. 103-105)

a. Upang kitain ng tao ang salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
b. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham
c. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
d. Upang tulungan ang mga nangangailangan.
e. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao.
6. Ito ay ang kalipunan ng mga Gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao.
Sagot: Obheto ng paggawa (p. 106)
7. Ang maituturing na subheto ng paggawa ay ang_____. Sagot: Tao (p. 106)

“Ang paggawa ay para sa tao, hindi ang tao para sa paggawa.”

Modyul 8: Pakikilahok at Bolunterismo


1. Genesis 2:18 :” hindi mainam na mag-isa ang tao bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong”. (p. 119)
2. Nangangahulugan ito ng pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kanyang kapuwa.
Sagot: Dignidad (p.119)
3. Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat ng mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat.
Sagot: Pakikilahok (p. 119)
4. Mga antas ng pakikilahok
a. Impormasyon- pagbabahagi ng nakalap na nalalaman o impormasyon.
b. Konsultasyon – pagbibigay ng mas malalim na impormasyon
c. Sama-samang pagpapasiya – pagpapasiya ng lahat o nakararami.
d. Sama-samang pagkilos- pagkilos ng lahat para makatulong sa lipunaan
e. Pagsuporta- Hindi lamang ito tumutukoy sa tulong pinansiyal kasama rin ditto ang pagbabahgi ng talent o
anumang tulong na galing sa puso.
5. Ito ay paraan ng paglilingkod ng na nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa na hindi naghahangad ng anumang
kapalit. Tintawag din itong, damayan, bayanihan, damayan, kawanggawa o bahaginan. Sagot: Bolunterismo
6. 3 T’s sa Pakikilahok at Bolunterismo
a. Time (Panahon)
b. Talent (Talento/kakayahan)
c. Treasure (kayamanan)

You might also like